T H I R T Y - F I V E
“Miss Irah?”
Napaungol ako nang may yumugyog sa akin. Ayoko pang maggising dahil pagod ako. Gusto ko pang matulog muli. Gusto ko pang ipahinga ang katawan ko na tila ba nabugbog.
Ngunit, hindi nakakatulong ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Dumagdag pa itong kung sino mang yumuyugyog sa akin.
Ano ba kasi ang nangyari kagabi—
Shit! May nangyari nga pala sa amin ni Ville kagabi! Kaya pala sobrang pagod na pagod ang katawan ko. Kaya pala para akong paulit-ulit na inararo.
“Miss? Miss Irah?” Muli kong dinig.
Kunot-noo kong iminulat ang mga mata ko. Ngunit gayon na lamang ang gulat ko nang makitang may limang babae na nakatayo sa harap ng kamang kinahihigaan ko.
Nanlalaki ang mga matang bumangon ako. Hindi ko kilala ang mga ito kaya ramdam ko ang malakas na dagundong ng puso ko.
Lumingon ako sa tabi ko upang hanapin si Ville pero wala na siya. Takang tiningnan ko ang limang kababaehan na nakangiti sa akin.
“Hi, Miss Irah. I’m your gown designer and together with my team we will dress you up today. We will also do your make-up.” Nakangiting sabi nang babaeng mas malapit sa akin.
Taka akong tumingin sa kaniya. Kinunutan ko sila ng noo. “Gown? Para saan?” Taka kong tanong.
Nagkatinginan ang mga ito. Then the woman in front of me smiled. “By the way, Miss, I’m Lilliene. These are Lisa, Ruby, Anne and Solene.”
Tipid ko silang nginitian isa-isa. “Uhm… para saan ang gown?” Muli kong tanong.
“For your wedding po, Miss.” Ngiti ni Lilliene.
Naging blanko ang isipan ko. Hindi ko agad naproseso ang sinabi ni Lilliene. Ilang minuto pang paikot-ikot sa utak ang mga salitang sinabi niya. Nakatunganga lang ako habang nakatitig sa kaniya. Wala akong masabi.
For your wedding po, Miss.
For your wedding po, Miss.
For your wedding po, Miss.
Napakurap-kurap ako.
Nanlaki ang mga mata ko. “W-Wedding?! K-Kasal?! S-Sino ang ikakasal? Ako ba? T-Teka bakit ako ikakasal?” Natataranta at hindi makapaniwalang tanong ko.
Ngumiti si Lilliene sa akin. “Mukhang hindi niyo po pala alam, Miss. Actually last two months pa kaming nagsisimulang e-desinyo ang gown mo. Magkasama pa nga kami ng mga wedding organizer para ihanda ang kasal ninyo. Mukhang surprise po pala ito.”
Muli akong napakurap. Hindi ako makapaniwalang sa isang iglap lang ay ikakasal na ako. Ni-hindi ko nga alam na ikakasal pala ako. Ni-hindi ko alam kung saan, kailan at paano. Basta, ikakasal ako!
“So, Miss? If you don’t mind, mag-shower ka po muna para mabihisan ka na namin,” wika ni Lilliene.
“H-Ha? Ah… s-sige.” Wala sa sariling sagot ko.
Agad nila akong inalalayang tumayo at halos mapatili ako nang bigla kong naramdaman ang kirot sa gitna ng mga hita ko. Hindi maipaliwanag na sakit. Napadiin pa ang hawak ko sa kamay ni Lilliene.
“Miss, are you okay po?” tanong ni Ruby.
Tipid ko siyang nginitian na malamang ay nagresulta sa ngiwi. “A-Ayos lang. Medyo masakit lang ang binti ko. N-Natalisod kasi ako kahapon.”
Natalisod sa anaconda.
Tsk. Rason pa, Nik. Rason pa!
“Okay po. Dahan-dahan lang po. Medyo mahaba-haba pa naman ang lalakarin mo mamaya kaya dapat ay mag-iingat kayo ngayon,” sabi ni Lisa.
Nginitian ko siya. “Salamat.”
Nang makarating ako sa labas ng banyo ay muli ko silang pinasalamatan. Dali-dali akong pumasok sa banyo. Ngunit, nag-iingat pa rin dahil masakit talaga ang pagkababae ko. Para bang inararo ako.
Napatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin. Kita ko na mas lalo yata akong naging maaliwalas. Maaliwalas ang mukha ko kahit na pagod ako kagabi.
Napatingin ako sa leeg ko nang makitang may pula roon na tila kagat. Namumulang hinawakan ko ito. Alam ko namang si Ville ang may gawa nito.
Napatingin ako sa suot kong t-shirt na kulay ocean blue. Siya malamang ang nagbihis sa akin. Mabuti na lamang at naisipan niya akong bihisan.
Ngunit napatigil ako nang makitang kumislap ang singsing na nasa palasing-singan ko. Tiningnan ko ito ng maigi. Sinuri.
Nanlabo ang mga mata ko sa hindi maipaliwanag na tuwa. Hindi ko aakalain na darating ang araw na ito. Ang makasal sa lalaking hindi ko aakalaing mamahalin ko… habang-buhay.
Napangiti ako. Ngunit agad din akong napasimangot nang may napagtanto.
“Ang gagong attorney inuna ang honeymoon kaysa sa kasal!”
Nailing ako saka agad na lumapit sa shower. Iika-ika pa ako dahil talagang sobrang kirot ng pagkababae ko.
Nang matapos ako ay nakaramdam ako ng ginhawa. Kasabay ng ginhawa ay ang siyang paglakas muli ng kalabog ng dibdib ko. Hindi maipaliwanag na magkahalong kaba, tuwa at pagkasabik ang nararamdaman ko.
“Miss Irah, let’s get you dressed.” Malawak ang ngiting sabi ni Solene.
Ngumiti naman ako pabalik. Bigla akong na-curious sa gown na isusuot ko. Agad nila akong inalalayan papasok sa walk-in-closet ng kwarto.
Nang makapasok ay namangha ako sa nakita. Kulay purple lang naman ang gown na naroroon. Hindi makapaniwalang tiningnan ko sina Lilliene.
“B-Bakit… purple? H-Hindi ko naman debut,” saad ko.
Natawa si Lilliene pati na ang apat. “Si Attorney Lareho po kasi ang pumili niyan, Miss. Noong binigyan namin siya ng unang design namin na kulay white, eh, nagalit po. Kasi sabi niya hindi raw white ang favorite color mo kundi purple.”
“We told him that purple is inappropriate to wear during a wedding if you’re the bride. But he would not listen and insist.” Naiiling na sabi ni Ruby.
“He told us that nothing is appropriate to wear for a wedding. As long as you two are on the church, in front of God, making your promises together. Well, he got the point, though.” Nakahalukipkip na sabi ni Anne.
Napailing na rin ako at agad na napatango. “Sabagay.”
“So, do you like the gown?” tanong ni Lilliene.
Napatingin ako sa gown na naka-hang sa dresser stand. Off-shoulder type ito at heart-shape ang itaas ng dibdib. May mga pearls na kulay puti sa bawat gilid nito. Simpleng-simple, ngunit babago ng buhay ko.
Napangiti ako. “That’s so beautiful.”
Agad namans ilang pumalakpak. “Okay, let’s get you dressed. You should not be late for your wedding,” sabi ni Lisa.
I breathed in. Then nodded. “Okay!”
Nang makarating ako sa kung saan gaganapin ang kasal ay agad na nanlabo ang mga mata ko. Naibulong ko sa sarili ko na, “Ito na. Ito na talaga.” Ngunit nagtaka pa rin ako kung bakit sa barko at hindi sa simbahan? Pero as long as ikasal ako kay Ville, hindi na ako magrereklamo pa.
Natagpuan ko ang sarili na isinakay ng mga kalalakihan sa loob ng isang barko. Namangha ako sa ganda ng barko. Punong-puno ng kulay purple at black ang buong barko. Pinuno ito ng mga bulaklak na tulips na kulay purple.
Pagpasok ko pa lang sa entrance ay nakita ko na agad ang kulay purple na carpet papasok. Nanlalabo ang mga matang nagsimula na akong maglakad. At agad na tumulo ang luha ko nang nagsimula akong makarinig ng tugtog.
Today is a winding road that's taking me to places that I didn't want to go.
“Oh God! Is this really it?” Bulong ko na naluluha na sa hindi maipaliwanag na tuwa.
Rinig ko ang kalabog ng dibdib ko. Ang pagsasayaw ng puso ko sa hindi maipaliwanag na tuwa. Tila ba gusto nitong kumawala at puntahan ang nagmamay-ari sa kanya.
Today in the blink of an eye
I'm holding on to something and I do not know why
I tried.
Kahit na hawak ko ang wedding bouquet ko ay dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko.
“Bakit ba ako umiiyak? Ito ba iyon? Is this what they called tears of joy?” Bulong ko sa sarili ko.
I tried to read between the lines
I tried to look in your eyes
I want a simple explanation
For what I'm feeling inside.
Suminghot ako saka nakangiting tinitigan ang nakasarang pintuan papasok. “Mukhang tama nga si Lilliene, mahaba-haba pa ang lalakarin ko.”
I gotta find a way out
Maybe there's a way out
Nang makalapit ako sa pintuan ay agad itong bumukas. At bumulaga sa paningin ko ang mga taong mahahalaga sa akin. At ang mga taong naging parte ng buhay ko.
Sa harap ay naroroon naghihintay ang pari. At ang lalaking mahal ko.
Your voice was the soundtrack of my summer
Do you know you're unlike any other?
Ngumiti siya sa akin kaya naluluhang nginitian ko siya pabalik. Kita ko ang pamumula ng mga mata niya. Hanggang sa bigla na lang siyang tumalikod at lumapit sa Mommy niya saka isinubsob ang mukha sa leeg nito.
Napatawa ako. Tsk. My baby.
You'll always be my thunder, and I said
Your eyes are the brightest of all the colors
Sa gilid ay naroroon ang Dad at Mom ko. Mas lalo akong napaluha. Hindi ko aakalain na sa araw na pinakamahalaga ng buhay ko ay naririto sila. Sa gilid nila ay ang naiiyak na Nivia at ang malawak ang ngiting Nicco.
Napatingin ako kay Dad. Kita ko ang pulang-pula niyang mga mata. Kita ko ang pagdaloy ng luha niya kahit malayo ako sa kanya. Si Mom namin ay nangingilid rin ang mga luha. May dala-dala pa siyang tissue.
I don't wanna ever love another
You'll always be my thunder
So bring on the rain
And bring on the thunder.
Napangiti ako. Kahit papaano pala ay mahal pa rin nila ako.
Muli kong ibinalik ang tingin kay Ville habang naglalakad. Umiiyak pa rin siya. Nakatitig sa akin.
Today is a winding road
Tell me where to start and tell me something I don't know
Nginitian ko siya. He tried smiling back.
Oh, how I love this man?
Today I'm on my own
I can't move a muscle and I can't pick up the phone
I don't know
Habang papalapit sa kanya ay mas lalo kong naririnig ang lakas ng tibok ng puso ko.
And now I'm itching for the tall grass
And longing for the breeze
I need to step outside
Just to see if I can breathe
Siya lang ang tanging nakikita ko.
I gotta find a way out
Maybe there's a way out
Tila ba tumigil ang lahat. Tila ba tumigil ang mundo.
Your voice was the soundtrack of my summer
Do you know you're unlike any other?
You'll always be my thunder, and I said
Your eyes are the brightest of all the colors
I don't wanna ever love another
You'll always be my thunder
Mas naramdaman ko ang pagkabasa ng pisngi ko dahil sa mga luha ko.
Today is a winding road that's taking me to places that I didn't want to go…
At dinala ako ng puso ko sa harapan mismo ng lalaking mahal ko. At saksi ang lahat ng tao sa loob ng barko ang aming hindi mapantayang pagmamahalan.
Nang makarating ako sa kanya ay agad niya akong kinabig sa mahigpit na yakap. Sandali niya pang isinubsob ang mukha sa leeg ko kaya agad kong naramdaman ang mga luhang rumagasa sa mga mata niya.
Hinaplos ko ang buhok niya saka hinalikan ang tenga niya. “Shh… I love you.” I whispered.
Inangat niya ang mukha saka tiningnan ako. Pulang-pula ang mga mata niya. Humihikbi siya.
“Mahal na mahal din kita.” Bulong niya.
Magkahawak-kamay na hinarap namin si Father. Nakangiting sinimulan agad ni Father ang seremonya.
Dahil na rin siguro sa sobrang tuwa ay hindi na namin namalayan na agad na palang natapos ang seremonya. Mula sa pagpapalitan ng vows, sa palitan ng sing-sing at sa pagpipirma.
“You may now kiss the bride,” wika ni Father.
Nakangiting hinarap ako ni Ville. Itinaas niya ang suot kong belo. At agad niya akong hinalikan ng mariin sa labi.
Nakangiting humiwalay siya sa akin.
“I love you, baby.” He whispered.
I smiled. “I love you more, Ville.”
Hanggang sa sabihin na ni Father ang pinakahinihintay ng lahat.
“I may now pronounce you, husband and wife.”
Agad naming narinig ang malakas na palakpakan at sigawan. Rinig ko ang mga tuksuhan nina Evans kay Ville. Lalong-lalo na si Sim. Napaka-ingay!
Nakangiting nilapitan agad ako ni Nicco. “Mom-mom! Dad-dad! Congratulations! I love you!”
Malawak ang ngiting binuhat ko siya saka hinalikan sa pisngi. “Thank you, baby.”
“Give Dad-dad a kiss, son.” Nakangiting saad ni Ville.
Agad namang tumalima si Nicco. “Now that you two are finally married, does that mean that I’m already you two’s baby?” tanong ni Nicco.
“You’re always our baby, buddy,” sagot ni Ville.
Tumango ako. “Always.”
“Finally! I have my Dad-dad and Mom-mom! Can I have a baby sister and baby brother already?” Nicco giggled.
Napatawa ako saka napailing. Kaya si Ville ang sumagot.
“Sure, son. Ilang sister at brother ba ang gusto mo?” Pilyong tanong pabalik ni Ville.
Sinamaan ko siya ng tingin saka kinurot sa bewang. “Tumahimik ka nga, Ville.”
“What? Gusto ko lang na tuparin ang gusto ng anak natin.” Nguso niya na may halong pagkapilyo.
“Tsk.”
“Nik! Congratulations!” Napalingon ako kina Harriet nang sabay-sabay sila nina Phaebe na nag-congratulate sa akin. Si Ayen as usual, poker face.
Ngumiti ako sa kanila saka agad silang sinalubong ng yakap. Tapos ay taka kong tiningnan ang gown nilang tatlo. Knowing that they’re stubborn sometimes, hindi na ako nagtaka nang makita ang kulay ng mga gown nila. Phaebe’s gown is color pink, Harriet’s gown is color yellow and Ayen’s gown is color black.
Nagtatanong ko silang tiningnan. “Really? Kasal ko ko kaya ngayon baka nakakalimutan niyo?” saad ko.
“We know.” Inosenteng sagot ni Phaebe.
“Oh tapos? Bakit ganyan ang suot ninyo? Wala naman ito sa plano ito, ah. Tsaka, hindi naman ganito ang suot ninyo noong kasal ni Harriet, ah!” Reklamo ko.
Umismid si Ayen. “Bakit? Alam mo ba ang plano?”
Ngumuso ako. “Hindi.”
“See? Since, kami ang nagplano kasama ang ‘husband’ mo, so ganito ang naisipan naming isuot,” wika naman ni Harriet habang hinaplos ang gown niya.
“And besides, iyong gown mo color purple din naman.” Inosenteng sabi ni Phaebe.
Napailing na lang ako. “Grabe! Grabe kayo! Ayen naman! Bakit naman kasi black?” Asik ko kay Ayen.
“Paki mo? Ako naman ang magsusuot, hindi naman ikaw.” Walang emosyon niyang sabi.
Napatampal ako sa noo ko saka hindi makapaniwalang tiningnan silang tatlo. Iyong totoo? Mga kaibigan ko ba talaga ang mga ito?
“Eh, diba nga color green ang color na gusto mo?” Muli kong tanong kay Ayen.
Tinaasan niya ako ng kilay saka tumango bago humalukipkip.
“Yep.” Maangas niyang tanong.
“Eh, bakit black ang suot mo? Tingnan mo sina Phaebe at Harriet, oh? Iyong kay Harriet na suot color yellow kasi favorite niya iyon. Kay Phaebe naman color pink dahil favorite niya rin, eh, bakit iyong sayo?” saad ko.
“Wala kang paki. Desisyon ko iyon.” Agad niyang sagot sa akin.
Napatiim-bagang ako. Grabe! Grabe talaga!
“Anyways! Congratulations, Nik! We’re so proud of you! You’re finally a Mrs. Lareho!” Masiglang bating muli sa akin ni Harriet saka niyakap ako ng mahigpit.
“Yes. I know that things might not going to happen smoothly to the both of you, but you must never forget to trust each other.” Malawak ang ngiting sabi ni Phaebe.
Napangiti ako tapos ay biglang natigilan. Nilingon ko si Phaebe. “Saan mo natutunan iyan?” tanong ko sa kanya.
“Sa books na mga binabasa ko! I’m good, right?!” Malawak ang ngiting sabi niya.
Napailing ako saka ngumiti. “Yeah. You’re starting to get smarter and smarter as times passes by.”
“Pero, dapat makinig ka sa sinabi ni Phaebe, Nik. She might just read it in some books, but remember, books are great teacher.” Sabad ni Ayen.
Tumango ako saka matamis silang nginitian. “I will.”
“And if magkakaroon kayong dalawa ng problema, you must talk about it. Walang aalis hangga’t hindi niyo napag-usapan,” sabi ni Harriet.
“And if he would hurt you, don’t hesitate to come to me. I’ll kick him out of your life.” Blankong sabi ni Ayen.
“W-What? W-Why are you going to kick Clad out of Nikki’s life? Baka masaktan siya.” Nanlalaki ang mga matang tanong ni Phaebe.
“Ang ibig kong sabihin ay kung sasaktan ng abogadong iyon si Nikki ay matitikman niya kung paano ako magalit. Wala akong pakialam kung abogado siya. Kaya ko siyang dalhin sa impyerno.” Walang emosyon na sabi ni Ayen.
“Tama! At kapag nangyaring sasaktan ni Clad si Nikki, ako mismo ang kakalbo sa kanya!” saad naman ni Harriet.
“Bakit kakalbuhin lang? Pwede namang pugutan ng ulo?” Taas ang kilay na tanong ni Ayen.
“Well, kapag unang kasalanan niya, kakalbuhin ko. Pero kapag pangalawa na, gigilitan ko. At kapag pangatlo na, pupugutan ko na.” Biro ni Harriet.
“Tama. Ako na ang bahala sa libingan niya.” Blankong sabi ni Ayen na ngayon ay malapit na sa akin at hinahaplos ang nakalugay kong buhok.
“Yes! At ako ang ang maghuhukay para sa kanya!” Natatawang sabi naman ni Harriet na ikinatawa ko na rin.
“Eh, ikaw, Phaeb? Anong ambag mo?” Natatawang tanong ko kay Phaebe.
Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ako. Ngumuso siya. “W-Well… I’ll be the one that’s going to comfort, Clad… 10 feet under ground…”
Napakurap naman kami sa sinabi niya. Matagal namin siyang tinitigan. “W-What?” Utal niyang tanong.
Sabay-sabay kaming umiling. “Wala.” Sabay naming sagot.
“Ano ba kasi ang pinag-uusapan ninyo? Bakit ba kasi papatayin ninyo si Clad?” Nakanguso niyang tanong.
Rinig ko ang pag-buntong-hininga ni Ayen sa gilid. “Wala. Huwag ka nang magtanong. Pangit mo ka-bonding.”
Napahagalpak naman kami ng tawa ni Harriet dahilan nang mas lalong pag-nguso ni Phaebe.
Hays! Kawawang Phaebe.
“Seryoso, kapag sinaktan ka ni Clad, Nik, just come to us,” sabi ni Harriet.
Napangiti ako saka tumango. “I will. Pero bakit naman kasi ganyan ang pinag-uusapan natin ngayon? Excited ba kayong saktan ako ni Ville, ha?”
“Of course not. Hinding-hindi namin papangarapin na masaktan ka, Nik. Its just that… you would never know what would happen next. Si Evans nga… naging magulo kami noon. Hindi namin inaasahan iyon, Nik. Walang sinuman ang makakaalam sa maaaring mangyari. Ang magagawa mo lang ay e-enjoy bawat araw na kasama mo siya,” saad niya. Tumango ako.
“At alalahanin mo, Nik. Kasal na kayong dalawa. Wala nang kawala. Kaya asahan mong masakit… sobrang sakit.” May tipid na ngiting sabi ni Ayen.
I nodded. “Nandiyan naman kayo, eh.” Pabulong kong sabi.
“We’ll always be there for you, Nik,” Phaebe said.
Mas lalo akong napangiti. At sa kabila ng ngiting ipinapakita mga labi ko ay siya namang pagbabadya ng luha sa mga mata ko. Luha ng saya.
Napakaswerte ko. Kasi may kaibigan akong gaya nila. Na handa akong tulungan at mahalin.
Agad ko silang niyakap at ibinulong sa kanila ang walang katapusan kong pasasalamat.
“Hi, ladies. Can I… talk to my daughter?”
Napabitaw ako sa kanilang tatlo nang marinig ko ang boses ni Mommy. Dahan-dahan ko siyang nilingon.
She was beautifully wearing a white gown. Similar to mine. Parehas sila ng suot ni Nivia.
“Sige po, Tita,” sagot ni Phaebe.
“Doon na muna kami.” Paalam ni Harriet saka sabay silang umalis.
Hinarap ko si Mom. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin. Ni-hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagpapasalamat sa kanya sa pagpunta niya sa kasal ko.
“You’re so beautiful.” Bulong niya.
Ngumiti ako ng tipid sa sinabi niya. Hindi ko pa narinig na sabihan niya ako nang ganoon.
“T-Thank you.” May tipid na ngiting sabi ko.
Saglit kaming natahimik. Pero agad din siyang nagsalita.
“Can I hug you?” tanong niya.
Hindi kaagad ako nakapagsalita. Ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko. Minsan sa buhay ko ay hindi niya ako tinanong kung maaari niya ba akong yakapin?
Dahan-dahan akong tumango. “S-Sige po.”
Walang pasabing agad siyang lumapit sa akin saka agad akong niyakap ng mahigpit. She hugged me tight like she doesn’t want to let go. Like she was telling me how she loved me through her hugs.
Nanlabo ang mga mata ko. I hugged her tight.
“Thank you for coming.” Bulong ko.
Umiling siya. “I asked your husband to let us come. Luckily, he agreed,” sagot niya.
Si Ville talaga.
Dahan-dahan siyang humiwalay sa akin. May mga luha na rin ang pisngi niya gaya ko. She smiled at me and wiped my tears. I closed my eyes as I cherish the moment… as I tried to memorize the warmth of her hand on my cheek.
“I’m so sorry,” she said.
I opened my eyes and stared at her with teary eyes.
“I’m so sorry ‘cause I’ve been a b-bad mother to you and to your twin. I was not there when the both of you were on your t-tough times. Y-You’re right. I-I don’t even know your favorite color when it’s the most basic part of you,” she said. I cried. I held her hands on my cheek.
“I-I’m so sorry for the words, my baby. I was not in my right mind. I-I thought that everything that I wanted you to do will do good for you… but no. It wasn’t. I’m really really sorry,” she said.
I shook my head. “I-I’m sorry too. Because I was not that good daughter to you. I’m sorry for the hurtful words that I spit. I’m so sorry, Mom,” wika ko habang lumuluha.
She smiled and nodded. Then again, she hugged me tight. I hugged her tight.
Napatigil kami nang may marinig kaming tumikhim. Hinarap namin ito and it was Dad and Nivia. They were both teary-eyed. Nivia was hugging Dad’s waist and Dad’s arm was on Nivia’s shoulder.
I and Mom smiled to them. Agad silang lumapit sa amin saka kinabig kami ng mahigpit ng yakap.
No words to say. Just the love, peace and lightness on our hearts.
Now, I truly understand what love means. It was to be able to forgive people who hurt you. Love them even if it breaks you.
“I’m so proud of my princesses. You grew up too fast,” wika ni Dad.
“Okay. Tama na ito. Male-late na tayo sa wedding reception. Tara na,” sabi ni Nivia.
Natawa naman ako saka pinunasan na rin ang mga luha ko. Pero pinigilan kami ni Dad.
“Let me,” he said.
Agad niyang pinunasan ang mga luha namin ni Nivia. And that was the sweetest thing ever.
“Let’s go,” wika ni Dad.
Inangkla ni Mom ang braso sa braso ni Dad. Sa kabilang-braso ni Dad ay umangkla ako. At sa braso ko ay si Nivia. Saka sabay kaming lumabas ng barko. Nang magkasama… bilang buong pamilya.
Pagdating namin sa venue ng wedding reception ay agad akong sinalubong nina Lilliene. Ang sabi ay magbibihis daw muna ako. Agad naman akong bumitaw kina Dad, Mom at Nivia at sumunod kina Lilliene.
Ipinasok nila ako pabalik sa kwarto namin ni Ville. Hindi naman ito kalayuan sa venue at may elevator kaya hindi ako nahirapan kahit na may kabigatan ang gown ko. Mukhang isinarado rin ang parteng iyon ng isla para sa kasal na ito.
Binihisan nila ako ng kulay purle na hanggang binti na gown. Gayon pa rin ang design noon, mas maiksi lang. Nang matapos ay ni-retouch nila ang make-up ko. Saka agad na kaming bumalik sa reception.
Nang makarating ay nagsalita na si Harriet. Siya ang ginawang MC sa reception dahil magaling siya sa pagsasalita.
Marami pa muna siyang sinabi para sa introduction. At nang matapos ay sinabi niya na ang susunod na gagawin namin ni Ville.
“Now, let’s proceed to the first dance of the newly wed couples!” wika niya.
Agad na kaming tumayo ni Ville saka nagsimula nang sumayaw nang itinugtog ang “Can’t take my eyes off you”.
Habang sumasayaw ay panaka-naka akong hinahalikan ni Ville sa noo.
“Hoy! May kasalanan ka sa akin!” Asik ko sa kanya.
“What?” Kunot-noo niyang tanong.
“Bakit purple ang wedding gown ko?” Asik mo.
He looked at me. “Because it’s your favorite color.”
Napairap ako sa kanya. “Sinong tanga ang magsusuot ng purple na gown sa kasal niya?” Muli kong asik.
“Uh… ikaw?”
Inis ko siyang tinampal sa dibdib dahilan nang pagtawa niya. “Biro lang. Akala ko kasi magugustuhan mo. Hindi mo ba nagustuhan?”
“Nagustuhan, syempre. Kaya lang purple ang gown ko. Tapos ang mga kaibigan ko iba-iba pa ang kulay ng gown! Ikaw kasi, eh!” Asik ko.
He chuckled and kissed me in my forehead. “Tsk. Wala ka nang magagawa. Tapos na.”
Napairap ako sa kanya. “Talagang wala na. Gago ka kasi!”
Muli siyang tumawa. And again he kissed my forehead.
“I still can not believe that we are finally married.” Bulong niya.
Napangiti ako. “Ako rin. Hindi rin ako makapaniwala.”
“I still can not believe that I will be able to devour you everyday and every night,” sabi niya.
Hinampas ko ang dibdib niya. “Gago!”
Agad siyang humagalpak ng tawa.
Ilang minuto pa kaming sumayaw doon bago muling nagsalita si Harriet. Oras na para sa bouquet and garter.
“Okay. Ladies, pila na sa likod at ibabato na ni Mrs. Lareho ang bouquet niya.” Announce ni Harriet.
Taka ko siyang tiningnan. “Hindi ka sasali?” tanong ko sa kanya.
She smiled. “Sasali, syempre.”
Agad siyang lumapit doon sa nakakumpol at pumila. Nakita ko sa pinakalikod sina Phaebe at Ayen na nakatayo lang. Naka-poker-face si Ayen habang si Phaebe ay nakanguso.
Agad na akong tumalikod. Nagbilang ang mga tao saka ko agad na ibinato ang bouquet.
Narinig ko ang sigawan nila. Agad ko silang hinarap at napapalakpak nang makitang si Phaebe ang ay hawak ng bouquet.
“Owemji!” Tili niya.
Ang sunod naman ay ang sa garter. Pinaupo ako ni Ville sa upuan. Lumuhod siya sa harap ko saka painosenteng kinapa-kapa ang binti ko pataas sa hita ko. May panaka-naka pa siyang paghaplos at pagpisil. Hindi ko naman siya mapigilan dahil marami ang nanonood pero ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
Nang makarating na ang kamay niya sa garter ay bahagya akong napaigtad nang bigla niyang padaanan ng daliri niya ang pagkababae ko. Muntik ko pa siyang matadyakan dahil sa hiya.
“V-Ville, bilisan mo, ano ba?!” Mariin kong asik.
He looked at me innocently then reached for the garter saka hinubad. Nang makuha niya ay agad siyang humarap sa mga tao at itinaas ang garter.
“Okay! Line-up, gentlemen,” saad naman ni Harriet.
Agad naman na nag-linya ang mga kalalakihan. Tumalikod si Ville saka hinintay na matapos ang pagbibilang ng mga bisita. Saka niya agad na ibinato habang nakatalikod siya.
Pumalakpak ang lahat ng si Clovis ang nakakuha nito. Kita ko ang pagngisi ni Clovis habang si Phaebe naman ay nagtatalon sa tuwa. Napailing na lang ako.
Agad na ring nag-announce si Harriet na paupuin si Phaebe dahil isusuot sa kanya ang garter na hawak ni Clovis. Ang rami pang tumitili habang pinapanood sila dahil ang cute nilang tingnan dalawa. Pagkatapos ay napatigil kami nang may marinig kaming ugong ng helicopter.
“Everyone, let’s say ‘goodbye’ to the newly weds!” saad ni Harriet.
Agad namang hinawakan ni Ville ang kamay ko saka nibuhat si Nicco. Saka pinasuot ng headset bago kami pinapasok. Magkahawak-kamay kaming kumaway sa mga taong nanonood sa amin. Bago kami tuluyang lumipad sa himpapawid.
Tumigil ang helicopter sa lugar kung saan may napakalawak na yard. Kasya doon ang helicopter kaya doon ito dumapo.
Agad kaming bumaba saka agad namang nagpaalam ang piloto. Nang makaalis na ito ay napatingin ako sa paligid. At sobrang namangha ako.
“Ville, ano ang lugar na ito?” tanong ko sa kanya.
Hinawakan niya ang bewang ko. “We are at El de Hera, baby,” sagot niya.
Namangha ako. Napatingin ako sa paligid ko.
Sobrang lawak ng yard doon. Trimmed ang mga damo kaya napaka-plain tingnan. Sa pinakadulo ay may kulay puti na tila isang cottage house. Ang sahig nito ay gawa sa kahoy na kulay light brown. Malaki ito kaya may nakalagay na tatlong sofa sa bawat gilid. May counter ito at mga stool.
Sa bawak gilid ng cottage house ay mga puting fence na nakatayo. Mukhang sinadya itong ilagay doon upang walang mahuhulog dahil sa kabilang gilid noon ay karagatan na. Siguro rin kaya hindi concrete ang nilagay ay upang makita pa rin ang ganda ng karagatan.
Napatingin ako sa likod namin. Namangha ako nang makita ang malaking bahay na kulay puti rin. Napapaligiran ito ng mga bulaklak at iba pang mga halaman. Kita mula sa kinatatayuan namin ang loob ng bahay dahil glass wall lang ang naroroon. Sa harap nito ay may isang fountain na yari sa brown bricks. May upuan din sa bawat gilid ng fountain. At sa bawat gilid ng fences ay mag naglalakihang kahoy na siyang nagbibigay ginhawa sa paligid. Napakamaaliwalas nito tingnan.
“Sa atin ba ito, Ville?” tanong ko.
“Yes. Our home.”
My home. I’m home.
—
Thorn:
YEY! HULING CHAPTER NA 'TO!
THANK YOU SO MUCH FOR READING MY STORIES! LOVE YA'LL!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro