Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

T H I R T Y - T H R E E

“Mom-mom? Are you and Dad-dad getting married?” my son asked.

We were peacefully lying on the floor facing the beautiful scenery of the night’s city lights. I placed a very soft yet thick blanket beneath us so we could lay there comfortably. And we were surrounded with pillows to be more comfortable.

Nakasandal ako sa malaking unan sa likod ko habang ang anak ko naman ay nakahiga patiyaha sa katawan ko. Gaya ko ay pinapanood niya ang magandang tanawin sa labas ng glass wall ng condo ko. Hinahaplos ko rin ang buhok niya gaya ng nais niya.

After our incident with Ville, my son started asking me with an unanswerable questions. It’s been two days since it happened and until now I was still in euphoria yet havocked. At paulit-ulit akong tinatanong ng anak ko kung kailan daw kami tuluyang magkakasama sa iisang bahay kasama ni Ville. At ang bagay na iyon ang hindi ko masagot.

“Mom-mom?” pagkukuha niya sa atensyon ko.

“Hmm?”

“When are you and Dad-dad getting married?” he asked.

I breathed and blinked. I was trying to calm myself. I just couldn’t help but hyperventilate with the thought of me and the gagong attorney getting married.

“Uhm.. Why do you want me and your Dad-Dad to get married?” I asked. Trying to change the subject.

“Because you love each other. Remember, when two people loved each other, they would get married?” sagot niya.

I chuckled. “Well, how sure are you that I love your Dad-dad?”

Natahimik siya. Nag-alala ako dahil baka gaya noong una ay iiyak din siya.

“I just feel it,” he answered.

I raised my brows and chuckled as my cheeks reddened. “ Hmm… keep guessing.”

He yawned.

“Inaantok ka na ba?” tanong ko habang hinahaplos ang buhok niya.

Agad siyang tumango. “Yeah.”

Inayos ko siya ng higa sa tabi ko saka pinaunan sa braso ko. Kinumutan ko siya saka hinalikan sa noo.

“Goodnight, baby,” I whispered.

“Goodnight, Mom-mom,” he answered and doze to sleep.

I was just watching him sleep and when I finally felt like he’s already in a deep sleep, I let him go and faced the city outside. The peacefulness brought me back to the memories of the past. I should’ve not think about it but I just couldn’t help it. It would just came up into me as if everything was a Déjà vu.

Well, I guess what they said was true. You could see the past at some point of time where everything was silent.

Sobrang sarap ng mga ala-ala namin ni Ville noon. Way too good to be true. Who would have thought that everything would change amidst the perfect love that we had? Maybe, they were right. There are no perfect thing in the world, so if there was, note that it would just end in an instant.

I breathed out. “Lahat ng perpekto, hindi nagiging maganda ang kinalalabasan sa huli.”

Humikab ako. Ramdam ko na ang antok ko. Tuluyan na ring pumipikit ang talukap ng mga mata ko. Kaya tumagilid na ako ng higa saka niyakap ang katawan ng anak ko bago ako tuluyang tinangay ng antok.

“Hoy, Nik! Senyorita! Hoy gumising ka na nga! Kanina pa gising ang anak mo samantalang ikaw tulo pa rin ang laway!”

Inis akong napakamot sa pisngi ko. Antok na antok pa ako dahil may katagalan din bago ako nakatulog kagabi. Ano ba naman kasi itong si Nivia ang ingay-ingay! Kung naka-move-on na, edi tumahimik! ‘Nu ba!

“Hoy!” saad niya saka bahagya pa akong tinadyakan sa tagiliran na ikinaigtad ko.

“Hmm! Bwesit ka! Natutulog ang tao, eh! Alis diyan! Bwesit!” ungol ko habang nananatiling nakapikit.

“Oh, sige ha! Bahala ka diyan!” rinig kong asik niya.

Wala nang nagsalita pagkatapos kaya muli na akong tinangay ng kadiliman. Ang ganda pa ng panaginip ko. Ako raw ay may lobo, lumipad sa langit, ganon!

Ramdam kong may mainit na bagay ang biglang yumakap sa katawan ko. Napakunot ang noo ko at humarap sa bagay na ito. Kinapa-kapa ko ito dahil medyo masarap siya sa pakiramdam.

Isiniksik ko ang sarili ko dito saka patuloy sa pagkapa. Napatigil ako nang may nahawakan akong isang umbok. Kumunot ang noo ko. Pinisil ko ito.

Matigas siya.

Nakarinig ako ng ungol.

Ipinagsawalang-bahala ko na lang ito saka ipinanatili ko na lamang ang mga kamay dito at saka bumalik na sa pagtulog. Masarap matulog kapag mainit ang unan at kumot.

“Mom-mom!”

Napahiyaw ako nang biglang narinig ko ang sigaw ng anak ko. Agad akong napabangon sa kaba. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa gulat.

Lumingon-lingon ako upang hanapin ang kinaroroonan ng anak ko. At napatigil ako nang makita siyang tumatawa habang nakahiga sa carpeted floor. Kinikiliti ito ng gagong attorney.

Napakurap ako.

Teka, anong… ginagawa ng taong ‘to dito?

“Ah… what a beautiful view for a morning like this.”

Napakurap ako habang nakatitig sa kanila. Nakaharap na silang dalawa sa akin habang buhat ni Ville si Nicco. Nakangisi siya habang nakatingin sa akin habang ang anak ko ay malawak na nakangiti.

Ngunit muli ay napatigil ako pati ang paghinga ko nang matantong hindi sa mukha ko nakatingin ang gagong attorney… kundi sa dibdib ko.

“What—”

Mabilis akong napatingin sa dibdib ko at gayon na lamang ng pagtili ko at panlalaki ng mga mata ko nang matantong nakababa ang spaghetti strapped pajama ko at lumuwa ang dibdib ko… at wala akong bra!

Namula ako saka agad na tumakbo paalis sa kinaroroonan ko habang tumitili. Ramdam ko ang hiya sa katawan ko habang tumatakbo papasok sa kwarto ko saka agad na nagbihis.

Ngunit dinig ko naman ang malakas na halakhak ng gagong attorney.

God!

“Peste!” asik ko nang makapasok sa kwarto ko.

Ngumuso ako saka pinunasan ang luhang kumawala sa mata ko. Hindi dahil sa sakit kundi dahil sa pagkapahiya.

Napabuga ako ng hangin saka agad na pumasok sa banyo. Mabilis akong naligo upang sana’y maalis ang pamumula ng mukha ko at pagkapahiya ko.

Nang matapos ako ay agad akong nagbihis. Isang simpleng square-neck green t-shirt at white shorts ang suot ko. Tumingin ako saglit sa salamin bago tuluyang lumabas.

Kahit sa paglabas ko ay ramdam ko ang pamumula ko. Pero, isinantabi ko na lang.

When I reached the living room, I called my son. “Baby—”

“Yes, baby? Do you want me to give your cold morning with my warmth?” nakangising sagot sa akin ng gagong attorney.

Namula ako at hindi ko siya tiningnan. Bahala siya diyan!

“Baby—”

“Yes, baby? Do you need it now?” muli’y sagot niya. Malapit nang masagad ang pasensya ko!

Pumikit ako ng mariin saka bumuga ng hangin. Iminulat ko ang mga mata ko saka pinakalma ang sarili ko.

“Baby—”

“Yes, baby—”

“Ano ba, Ville?! Bwesit ka, manahimik ka! Hindi ikaw ang kausap kong gago ka! Argh!” inis kong sabi saka nilapitan siya at pinahahampas.

Ngunit sa halip na mainis at tumawa lamang siya saka hinayaan akong hampasin siya.

“I know you love my biceps and hot abs, baby. Hindi naman ako madamot kaya it’s all yours,” pang-aasar niya.

At successful naman. Kasi talagang napikon ako!

Napapadyak ako saka sinipa ang binti niya na ikina-aray niya. Na siyang ikinatuwa ko.

“Buti nga sayo!” I smirked.

Binuhat ko ang anak ko saka tumungo na sa kusina. Ngunit, dahil gago talaga si Ville kaya nagsalita na naman.

“Nakakalito talaga kung nasaan ang likod at harap sayo. But, I can manage though. May mahahawakan naman ako diyan,” sabi niya na ikinapula ko.

I just dodged it and just acted like I didn’t hear anything. Nagpatuloy na lamang ako papasok sa kusina habang buhat ang anak ko.

Bahala siya diyan!

“Dad-dad! Come!” tawag ng anak ko sa gagong attorney.

Napapikit ako ng mariin. Ano ba naman ‘tong anak ko! Hindi marunong makiramdam!

“Coming son!” sagot ng gagong attorney.

Napataas ang kilay.

Aba! Nakiki-son ang gago!

Tumuloy na lamang kami sa kusina. Naabutan ko si Nivia na nagluluto roon. At nang makita niya kaming tatlo na magkasabay na naglalakad ay agad siyang ngumisi na siyang ikinairap ko.

“Wow! Ano ‘to? Family day? Complete family na kayo ganoon?” nakangisi niyang saad.

Inirapan ko siyang muli. “Ano ba iyang niluluto mo?”

“Ay! Change topic yarn?” pang-aasar niya.

Inis ko siyang tiningnan. “Sumagot ka na nga lang ng maayos. Ang gulo mo talaga kausap!” asik ko.

Naupo ako sa upuan sa hapag-kainan. Pauupuin ko na sana sa mga hita ko ang anak ko nang kunin siya sa akin ni Ville. Taka kong tiningnan ang gagong attorney. Ngunit nakangiti lamang siya ng malawak habang binubuhat ang anak ko.

Bumaling siya kay Nivia nang may malawak na ngiti saka masiglang bumati. “Good morning, Niv!”

“Aba! Ganda ng morning natin, Clad, ah! Anong meron?” pang-aasar ng malisyosa kong kapatid.

Namula ako. Feeling ko kasi ay may alam itong kapatid ko sa nangyari kanina, eh. O baka nakita niya?! Naku, tangina!

“Of course! Ang ganda kasi ng view dito,” masiglang sagot ni Ville.

Mas lalo akong namula saka yumuko na lang. Nakakabwesit talaga silang dalawa! Ang sarap magmura pero naririto ang anak ko!

“Ay! Talaga ba? Syempre, magaling pumili kasi iyang kapatid ko. Kaya maganda talaga tingnan,” sabi ni Nivia.

“Yeah! I even wanted to touch it,” nakangising sabi ni Ville na ikinakunot ng noo ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Ano ang hahawakan?!” asik ko.

Inosente siyang bumaling sa akin. “Iyong clouds. The clouds lately really looked so soft, so tender, so smooth—”

“Edi wow! Soft tsaka tender at smooth!” tumatawang wika ni Nivia.

Sinamaan ko ng tingin silang dalawa. Kung nakakamatay lang ang tingin ay patay na silang dalawa ngayon.

Humalukipkip ako at kahit na asar na asar na ako ay pilit kong pinakalma ang sarili ko. Ayokong maging murderer. Masyado akong maganda para diyan.

“Bilisan mo na nga lang na magluto diyan, Niv. Nagugutom na ako,” wika ko.

“Demanding ka, girl?” irap sa akin ng gaga.

“Eh paano kasi, puro ka salita!” asar kong sabi.

Sa halip na magalit ay humagalpak lamang siya ng tawa. Hinarap na niyang muli ang niluluto niya. Mabuti naman!

“Anyways, aalis nga pala ako ngayon, Nik,” sabi ni Nivia.

Tinaasan ko ng kilay ang likod niya. Nakaharap kasi siya sa niluluto niya kaya nakatalikod siya sa amin.

“Bakit parang araw-araw ka na lang na umaalis? Masyado ka yatang busy this past few days. Ano ba iyang pinanggagawa mo?” kunot-noo kong tanong.

Kahit naman gaga siya at malisyosa ay nag-aalala pa rin naman ako sa kanya.

“Travel, duh!” sagot niya.

“Nagta-travel ka ng mag-isa? Hindi ba delikado iyon?” tanong ko.

Humarap siya sa amin. “Malaki na ako, Nik. Kaya ko na ang sarili ko, no! Tsaka, uuwi naman ako dito kapag nagugutom na ako,” sabi niya na ikinairap ko.

“Bahala ka. Basta kapag may kailangan ka sa akin, sabihin mo lang,” sabi ko kaya tumango na lamang siya.

Ilang minuto kaming natahimik nang biglang nagsalita ang anak ko.

“Mom-mom, I and Dad-dad’s will just play in the living room,” paalam niya.

Tiningnan ko siya saka pilit iniwas ang tingin sa gagong attorney. “Sige. Pumunta ka lang agad dito kapag tinawag ko na kayo,” sabi ko na tinanguan niya.

“Let’s go, Dad-Dad!” he beamed and hugged Ville’s neck.

“Let’s go, son! What do you want to play, hmm?” tanong agad ng gagong attorney sa anak ko.

“Hmm… car?” sagot ni Nicco.

“Car? Okay. Let’s play cars,” agad na payag ni Ville.

“But thank Mom-mom first because she let us play,” saad nang anak ko na ikinaigtad ko.

Ano ba naman ‘tong anak ko? Pahamak!

“Oh! Of course!” sabi ng gagong attorney. “Baby?”

Hindi baby ang pangalan kong gago ka!

“Baby?” ulit niya.

Hindi pa rin ako lumingon at nanatiling straight na nakaupo at nakahalukipkip. Narinig kong bumuntong hininga siya. Narinig ko ang mga yabag niya ngunit hindi papalayo kundi papalapit.

Bumangon ang kaba sa dibdib ko kaya agad akong napalingon. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang labi niya ang sumalubong sa akin.

Ngumiti siya nang humiwalay ang labi niya sa akin. “Thank you, baby. And thank you… for the view lately,” sabi niya saka umalis na nakangisi.

Nanlalaki ang mga matang namula ako. Ramdam ko ang mga paru-paro sa tiyan ko.

Narinig ko ang malakas na tawa ni Nivia na ikinapikit ko ng mariin. Bwesit!

“Hays! Sanaol!” sigaw ni Nivia.

Hindi ko na lamang siya pinansin dahil baka mainis lang ako lalo. Alam ko pa naman kung gaano siya ka gaga. At mas lalong alam niya kung paano ako mapikon.

Nagtimpla na lamang ako ng kape para sa akin. Habang nagtitimpla ay hindi ko mapigilang mapaisip.

“Niv, nagkape na ba si Ville?” tanong ko sa kanya.

Kakatapos niya lang na magluto kaya inihain niya na ang mga niluto niya. Adobong manok saka sinigang na bangus ang nakahain na sa mesa kasama na ang kanin. Naghanda na rin siya ng mga pinggan at kubyertos.

“Ay! Concerned yarn?” nakangisi niyang saad kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Pwede ba? Sumagot ka nga ng maayos. Tinatanong ka ng maayos, eh. Tsaka, saan mo ba natutunan iyang ganyang words ha?” kunot-noong tanong ko.

“Sumusunod lang sa uso,” sabi niya saka nag-flip-hair.

Napailing na lang ako saka sumimsim sa kapeng tinimpla ko.

“Tawagin mo na nga lang ang mag-ama mo. Sabihin mo na kakain na tayo,” utos niya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. “Mag-ama?”

Tinaasan niya rin ako ng kilay pabalik. “Yes! Mag-ama!”

“Gaga ka ba? Ano bang mag-amang pinagsasabi mo diyan? Alam mo ang hilig mo talagang mang-asar, no? Out of the boundary ka na kaya. Hindi mo ba alam?” kalmado ngunit blanko kong saad.

Ngumuso siya saka naupo sa upuan. Naging mailap din ang mga mata niya. “Ay ganon? Inaasar ko lang naman kayo kasi ship ko kayong dalawa, e.”

“Hmm… you do know that your excuse is lame, right?” taas-kilay kong tanong.

Mas lalo siyang napanguso. “Oo. Pero kasi alam ko namang mabait si Clad—”

“Akala ko ba ay wala kang tiwala sa kanya noong una pa lang? Akala ko ba ay alam mong sasaktan niya lang ako noong simula pa lang? Bakit biglang ship mo na kami ngayon?” tanong ko.

Saglit siyang tumingin sa akin. “Eh… kasi… hays! Kasi naman, Nik, I know that Clad is a good man. He’s not perfect kaya nangyari ang mga nangyari na noon. Pero, diba nga? Hindi naman pala sa kanya ang bata, e. Hindi mo pa rin ba siya pagbibigyan? Second chance?”

Bumuntong hininga ako saka tumayo mula sa upuan na inuupuan ko. Lumapit ako sa glass wall ng kusina saka sinilip ang labas na natatabunan ng kurtina.

Nivia has a point though.

“Second chances? Alam mo… second chances are lame,” sabi ko saka mapaklang tumawa.

“Tsk. Anong ibig mong sabihin? Hindi ba nga, second chances is another beginning?” wika niya mula sa likod ko.

“Yes, Niv. Second chance is a new beginning. New beginning of mistakes,” sarkastiko kong sabi.

She scoffed. “Ano ka ba naman, Nik? Pagbigyan mo lang naman kahit kunti. Alam naman natin pareho na maayos siyang tao, e.”

“Oo, Niv, alam ko. Hindi naman ako tanga para hindi makita iyon. Hindi ako tanga na hindi makitang unti-unti na naman niya akong nilalapitan at pinapahulog sa kanya. Nakikita ko lahat ng iyon. Napapansin ko lahat,” sabi ko. Lumingon ako sa kanya saka hinarap siya. “Pero, alam mo kung ano ang kinakakatakutan ko? Ang masaktan ulit.”

“Nik, hindi naman natin maiiwasan iyon. Kapag nagmahal ka talagang masasaktan ka. At kapag nasasaktan ka, ibig sabihin non nagmamahal ka,” saad niya.

Oo, masakit talagang magmahal. Kaya nga nasaktan ako noon. Kaya nga nasasaktan pa rin ako ngayon. Dahil inaamin ko… unti-unti na naman akong nahuhulog sa kay Ville. Unti-unti na namang minamahal ng puso ko ang buong pagkatao ni Ville.

Ngumiti ako ng tipid. “Pero kapag ikaw ang nagmamahal, ikaw talaga palagi ang nasasaktan.”

Natahimik siya saka biglang naging mailap ang mga mata niya. Kita ko ang muling pagguhit ng lungkot, pait at sakit sa mga mata niya. Hindi ko alam kung sa anong dahilan. Pero isa lang ang nasa isip ko. Si Jacinto.

“Diba, Niv? Masyado tayong nagmamahal, kaya higit tayong nasasaktan,” sabi ko.

Suminghap siya ng hangin. “Tawagin mo na nga lang sina Clad at baby boy. Kakain na tayo,” sabi niya saka tumayo at pumasok sa banyo.

Napatitig ako sa pintuan na pinasukan niya. Noong una pa lang, alam ko nang may mali. At alam kong konektado ito kay Jacinto. Hindi ko alam ang totoong nangyari sa pagitan nilang dalawa, pero hindi ko mapapatawad si Jacinto kapag nalaman kong may ginawa siyang ikinasakit ng kapatid ko.

Bumuntong hininga na lamang ako saka sumimsim sa kape ko. Ngunit napagtanto kong ubos na pala ito kaya inilagay ko na lang sa lababo.

Ilang beses kong tinapik ang dibdib ko. Pilit iwinawaksi ang bigat at sakit na nararamdaman ko.

Tumungo na lamang ako sa living room. Natagpuan ko ang dalawa na naglalaro ng mga laruang sasakyan. Kita ko ang saya sa mga mata nilang dalawa. And would I be selfish if I would end everything between them for my heart to be peaceful again?

Tumikhim ako. Napalingon sila sa akin.

“Kakain na. Tara na,” sabi ko saka agad na ring tumalikod.

“What’s the ulam, Mom-mom?” tanong ni Nicco sa akin mula sa likod ko.

Nilingon ko siya saka tipid na nginitian. “Sinigang na bangus tsaka adobong manok. Your Tita Nivia cooked it so you’ll probably love it,” biro ko.

Hindi naman kasi talaga magaling magluto si Nivia. Ang may sensitive na tiyan ay baka magkasakit kapag kumain ng niluto ni Nivia.

“Oh no, Mom-mom! Did she cooked it well? Or was it still raw? Was it still bloody? Or was it very salty? Or did she put sugar in it?” sunod-sunod na tanong ng anak ko.

Napatawa ako. Gayundin si Ville na binalewala ko na lamang.

Lumapit ako sa kanila dahil buhat siya ni Ville saka pinisil ang pisngi niya dahilan ng pagnguso niya.

“Huwag na huwag mo talagang iparinig iyan kay Tita Nivia mo kundi, naku! Lagot ka!” natatawa kong sabi.

Ngumuso siya. “But it’s true.”

“That’s bad, baby. Your Tita Nivia will get hurt if you would let her hear that,” malumanay na saad naman ni Ville kaya tumango ako bilang pag-sang-ayon.

“Well, I was just kidding though. I love how she cooks,” nakangusong sabi ng anak ko.

I chuckled and kissed his cheek. “Good boy. Kainin na lang natin, hmm? Masarap pa rin naman iyon, diba?” saad ko.

He nodded. “Yeah. After all, it’s food!” he beamed.

I and Ville laughed.

Agad na kaming tumungo sa hapag-kainan saka agad nang kumain nang lumabas na si Nivia mula sa banyo. Kita ko ang pamumula at pamumugto ng mga mata niya pero hindi ko na siya tinanong. Alam ko namang hindi siya maayos. Isa pa, ayaw naman niyang sabihin sa akin ang totoo.

Habang kumakain ay biglang nagsalita si Ville. Napatingin ako sa kanya.

“Uhm… can we go out together?” he asked.

My forehead creased. “Together? The four of us?” I asked.

He hesitantly nodded. “Uhm… yeah—”

“Alam ko namang hindi ako kasali diyan sa ‘together’ na iyan, kaya huwag ka nang mahiya, Clad. Para kang tanga,” singit ni Nivia saka inirapan si Ville.

“Uhm… baka lang naman gusto mong sumama,” sabi ni Ville.

Umiling si Nivia. “Hindi. Ayoko. May pupuntahan akong iba. Mag-enjoy na lang kayo.”

Tiningnan ako ni Ville saka hesitanteng nagtanong. “So? Are you coming?”

Ngumuso ako. “Sige. Para naman makapag-enjoy si Nicco kasama ka habang naroroon tayo sa labas.”

Napa-yes siya saka malawak na ngumiti. “Uh… thank you.”

Tipid akong ngumiti saka tumango. “Wala iyon. Alam ko namang masaya si Nicco kapag nakakalabas siya. At nasisiguro kong mag-eenjoy siya lalo na’t kasama ka.”

He nodded and caressed Nicco’s hair who’s busy eating. Na tila ba hindi kami naririnig at walang pakialam sa iba niyang mga kasama. Sadyang pagkain lang ang nakikita niya.

Nang matapos kaming kumain ay agad na binuhat ni Ville si Nicco. Nagpaalam siya sa akin na siya raw ang magpapaligo kay Nicco. Kaya pumayag na lang ako dahil halata naman ang excitement sa kanilang dalawa.

Habang ako naman ay naghugas dahil si Nivia ay nagpaalam na magbibihis na dahil male-late na raw siya. Kaunti lang din naman ang hinugasan ko kaya agad akong natapos.

Pumunta ako agad sa kwarto ko kung saan pinapaliguan ni Ville ang anak ko. Rinig ko ang tawanan nila kahit nasa bungad pa lang ako ng hagdanan paakyat sa kwarto. Halatang nagkakatuwaan silang dalawa.

Pumasok ako at nakitang nasa loob pa sila ng banyo. Napangiti ako habang naririnig ang mga hagikhik ni Nicco at ang mga tawa ni Ville. It brought lightness in my heavy heart.

Napailing na lang ako saka nagbihis na rin ng isusuot ko. Isang black summer dress ang suot ko na pinaresan ko ng white leather shoes. Tsaka isang Gucci bag.

Inihanda ko na rin ang isusuot ni Nicco. Ang inihanda ko ay isang white long sleeve shirt, white leather shoes at saka dark blue maong jeans. I bet he will look good in these.

Nang lumabas na sila sa banyo ay napatalikod ako ng mabilis. Namumula ang mga pisngi ko at ramdam ko ang paru-paro sa tiyan ko.

Paano ba naman kasi, e, hubo’t hubad si gagong attorney! Jusko! Ang laki—ay shet!

“Oh! I’m sorry! I thought you weren’t here,” saad niya pero wala namang taranta sa boses.

“I-It’s okay. M-Magbihis ka na. B-Bibihisan ko lang ang anak ko,” nauutal kong saad.

“Okay,” sagot niya.

Naramdaman kong may humawak sa hita ko kaya bumaba ang tingin ko doon. Nakita ko ang anak ko na may nakapulupot na tuwalya sa katawan habang malawak ang ngiti sa akin.

Nginitian ko rin siya kahit namumula ako. “Have you enjoyed your bath?”

He smiled and beamed. “Yes, Mom-mom! Dad-dad is fun to be with!” masigla niyang sagot.

Nginitian ko siya. “Yeah. I know.”

Binihisan ko na siya agad. At nang matapos ay pinicturan ko siya. Agad ko itong pinost sa instagram. Hindi na ako naghintay pa na may mag-like or comment doon. Agad kong pinatay ang cellphone ko.

Habang nilalagyan ko ng perfume ang anak ko ay nagsalita siya.

“Mom-mom, I want a perfume that smells like Dad-dad,” sabi niya.

Tumawa ako. “Just ask your Dad-dad for a perfume. I’m sure that he’ll lend you some.”

“You think so?” he innocently asked.

I nodded. “Yes. Sure na sure!”

“Okay! I’ll ask him. But, do you like Dad-dad’s perfume too?” he asked again.

“Uhm… o-of course!” saad ko.

“You do?” napaigtad ako nang biglang nagsalita si Ville mula sa likod ko.

Bahagyang nanlalaki ang mga matang nilingon ko siya. Nakahalukipkip siya sa hamba ng pintuan ng kwarto ko habang nakatingin sa akin nang may ngiti.

Nag-iwas ako ng tingin saka tumayo at pinulot ang bag ko. Hinawakan ko ang kamay ni Nicco. “Let’s go,” saad ko na lamang.

He chuckled. And when I went near him, he then grabbed my waist and hold it firmly. Tiningnan ko siya saka sinamaan ng tingin pero nakatitig pala siya sa akin kaya sa huli ako na rin ang nag-iwas habang namumula ang mukha.

He chuckled again and caressed my waist giving me goosebumps. So I tried to dodge it. Somehow, it works.

Nang makarating kami sa La Seriah Park ay agad akong nalula sa dami ng tao. Talagang hindi ito nauubusan ng tao. May selebrasyon man o wala ay sadyang palagi itong dinadayo.

“Wow! Mom-mom, look! I want to ride on the Ferris wheel!” my son beamed.

I hesitated. Matatakutin ako sa matataas na lugar. At mas lalong ayokong sumakay sa Ferris wheel.

“Uh… baby, sa iba na lang muna. M-Medyo mataas diyan, e,” sabi ko.

I heard Ville chuckled. “Sa iba na muna tayo, baby. Your Mom-mom is scared with heights,” sabi niya.

Nakangusong tiningnan ako ng anak ko. “Really? But we already ride a Ferris wheel back home.”

“You did?” manghang tanong sa akin ni Ville.

Dahan-dahan akong tumango. “O-Oo. Pero kasi napilitan lang ako noon kasi wala namang kasama ang anak kong sumakay, e.”

I saw how impressed he was with whatever I said. “Well then, let’s go to the arcade first,” sabi ni Ville na ikinahinga ko ng maluwag.

“Okay! I wanted to play basketball, Dad-dad!” saad ng anak ko.

“Alright! Let’s go then,” natatawang sagot naman ni Ville.

Habang naglalakad ay hinawakan ni Ville ang kamay ko saka pinagsiklop ang mga daliri namin. Ang isang kamay niya ay hawak ang anak ko kaya napapagitnaan namin siya.

Then he whispered, “Brace yourself, baby. Sasakay tayo mamaya sa Ferris wheel.”

Tiningnan ko siya habang nagsisimula na namang kabahan. “B-Bakit kailangang kasama ako? P-Pwede naman na kayo na lang, ah.”

He chuckled. “Well, your baby wants you to ride with him.”

Napabuga ako ng hangin. “S-Sige. S-Susubukan ko.”

“Okay. Calm down first. Hindi pa naman tayo sasakay ngayon. Mamaya pa,” sabi niya kaya tumango ako.

He smiled sweetly yet softly at me. And I froze when his face went near me and kissed my forehead.

“Don’t be scared, hmm? I’m here beside you,” he whispered then gave me a peck on my lips that I was not able to dodge.

Walang nagawang tumango ako. “O-Okay.”

Nang makarating kami sa arcade ay agad na tumungo sa may basketball game ang dalawa. Nagpaiwan lang ako sa gilid habang dala ang cellphone ko. Panaka-naka ko silang kinukuhanan ng picture bilang memories nilang magkasama.

“Dad-dad, you’re so unfair! So unfair!” pagwawala ng anak ko.

Habang si Ville naman ay tawa ng tawa. Hindi kasi maka-shoot si Nicco dahil gumagalaw ang ring tapos maliit pa siya at nakapatong lang sa isang malaking cube na gawa sa kahoy. Ngunit si Ville naman ay patuloy na inaasar si Nicco at tinatalo ito. Pati ako ay napapatawa na rin.

“What’s so unfair with me?” tumatawang tanong ni Ville.

“I cannot shoot the ball because I’m small and tiny! While you are so big and huge, so you can easily shoot the ball to the dancing ring!” reklamo niya habang napapadyak at napapanguso.

Mas lalo namang humagalpak ng tawa si Ville.  “What? Dancing ring?”

Tumawa rin ako.

“No! Don’t laugh at me!” nakangusong saad ng anak ko.

At nang hindi tumigil si Ville sa kakatawa ay tumingin sa akin ang anak ko. “Mom-mom, don’t laugh at me!”

Tumatawang tumango ako. “Go on. Beat your Dad-Dad!” pag-che-cheer ko.

He smiled and nodded cutely. “Alright! But kiss me first!”

Napatawa ako saka napailing sa sinabi niya. Lumapit ako sa kanya saka hinalikan siya magkabilang pisngi bago bumalik sa pwesto ko.

“What? You really have to tell your Mom-mom to kiss you? That’s unfair, you know,” sabi naman ni Ville.

“Well, we’re even!” saad naman ni Nicco.

“If you beat me in this round, I will ask a kiss to your Mom-mom, ‘kay?” wika ni Ville na ikinataas ng kilay ko.

Aba, ang gago!

“Sure!” agad namang wika ng anak ko.

Aba, pahamak!

“Deal?” sabi ni Ville.

“Deal!” sagot naman ni Nicco.

Ville looked at me with a smirk as he winked at me then started playing again. Napailing na lang ako nang maramdaman ang pamumulang muli ng pisngi ko at nang mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ko.

Gagong attorney!

Ilang minuto nga lang ay agad na natalo ni Nicco si Ville. Or let me rephrase it, nagpatalo nga si Ville kay Nicco. Well, I guess just to have the kiss na sinasabi niya kanina.

“Oh, paano ba iyan? I lose? I guess, I have to claim my punishment,” wika ni Ville at nagpaawa effect pa.

Napailing na lang ako.

“Sure, Dad-dad!” agad na payag ng anak ko.

Nakangisi na lumapit sa akin si Ville kaya tinaasan ko siya ng kilay saka sinamaan ng tingin. Nang makalapit siya ay agad siyang nagsalita.

“I lose, I have to claim my punishment,” sabi niya.

Inirapan ko siya. “Ang dami mong pakulo. Nagpatalo ka lang naman.”

Tumawa siya saka biglang hinapit ang bewang ko palapit sa kanya. Napatili ako saka pinigilan ang mukha niya. Ramdam ko na namang muli ang pamumula ko.

“Just give me my punishment,” nakangising wika niya.

“Maraming tao, Ville!” asik ko at pilit na pinipigilan ang mukha niya upang hindi makalapit.

“Ayos iyon! Maraming makakakita!” sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin.

“Dad-dad, hurry up! I’ll beat you more!” rinig kong sigaw ng anak ko mula sa likod niya.

Tinaasan niya ako ng kilay saka ngumisi. “Hurry up daw, baby. Akin na ang punishment ko,” wika niya.

Sinamaan ko siya ng tingin saka walang nagawang tumango. Agad niyang sinapo ang magkabilang pisngi ko saka mariin akong hinalikan sa labi. Mabilis din naman siyang humiwalay saka patakbong bumalik kay Nicco at nag-high-five pa silang dalawa.

Namumulang napailing na lang ako. Parang ayoko nang lumaki si Nicco kung si Ville ang makakasama niya. Baka maging gago rin ang anak ko. Mahirap na.

Natagalan pa sila sa laro nila roon. At gaya nga ng deal nila, ang matatalo makakakuha ng punishment. Makakakuha ng kiss sa akin. So sa huli, si Ville ang palaging talo. Kasi palagi naman siyang nagpapatalo. Kaya mahigit limang beses nakahalik sa akin ang gagong attorney. Tsk.

Ilang minuto lang din ay nagsawa na sila sa basketball. Ang sabi nila ay kakain daw muna kami ng street foods kaya agad akong pumayag dahil medyo gutom na rin ako sa kakahintay sa kanilang dalawa.

Nang makabili kami ay tumungo kami sa flower garden ng park. Punong-puno iyon ng mga iba’t ibang halaman kaya nakakatuwa tingnan. Doon kami naupo sa isang bench na nakatago dahil sa haba ng mga halaman saka doon nagpatuloy sa pagkain.

“Look, Mom-mom! A butterfly!” masiglang saad ng anak ko.

Napatawa ako saka lumapit sa kanya. Tapos na kaming kumain kaya ito siya at nagkukulit na naman. Tuwang-tuwa siya sa mga butterflies na nagliliparan.

“Yes, but don’t touch them, okay?” wika ko.

He nodded. “Alright! But can I chase them?” he asked.

I chuckled. “No. You can just watch them from here. If you won’t touch them, they’ll go to you and they’ll be the one that would touch you.”

“Okay!” sabi niya.

“Alright. But keep silent, hmm?” sabi ko na agad niyang tinanguan.

Ilang minuto kaming naroroon hanggang sa napagod na kami sa kakahintay na may lumapit na paru-paro sa amin. Kaya tinawag na lamang kami ni Ville at sinasabing huwag na naming sayangin ang oras namin sa kakahintay ng paru-paro, sa halip ay sasakay na lang daw kami sa Ferris wheel.

Sobrang natuwa naman ang anak ko. Habang ako naman ay nagsisimula na namang kinabahan.

Dahil na rin siguro sa kaba ay hindi ko na namalayang nakasakay na pala kami sa Ferris wheel. Kapit na kapit ako sa katawan ni Ville. Habang si Nicco ay nasa gitna namin.

“Hey, don’t be scared, baby. It’s safe,” sabi ni Ville habang hinahaplos ang braso kong nakayapos sa bewang niya.

Tumango ako ngunit dinadagsa ako ng kaba kaya hindi ko na naiintindihan ang mga sinasabi niya. Ang gusto ko lang naman ay matapos na kaagad kami rito.

Nang nagsimula nang gumalaw ang Ferris wheel ay yumakap ako ng mahigpit sa katawan ni Ville kaya siguro ay naiipit na si Nicco. Pero masyado akong takot.

Rinig ko ang mga sigawan ng mga kasama naming nakasakay. Habang si Nicco naman ay tuwang-tuwa habang sumisigaw. Si Ville naman ay tumatawa ngunit hindi tumigil sa paghaplos sa braso ko.

Makailang segundo ay ramdam ko ang unti-unti naming pagbagsak kaya bahagya kong iminulat ang mga mata ko. Ngunit gayon na lamang ang pagtili ko nang mapansing nasa itaas pala kami.

“OH MY GOD! VILLE! BUMABA TAYO! HINDI SAFE ANG ANAK KO!” tili ko.

“Hey, calm down. Look at the view instead,” wika niya ngunit umiling ako saka pumikit ng mariin at niyakap siya ng mahigpit.

“AYOKO! GAGO KA! I HATE YOU!” tili ko.

“Mom-mom, don’t shout!” wika ng anak ko.

“NO, BABY! BABABA TAYO!” tili ko.

At mas lalo akong napatili nang biglang gumalaw pababa ang Ferris wheel. Ngunit napatigil ako nang magsalita si Ville.

“I love you.”

Napamulat ako at tila nakalimutan ko kung nasaan ako. Ang nakikita ko lang ay si Ville na nakangiting nakatingin sa akin habang haplos ang braso ko.

“A-Anong sabi mo?” nauutal kong tanong.

“I said, I love you.”

I felt butterflies in my tummy again. I could feel my cheeks reddened. I could hear my heart racing. I was overwhelmed with those three words that I didn’t know I’ve longed to hear. It was like heaven to my ears.

“Y-You love me?” utal kong tanong. Wala sa sarili.

He smiled and nodded. Then he bent and reached my face. As he sealed his I love you with a deep sweet kiss on my lips.

At nang humiwalay ang labi niya ay ramdam kong tumigil na ang Ferris wheel. Napatingin ako sa paligid ko at napagtanto kong tapos na pala ang ride namin kaya kailangan na naming bumaba. Lutang na sumunod na lamang ako sa kanilang dalawa dahil hawak nila ang mga kamay ko.

“Goodnight,” wika sa akin ni Ville nang ihatid ko siya palabas ng condo ko.

Kakauwi lang namin galing sa lakad namin. Sobrang nag-enjoy kami. Lalong-lalo na ako. Hindi ko ni-expect ang mga nangyari kanina. But, I felt so light after the heavy tiring day.

I smiled timidly. “Goodnight,” I whispered.

I closed my eyes tight when he kissed me on my forehead. Then he turned his back on me. I froze as I stared at his back.

And then I found myself running after him and as soon as I reached him, I hugged him tight from his back. He stopped and I could feel him stiffened but I didn’t let go. As I murmured.

“Thank you, Ville. I-I… I love you too.”

And then I let go of his body and ran fast to my condo. Then locked my condo’s door.

I bit my lips and reached for cheeks when I felt it reddened again.

“Argh!” impit kong tili habang kinikilig sa nangyari.

Kinuha ko ang cellphone ko saka binuksan. Biglang nag-pop-up ang isang instagram post ni Ville na ikinataka ko dahil naka-tag ako. Binuksan ko ito.

Picture iyon namin ni Nicco. Noong naghihintay kaming may dumapong paru-paro sa amin. Nakatalikod kami habang magkahawak-kamay.

I looked at the comment section. Many netizens commented and asked why we were together and who are we in his life? And his answer melted me.

RiosCv

They’re my babies.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro