Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

S I X T E E N

"Nik? Saan ka galing kahapon? Ba't di ka man lang lumabas ng cabin niyo ni Clad? Nagkasakit ka ba? You should've told us para naman napuntahan ka namin tsaka naalagaan. At saka nalutuan na rin sana ng maayos na pagkain," nag-aalalang salubong sa akin ni Harriet.

"Nagpahinga lang ako kahapon. Medyo sumakit kasi ang ulo ko," wika ko na agad naman nilang tinanguan.

"Clad was drunk yesterday. How's he now?" tanong ni Phaebe.

"He's fine now. Nagulat nga ako kahapon dahil lasing siya. Kung anu-ano na lang ang pinagsasabi. Parang gago!" asik ko saka napailing.

"Why? What did he tell you?" inosente na tanong ni Phaebe.

"Sa akin na lang 'yun. Masyado kang inosente para doon," saad ko sabay ngisi.

Nakita ko namang nag-make-face si Ayen. Ang arte talaga!

"Gross!" asik niya.

"Tsk. Gross-gross ka diyan! Pasalamat ka nga may sinasabi akong ganyan, eh. Kahit papaano ay matututo ka ng kaunti," ngisi ko.

"Ano namang matututuhan ko sa mga sinabi mo? Eh, purong kalaswaan lang naman ang mga iyon? And oh! I ain't that bored to follow your dirty footsteps," blanko at pranka niyang sabi.

Napanganga naman ako. Kailan ko nga ulit naging bestfriend itong babaeng ito? Bakit ko nga ulit siya naging bestfriend? Hays! Buti na lang talaga at bestfriend ko siya. Dahil kung hindi, naku!

"Tsk. Buti nga may sinasabi akong ganoon, eh. Para nga matuto ka. Tsaka para magka- boyfriend ka na. Siguro kaya wala kang boyfriend dahil binabara mo sila, no? But, anyways, someday hahanap-hanapin mo rin ang pagmamahal at haplos ng isang lalake," pang-aasar ko sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin at kita ko ang pag-abante niya papunta sa akin kaya agad akong lumapit kay Harriet saka pumunta sa likod niya. Inirapan niya na lamang ako at tumigil na sa paghabol sa akin saka humalukipkip na lang.

"So, maliligo ba kayo ulit? Umuwi na ba ang iba nating batchmates? Hindi ko tuloy sila nakita kahapon dahil hindi ako nakalabas," saad ko.

"Ang iba, umuwi na. Ang iba naman nandito pa. Si Lander nga nandito pa, eh. Hinanap ka kahapon ang kaso nga lang ay nang sinabihan namin siya na kasama mo si Clad ayon at tumigil na sa kakatanong," sagot ni Harriet.

"Talaga? Ba't naman kaya ako hinahanap ng isang iyon? Baka may kailangan?" sabi ko.

"O baka gusto lang magpaalam. Kausapin mo na lang kaya muna," wika ni Harriet kaya tumango ako.

Napaisip ako. Baka kasi biglang magalit si Ville kapag kakausapin ko na naman si Lander. Do I have to tell him that I'm going to talk to Lander? Pero, bakit ko naman siya sasabihan? Wala naman iyon sa kanya kung kakausapin ko ang tao. Usap lang naman, eh. Sadyang madumi lang ang utak niya. Pero, mukhang kailangan ko talagang magpaalam. Hays.

"Sige, magpapaalam muna ako kay Ville kung kakausapin ko si Lander," I said.

Tinaasan ako ng kilay ni Ayen ngunit naroroon pa rin ang blanko niyang tingin.

"Why do you have to tell him if you're going to talk to Lander? Does it concern him in any way? He has no right, you know. It's none of his business," wika ni Ayen.

"Uh.. kasi.. baka kasi magkagalit na naman kami kung hindi ko sasabihin. I just don't like it when Ville and I would have a misunderstanding. Ako kasi ang mahihirapan, eh," sabi ko.

Bumalik sa balintataw ko ang ginawa niya sa akin dahil nagseselos siya kamo. Itinali ba naman ako sa kama ng isang buong araw. Gago lang?

"At bakit naman ikaw? Masasaktan ka? You already fell in love with him?" tanong ni Ayen sa akin na may nandidiring ekspresyon sa mukha.

"Hindi naman, no! Hindi niyo pa kasi maintindihan sa ngayon, eh. And.. I don't want to explain it to you yet. I still want to keep it to myself. But, kapag handa na ako, sasabihin ko sa inyo kung bakit," wika ko.

Blankong tiningnan ako ni Ayen habang sina Phaeb at Harriet ay tumatango sa akin. Halatang naiintindihan ako. Di gaya ng isa diyan, hanggang ngayon wala pa ring jowa.

"By the way, Ayen, I saw your face yesterday on my news feed on facebook," wika ni Phaebe.

Kinunutan siya ng noo ni Ayen saka namaywang ito.

"Ano namang ginagawa ng mukha ko doon? Wala nga akong facebook, eh. Asar ako sa mga tao sa facebook. And now, you're telling me that you saw my face on your news feed? What the heck? Mukha ba akong nag-fe-facebook?" blankong wika ni Ayen.

"Uh.. nope. It ain't your account but..."

"But what?" singit ni Ayen.

"Poser?" sabad ni Harriet.

"Oh baka, RPW," wika ko.

Kumunot ang noo ni Ayen.

"RP, what?" kunot noo niyang tanong.

"RPW! Oh, I'm one of those RP'iers, you know? It's fun there, I swear! But of course, it's only fun if there's no toxic people, but still! It's so so fun!" tili ni Phaebe.

"Yeah, yeah, whatever. I'm asking if what's that damn RPW?" blankong tanong ni Ayen.

"RPW. Role play world. Nasa mga social medias iyan. At syempre, hindi mo iyan alam, kasi wala ka namang social media," ngisi ko.

Inirapan niya ako saka muling ibinaling ang tingin kay Phaebe.

"Who posted it?" tanong ni Ayen.

"... the one who posted it, is my friend at El de Hera. But, I'm kinda wondering why he posted your face? Maybe, he's a fan or something?" kunot noo at nakangusong saad ni Phaeb.

"He? You mean, he's a guy?" tanong ko at tumango siya.

"Yeah. Obviously. That's why he's a 'he' because he's a 'he'," inosente niyang sabi.

"Baka nga fan ni Ayen iyon. Ano ba ang name ng lalake na iyan? At doon pa talaga sa home town mo, Phaeb, ah. Sa El de Hera pa. Isang beses na akong nakabisita diyan at sobrang ganda ng isla!" wika ni Harriet.

"Talaga? Ako kasi, hindi pa, eh? May white sand ba? Isla pala iyan? Akala ko farm," wika ko.

"May farm din doon, Nik! Sobrang lawak kasi ng lugar na iyan. As in, sobrang laki! Sobrang lawak! At balita ko pa ang ga-gwapo raw ng mga anak ng founder ng isla," tsismis ni Harriet.

"Tsismosa ka rin, no?" wika ko.

Tinawanan niya ako saka hinampas ang braso ko.

"Hindi naman!" tumatawa niyang sabi.

"Gaano kaganda ba iyang El de Hera? Sobrang ganda ba? May picture ka? Baka kasi maisipan naming pumunta ni Nivia diyan. O kung di ako makakapunta dahil sa putanginang isyu na ito, edi sila na lang ni Juanito ang pumunta roon. Para naman maganda ang bakasyon nila dito sa Pinas at walang mga paparazzi," wika ko.

"Oh! Perfect! My hometown is a secluded place. It's a private island that's why accidents are rare to happen in there. It's very very safe and there's no tsismosas there," sabad ni Phaebe.

"Aba! Ang galing! Sige, e-send mo nga sa akin ang picture niyang isla niyo para ma-forward ko kay Nivia," malawak ang ngiting saad ko.

"Wait--"

"Pwede bang unahin niyo muna ang kung sinumang gagong nag-post ng picture ko? Inuuna niyo pa iyang bakasyon-bakasyon na iyan, eh," singit ni Ayen kaya napabaling ang tingin namin sa kanya.

"Oh, right! Uhm... the name of the guy? He's Savino Basaltta," sagot ni Phaebe.

"Wow! Savino! Pangalan pa lang mukhang mabait na," wika ni Harriet.

"Bakit? Ang Evans ba, demonyo pakinggan?" tanong ko sa kanya.

Tumawa naman siya.

"Hindi, mas mabait talaga kasi pakinggan ang 'Savino'. Parang santo and dating, eh," wika niya.

Napatango naman ako. Kung sabagay. Pero, parang malayo naman, ah.

"Taga-saan naman iyan?" kunot noong tanong ni Ayen.

"Here's some information about him. Check it out. And mind you? He's good at singing. And his older brother, Santi is good at dancing. His younger brother Sixto is known at our hometown for being a good artist. And when I said he's good, I really meant it. He's a great painter. While their youngest, Sakivino is a genius. He's so smart and cute," sabi ni Phaebe.

Napatango naman ako sa impormasyon na inilahad niya sa amin.

"All of them are boys?" tanong ni Harriet and Phaebe nodded with a smile.

"Yes."

"Ito ba siya?" tanong ni Ayen.

Agad naman kaming lumapit upang tingnan ang mukha nang sinasabi ni Phaeb na Savino. At in fairness, ang gwapo niya.

"Wow! Ang gwapo," patiling saad ko.

"Tama! May lahi ba sila?" tanong naman ni Harriet.

"Yes. Their father is italian. But sadly, he died due to heart failure," wika ni Phaebe.

"Ano namang ginagawa ng pagmumukha ko rito? Teka, how do you do this? Wait, wait. What just happened? Oh! Bakit ang dami kong mukha rito? What is this? Saan niya nakuha ang mga ito?" sunod-sunod na tanong ni Ayen.

"Let me see," kinuha ni Phaebe ang cellphone kaya agad kaming lumapit sa kanya upang tingnan ang sinasabi ni Ayen.

At tama nga siya. Totoo nga ang sinasabi niya. Sobrang dami ng pictures niya sa albums nito. May iba pang inaasar si Savino na hanggang pangarap na lamang niya si Ayen and he would just haha-react them and said that, "libreng mangarap".

"Grabe! Is he some kind of stalker?" tanong ni Harriet.

"Hindi naman masama na mag-post siya ng ganito, eh. He's just admiring Ayen, and there's nothing wrong with that. Besides, wala naman siyang nasasagasaang tao. Tsaka, ba't pa kayo nagugulat, eh kilalang chef si Ayen. Malamang ay may mga humahanga sa kanyng mga lalake. Oy! Grabe, Ayen, ah! May admirer ka, oh! Dalaga ka na! Magkaka- boyfriend ka na!" wika ko sabay ngisi pero hindi niya ako pinansin.

Sa halip ay seryoso lamang siyang nakatingin sa mga pictures niyang kuha ni Savino. Pabiro kong tinampal ang braso niya saka nginisihan.

"Hoy! Seryoso mo?! Don't tell me, na-love at first sight ka kay Savino? Oy!" pang-aasar ko sa kanya.

Tiningnan lamang niya ako nang nakamamatay niyang blankong tingin saka muling ibinalik ang tingin sa cellphone.

"Bakit marami siyang pictures sa akin?" sa halip ay tanong niya.

"Maybe, he took some photos of you," sagot ni Phaebe.

"He took some photos of Ayen cooking? Eh, diba, private ang mga pinagta-trabahuan ni Ayen? How could he enter such private places? At saka bakit naman kung nasaan si Ayen ay naroroon din siya? I mean-- hindi ko lang talaga mapigilang isipin na isa siyang stalker, eh. Hindi kasi malayo sa stalker ang mga ginagawa niya," sabi ni Harriet kaya napatango naman ako.

Grabe! Ang talino ni Ma'am!

"And those photos are HD. At saka, wala sa google ang mga iyan. Malamang wala din sa ibang sites. Nakakapagtaka naman na may mga ganyan siyang pictures ni Ayen," saad ko.

"Hey! Stop overthinking and stop accusing him about such horrible things! He's a good guy! They were raised in a good way. They were raised to respect women. They love their mother so much. So how come that he could do such thing? I mean-- he can't do such creepy thing!" depensa ni Phaebe.

"Malay mo naman, Phaeb. Baka may itinatagong kulo ang Savino na ito. Hindi naman lahat ng mga batang tinuturuan ng kabutihan ay lumalaking mabuti, diba?" wika ko.

"True. Malay mo, baka talagang stalker siya. Tsaka, baka ano pa ang mga kinukuha niyang photo ni Ayen. Paano kung pati sa loob ng kwarto ni Ayen ay may napapasok siyang camera? O mas malala, baka sa banyo!" wika naman ni Harriet.

"Hala, gaga! Grabe ka naman! Teka, kinakabahan na ako sa mga pinag-uusapan niyo, ah," wika ko.

Phaebe just looked at us like we're some kind of jokes.

"Basta, I know that he's a good guy. And I'll prove it to you," wika ni Phaebe.

"Tumahimik ka nga diyan! May pa-prove-prove ka pang sinasabi, eh halos hindi ka na nga makakilos sa sobrang ka-busy-han mo sa opisina mo, eh. Tapos isisingit mo pa ang prove-prove na sinasabi mo? Jusko, Phaeb! Mabuti pa, itago mo na lang iyang cellphone mo kasi walang patutunguhan itong pag-uusap natin. Tsaka, nagugutom na rin ako," wika ko.

"Well, I can put aside my office works," saad ni Phaebe.

"Hays, enough na nga niyan. Tara na, punta na tayo sa kusina. Nagugutom na rin ako," wika ni Harriet saka hinila kami.

"Mabuti pa nga! Tara na!" saad ko naman kaya walang nagawang sumunod na lamang ang dalawa sa amin.

Habang naglalakad kami ay naisipan kong tawagan si Ville. Ang sabi niya kasi sa akin kanina ay pupunta siya kina Evans dahil nabuburyo na siya sa cabin. I will just text him and tell him that I'm going out with the girls.

Habang tini-text ko siya ay biglang nag-ingay ang cellphone ko. Nakita kong galing ito sa instagram ko. Ayoko sanang tingnan dahil hindi naman ako mahilig tumingin sa instagram, minsan lang kapag gustong-gusto ko talaga. Kaso, nabasa ko ang pangalan ni Ville kaya naisipan kong buksan na lang.

I was just curious, okay? They said that curiosity kills a cat, good thing that I ain't a cat.

Nang buksan ko ito ay bumungad sa akin ang post ni Ville na siyang nagpakulo ng dugo ko. Nakahiga lang naman ako sa kama at nakatalikod sa kanya. At tila wala akong suot na kahit ano sa ilalim ng kumot dahil natatakpan ito. The caption was," Wake up like this".

Kita ko ang pag-iingay ng mga taong nakakita sa post ni Ville. May mga nagsasabing mukhang maganda raw ang gising ni Ville dahil sa wakas ay nag-post itong muli. Ang iba naman ay sinasabing mukhang nag-e-enjoy kaming dalawa ni Ville. Ngunit ang iba ay nagsasabing halatang katatapos lang namin ni Ville na gumawa ng kababalaghan.

Napasintido na lamang ako. Mas lalo niya kasing binibigyan ng rason ang mga tao para pag-isipan kami ng masama. Mas lalo niyang binibigyan ng rason ang mga ito na hindi makalimot sa isyung nangyari sa amin. And worst, hindi agad nila malilimutan ang relasyon namin kuno. Pinapaalala niya sa mga tao na may relasyon kami. Kaya sa halip na matahimik ang mga tao ay mas lalo lamang silang mag-iingay at guguluhin na naman kaming muli.

Inis kong isinilid sa bulsa ko ang cellphone ko saka hinarap ang mga kaibigan ko.

"Girls, I'm really really sorry, but I think I couldn't eat breakfast with you. May emergency lang. I have to talk to Ville. I'm sorry. Next time na lang," paalam ko sa kanila.

Kita ko naman ang taka at pag-aalala sa mga mata nila.

"What emergency?" tanong ni Ayen.

"I will explain later. I promise. I really have to go," wika ko na agad naman nilang tinanguan.

"Take care, Nik!" rinig kong sigaw ni Phaebe sa likod ko.

Dali-dali kong tinungo ang cabin nina Harriet tsaka Evans. I knocked hard as if I was going to destroy the damn door. I waited for a minute before it finally burst open and Evans was revealed.

"Yes, Nik? Why?" nakangiti niyang tanong.

"Where's Ville?" tanong ko.

"He just went back to your cabin. Ngayon lang. Hindi mo lang naabutan. Why?" wika niya.

Bumuntong hininga ako saka umiling at saka pilit siyang nginitian.

"Nothing. I just have to talk to him. Bye. Thank you," wika ko saka dali-daling tinungo ang cabin naming dalawa.

Ilang minuto rin akong tumatakbo bago tuluyang nakarating sa cabin namin. Galit kong binuksan ang pintuan ng cabin. Bumungad sa akin ang gagong attorney na nakaupo sa sofa ng sala na tila walang problema at chill na chill lang sa buhay niya. Na parang wala siyang ginawang mali!

"Hey, baby--"

"Ano 'to, ha?!" bulyaw ko sa kanya saka ibinato sa pagmumukha niya ang cellphone ko na agad naman niyang sinalo.

"Anong ano 'to--" kunot noo niyang tanong saka napatigil nang makita ang laman ng cellphone ko.

Tiningnan niya ako nang may pagtataka saka inilagay sa mesa ang cellphone ko.

"What about that?" chill niyang tanong.

Sarkastiko ko siyang tinawanan.

"Anong 'what about that'?! Ville, you just freaking posted a picture of me on instagram!" inis kong wika.

"And so?"

"What do you mean 'and so'?! Ville, look at me in that picture! I looked like I'm naked under that sheets! And did you fucking see the comments and reactions of the people who saw the photo?! They were surprised and worst they even thought of us having sex! Ville, binuhay mo lang naman ang isyu! Ipinaalala mo lang naman sa kanila ang isyu na sana unti-unti nang nawawala! Now, look! Naalala na naman nila! Ang the rumour will spread and spread like a wild fire again! Hanggang sa may masasaktan na naman dahil sa pagbalik ng isyu! Ano ba kasing napasok sa isipan mo at ginawa mo ito?!" bulyaw ko sa kanya.

Tinitigan lamang niya ako at hinintay akong matapos.

"Are you done?" wika niya.

Humihingal na sinamaan ko siya ng tingin.

"Oo! Ngayon ikaw naman ang magpaliwanag!" singhal ko sa kanya.

"Wala. I just posted it. Ano naman ngayon?" wika niya.

I scoffed with what he said. Really?!

"Ville, napaliwanag ko na diba? Naipaliwanag ko na sayo, diba?" gigil kong sabi.

"Yeah. I know. Narinig ko. Tapos na, eh. Na-post ko na. Kahit pa e-delete ko iyan, talagang hindi naman na nila makakalimutan iyan, eh. At talagang kakalap ang balitang iyan sa buong mundo," sagot niya.

"Aren't you concerned about the people's life who were close to us? Hindi ka ba nag-aalala? Ville, baka kagaya ng nangyari sa iyo noon ay kuyugin din sila tapos saktan. Madadamay sila sa gulong ito, eh."

I saw him clenched his jaw and breathed out.

"I see," wika niya saka ibinalik ang tingin sa TV.

Hindi makapaniwala na sarkastiko akong natawa. Mukhang wala nga siyang pakialam. He's selfish!

"Ville? Why did you fucking post that?" kalmado ngunit gigil kong tanong.

Blanko niya akong tiningnan.

"You really want to know?" blanko niyang tanong.

"Yes. Para naman maging klaro sa akin ang rason mo. Para naman matahimik ako," sagot ko.

He nodded and clenched his jaw again.

"Because the motherfucking asshole Lander Juarez posted a picture of you with him on the beach last reunion," sagot niya.

Napanganga ako.

"He did?!" gulat kong tanong.

Pero, nawala ang pagkabahala ko nang maalalang alam ng mga fans ko na magkaibigan kami ni Lander. Ngunit, mas tumaas naman ang galit na nararamdaman ko.

A revenge, ha.

"Yes, he did."

"But that doesn't give you the right to have a revenge on him and post a picture of me too!" bulyaw ko sa kanya.

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako.

"Sa akin ka galit tapos sa lalakeng iyon, hindi ka galit?!" unti-unti na ring tumataas ang boses niya.

"Huwag mo akong sisigawan!" sigaw ko pabalik.

He laughed sarcastically.

"Bakit ka sa akin galit, ha?" kalmado ngunit may pagbabanta niyang tanong.

"Because you are selfish! You posted my picture just for revenge not thinking about the people that could get hurt because of our growing issue! You're a fucking selfish jerk!" galit kong sigaw saka agad na tumalikod sa kanya at deretsong pumasok sa kwarto saka ni-lock iyon.

I couldn't believe it! He's so selfish!

---

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro