Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

T H I R T Y

It was so painful for us to stay fine after the confrontations that happened. I do know that it would be the last time that I and my sister would be coming back in that house. Nonetheless the pain, tortures and cuts, I believe that we will make through it. Gaya ng palaging paalala ni Lola sa amin, walang sugat na hindi nagagamot, at mas lalong walang sakit na hindi nalulunasan.

It’s been almost a week and I could feel that something’s off with Nivia. I know that something’s up with her but she doesn’t want to tell me. I badly wanted to know but I’m scared of asking her. It might trigger something inside her and I would never want that to happen.

Naririto kami ngayon sa condo ko. Isinama ko na rin si Nivia dahil ayoko siyang mag-isa. Ayaw pa nga sana niya ngunit wala siyang nagawa nang pilitin ko siya. Isa pa, wala rin naman akong planong iwan siya sa hotel o kung saan-saan lalo pa’t alam kong may pinagdadaanan siya ngayon. Ngayon niya ako kailangan. Ngayon niya kailangan ng kausap.

Tatlong araw na simula nang ipaalam ko kina Harriet, Phaebe at Aileen na nakauwi na ako. They asked me if they could visit me in my place but I told them not to. I told them that I still want to rest after my flight. Good thing was they understand my reason.

Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung may alam na ba sila patungkol kay Nicco. Wala naman silang nabanggit ngunit nakakapagtaka naman kung wala lalo’t kumalat na ang balitang iyon sanggol pa lamang si Nicco. But if ever that they still doesn’t know about my baby’s existence then I must explain to them. Pero huwag na muna sa ngayon.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama saka inayos ang kumot ng anak ko. Palagi ko kasi siyang nilulutuan ng breakfast. I usually made him eat homemade foods because I’m being careful for his health. I know he has a strong immunity but he has a great metabolism as well.

Kumuha ako ng tuwalya upang sana ay maligo. Inihanda ko na rin ang damit ko upang sa loob na lamang ng banyo ako magbibihis. Papasok pa lamang ako nang biglang nag-ingay ang cellphone ko. Agad ko itong pinulot mula sa side table ng kama saka binasa ang caller ID. It’s Harriet.

Ngumiti ako saka kunwari ay kagagaling lang sa paggising.

“Hello, Nik?” bungad niya.

Ngumiti ako saka sumagot. “Oh, napatawag kang babae ka?! I told you last three days na nakauwi na ako pero hindi ko sinabing gambalain mo 'ko agad! Ano ka?! Sinswerte?! Tsk, tanginang iyan,” sagot ko. Just the usual me who loves cussing.

She chuckled. “It’s Jethro's birthday tomorrow. Punta ka rito. We need help. Hindi naman kasi pwede na si Ayen lang ang magluluto o kaya ako. Isa pa, alam mo namang hindi marunong si Phaebe, kaya ikaw na lang. Sige na, punta ka na dito,” wika niya na tila ba nagsusumamo.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko. “Aba, gago ka?! Umuwi ako sa Pinas para magpahinga hindi para gawin mong alipin. Tsk. Babaeng ito!” pabiro kong asik. Hindi naman masyadong malakas dahil tulog pa ang anak ko.

“Sige na, punta ka na. Kailangan ka talaga namin. Sige na, Nik,” sagot niya saka rinig ko sa boses niya na tila nagmamadali.

“Yawa! Oo na! Pupunta na ako diyan. Bye!” pabiro kong saad saka binaba ang tawag. Nang maibaba ko na ang tawag ay saka ako tuluyang humagalpak ng tawa.

Ilang minuto lang din ay na-receive ko ang message ni Harriet. Sinasabi nito na bilisan ko daw dahil pupunta din sina Sim at ang asawa nito. Pati nga raw ang anak nito. Huling balita ko ay kasal na ito, last two years pa iyon. Grabe! Ang bilis ng panahon at ngayon ay may asawa na ang gago. Parang dati lang ay kasa-kasama pa namin siya habang gumagawa ng kalokohan kasama ang manlolokong asawa ni Harriet. Well, I guess people do change for a better.

Napabuntong hininga ako saka agad nang pumasok sa banyo. Walang paligoy-ligoy na naligo ako lalo pa’t sobrang init dito sa Pilipinas.

While showering, I was clouded with thoughts. I’m torn between going to Sim’s place with Nicco or just leave Nicco at Nivia’s care. But, I badly wanted them to meet my baby and I wanted my baby to meet them. Its just that, I’m hesitant. Kasi, kung hindi pa nila alam ay mahabang paliwanagan ang mangyayari. Kung alam naman nila ay magpapaliwanag pa rin naman ako.

I breathed out and shook my head. Iiwan ko na lang muna kay Nivia si Nicco. Sa susunod ko na lang siya dadalhin.

Soon as I was done taking a shower, I then went out of the bedroom and went straight to the kitchen. I was still on the entrance of the kitchen when I saw Nivia’s back sitting on one of the stool near my kitchen’s island counter. I sneaked and listened whatever she’s doing. But, I heard her stifled cries while she keeps on drinking on a wine glass.

Bumangon ang pag-aalala ko sa dibdib ko dahil sa nakikita. Tama nga ako. Hindi nga siya ayos.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya saka nang makalapit ay nagdadalawang-isip na kausapin siya. Baka kasi ayaw niya akong kausap o gusto niyang mapag-isa.

“N-Nivia?” mahina kong tawag sa kanya.

Agad siyang napalingon sa akin saka dali-daling pinunasan ang mga luha niya sa pisngi.

“H-Hey, hindi mo kailangang punasan ang mga luha mo kung t-talagang masakit. A-Alam kong hindi ka maayos ngayon kaya huwag mong peke-in. Naiintindihan kita, Niv. Iiyak mo lang,” mahina kong saad na agad niyang tinanguan saka agad na nagsiragasaan ang mga luha niya.

Agad ko siyang hinapit papalapit sa akin at niyakap. Yumakap naman siya pabalik saka isinubsob ang mukha sa dibdib ko saka doon umiyak ng umiyak. Hinaplos ko ang ulo niya saka pinakingggan lamang ang mga pag-iyak niya.

“Kung ayaw mong sabihin sa akin kung ano talaga ang problema mo ay ayos lang, Niv. As long as you cried on my shoulders. As long as you lean on me in these tough times of yours. Naiintindihan kita at patuloy kitang iintindihin,” bulong ko saka hinaplos ang ulo niya ng paulit-ulit.

Hindi siya sumagot at patuloy lamang siya sa pag-iyak. Ramdam ko sa mga pag-iyak niya ang bawat sakit na nararanasan niya ngayon.

“You know what? Whatever happened to you that made you feel such pain, I know you could make through it. You’re a strong woman, Niv. Much stronger than me. Lahat naman tayo dumadaan sa sakit, eh. Ngunit, hindi lahat tayo ang nakakalampas sa sakit. Pero, iba ka, Niv. Iba ka. Alam kong kakayanin mo dahil kakambal kita. Parehas tayong dumaan sa sakit, sa mga magulang pa lang natin simula mga bata pa tayo. Pero, as you can see, we made it. Nagawa natin kahit gaano ito kasakit. Oo, Niv, masakit. Sobrang sakit. Pero ganyan talaga ang buhay. Kailangan mong dumaan sa matinding sakit bago ka sasaya.”

Patuloy lamang siya sa pag-iyak kaya hinayaan ko na lamang siya. Hindi naman agad na mawawala ang sakit na nararamdaman niya. Hanggang sa tuluyan na nga siyang tumigil sa pag-iyak.

“Thank you, Nik,” paos niyang bulong saka pinunasan ang pisngi niya.

“Tsk. Hindi mo naman ako kailangang pasalamatan,” bulong ko saka tipid na ngumiti.

“Grabe! Ang drama ko sa umaga!” natatawa niyang saad na inilingan ko lang.

“Tsk. Naglalabas ka ng sama ng loob, hindi ka nagda-drama,” wika ko.

Lumapit na ako sa loob ng counter saka nagsimula nang magluto ng pagkain namin. Ayokong magutom si Nicco kapag naggising na siya.

“Bakit naman ang aga mong naggising?” tanong ni Nivia.

“Hmm, kasi lulutuan ko si Nicco ng breakfast niya. Hindi kasi ako bumibili lang ng pagkain niya sa umaga dahil baka magkasakit siya,” wika ko.

Naaalala kong ipagpaalam ko nga pala sana sa kanya si Nicco. Pero paano ko iiwan sa kanya ang anak ko kung wala siya sa magandang kalagayan ngayon?

“Hmm, you’re being a great mother to him,” wika niya.

I smiled. “Because I wanted to raise him properly.”

Ilang minuto kaming natahimik hanggang sa naisipan kong magsalita. “Niv, wala ka bang gagawin ngayon?”

“Wala naman, bakit?” sagot niya.

Bumuga ako ng hangin. “Ibibilin ko sana sayo si Nicco kaso mukhang wala ka sa mood ngayon.”

“Ayos naman na ako. Tsaka, mas mabuti na rin iyon para naman mabaling ko ang atensyon sa kanya. Bakit? Saan ba ang punta mo?” tanong niya.

“Sa bahay ni Harriet. Ngayon kasi maghahanda para sa birthday ni Jethro bukas. Ang anak ni Harriet,” sagot ko sama tipid na ngumiti.

“Oh, may anak na si Harriet at Evans?” taka ngunit gulat niyang tanong.

“Yep, their adopted son.”

Napatango-tango siya. “Okay. Mag-ingat ka na lang. Dito lang kami ni Nicco.”

“Okay, thank you! Pero sigurado ka na ayos ka lang?” paninigurado ko.

Ngumiti siya ng tipid saka tumango. “Oo naman.”

Sakto naman at tapos ko nang lutuin ang breakfast namin at ni Nicco nang lumabas ito mula sa kwarto. Naghihikab pa ito at cute na naglakad palapit sa amin ni Nivia. Agad naman itong sinalubong ni Nivia saka binuhat.

“Good morning, baby boy!” masiglang bati ni Nivia. Sobrang sigla na tila hindi mo makakapa ang sakit na nararamdaman niya. Masyado siyang magaling magtago.

“Good morning too, Tita Nivia! You looked pretty in the morning!” sabi naman ni Nicco.

Humagikhik si Nivia saka mahinang kinurot ang pisngi ni Nicco. “Tsk. Ikaw talaga, mambobola. Hindi ko alam kung saan ka nagmana. Pero, salamat naman at na appreciate mo ang kagandahan ko sa umaga.”

Nicco giggled. “Just kidding!”

Napatigil naman si Nivia saka kinurot ang pisngi ni Nicco. “Oo na, nagmana ka na sa Nanay mo. Halika na nga. Hindi ka pa ba nagugutom, hmm, baby boy? Sigurado ako na nagugutom ka na. Sa lawak ba naman ng tummy mo ay malamang gutom na gutom ka na,” natatawang wika ni Nivia saka tumungo sa kitchen table.

“Teka lang, ihahain ko lang ang pagkain,” saad ko.

Agad kong inihain ang niluto kong gulay. Kahit noong nasa California pa lang kami ay sinanay ko na sa gulay si Nicco. Hindi ko alam kung bakit wala siyang reklamo gaya ng ibang mga bata pero natutuwa ako dahil kahit papaano alam ko na magiging healthy siya.

“Really? Beans? Kumakain ba ng ganyan si baby boy, Nik?” kunot-noong tanong sa akin ni Nivia.

“Oo. Hindi ko pala nasabi sayo na sinanay kong kumain ng gulay si Nicco. Kumakain na nga iyan ng kanin, eh,” saad ko.

“Tsk. Kung ako lang ang naging Nanay ng batang ito, baka hindi ko na siya papakainin ng kanin. Gatas na lang siya palagi tapos papainumin ng vitamins. Tapos syempre dahil baby pa siya, wala munang gulay. At kung meron man, dapat iyong gaya ng texture ng cerelac o kaya ng mga cereals. Baka kasi hindi kayanin ng tiyan niya ang mga pagkaing para sa matatanda, eh,” saad ni Nivia saka hinaplos-haplos ang ulo at likod ng anak ko.

Napailing ako saka inirapab siya. “Edi, manganak ka na. Ayoko kasing e-spoil si Nicco.”

Bigla kong nakita ang pagbahid ng lungkot sa mukha niya na siyang ipinagtaka ko. Ngunit, ipinagsawalang-bahala ko na lamang.

“Kung pwede nga lang, eh,” malungkot niyang sabi.

Tumikhim ako saka ngumiti. “Hays, kain na nga lang tayo. Nagugutom na ako, eh.”

“Tama! Kain na tayo baby boy, ha? Sure ka ba talaga, Nik na kaya na itong kainin ni baby boy?” muli niyang tanong na agad ko namang tinanguan.

“Oo nga. Tsaka, favorite niya ang gulay. Tanong mo sa kanya,” wika ko saka lumapit sa kitchen table at inilagay ang kanin at ulam namin bago ako naupo sa tabi ni Nivia na kandong ang anak ko.

“Baby boy, do you like eating vegetables?” tanong niya sa bata.

Nicco nodded. “Yes, Tita. Vegetables are my comfort food!” masigla niyang sagot.

“Sabi ko nga mahilig ka sa vegetables. Oh sige na, kain na tayo! Yey!” wika ni Nivia saka sinimulan nang subuan si Nicco.

Agad na rin kaming nagsimulang kumain. Nang matapos kami sa pagkain ay agad kong pinaliguan si Nicco. I also told him that I’ll be leaving so he have to behave while I’m away. Isa pa, hindi niya alam ang pasikot-sikot sa lugar na ito, hindi gaya ng sa California. Mabuti nga at naiintindihan niya. Kaya sana naman ay hindi siya magiging pasaway habang wala ako.

Nang matapos ko siyang paliguan ay agad na akong nagpaalam sa kanila. “Niv, mauuna na ako, ha. Baka naman kung ano-ano na lang ang ipapakain mo diyan kay Nicco, ha? Kilala kita.”

Ngumiti siya saka umiling. “Hindi nga. Sige na, umalis ka na. Baka magalit sayo sina Harriet dahil late ka na namang dadating.”

Umiling ako saka hinalikan si Nicco sa noo. “Behave, ‘kay?” wika ko na agad niyang tinanguan.

“Sige, mauna na ako,” I said and leave the house.

I borrowed Nivia’a car because just like the last time I went here, I didn’t brought a car with me. Buying a car wasn’t also in my plan. Lalo na’t hindi naman ako mananatili rito sa Pinas.

While driving my way towards Harriet’s house, I suddenly felt nervous. Hindi ko man lang inalam kung pupunta ba si Ville— Cladville. Isa pa, kung nagtanong ako kay Harriet ay baka ano pa ang isipin niya.

Bumuga ako ng hangin. Naroroon man siya o wala, ay wala na akong pakialam. As long as makakapunta ako at makakatulong sa kanila. I will just act like we were some old friends. That’s it. And I know for sure that he will bring his family with him.

“Yeah, he probably will.”

Muli akong napabuga ng hangin saka kinapa ang dibdib ko nang biglang makaramdam ng kirot.

“Para saan na naman ba ang kirot na naramdaman ko?” naguguluhan ngunit naiinis na tanong ko sa sarili ko.

Ipinilig ko na lamang ang ulo ko saka ibinuhos ang atensyon sa pagmamaneho ko. Hanggang sa hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa labas ng bahay nina Harriet at Evans.

Napatitig ako sa bahay nila. Hindi naman ito kalakihan pero maganda ito at elegante. Halata rin na seryoso ang mga nakatira dahil na rin sa ibinubugang hitsura ng bahay. At gaya ng dati ay wala pa rin itong pinagbago.

Agad na akong pumasok sa  bahay ni Harriet. Naabutan ko ang dalawa pang sasakyan doon na alam kong kina Ayen at Phaebe. Mabuti naman at sila lang ang naririto.

Nang makapasok ako sa bahay ay naabutan ko sa living room sina Phaebe at Ayen na naghihintay. Si Ayen ay nanonood ng kung ano sa TV habang si Phaebe ay may binabasang parang document. Agad na lumawak ang ngiti ko saka tumikhim dahilan ng paglingon nila sa kinaroroonan ko.

“Hi, girls!” masigla kong wika.

“Nikki!” tili ni Phaebe saka sinalubong ako at niyakap. Niyakap ko naman siya pabalik. Lumapit din si Ayen sa akin nang may tipid na ngiti saka niyakap din ako.

In fairness, hindi siya masungit ngayon. Climate change talaga.

“Kumusta?!” wika ko.

“Pwede ka namang magsalita nang hindi sumisigaw,” wika ni Ayen na nananatili pa rin ang matipid na ngiti sa mga labi niya.

“Tsk. Pwede namang sumagot ka ng maayos, eh,” wika ko saka umirap.

“We’re good!” masigla namang sagot ni Phaebe na nakayakap pa rin ang braso sa bewang ko.

“Mabuti naman kung ganoon. Si Harriet, bakit wala pa siya?” I asked.

“Hindi pa siya bumababa. Kanina pa. Kaya naghintay na lang muna kami saka pinakialaman ang TV niya,” Ayen asked.

Oh! Hindi na talaga siya masungit!

“Okay. Baka busy pa sila ni Evans. O, kaya baka sadyang natutulog pa siya,” saad ko.

Tumango naman si Phaebe. “Let’s just watch movie first. Nakakatuwa ang pinapanood namin ni Ayen. It’s a cooking show. Nakakagutom nga, eh!”

Talaga bang nanonood siya? Eh, parang nagbabasa lang siya, ah.

Bahagya namang nanlaki ang mga mata ko nang magsalita ng tagalog si Phaebe.

“Wow! Improving ka na sa pagtatagalog, ah! Sino nagturo sayo?” wika ko.

She chuckled. “I just want to learn so I taught myself.”

“Ow? Okay. Mabuti na rin iyon para hindi kami ma nosebleed sayo,” sabi ko.

“Manood na lang muna tayo ng movie, tara na,” saad ni Ayen.

Grabe! Bait niya ngayon!

“Bakit hindi siya masungit ngayon?” pasimpleng bulong ko kay Phaebe.

“I don’t know, either,” bulong niya pabalik na tinanguan ko na lang.

Pumunta kami sa sofa saka naupo roon at nagsimula nang manood ng movie na sinasabi nila. Pero, hindi naman pala movie kasi cooking show ito.

Pinakiramdaman ko sila habang nanonood kami. Wala man lang niisa sa kanila ang nagnais magtanong patungkol kay Nicco kaya nakakapagtaka. Talaga bang wala silang alam?

Ilang minuto kaming nanatili roon sa living room habang hinihintay si Harriet hanggang sa tuluyan na nga siyang bumaba ng hagdan.

“What took you so long?” malawak ang ngiting wika ko.

Kita kong nanlaki ang mga mata niya saka napaigtad. Malamang ay dahil sa gulat.

“Bakit ang aga niyo?” tanong niya.

Aba, ayaw yatang maaga kami.

“Kasi, gagambalain mo rin naman kami ng mga tawag mo kaya pumunta na lang kami rito ng maaga,” Ayen tsked while sitting like a president on the sofa. Ang mga binti nito ay nakapatong sa mesa habang ang parehong mga braso ay nakapatong sa armchair.

“Tatawagan ko pa lang sana kayo, eh. Tsaka pupunta rin yata sina Clad at Sim rito. Mukhang tinawagan sila ni Evans last night,” wika ni Harriet dahilan ng paghilaw ng ngiti ko.

Ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko. Clad? Cladville? Sinasabi ko na nga ba at pupunta siya. Tsk.

“Ede, mabuti para naman may makatulong sa atin,” wika ko pero ramdam ko naman ang kabog ng dibdib ko.

Sana, hindi siya matuloy. Sana hindi siya payagan ng asawa niya.

Harriet raised her brows at me as she smiled. Pero hindi simpleng ngiti kundi mapang-asar. Tsk.

“Tama! So, ano? Anong una nating gagawin?” malawak ang ngiting tanong niya.

“Ede, magsisimula sa pag-aayos sa backyard niyo. Yun muna ang unahin natin, dahil mamaya na natin sisimulan ang pagluluto. May mga upuan at mesa na ba para doon?” seryosong tanong ni Ayen.

Oh, nagseryoso na naman ulit?

“Pupuntahan pa lang nina Evans. Tingin ko kaya pupunta rito sina Clad dahil tutulong sila sa pagkuha ng mga kagamitan," Harriet said so I nodded my head.

Sana hindi siya matuloy.

“Phaeb? Ano yang pinagkaka-abalahan mo?” napatingin ako kay Phaebe nang tanungin siya ni Harriet.

Harriet sat next to her and looked at whatever she’s reading on some documents.

“Company,” maikling sagot ni Phaebe.

Tsk. Hanggang ngayon busy pa rin pala siya. Walang pinagbago ang pagiging devoted niya sa trabaho.

“So, ano pala ang gagawin natin ngayong wala pang mga kagamitan?” mataray na tanong ni Ayen.

Oh, mataray na ulit? Tsk.

“Chill!” natatawa kong wika.

Marami pa kaming pinag-usapan bago kami nagsimulang magluto.

Sobrang dami ng niluto namin kahit sinasabi ni Harriet na simple lang ang celebration. Ang laki ng cake na pinagawa niya kay Ayen. Pero, worth it naman nang matapos dahil halata namang pinaghirapan talaga namin ang lahat.

Isa pa, deserve ni Jethro nang ganoong handaan. He’s such a good boy. Ang gwapong bata pa. Siguro, blessing kay Harriet ang batang iyon, lalong-lalo na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan niya.

After our preparation, Harriet told us to stay in her house. Gusto ko sana kaso ayoko namang hindi uwiin ang anak ko kaya sinabihan ko siya na uuwi na lamang ako lalo pa’t walang kasama si Nivia. Mabuti na rin at pumayag siya.

Nagmamadali rin kasi ako dahil sabi niya na pupunta si Ville—Cladville sa bahay nila. Mabuti na lamang at hindi niya ako naabutan.

Hindi pa ako handa…

Kinabukasan ay maaga akong nagtungo sa bahay nina Evans. Sa backyard nila ginanap ang celebration dahil malawak doon. Maganda rin ang pagkaka-ayos ng venue gaya ng inaasahan ko.

Kanina ay halos makasabayan ko pa si Cladville sa labas nang e-park ko ang kotse. Ngunit mas nauna ako kaya agad akong pumasok sa loob nang walang lingon-lingon. Ni-hindi ko man lang alam kung nakita niya ako.

Ilang minuto na kaming naghihintay ngunit hindi pa rin bumababa sina Jethro at Harriet.

“Bakit wala pa sina Harriet at Jeth, Evs? Dapat naririto na sila sa mga oras na ito. Naghihintay na ang mga bisita. Are you sure they're both okay?” nag-aalala kong tanong. Hanggang ngayon ay wala pa rin sila, eh, tanghali na. Naririto na lahat ng mga bisita.

“Hindi ko rin alam. Sinabihan ko lang ang asawa ko na ayaw lumabas ni Jeth sa hindi malamang dahilan. Pero agad itong pinuntahan ni Harriet. Hanggang ngayon wala pa,” Evans answered, obviously worried as well.

“Should we start the birthday party now?” Ayen asked kaya napatingin ako sa kanya.

“I still don't know. Siguro maghintay na lang muna tayo ng mga ilang minuto. Siguro, papunta na ang mga iyon,” wika ni Evans.

Evans went to the children’s table and talk with the kids. Siguro ay pinipigilan niya lang na mainip ang mga ito.

“Bakit ba ang tagal nila?” tanong kong muli.

“Let’s just wait,” Phaebe answered, so I nodded.

“Hey kids?” napalingon ako kay Evans nang marinig ko ang boses niya. Kinukuha niya ang atensyon ng mga bata. Binigyan niya ng mga chocolates ang mga bata na agad namang natuwa.

“Let’s help Evans,” rinig kong wika ni Zandro ngunit hindi na ako lumingon pa sa kanila dahil makikita ko lang si Cladville.

“Alright. What can we do to help him?” Clovis asked.

“Let’s give them chocolates. That’s what Evans did,” Cladville answered.

Napapikit ako ng mariin nang nagtayuan ang balahibo sa batok ko nang marinig ang boses niya. Ramdam ko rin na malapit lang siya sa likod ko. Why is he so near?!

Pinakiramdam ko lang sila hanggang sa namigay na sila nang mga chocolates sa mga bata. Sina Eros at Sim naman ay nagsimulang kumanta nang mga nursery songs. Ginagaya pa nila ang mga steps kaya nakaroon ng tawanan ang loob ng backyard. Pinipilit rin nilang sumayaw ang mga bata kaya mas lalong naging maingay. Ilang minuto lang din ay sumali na si Cladville sa pagsasayaw kaya umiwas na lamang ako ng tingin.

“Sorry kung natagalan kami,” napalingon ako nang marinig ang boses ni Harriet. Kasama na niya sina Evans at Jethro.

“Ayos lang. Bilisan mo na diyan. Para makapagsimula na tayo,” Ayen said. Harriet nodded and went near her parents kaya nanatili na lamang muna kami roon saka pinanood ang kaingayan nina Sim, Eros at Cladville.

“Why don’t we dance with them?” Phaebe suddenly asked.

“If you want to dance then dance. Huwag mo kaming dinadamay,” asik ni Ayen na ikinailing ko.

“Okay. I’ll dance with the adorable kids!” saad ni Phaebe saka agad na tumungo sa harap saka nakisayaw sa mga bata.

“Gaga talaga!” naiiling kong sabi saka tumatawa habang pinapanood si Phaebe.

Lalo na nang hilahin niya si Clovis at pinilit na sumayaw. Wala na ring nagawa si Clovis at nakisayaw na rin dahil hindi nagpapapigil si Phaebe.

Hanggang sa nag-iba na ang music at nagsimula nang magsayawan ang mga matatanda. Agad na hinila ko si Ayen para sumayaw ngunit sinamaan niya ako ng tingin kaya napangiwi ako.

“Sasayaw lang naman tayo, eh,” wika ko. Mas lalong sumama ang tingin niya.

“Kung gusto mong sumayaw, sumayaw ka mag-isa mo,” sagot niya.

Napahagalpak ako ng tawa saka umiling-iling. “Tsk. Tsk. Tsk. Sige na nga. Bye! Sasayaw na ako!”

I went near Phaebe and danced with her. Kanina pa siya sayaw ng sayaw at hanggang ngayon ay sayaw pa rin ng sayaw.

“Phaeb? Saya mo, ah!” wika ko habang iginagalaw ang katawan ko.

“Yep! I’m just enjoying this so much! Grabe! This is so fun!” sigaw niya pabalik.

“Bakit enjoy na enjoy ka?” tanong ko.

“Because I will be busy again after this!” wika niya na ikinatawa ko.

Gabi na nang matapos kami sa party. Unti-unti na ring nagsiuwian ang mga bisita. Habang kami ay nanatili pa rin doon dahil ayaw pa kaming pauwiin ni Harriet. Pumayag naman ako dahil nakapagpaalam naman ako kay Nivia. Isa pa, ay uuwi rin naman ako maya-maya lang. Magdadala ako ng pagkain kina Nivia at Nicco. Marami pa namang natira, eh, babalutin ko na.

Nang kami na lang ang natira ay naupo kami nang magkasama sa isang round table. Pinatulog na rin ng mga kasama ko ang mga anak nila kaya kami na lang talaga ang naroroon.

“Was it true, Evs? Pupunta ka sa resort nitong si Zandro?” tanong ni Cladville kay Evans.

“Yep. Pupunta ako. Kami nina Sim tsaka ni Nat. Titingnan namin ang resort,” Evans answered. I think bagong Isla iyon ni Zandro.

“Sama ako,” Cladville said and pursed his lips. Inis kong tiningnan ang mukha niya.

“Tsk. You look stupid,” hindi ko mapigilang puna sa kanya. Kasi, totoo naman.

He looked at me so I instantly look away. “Na-miss mo lang ako, eh,” wika niya pero hindi ko na siya pinansin kahit ramdam ko ang mga paru-paro sa tiyan ko.

But still, we’re not close.

“Oh by the way, why don't we play truth or dare, since we're all not sleepy yet,” biglang wika ni Phaebe kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

Ano na naman kaya ang trip ng babaeng ito?

“Ano ka? 10 years old?” bara ni Ayen pero inosente lamang itong tiningnan ni Phaebe. Syempre, si Phaebe pa ba?

“I'm 26 years old. Wait, you don't know?” inosenteng tanong ni Phaebe. Halos mapatampal ako sa noo ko.

“We know,” Clovis said to probably stop Phaebe from too much innocent asking. Phaebe then pinched Clovis cheeks and smiled widely.

“Of course, you knew! You're my bestfriend after all! So, let’s play?” wika ni Phaebe kaya agad na lamang kaming tumango.

Agad namang nagsimula si Phaebe sa pag-ikot ng buti na tumapat kay Eros. “Eros, your turn. Truth or dare?”

“I’ll choose… dare,” Eros answered. Phaebe clapped her hands excitedly.

“Okay. Choose a girl inside the circle to kiss,” wika ni Phaebe na ikinapikit ko ng mariin.

“Subukan mong tangina ka,” rinig kong wika ni Evans habang humagalpak naman ng tawa si Eros kaya napamulat ako.

“Paano ako hahalik nito, eh ang sasama ng mga tingin niyo sa akin?” tumatawang tanong ni Eros. Kaya sa huli ay iba na lamang ang iniutos sa kanya.

Muling ipinaikot ni Phaebe ang bote at sa kamalas-malasan ko ay sa akin pa talaga tumigil ito.

“Nikki, truth or dare?” Phaebe asked.

Nag-isip ako saglit. “Dare.”

“Kiss Clad’s lips for 10 seconds,” wika niya na ikinalaki ng mga mata ko. Gaga ba siya?!

“Ano ka bata?! Kiss-kiss?! 'Yung iba naman!” reklamo ko. Pero hindi naman talaga iyon ang totoong dahilan.

“Oh well, sige. French kiss,” wika niya na mas lalong ikinalaki ng mga mata ko.

Saan niya natutunan iyan?!

“Sabi ko iba! Kiss pa rin 'yun, eh! 'Yung iba, Phaeb!” reklamo kong muli. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Pisti! Gaga, eh!

“Gawin mo na nga lang, Nik. Matatagalan tayo nito, eh,” wika ni Ayen kaya mas lalo akong namula.

“Oo nga. Just go and kiss Clad na, Nik!” wika naman ni Primm.

“Dali na, para matapos na tayo. Simpleng halik lang, eh,” wika naman ni Natasha na muntik ka nang sabunutan. Feeling close, tsk.

“Pinagtutulungan niyo ba ako, ha?!” singhal ko sa kanila. Ibinaling ko ang tingin kay Harriet na siyang hindi nagsalita. “Oh, ikaw?! Wala kang reklamo?! Magreklamo ka rin, ikaw na lang kulang! Team reklamador na kayo!” asik ko at pagkatapos ay sa malditang Natasha naman ako tumingin. “Ikaw! Sabi mo simpleng halik, diba?! Sige, ikaw nga halikan mo 'yang katabi mo!”

Nagsi-ubohan naman ang mga lalake.

“Wag mo ngang ibigay kay Nat ang dapat mong gagawin, Nik. Sige na! Halikan mo na si Clad, tutal naghalikan na rin naman kayo dati! Ano pang inaarte-arte niyo?!” kunot-noong asik ni Ayen kaya napatigil ako.

Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko dahil sa sinabi niya. Isn’t she worried about how would I feel if I’m going to do the dare? Tapos ngayon pinapangunahan pa nila. What’s wrong with them? They even protect that Natasha against me?

Why does it feels like they’re moving against me when in fact they knew the past between I and Cladville? W-What’s wrong with them?

I felt my eyes became blurry with the tears. I immediately stood up and wiped my tears as it cascade freely from my eyes. I picked up my bag and stormed out the house. I tried dodging the pain but I just couldn’t. I tried stopping my tears but it just keep on falling.

Soon as I reached my car, I hurriedly opened the door. I was about to enter when a tight grip hold my arm and made me face. The moment I smelled his scent, I instantly knew who he was.

I tried covering my wet face but he hold my chin and made me looked at him. I looked at him sharply.

“Let me go,” mahina ngunit mariin kong sabi.

He looked at me with too much worry in his eyes. Para saan naman ang pag-aalala niya? Hindi ko kailangan iyan.

“Are you okay?” he carefully asked.

I sarcastically laughed and slapped his hand on my chin making him let go of me. I don’t need his worry. I don’t need him. I don’t need anyone.

“Stop fucking up, asshole. Get a grip of yourself and rip that damn worry in your face! I don’t need any of it! Kung gusto mo ay bumalik ka doon at makipagtawanan sa kanila. Pare-parehas naman kayo, eh!” maanghang kong wika.

Pinunasan ko ang luha ko saka papasok na sana sa kotse nang muli niyang hawakan ang braso ko saka pinaharap sa kanya. Mas lalong uminit ang dugo ko.

“I told you to… Let. Me. Go! Ano ba ang hindi mo naiintindihan doon, ha?!” asik ko saka galit na hinampas ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

“Are you okay?” muli niyang tanong.

“What if I’ll murder you right now, then I’ll ask you if it hurts?” sarkastiko kong wika.

Bumuga siya ng hangin. “I-I’m just worried. I can’t help it—”

“I don’t care. Let me go. Huwag mo akong mahawak-hawakan,” asik ko habang ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko.

“The… the last time that you were here, we were in good terms. You left me while we were in good terms. And now, you came back so damn mad at me,” tila nahihirapan niyang saad.

“Shut up. I didn’t came back for you, Attorney,” asik ko saka pilit tinanggal ang braso ko sa mahigpit niyang hawak.

Papasok na sana ako sa kotse nang muli siyang magsalita.

“Where have you been for three years?” he asked.

“Away from people who can possibly hurt me.”

And that includes you.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro