Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

S I X

Pagdating namin sa hospital ay agad na inasikaso ng mga doktor si Ville. Dinala nila ito sa emergency room upang maagapan ang mga sugat niya at upang makuhanan siya ng tests. Masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya. Masyadong malakas ang pagkakahampas ng baseball bat sa ulo niya.

Hindi mapakaling palakad-lakad ako sa hallway. I'm very worried at Ville.  Nasisiguro kong puno siya ng bugbog.

"Huminahon ka nga, Irah. Ako ang nahihilo sa kakalakad mo pabalik-balik, eh. Naroroon lang sa ER si Clad, okay. Don't worry too much." Pag-aalo sa akin ni Harriet. Inalalayan niya ako at pinaupo sa upuan.

"I'm really worried, Yet. Kasalanan ko 'to, eh. If not because of my admirers then this would have never happened. Wala sana sa hospital ngayon si Ville. Ano na lang ang iisipin niya sa akin paggising niya?" Nag-aalala kong tanong. She caressed my back.

"Magiging maayos din siya at wag kang mag-alala hindi naman klase ng tao si Clad na may makitid na utak. Naiintindihan niya ang nangyari at nasisiguro ko 'yun. He's not a lawyer for nothing, Nik. He's a lawyer because he is good at it." Paliwanag ni Harriet.

Napabuntong hininga ako.

Kahit paulit-ulit na isaksak ni Harriet sa akin na maiintindihan ni Ville ang sitwasyon, I still couldn't help having worries. Siguro si Ville maiintindihan niya, eh yung mga magulang niya, ang mga relatives niya, ang mga taga-hanga at taga-suporta niya.

"Tama nang pag-aalala kay Clad, Nik. Alalahinin mo na lang ang kotse kong nawasak dahil sa fans mo. Tsaka, bubugbugin ko pa mamaya iyang pinag-aalahanan mo ngayon kaya ano pang sense ng pagpapagamot niya?" Sabad ni Evans. Harriet hit him on the arm.

"Shht! Tumigil ka nga, Evans! Mas lalo mong pinag-aalala itong si Nikki. Tsaka hayaan mo na muna ang kotse mo, pwede pa namang ipaayos yun. Ang labas lang naman ang nawasak, hindi naman ang mga importanteng gamit na nasa loob." Kunot-noong saad ni Harriet.

"Where are the others? I called them too," tanong ko nang matantong sina Harriet at Evans lang ang naririto.

Sa pagkaka-alala ko ay tinawagan ko rin ang mga iyon.

"Nahuli sila ng dating kesa sa amin ni Evs kaya sila na lang ang umasikaso sa mga paparazzi tsaka sa kotse ni Evs na basag. They're trying to weigh who destroyed the car and who hit a baseball bat on Clad's head. Ang sabi ay kakasuhan daw nila ang gumawa." Paliwanag ni Harriet.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam na aabot sa ganito.

"Kailangan ba talagang kasuhan sila?" tanong ko. Evans nodded.

"Yes. Hindi naman sila ang klase ng fans na mahihirap, eh. Lahat mga spoiled brats na hindi alam ang kahulugan ng salitang 'privacy'," Evans answered. "Kaya nang i-handle ng mga iyon ang kung anumang problemang pinasukan nila. Tsaka nasisiguro ko na hindi ito papalampasin ni Clad at ng mga magulang niya."

My eyes widened in the mention of Ville's parents. Are they mad at me? Are they going to sue me because of what happened to their son?! Oh my fucking fuck! Ano na lang ang gagawin ko?!

"Hey, you looked worried. Just loosen up a bit okay. Clad's gonna be fine. Just calm down and keep your mind intact," Harriet said.

I shook my head, "Paano ako marerelax gaya ng sabi mo kung nasa hospital si Ville. Tapos dahil sa akin wasak ang kotse ng asawa mo! And now, Ville's parent would be very mad at me!" Harriet chuckled.

"Oh, don't mind them. Mababait ang mga 'yun. Kahit saang banda. Maybe like Clad they looked like ruthless lawyers but they're soft-hearted. Makikita mo kapag nakilala mo sila. They won't get mad at you. Matutuwa pwede pa." She said smiling wide. Kahit anong sabihin ni Harriet hindi pa rin ako mapakali.

"You should call them, though," saad ni Evans. I stiffened and looked at him wide eyes.

"W-Who?" Pumiyok ako. He smirked and chuckled as he hold his wife's hand.

"Clad's parents. You should let them know. After all, you're Clad's fiancee, means it's your responsibility to take care of the asshole and to let his parents know," sagot niya.

Napanganga ako. Kailangan pa ba 'yun?! Nagpapanggap lang naman kami, eh! Kailangan bang ipakilala namin ang isa't isa sa mga magulang namin?!

"I agree." Singit naman ni Harriet.

Napapikit ako ng mariin. I breathed in and breathed out. Okay. I will do this--I can do this. Kaya ko 'to. Harriet said that they're soft-hearted. Hindi sila magagalit.

I opened my eyes and looked at Harriet.

"I remember, I don't have their number," sabi ko.

Harriet gave me her phone. Agad kong hinanap sa contacts niya ang mga magulang ni Ville. At nang matagpuan ay kinuha ang number ng dalawa. Nang matapos ay bahagya akong napatitig sa cellphone ko kung saan naka-display ang numero ng ina ni Ville. I didn't know that this is terrifying.

"Tatawagan ko na," I told them, more likely, I told myself. They both nodded.

Lumayo ako ng kunti sa kanila saka tinitigan muli ang cellphone ko. Minutes later, I finally decided to call Ville's mother. Three rings before she finally picked it up. I breathed in and breathed our before I slowly placed my phone on my ear.

"Hello? Who's this?" A strict voice said on the other line.

"H-Hello, Ma'am. T-This is...uh--Cladville's fiancee. I--"

"Oh! My son's fiancee?! Really?! Oh god! Hey there, hija! It's nice meeting you! I am Filicity Lareho, his mother!" Her strict voice changed to sweet and cheerful.

I badly don't want to ruin her mood but I hope she would still be cheerful after this news.

"I-I am Nikki Irah Soletelle, Ma'am. Irah will do. I am so happy to meet you as well, b-but we have a problem. A-And this is...my fault."

"What is it? What problem? May nangyari bang masama sa inyo? Nasaan kayo? Pupunta kami ng asawa ko. Hintayin niyo kami!"

"Ville was hit by a paparazzi. Mga admirers ko. They hit him with a baseball bat on the head and...I'm worried. Naisip kong hindi kayo tawagan dahil baka mag-alala lang kayo o kaya...magalit sa akin dahil sa nangyari, but then my friends told me that I must tell you. I'm really really sorry, Ma'am."

"Oh, it's okay, hija. It's not your fault. Don't worry too much, okay? Masamang damo ang anak ko, hindi yun mamamatay sa isang hampas lang ng baseball bat. And I'm not mad hija. But tell me where you are para makapunta na kami ng asawa ko diyan-- (What's happening there, Darling? Sino ang katawagan mo?)—shut up, Rius! Your manners! May kausap ako! " I heard a sweet voice of a man. I guess he's Ville's father. I smiled to myself. They sound like teenagers having quarrel.

"We're at Aquarius Hospital, Ma'am. And thank you so much for accepting my call. It's really fine if you would be mad at me," sagot ko.

"Oh no, hija. Like what I said. I'm not mad—(Who's that hija you're talking with, Darling?)—I told you Rius to shut up for a moment. I'm talking! You will know later. Oh, hija? Still there?"

"Uhm, yes, Ma'am."

"Oh good. But you should start calling me, Mommy from now on. Oh and by the way, I'm sorry about my husband. He's just being an asshole—(Hey!)—sa kanya nagmana si Clad. Sige, babye na hija. Pupunta na kami diyan."

"Okay, Ma'a—Mommy. Ingat po," saad ko and wait 'till she ended the call.

Napasandal ako sa dingding at napahawak sa dibdib ko nang matapos ang tawag. I guess, Harriet was right. They weren't that bad at all. They're so nice. I tapped my chest and smiled. I did it.

Agad na bumalik ako sa kinaroroonan nina Harriet at Evans. Nakarating din ako kaagad dahil hindi naman ako masyadong lumayo sa kanila. Baka dumugin ako kung sakali ng mga paparazzi. Tsaka napansin ko rin na may mga nagbabantay sa labas ng hospital. Sa loob rin, halatang binabantayan kami.

"So, kumusta?" Agad na tanong sa akin ni Harriet. I smiled at her.

"Kahit papaano ay nawala na ang pag-aalala ko. They're not mad at me. And you're right, they're not that bad at all. Mababait nga sila. Medyo kinabahan lang ako nung una kasi napaka-strikta ng boses ng Mommy ni Ville, but turns out she's a cheerful lady," saad ko saka ngumiti. She smiled back.

"I told you. So, what's your plan now? Ngayong alam na nila, itutuloy mo ba ang plano?" tanong niya. I sighed.

"Uhm, I have no choice. Mukhang kahapon pa nila alam ang tungkol doon at naghihintay lang na aminin namin ni Ville. I don't want to ruin their happiness. Gustong-gusto nilang magseryoso si Ville and his mother was so happy moments ago when we talked. Pero...nakokonsensya rin ako, eh. Kapag nalaman nila ang totoo, siguradong masasaktan at magagalit sila," I said, almost whispering. Harriet jokingly hit my arm.

"Ano ka ba? Wag mo nga munang isipin yan ngayon. Ang isipin mo muna ay ang responsibilidad mo bilang fiancee ni Clad." She said, wriggling her brows. I creased my forehead.

"I know my responsibility very well, Yet. Ang hindi ko maintindihan ay iyang kilay mo," I said and blinked. She laughed.

I rolled my eyes. "By the way, where is your husband? Bakit mag-isa ka lang dito?"

"Uy! Change topic!" She teased. Hinampas ko ang braso niya kaya mas lalo siyang tumawa.

"Tinatanong ko lang, okay?! Sagutin mo ng maayos, gago! Alam mo namang inlab na inlab ako sa pangalan niyang asawa mo!" saad ko at hinampas ulit siya sa braso.

"Aray! Nakakarami ka na, ah!" Reklamo niya at hinampas rin ang braso ko.

Kaya ang ending naghampasan kami. Nang mapagod ay muli ko siyang tinanong.

"Yet, yung totoo, nasaan nga ang asawa mo?"

"Andoon, inayos ang mga kailangan ng kotse. Kailangan kasi ang pangalan niya. At, oo nga pala, inilipat na ng kwarto si Clad. He's still unconscious but fine." Salaysay niya. I nodded.

"Mabuti naman kung ganun. Wala ba akong pipirmahan? Alam mo na, yung mga ano..." Kunot-noo kong tanong.

"Anong mga ano? Ginagampanan mo na ang pagiging responsableng fiancee niyan?" Nang-aasar niyang tanong. I glared at her.

"Tanga! Nagtatanong lang kung wala ba akong pipirmahan gaya ng...ano...kung may ooperahan ba," saad ko at natawa. Tumawa rin siya.

"Anong akala mo o-operahan si Clad dahil sa hampas niya sa ulo? Hindi naman malala yun, eh." Natatawang saad niya.

Umirap ako. "Kaya nga nagtatanong, eh. Kasi wala akong alam dyan! Mukha ba akong doctor? Ha?! Ha?! Tsaka, malay natin diba, baka papipirmahin ako ng doctor niya." Depensa ko. She laughed.

"Oo na. Ang rami mong sinasabi. By the way, nakakakilig kayong tingnan kanina ni Clad. Awittt!" Pang-aasar niya.

Bumuntong hininga ako bago nakisabay ng tawa sa kanya. Gaga!

Ilang minuto ang lumipas ay biglang dumating ang doctor at kinausap kami. He said that Ville doesn't have any major injuries, which is good daw. Malay ko ba kasi. Ang sabi ay pagpahingahin na lang daw muna si Ville at hintaying magising. Binigyan niya rin kami ng mga lista ng ipapakain kay Ville. Sabi rin niya'y mas makabubuting palaging may kasama si Ville sa kwarto para may umalalay sa kanya. Nagtaka kung bakit, eh, hindi naman nalumpo yun. Nahampas lang naman. But still, I agreed. Wala naman akong choice.

"Oh hey there, Harriet hija! How are you!" Sabay kaming napalingon at napatayo ni Harriet mula sa pagkakaupo nang may bumati sa kanya. It's Ville's Mom.

"I'm fine po, Tita. Kayo po?" Salubong sa kanya ni Harriet. She smiled with glee and flip her hair.

"Still beautiful." She said.

Then her eyes went to me, I smiled awkwardly.

"Oh, you're my son's fiancee, right? Nikki Irah Soletelle! Sobrang ganda mo naman palang bata kaya nahumaling sayo ang anak ko. Pero, let me remind you na medyo...hindi ko nagustuhan ang paghalik-halik sayo ng anak ko sa harap ng media. Pwede namang isekreto niyo yun. But...nevermind, tapos na rin naman kaya sige, it's nice meeting you, hija!" She said cheerfully. I laughed a bit.

"It's nice meeting you din po, Ma'am--Mommy," saad ko.

"Oh don't be shy. Come here and give me a hug." She said and opened her arms.

"No, I can't. May dumi po ako, eh. Dahil sa nangyari kanina," I awkwardly shook my head.

"No, no, it's fine, it's fine. Come here." sh5e said and give me a comforting smile. I sighed and went to her and give her a hug. "Oh, there you go. I feel like tearing up. Mag-aasawa na ang anak ko."

"Uhm, m-medyo, m-matagal-tagal pa siguro," I awkwardly smile.

"It's fine. Basta magpakasal kayo ayos na sa akin yun." She said and smiled wide.

"Oh by the way, where is your husband, Harriet?" Baling niya kay Harriet.

"Inaasikaso po ang papeles ng nasira niyang kotse, Tita," sagot ni Harriet.

"Uhm, maupo po muna tayo," I said and motioned the sit that she immediately agreed.

"So, ang sinasabi mo ba, Harriet ay ang kotse ni Evans ang nasira? How come?" Kunot-noong tanong ni M-Mommy. Oh god! What have I got into?

"Yes, Tita."

"Bakit ang kotse ni Evans ang nasira at hindi ang kanya? Ang batang yun talaga! Kitang nagkakagulo dinagdagan pa! Makikita niya talaga mamaya kapag nagising siya! Makakatikim siya sa akin mamaya!" She said and gritted her teeth.

"Ayos lang po yun, Tita. Kaya namang ipaayos yun, eh. Tsaka, iniisip lang din naman namin silang dalawa ni Irah, dahil baka mapaano sila kung ang sasakyan ni Clad ang dadalhin." Paliwanag ni Harriet. She nodded in inderstanding.

"Sabagay. Nasaan na pala ang pasaway na batang iyon?" tanong ni Mom.

"Inilipat na po siya ng kwarto pero hindi pa naggigising," sagot ko. She nodded.

"It's fine. Hindi rin naman kami magtatagal rito ng asawa ko dahil may trabaho ako gayundin ang asawa ko. Titingnan ko lang ang kalagayan niya. Ikaw na munang bahala sa anak ko, Irah hija, ha," saad niya.

"Oo naman po." Ngiti ko. She smiled.

We talked a lot. Kung saan-saan na umabot ang pinag-uusapan namin. Umabot na ng kung ilang mga anak ang gusto ko. It was awkward but I managed. Maguusap pa sana kami nang dumating na Daddy ni Ville. We talked for awhile and after, they visited Ville's room. Tiningnan nila ang kalagayan nito. Pero sa halip na maawa ay pinagtawanan pa nila si Ville, lalo na nang maggising ito. Inaasar nila ito na big boy. Napapatawa na rin ako habang nanonood sa kanila. They're some kind of my dream family. Masaya.

Ilang minuto rin ay agad na silang nagpaalam na aalis dahil sa trabaho. Si Harriet naman ay sinundo ni Evans dahil may mga tuturuan din sa arts si Harriet, samantalang si Evans ay may trabaho. Kaya ito, ako na lamang ang naiwan sa lalakeng ito.

I am peeling an orange for him and slicing apples. Ang senyorito naman ay enjoy na enjoy dahil kung ano-ano ang inuutos sa akin. Utos dito, utos doon. Ang sarap hampasin ulit ng baseball bat.

"Bilisan mo naman, Nik. Naubos ko na, oh." Reklamo niya nang hindi agad ako natapos sa pagbabalat ng orange at paghihiwa ng apple. I rolled my eyes.

"Maghintay ka, pwede? Ang rami mong reklamo sa buhay! Kanina ko pa napapansin, ah! Inuutos-utusan mo ako! Isusumbong na kita sa Mommy mo!" Pananakot ko sa kanya. He rolled his eyes at me.

"Wag mo kong takutin dyan. Hindi naman masakit ang kurot at pingot ni Mama, eh," saad niya. Napatawa ako. Paggising kasi niya ay piningot at kinurot siya ng Mommy niya.

"Tsk. Para ka kasing senyorito," saad ko.

"Nik, naiihi ako," saad niya. Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay.

"So?"

Kumunot ang noo niya. "Anong so? Syempre, tulungan mo akong tumayo. Responsibilidad mo yan hindi lang dahil kasalanan ito ng mga fans mo kundi dahil fiancee kita."

I rolled my eyes. Humalukipkip ako sa harap niya. "Sa pagkakaalala ko, nahampas ka lang ng baseball bat sa ulo at hindi ka baldado. Kaya mo nang tumayo. Wag mong idadahilan ang pagiging fiancee ko."

"Oh sige ganito na lang. Sabihin na nating hindi kita fiancee. Pero, sino ba ang dahilan kaya sobrang dami kong galos ngayon? Sino ba ang dahilan kung bakit hinampas ako ng baseball bat? Hindi ba ikaw at yung...Luis...Manzano?!"

"It's not Luis Manzano! Gago! It's Luis Timberlake!"

"Oh, eh, wala akong paki. Tulungan mo na lang ako," saad niya at itinaas ang kaliwa niyang braso. I rolled my eyes. Lumapit ako sa kanya at inilagay sa balikat ko ang kaliwa niyang braso. At tinulungan siya sa pagtayo, note the sarcasm. Bwesit. "Yan, ganyan dapat."

Nang nasa pintuan na kami ng CR ay tumigil kami at binitawan siya. Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. Inginuso ko sa kanya ang CR ngunit hindi siya gumalaw.

"Ano pang hinihintay mo?! Pasok na sa banyo!" Singhal ko. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Para ipaalala ko sayo, kasalanan mo kaya hinampas ako ng baseball bat, kaya tulungan mo ako--"

"Sinasabi mo bang sumama ako sayo sa loob?! Are you out of your mind?! Gago ka?!"

Tinaasan niya ako ng kilay at itinaas niya rin ang kaliwa niyang braso. Nakipagtagisan ako ng tingin sa kanya.

"Ayoko." Pagmamatigas ko. Hindi siya sumagot sa halip ay mas lalong itinaas ang kilay niya. "No! Ayokong sumama sa loob, Ville--"

"Ville?! Wow! Ville?! Really?! Ang sarap sa pandinig, ah. Ibig sabihin ba niyan sasama ka na sa loob? Then, let's go, baby," saad niya sabay pulupot ng braso niya sa leeg ko at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. I pinch his waist to let me go dahil hindi ako makahinga. "No! Not gonna happen!" Halos maubusan na ako ng hininga at pinaghahampas ang likod niya. "Still not gonna happen. But, if you will come with me inside the banyo, then I will let go of your pretty little face." I immediately nod. And he let go of my face. Napasinghap ako at napahawak sa dibdib ko.

"H-Hayop ka! B-Balak mo ba a-akong patayin?!" Bulyaw ko. He laughed and pinched my cheeks.

"Aww, so cute my baby Nikki." He said and went his face closer to mine. Nanlaki ang mga mata ko. Akala ko'y hahalikan niya ako pero nang tuluyang makalapit ang mukha niya sa mukha ko ay kinagat niya ang kanang pisngi ko.

"Argh! Stop that!" Sigaw ko at hinampas siya sa bewang. Agad naman siyang humiwalay saka nginisian ako.

"That's your punishment for being so cute." He said and turned his back at me. Saka pumasok sa banyo. He slammed the door. Nakatulalang tiningnan ko ang pintuan. Ngunit napaigtad ako ng sumigaw siya mula sa loob.

"I can feel your stares from here, baby!" I felt my cheeks reddened.


Thorn:

THANK YOU SO MUCH FOR READING, EVERYONE! LOVE YA'LL!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro