Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

T E N

Pagkatapos na pagkatapos ng interview ay dumeretso na agad ako pauwi sa condo unit ko. Buti na lang at wala nang masyadong paparazzi kundi baka saan na naman umabot ang interview.

Gusto ko na ring ipahinga ang utak ko, ulit. Gusto kong matulog. Gusto kong kumain tapos tulog ulit. Ganun na lang sana ang buhay.

Nagmamaneho pa lamang ako nang biglang tumawag si Ro sa akin. I connected my phone to the bluetooth para hindi na ako mahirapan.

"Yep?" I asked.

"I just received an email, Irah. The famous author of Paris wants you to be the cover of her book. Which only means one thing. You'll be having a pictorial." She said. I nodded.

"Okay. That's fine. Though, I really want to enjoy my break here, but...it's fine. When?" I asked.

"Next week. And oh, she wants you to bring your fiancè. Bye." She ended the call.

Napatitig ako sa cellphone ko na nasa dashboard.

Fiancé?

"Bakit ko naman dadalhin si Ville? Anong kinalaman niya doon?" Kunot-noong tanong ko.

Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang mapatingin sa mga posters at commercials sa mga buildings. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang mukha roon ni Ville.

Some were clothing brand, perfumes, accessories, but one caught my attention. The liquor commercial. He's just wearing a loose jeans and nothing on top.

Napapaypay ako sa sarili ko. I tried to take away my eyes from the sinful body of my so called fiancee.

Ang init! Sobrang init. Ang init-init dito sa Pilipinas!

As soon as I arrived in my condo, I hurriedly went in. Lalo na nang maramdaman kong kumulo ang tiyan ko.

Gutom na naman ang mga bulati ko. Pa'no ba yan?

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at agad na pumasok sa kusina. Gutom na gutom na ako at hindi ko na kaya. Habang nginunguya ang pagkain ay bigla kong narinig ang boses ng magaling kong fiancé kuno.

"I love you pala, ha." I could hear the teasing in his voice. I rolled my eyes and continued eating.

"Hindi ka magsasalita? I love you I love you ka pa, ha. Ngayon mo nga sabihin sa akin. Ngayong magkaharap na tayo. Gusto ko lang marinig sa personal. Alam mo namang ampangit pakinggan kapag TV kaya hinintay talaga kita. Dali na, sabihin mo na." Pamimilit niya.

Hindi ko siya pinansin ngunit napatigil ako sa pagkain nang kinalabit niya ang bewang ko. Inis ko siyang tiningnan.

May pang-aasar sa mga ngiti niya. Mali, nakangisi siya kaya alam kong mang-aasar na naman. Sabagay, kahit naman hindi siya ngumisi, asar pa rin ako sa kanya.

"I love you, baby." He said and teased me.

"Punyawa ka, kitang kumakain ang tao! Manahimik ka nga dyan! Gutom na gutom na gutom na gutom ako Ville kaya manahimik ka muna dyan, ha! Pakainin mo muna ako!" Bulyaw ko sa kanya habang patuloy na kumakain.

"Sige ba. Pero, ako naman ang kakain pagkatapos mo, ha?" Nakangisi niyang sagot. I rolled my eyes.

"Alam mo ba ang ABCD rule, Hatorni?" Mataray kong tanong sa kanya. Nakangiting umiling siya.

"Hindi. May ABCD rule pala? Ano 'yun?" Takang tanong niya. Muli akong napairap.

"After banat, charot dapat," sabi ko tsaka siya nginisian.

Nagpatuloy ako sa pagkain habang ang hatorni ay tila gulong-gulo. Bahala ka diyan.

"Hindi naman ako bumanat, ah." Biglang sabi niya kaya napabaling muli ang aking tingin sa gawi niya.

"Eh, anong tawag mo dun sa sinabi mo kanina? Doon sa, 'ako naman ang kakain pagkatapos ha'?" Irap ko.

"Hindi banat 'yun. Talagang kakain ako. Gutom na ako, eh. Hindi ako pwedeng lumabas tapos ayoko namang kumuha diyan sa reef mo dahil baka bugahan mo na naman ako ng apoy kaya kahit na gutom ay tiniis ko. Banat-banat na sinasabi mo dyan?" Kunot-noong tanong niya.

Ah, hindi ba banat 'yun?

"Ede, sana sinabi mo! Punyawa ka!" Bulyaw ko sa kanya para kunwari wala akong pakialam at hindi ako napahiya.

"Ede, kumain ka. Pwede ka namang kumain habang kumakain ako. Gagong 'to," sabi ko sabay subo.

Dali-dali siyang kumuha ng plato tsaka naupo sa tabi ko. Agad siyang kumuha ng pagkain at nagsimula na ring kumain. Sobrang gana niya kaya baka nga gutom na siya.

"By the way, my assisstant called me. She told me that a famous author from Paris wants me to have a pictorial for her book cover. Ang sosyal, diba? Talagang hindi na lang siya kumuha sa google o kaya sa pinterest. Talagang magpapa-pictorial pa siya. Siguro mayaman 'yun," sabi ko.

"Pupunta ka? I thought you want to have a break?" tanong niya pero patuloy pa rin sa pagkain.

Gutom na gutom?

"Yes, but...ilang araw lang naman ako doon. And...you'll come with me so no problem," sabi ko sabay ngiti. Napatigil siya sa pagnguya at tumingin sa akin.

"Ba't naman ako sasama? Ang layo ng France. Wala akong pera," sabi niya. Napairap ako.

"Huwag kang mag-alala. Kung masyado kang kuripot ay ililibre kita. Kailangan lang talagang nandoon ka dahil iyon ang gusto ng author." Paliwanag ko.

"Sino ba 'yang author na iyan?" tanong niya. Nagkibit-balikat ako.

"Ewan ko. Hindi nasabi ni Ro sa akin."

"So, kailan ang alis mo?" He asked.

"Next week. And the both of us will go there." May pinalidad kong sabi.

"Sino naman ang may sabi sayong hindi ako pupunta?" He said and rolled his eyes.

Aba ang kapal ng mukhang mang-irap. Pasalamat nga siya isasama ko siya eh.

Hindi na lamang ako nagsalita at nagpatuloy sa pagkain. Gutom ako. Dapat inaalala ko ang kalusugan ko kaysa sa lalakeng nasa tabi ko.

Nang matapos kami sa pagkain ay napag-desisyunan kong pumasok na lamang sa kwarto. Agad akong nagbihis  ng simpleng itim na t-shirt at short shorts na puti. Nahiga ako sa kama pagkatapos upang magpahinga. Hindi ko alam kung bakit pagod na pagod ako sa mga nangyari.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko kaya bumangon ang kaba ko. Agad akong napatingin roon at nakita kong pumasok si Ville. Napabangon ako tsaka tumingin sa kanya ng may pagtataka.

"Yes?" I asked.

Napasandal ako sa headboard ng kama ko nang lumapit siya. Papaalisin ko na sana siya nang bigla siyang tumalon sa kama ko tsaka hinapit ang bewang ko. Isinandal niya ang ulo sa aking dibdib.

"A-Ano tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ko na hindi alam kung saan siya hahawakan.

"Masakit ang katawan ko," sagot niya.

"Oh tapos? Mukha ba akong doctor?" Sarkastiko kong sabi saka umirap.

"Hindi. Pero ikaw ang medisina," saad niya. Napairap ako.

"Ano nga ulit ang sabi ko? After banat, charot dapat," wika ko. He chuckled.

"Hindi banat 'yun. Totoo 'yun. Pagod ako. Magpapahinga ako. Bye. Goodnight!" Wika niya.

Pigil ang tawang sinabunutan ko ang buhok niya.

"Tanghali pa, hatorni." Natatawa kong sabi.

Tumawa na rin siya ngunit hindi na sumagot. Sa halip ay hinigpitan na lamang ang yakap sa bewang ko.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko. Hawak ko ang ulo niya at hinaplos-haplos iyon. Ramdam ko ang malakas na kabog ng puso ko. Sobrang lakas. Sobrang bilis. Ngunit sa kabila ng mabilis na kabog ng puso ko ay may isang bagay akong sigurado.

Contentment.

Thorn:

Oki, sobrang ikli :((

THANK YOU SO MUCH FOR READING MY STORIES, EVERYONE! LOVE YA'LL!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro