Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

S E V E N T E E N

Naiinis na nagtalukbong ako sa ilalim ng kumot sa kama ng cabin namin. Kahit paulit-ulit kong itinatatak sa utak ko na kalimutan na lamang ang nangyari pagkat nangyari na ito, ay hindi pa rin ako makalimot.

Ramdam ko pa rin ang magka-halong galit, inis at pagka-bwesit sa kay Ville. Hindi pa rin maalis sa utak ko ang mga nangyari. Lalong-lalo ang putanginang rason kung kaya niya pinost ang picture ko.

"Because that motherfucking asshole Lander Juarez posted a picture of you with him blah blah blah! Ang lame ng reason niya! Wala na ba siyang maisip na iba?! O baka talaga namang walang siyang pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya kaya kahit anong isyu pa ang mapupuntahan niya ay mas lalo lang niyang palalalain imbes na ayusin! Gago siya! Hindi iniisip ang mga taong pwedeng masangkot sa isyu! Ang mga pwedeng masaktan! Hindi talaga siya nag-iisip! Samantalang ako, ginagawa ko na ang lahat ng kaya ko para hindi na palalain ang sitwasyon! Bwesit siya!" Galit kong pagwawala sa loob ng kwarto ng cabin.

Ilang beses pa akong napapadyak saka naiinis na hinihila ang kumot. Ibinabato ko pa ang mga unan saka pinagsusuntok ito. Iniisip ko lang naman na mukha ito ng gagong attorney na iyon! 

Dahil na rin sa inis na nararamdaman ko ay naisipan kong lumabas at puntahan sina Phaebe. Gusto kong ilabas ang galit at inis ko. I need someone to talk to ease my madness.

I went out of the room and saw Ville sitting on the sofa like he was facing a very huge problem. Well, malaki naman talaga ang problema niya. Nararapat lang sa kanya na magkaproblema, noh! Deserve naman niya iyan, eh.

His knuckles are on his temple. His eyes were tightly closed. He's breathing hard like he was about to burst.

Pero, wala akong pakialam. Bahala siyang mamroblema diyan.

Padabog akong lumabas ng cabin. Hindi pa lamang ako nakakalayo nang marinig kong tinawag ako ni Ville. Agad kong binilisan ang paglalakad ko. Ngunit rinig ko naman ang malalakas niyang yapak mula sa likod ko.

"Baby?! I'm sorry, okay?" Rinig kong sabi niya.

Tsk. Ano siya, sineswerte? Bahala siya diyan!

"Baby? I know I'm wrong, okay? I understand where you're coming from but please baby let's talk about it. Wag naman natin itong pag-awayan, oh. Ayusin natin 'to. You don't have to go outside of the house or go to the neighbors if you're mad at me. Mas lalong hindi natin ito maaayos," wika niya.

I rolled my eyes. Wow!

"Shut up, Ville! Wag kang magsisisigaw! Maraming makakarinig sayo!" Balik sigaw ko.

"Finally! You finally talked to me! But baby, tumigil ka muna! Sumasakit na paa ko kakahabol sayo, eh!" sabi niya.

Umirap ako.

"Sino ba ang nagsabi sayo na habulin ako, ha?! Wala akong sinabi! Kaya kung sumasakit iyang paa mo, edi tumigil ka sa kakahabol! O kaya bumalik ka doon sa cabin at doon ka magsisisigaw!" Sigaw ko pabalik.

"Akala ko ba dapat na akong manahimik dahil maraming makakarinig, bakit ikaw? Nagsisigaw rin? Mas maingay ka pa nga sa akin, eh." Rinig kong bulong niya.

Inis ko siyang nilingon. Kita ko namang napatigil siya saka nanlaki ang mga mata nang makitang tumigil ako. Kita kong napangiti siya saka mabilis na tumakbo palapit sa akin at agad akong kinabig ng yakap. Hinalikan niya ang magkabilang pisngi ko saka isinubsob sa aking leeg ang mukha niya at sininghot-singhot ito.

"Baby! Okay na ba tayo? Hindi ka na ba galit?" Malambing niya tanong sa akin habang hinaplos-haplos ang likod ko at sininghot-singhot ang leeg ko.

Tiim-bagang na napairap ako gago. Sasagot na sana ako nang maramdaman kong bumaba sa tagiliran ko ang kamay niya saka bahagya itong tinusok kaya napaigtad ako at namula.

"Ano ba?! Tumigil ka nga! Bitawan mo nga ako! Bwesit ka!" Bulyaw ko sa kanya saka pinaghahampas ang kamay niyang nasa likod ko ngunit mga tawa lamang niya ang isinukli niya.

Paulit-ulit ko siyang itinulak at nang hindi pa rin siya natinag ay sinabunutan ko siya sabay pingot sa tenga niya. Agad naman siyang nagsisigaw sa sakit pero wala akong pakialam. Talagang inis ako sa kanya at gustong-gusto ko siyang saktan.

"Bwesit ka?! Gusto mo talagang mapatay kita, ha?! Gustong-gusto mo talaga no?! Sabihin mo lang at papatayin kita!" Gigil kong bulyaw sa kanya saka patuloy sa pagsabunot sa buhok niya at sa pagpingot sa tenga niya.

"A-Aray! T-Tangina, saglit! A-Aray ang tenga ko! M-Masakit!" Sigaw niya.

Gigil na inilapit ko sa mukha ko ang mukha niya. Kita ko ang mga pagngiwi niya dahil sa sakit.

"Masakit?" Gigil kong tanong sa kanya.

Nakangiwing tiningnan niya ako.

"M-Masakit," sagot niya.

"Ah, talaga? Gusto mo na bang tanggalin ko na ang kamay ko?" malumanay ngunit may banta kong tanong.

"O-Oo." Piyok niyang sagot.

Gigil na tumango ako saka muling hinigpitan ang pagpingot at pagsabunot sa kanya kaya agad na naman siyang nagsisigaw sa sakit.

"Ano ka sinswerte?! Syempre hindi ko bibitawan itong tenga at buhok mo hangga't hindi ito humiwalay sa ulo mo!" Bulyaw ko sa kanya saka patuloy siyang sinabunutan.

"B-Baby! T-Tama na! M-Masakit!" Piyok niyang sabi habang pilit tinatanggal ang kamay ko sa mariing pagkakahawak sa buhok niya.

Ngunit hindi ako nagpatinag at mas diniinan ko ang pagsabunot at pagpingot sa kanya.

"A-Aray, baby! O-Ouch! A-Aray ko! S-Sorry na! M-Malambot, eh!" Piyok niyang sabi.

Malambot?! Malambot pala, ha!

Gigil kong inilapit sa mukha ko ang mukha niya.

"Anong malambot?" Mariin kong tanong.

"A-Ang bewang mo--aray!" Piyok niya pa ring saad.

Bwesit kong sinuntok ang tiyan niya dahilan ng paghawak niya dito saka agad kong binitawan ang buhok at tenga niya. Hindi naman siya namimilipit sa sakit nang dahil sa suntok ko, ngunit namimilipit siya nang dahil sa pagsabunot at sa pagpingot ko.

"Don't. Follow. Me." Mariin kong sabi sa kanya saka padabog na tinungo ang cabin ni Phaebe.

Nakabusangot akong naglalakad nang biglang may humarang sa akin batang lalake kaya taka ko siyang tiningnan. Bahagya ring nalusaw ang galit ko dahil sa ka-cute-an niya. Ang taba-taba kasi ng mamula-mula niyang pisngi. His pink soft lips are smiling wide at me. And his chubby little figure is standing in front of me with his chubby cute little arms on his back like a cute shy boy.

Lumuhod ako upang magpantay kami saka tinanong siya kung ano ang kailangan niya.

"Yes? May kailangan ka ba sa akin?" tanong ko.

He pouted and slowly nodded at me. Napangiti ako dahil sa ipinapakita niya.

"Y-You're b-beautiful." Nakanguso niyang sabi. Bulol pa siya.

Napangiti ako nang malawak dahil bubulol-bulol siya. He's so cute. Someday if I will have a kid I want them to be as chubby as this cute guy in front of me.

"Thank you. You too. You're cute," wika ko saka bahagyang pinisil ang pisngi niya.

Hindi ko diniinan dahil baka masaktan ko siya. Tsaka baka mas lalong mamula ang pisngi niya at mas lalo akong manggigil.

"I-I wanna c-court you." Nakanguso niyang sabi.

Napanganga ako saka napahagalpak ng tawa dahil sa narinig. Gigil na pinisil kong muli ang mataba niyang pisngi saka ginulo ang buhok niya.

"Aww! Who taught you that? That court thing, hmm? Do you know that it's not appropriate for kids to talk about courting?" Nakangiti kong wika sa kanya.

Ngumuso siya saka cute na umiling.

"No. Why?" Malambing niyang tanong.

Napangiti ako.

"Because you're all still a baby. You shouldn't talk about courting, okay? Wait, 'till you grow old so that you can finally court someone." Nakangiti kong sabi saka hinaplos ang buhok niya.

Mas lalo siyang ngumuso kaya mas lalo siyang naging cute at mas naging bilog ang mukha niya.

"T-Then I will grow old fast. S-So I can court you." Nakanguso niyang sabi.

Mas lalo akong napangiti.

"Yes. So you must eat healthy foods, okay? You must eat vegetables and fruits not candies and chocolates, so that you'll grow fast," wika ko.

He smiled and nodded.

"So, I can court you!" Masigla niyang sabi na tinawanan ko na lamang.

"Where's your Mom?" tanong ko sa kanya.

Agad naman niyang itinuro ang isang cabin kaya binuhat ko siya saka tinungo namin ang itinuro niyang cabin. I knocked on the door and a voice of a woman answered from the inside.

"Sandali lang!" sagot niya.

Agad namang bumukas ang pinto ng cabin at bumungad sa paningin ko si Nat. Oh, so anak niya ang batang ito? Well, dati I really hate her to hell. She's hurting my Harriet unintentionally. But still, she'd hurt Harriet and it made me want to hurt her.

"Oh, nakita ko ang anak mo sa dalampasigan. He blocked my way and I  asked him if who's his parent and he pointed this cabin. Kaya dinala ko na siya dito," wika ko saka plastik na ngumiti.

What? I really do hate her until now! I won't even try talking to her if it's not because of this cute little kid.

"Oh, thank you for taking him here. He told me that he's just going to play outside. Did he do something bad to you?" Nakangiti niyang tanong saka kinuha ang bata sa braso ko.

Umiling ako agad.

"Nope."

Napangiti siya saka nginitian ako.

"Salamat sa paghatid sa kanya," sabi niya na tinanguan ko lang.

Agad na akong tumalikod ngunit may sinabi ako sa kanya bago ako umalis.

"I heard that they doesn't have a father? I'm just hoping that they're not Evans'. Because, if they are, I'm really going to bring you to hell," wika ko saka nagpatuloy na sa paglalakad.

Parang parami ng parami ang mga kinaiinisan ko ngayong araw, ah. Mukhang magkakabuwanan ng dalaw na ako. Sana naman reglahin ako ngayong buwan kahit na sobra na ang stress ko.

Habang naglalakad patungo sa cabin ni Phaebe ay nakatanggap ako ng message galing sa kanya. Agad ko itong binuksan nagbabakasaling iniimbita niya ako sa cabin niya dahil minsan lang naman siyang makapag-message sa akin dahil sa pagiging busy niya sa opisina. Well, hindi naman siya busy ngayon kaya siguro nakapag-text sa akin.

Agad ko itong binasa.

From Ms. CEO

Hey, Nik! I'm at your cabin.

You're not here.

Where are you?

The girls are here, too.

Napabuntong hininga na lamang ako. Ang haba ng nilakad ko tapos malalaman kong nasa cabin ko lang pala sila?

Napailing na lamang ako saka bumalik. Tinahak kong muli ang kaninang dinaanan ko. Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil na rin sa layo at init ng paligid. Nakakabwesit talaga minsan ang buhay!

Ilang minuto rin akong padabog na naglalakad hanggang sa tuluyan ko nang narating ang cabin namin ni Ville. Hays, sana talaga wala si Ville sa cabin! Baka kasi ma-bad mood na naman ako kapag nakita ko ang putangina niyang pagmumukha!

Nasa labas pa lang ako ay tinawag ko na sila. Nakabusangot ko silang tinawag. Bakit naman kasi kailangang dito pa nila ako naisipang kitain? Eh, may gagong nakatira dito.

"Phaeb?! Ayen?! Yet?!" Nakabusangot kong tawag.

Bwesit kong binuksan ang pintuan habang nagrereklamo.

"Bakit naman kasi dito pa kayo pumunta? Pwede namang doon na lang sa cabin niyo, eh. May gagong attorney na nakatira dito at binibwesit ako kaya ayoko rito! Tapos kayo naisipan niyo pa talagang puntaha--" Napatigil ako sa pagdada nang makitang wala naman ang mga babae sa cabin.

Si Ville ang naririto at may takot na ngiti sa kanyang mga labi. Napatingin ako sa harap niya. Sa mesa. Punong-puno ito ng mga pagkain. May lumpia, siomai, siopao, donut, spaghetti, pizza, burger at iba pa. May mga drinks din doon kaya nagtataka ako kung ano ang okasyon.

"Anong meron?" Kunot-noo kong tanong.

Pinipigilan ko lang na hindi siya sa saktan.

"Uhm.. I'm sorry if I have to lie about Phaebe. I actually seek help from her. And she did the rest." Nakayuko niyang sabi.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Bakit ba bawat ginagawa niya purong kasinungalingan at kalokohan na lang? Wala ba siyang magawa sa buhay?

"Nang-ti-trip ka ba? Wala kang magawa sa buhay?" Blanko kong tanong sa kanya.

He shook his head.

"I just want to say sorry. I know what I did was a mistake and I admit it. I accepted it. I know it would be hard for you to forgive me because... what am I to you, right? I'm just your...no one. I'm really really sorry. Naisip ko na kung may pagkain, eh baka, lumambot ka naman ng kaunti. And it's really awkward when you're mad. I don't like it. I'm sorry, Nik." Nakayuko niyang sabi.

Napabuntong hininga na lamang ako habang tinitingnan siya.

"Saan mo ang nakuha ang mga pagkain na ito? Alam ko namang hindi mo ito kayang lutuin, eh. Sa siopao at pizza pa lang, wala ka na. Inorder mo ba ito?" tanong ko.

He nodded.

"Wala na kasi akong maisip na ibang paraan. Tsaka naisip ko na baka lumambot ka kung may pagkain. Alam ko namang paborito mong libangan ang pagkain, eh," wika niya na nanatili pa ring nakayuko.

Inirapan ko lamang siya saka naupo na sa sofa kaharap ng mesa. Nagsimula na akong kumain at ilang minuto na akong kumakain doon ngunit hindi pa rin umuupo si Ville. Nanatili pa rin siyang nakatayo at nakayuko pa rin.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. Anong problema nang gagong ito? Kumakain na nga ako, eh. Nakaupo na nga sa sofa, eh. Ano pang tinayo-tayo niya diyan?

"Oh, ano pang tinayo-tayo mo?" Asik ko.

"Hihintayin na lang kita na matapos sa pagkain. Ako na ang magliligpit ng mga pinagkainan mo. Just eat and don't mind me. I'll be fine. Just eat and think that I'm not around. That there's no Ville around you," sabi niya at napakunot ang noo ko nang makaramdam ng pait sa boses niya.

Anong problema ng gagong ito?

Hindi ko na lamang siya pinansin at kumain na lamang. Besides, tama naman siya, eh. Dahil inis pa ako sa kanya kailangang isipin ko na lang na wala siya rito. Besides ulit, deserve naman niya, eh.

While eating I decided to open the TV and watch youtube. I leaned my back on the sofa and sighed. This feels so good! Iyong wala kang iniisip na iba at mamamahinga ka lang. Wala kang masyadong problema. Manonood lang TV tapos kakain lang. Simpleng buhay.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang mapagtanto kong ang dami pala ng nakain ko. Pero syempre, I'm not done yet. I still want to eat. Napangiti ako habang nakatitig sa hawak kong pizza ma kasalukuyan kong nginunguya. Ang sarap!

Napatingin ako sa kinalalagyan ni Ville. Nakita kong nakatayo pa rin siya sa kung saan siya naroroon kanina at nakayuko pa rin. Kunot-noo ko siyang tinitigan. Wala ba siyang planong maupo man lang. Hindi ba sumasakit ang paa niya. Nakakaawa naman siya kung hindi makakaupo kaya naisipan kong paupuin naman siya.

"Woy!" Tawag ko sa kanya.

Agad naman siyang lumingon sa akin. Nakanguso pa siyang humarap na tila isang batang paslit na may ginawang kasalanan kaya pinarusahan ng magulang. Tsk.

"Aren't you going to sit? Hindi ba sumasakit ang paa mo?" tanong ko sa kanya.

Ngumuso siya lalo saka umiling pagkatapos ay bumalik na naman sa pagyuko. Hindi ba sumasakit ang batok niya sa kakayuko?

"Eh, iyang batok mo? Hindi ba sumasakit? Kanina ka pa nakayuko, ah," wika ko.

Kita ko naman siyang umiling. Napabuntong hininga na lamang ako sa inaasal ng gagong attorney. Nagpapaawa pa yata ito, eh. Hindi naman bagay sa kanya.

"Tsk. You know, what? Just sit here. Who knows if your nape is hurting right now. Or if your feet is hurting due to standing right now. Tapos ako pa ang sisisihin mo! Gago ka pa naman." Malumanay kong wika saka tinapik ang tabi ko.

He looked at me with those puppy eyes and pursed lips. Aba, ano iyan? Parang gago!

"What? Maupo ka na rito bago magbago ang isip ko!" sabi ko saka inirapan siya.

Napaigtad ako nang patakbo siyang lumapit sa akin saka bigla akong kinabig sa mainit niyang yakap. Mahigpit niyang niyakap ang bewang ko saka isinubsob niya ang mukha sa leeg ko.

"Sorry na. Sorry na, baby." He keeps whispering.

Napabuntong hininga na lamang ako saka napailing sa inaasal niya. He's a playboy and pervert most of the time, but he has a heart of a kid. Pati nga utak, eh.

"Tsk. Pinagbigyan lang kita, noh. Kasi may pagkain. Kung wala, hindi sana kita pagbibigyan," sabi ko.

Hindi siya sumagot sa halip ay patuloy lamang siyang bumubulong ng 'I'm sorry'. Tsk.

"Oo na. Tama na nga iyang kaka-sorry mo. Ayos na. Tama na," sabi ko.

He looked at my face and cupped my face then kissed me on my lips very quickly. He then kissed me on both of my cheeks and then on my forehead. Then he hugged me tight.

"I'm sorry, baby." Muli niyang sabi.

"Oo na nga. Tama na nga kasi. Tsaka bitawan mo nga ako, ang init, eh!" Asik ko.

"Akala ko ba gusto mo kapag clingy ako. I just want to be clingy all day with you. I haven't hugged you this morning dahil galit na galit ka sa akin.  I'm sorry, baby," sabi niya.

Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Tsk. Kasalanan mo naman, eh. Kung hindi ka ba naman kasi gago." Natatawa kong sabi.

He scoffed and hugged me tight instead. Sabay na lamang kaming nanood ng pinapanood ko. Sinusubuan ko rin siya paminsan-minsan dahil nanghihingi siya tapos tinatamad daw siyang kumuha kaya nagpapasubo na lang.

Habang nanonood ay napunta na kami sa parte ng movie kung saan may mga anak na bida. Isa itong romantic movie kaya talagang may mga ganoong scene. May love scenes pa nga, eh. Ni-fo-forward ko lang dahil nanonood si Ville.

"The babies are cute." Biglang sabi ni Ville.

"I agree. Alam mo ba, when I went out lately to go to Phaebe's cabin, a cute baby boy stopped in front of me. He's so cute and he's so chubby. Tapos he told me that he wants to court me because I'm beautiful. And I told him that he should eat vegetables and fruits first para lumaki siya agad at maligawan na niya ako," hagikhik ko.

"Who's that boy?" tanong niya.

"Nat's son. Isa sa triplets. Ewan ko kung sino sa kanila," sagot ko.

"Hmm. Mukhang magiging babaero yata ang mga anak ni Nat, ah." Rinig kong sabi niya.

"Bata pa naman kasi siya. Sino nga pala ang tatay ng mga iyon?" I asked.

"Don't know," sagot niya. "If you're going to get married someday... ilan ang anak na gusto mo?"

Napatingin naman ako sa kanya dahil sa tanong niya. Ano namang klaseng tanong iyan. Ngunit hindi ko pa rin mapigilang mapaisip. Kung sakaling mag-asawa ako, ilan nga ba ang anak na gusto ko?

"Maybe, three kids? Or four? I'm not sure. Basta nasa tatlo at apat. Gusto ko rin na babae ang panganay para may responsible naman at iyon ang mag-aasikaso sa mga kapatid niya. Tapos ang pangalawa ay lalake para maipagtatanggol niya ang mga kapatid niya. And I want them to be as chubby as Nat's kids. They're so cute!" Nakangiti kong sagot. I heard him chuckled.

"Me too. I want to have three or four kids. The eldest should be a girl and the second eldest should be a boy. I want them to be as chubby as Nat's kids, too," wika niya.

Napatingin naman ako sa kanya. Biglang pumasok sa balintataw ko ang isang imahe ni Ville na may hawak na mga bata. Ngunit nakaramdam ako ng pait nang maisip na hindi ako ang ina ng mga bata.

Nang mapagtanto ang iniisip ay iwinaksi ko na lamang iyong sa isipan ko. Ano ba kasing klaseng katanungan iyon?! Eh, talagang magkakahiwalay naman kami ni Ville oras na maayos na ang isyung kinasasangkutan namin. At saka malamang hindi kagaya ko ang gusto niyang ina sa mga anak niya. Malamang pipili siya ng hindi busy at palagi silang maaalagaan. At hindi ako iyon.

Magtatanong pa sana ako nang biglang may nag-doorbell. Napatingin kami ni Ville sa pintuang nakasara.

"May bisita ka ba?" tanong ko sa kanya na agad naman niyang inilingan.

"Wala. Ikaw ba?" tanong niya kaya umiling din ako.

"Oh, sige. Buksan ko muna ang pinto," sabi ko kaya humiwalay siya mula sa pagkakayakap sa akin.

Nang mabuksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang isang bellboy. Nginitian ko siya.

"Yes?" saad ko.

"Ma'am, may bulaklak po para sa inyo. Galing po kay Sir Lander Juarez. Hindi na raw niya naibigay sayo ng personal dahil umuwi na raw po siya. Tsaka hindi na raw po kasi niya kayo nakita," wika ng bellboy.

Napatango naman ako saka nakangiting kinuha sa kanya ang bulaklak.

"Salamat," wika ko.

Nang maisara ko na ang pinto ay narinig ko ang pagtatanong ni Ville.

"Who was that?" tanong niya.

"Bellboy. May nagpadala sa akin ng bulaklak. See? Ang gaganda." Nakangiti kong sabi saka iniharap sa kanya ang hawak kong bulaklak.

Blanko niyang tiningnan ang bulaklak.

"Who gave that to you?" tanong niya.

"Si Lander."

Kita ko ang pag-igting ng panga niya at ang pandidilim ng mukha niya. He suddenly stood up and went near me. Akala ko ay sasaktan niya ako pero ang bulaklak na hawak ko ang kinuha niya saka lumabas siya ng cabin namin.

What the hell?

"Ville? Saan mo dadalhin iyan? Bilang pamamaalam lang naman daw iyan ni Lander, eh! Ville?!" Tawag ko sa kanya habang sinusundan siya.

Mabilis niyang tinungo ang dalampasigan saka nang malapit na siya sa tubig ay itinapon niya ang bulaklak. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. Napatingin naman ako sa bulaklak na itinapon niya.

Galit ko siyang nilapitan saka pinagsusuntok ang likod niya. Hindi naman siya natinag at walang pakialam na tumayo lamang doon.

"What the hell is your freaking problem, you jerk?! Why did you fucking throw the flower, huh?! Hindi pinupulot ang perang ibinili noon tapos itinapon mo lang?! Ano ba talagang problema mong gago ka?!" Sigaw ko sa kanya habang patuloy siyang pinaghahampas.

"Bakit? Mahalaga ba ang bulaklak na iyon?" Blanko niyang tanong sa akin.

"Ville, ang perang ginastos noon ang iniisip ko! Bakit mo tinapon lang?!" Bulyaw ko sa kanya.

"Could you please stop thinking about the fucking money spent by that asshole Lander guy?! He has all the damn money that he wanted! Hindi sayang sa kanya kahit itapon mo pa ang ilang milyong bulaklak na iyon!" Sigaw niya.

"Sinisigawan mo ba ako, ha?! Sinisigawan mo ako?!" Sigaw ko sa kanya pabalik.

He laughed sarcastically at me.

"Why not?! Palagi mo namang kinakampihan ang putanginang lalakeng iyon kaysa sa akin, eh! Bakit?! Just because he's way smarter than me?! Just because he's way formal than me?! Because he's your first goddamned boyfriend?! I don't fucking care about his damn role in your life, Nik! Just stop making things unfair! Ni-minsan ay hindi mo ako kinampihan! Puro ka na lang Lander! So, don't ever blame me about being mad at that fucking asshole!" Sigaw niya.

Napatingin ako sa paligid namin. May mga nakatingin na sa amin. May mga nanonood na sa amin. Even my girls are there watching us horrified. Probably because they don't know what's the reason behind our fight.

Muli kong ibinalik ang tingin kay Ville. Kita pa rin ang galit sa mga mata niya. His jaw is clenching like he's going to punch me anytime soon.

"A-Are you... d-damn jealous again?" Malumanay ngunit hesitante kong tanong sa kanya.

His eyes went cold and blank. Inalis niya ang tingin sa mga mata ko saka hindi sumagot. Pero kita ko pa rin ang pag-iigting ng panga niya.

"Ville, I'm asking you." Malumanay kong sabi.

Hindi siya sumagot kaya muli ko siyang tinanong.

"Ville? I'm asking you. Answer me," saad ko.

Hindi pa rin siya sumagot kaya napabuntong hininga na lamang ako. I nodded.

"Okay. Let's talk about this inside the cabin. Not here. Maraming taong nanonood sa atin--"

"Why? Nahihiya ka? Ikinakahiya mo 'ko?" Blanko niyang tanong.

"W-What are you... saying. What are you trying to say? Ikaw nga itong hindi sumasagot sa mga tanong ko, eh," wika ko.

He laughed sarcastically and looked straight my eyes.

"You want to know? You really want to know?" Blanko niyang tanong.

"Yes! I want to know! Para klaro sa akin--"

"Fine! Fine! I'm damn jealous with that fucking Lander! Happy? Fucking happy?" Sigaw niya kaya rinig ng mga tao roon.

Agad naman siyang tumalikod saka pumunta sa cabin namin. Napatingin ako sa mga tao at agad naman akong nilapitan nina Ayen.

"What happened?"

"What was that?"

"Why are you fighting?"

Nag-aalala nilang tanong sa akin.

"Wag muna ngayon, please. Kakausapin ko siya. Please, pauwiin niyo muna ang mga tao rito. Kailangan lang naming mag-usap ni Ville," wika ko saka sumunod kay Ville sa cabin.

When I went inside the cabin I saw him putting his things back inside his mallet. Is he that mad?

"Ville? What are you doing?" Malumanay kong tanong.

Nag-iigting pa rin ang panga niya nang sumagot siya.

"We're going home! Mas mabuti doon! Walang putanginang Lander na aaligid sayo!" Asik niya.

"But--"

"No more buts, Nik. And oh, stay here. May pupuntahan lang ako." He said dangerously and was about to went out of the cabin again.

"Saan ka nga pupunta?"

"Just going to give some fucking lesson to some fucking bastard. Stay here!" wika niya saka lumabas na.

Napahawak naman ako sa dibdib ko sa kaba. Anong nangyari?

Is he that... j-jealous?


Thorn:

THANK YOU SO MUCH FOR READING MY STORIES! LOVE YA'LL!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro