S E V E N
I was trying to make myself comfortable on the sofa. I'm way too tall to fit. Also, I'm feeling so sticky. I haven't brought any clothes and I feel like I smell bad. Inis kong sininghot ang kili-kili ko. Hindi naman, ah.
"Mabaho ba?" tanong sa akin ng lalakeng komportableng-komportable sa kama niya. I hate him so much. He's not a fucking gentleman! Kahit 1% lang, wala siya noon.
Sinamaan ko siya ng tingin. Relax na relax siyang nakatihaya sa kama niya. Ang parehong braso ay ginawang unan. At ang mga mata'y titig na titig sa pinapanood niya sa TV. Hindi man lang ba siya nakokonsensya na nahihirapan ako rito sa sofa? Hindi niya ba ako tatanungin kung okay lang ako rito? Kung hindi ba ako nasasaktan a posisyon ko? He's such a jerk! I wonder why tons of woman were flapping over him! Plastik siguro!
"I. Hate. You." Inis kong sabi at pinanliitan siya ng mga mata. Patay malisyang ibinaling niya ang tingin sa akin saka ako tinaasan ng kilay.
"Well, I love myself." Nguso niya tsaka muling ibinalik ang atensyon sa pinapanood.
"You know what, this is all your fault! If only you didn't let those people hurt you then wala sana tayo dito sa hospital! If only you just runaway, ede sana wala tayo rito ngayon! Ede sana hindi ako nakahiga dito sa sofa habang pilit na pinagkakasya ang sarili ko!" Sigaw ko habang inilalabas lahat ng sama ng loob. He scoffed.
"Kasalan ko bang ayaw mong tumabi sa akin? Sinabihan na kita kaninang dito mahiga sa tabi ko, ayaw mo naman. Tapos ngayon ako ang sisisihin mo?"
"Argh! I hate you! I hate you!" Pagwawala ko.
"I know, I know. Baka nakakalimutan mo kung sino ang dahilan kaya ako nandito sa hospital ngayon? Pinagbabato lang naman ako ng prutas. Pinaghahampas ako ng baseball bat. Pinagsusuntok ang likod ko. At kaninong fans ang gumawa nun sa akin? Ang fans mo lang naman!" Pangongonsensya na. Bigla akong natahimik saka napanguso.
"A-Alam ko naman yun, eh!" Nakokonsensya kong sabi.
"Oh, eh ano pang nirereklamo mo diyan?" Mas lalo akong napanguso.
Kasi naman nananakit na ang likod ko, eh. Pati mga binti ko nangangalay na. Ang liit-liit kasi ng sofa, eh. Di ako kasya. Paano na ako nito mamayang gabi?
Napabuntong hininga na lamang ako at naisipang tumawag sa isa sa mga kaibigan ko. Kailangan ko ng damit. Pakiramdam ko ang baho-baho ko na. Pakiramdam ko ang lagkit-lagkit ko na.
Muli akong napabuntong hininga nang hindi ko alam kung sino ang tatawagan. Hindi naman pwede kung si Harriet, dahil nasisiguro kong busy sila ngayon ni Evs para sa pag-aasikaso sa nasirang sasakyan. Kung si Phaebe naman mas lalong busy iyon sa kompanya. Si Aileen nasisiguro kong busy rin yun. Eh kung si Nivia na lang? Pero busy rin yun, eh. Tsaka baka dumugin siya ng mga bashers ko, hindi pwede yun.
Muli akong napabuntong hininga. Ang laki naman ng probema ko. Wala akong damit. Ang pangit ng amoy ko. Hindi ako nagkakasya sa sofa. Sumasakit ang katawan ko. Nagbabantay ako ng demonyo. Ano ba namang buhay ito!
"Ang laki ng problema mo, ah!" Biglang tawa ng hayop na attorney. I rolled my eyes and tsked. Biglang may sumagi na ideya sa isip ko. May damit nga pala siya. Ba't di ako manghiram? He wouldn't mind, right?
"Sabihin mo lang kung gusto mong tumabi sa akin, maiintindihan ko naman. Hindi naman ako mareklamo. Tsaka sabihin mo lang kung malikot kang matulog. Maiintindihan ko pa rin." Patuloy niya. I smiled to myself.
I cleared my throat. "Ville?" I called him sweetly. He looked at me full of confusion.
"I smell really stinky," I said and acted sad as I pouted my lips.
"Uh...so?"
"I need to take a shower and in order to take a shower I need clothes," I answered, smiling wide.
"And?"
"Can I borrow your clothes?" I asked sweetly. He looked at me with no emotion. I smiled more sweetly. "Puhleaseee?"
He blinked before he turned his face to the other direction. His ears are red as well as his neck and face.
What's wrong with him?
He cleared his throat. "F-fine."
Napatili ako at napapalakpak. Agad akong tumayo at kinuha ang bag niyang nakalagay sa paanan ng sofa. Hinalughog ko ito. Lahat ng nakikita ko ay mga malalaking t-shirt at mga pantalon. Wala na akong nagawa kundi pumulot ng isang t-shirt. Agad na akong dumeretso sa banyo at naligo.
Nang matapos ay lumabas ako sa banyo na pinapatuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya. Suot ko ang nabunot kong damit kanina. Isang maroon t-shirt na sobrang laki sa akin. Abot ito hanggang kalahati ng hita ko at nagsisilbi nang longsleeve ang suot ko dahil umaabot ang braso ng t-shirt sa siko ko. I didn't wear any bra dahil wala na akong dalang extra. May suot naman akong panty dahil hindi naman pwedeng wala. Tsaka makapal naman ang t-shirt, besides private naman ang kwartong ito kaya walang ibang papasok.
Habang pinapatuyo ang buhok ko ay napabaling ang tingin ko kay Ville. He's looking down something at the floor. Napatingin ako sa sahig at nagtatakang napatingin sa kanya nang makitang wala namang kakaiba roon. Muli akong tumingin sa baba nang mapagtantong hindi pala sahig ang tinitingnan niya kundi mga hita ko. Napahalukipkip ako at sinamaan siya ng tingin.
"Hoy!" Singhal ko sa kanya. Napaigtad siya tsaka napatingin sa akin.
He cleared his throat. "Hmm?"
"Anong tinititigan mo diyan, ha?!" Bulyaw ko sa kanya. Patay malisyang ibinaling niya ang tingin sa TV.
"Yung sahig. Madumi. Hindi nilinis ng maayos nang mga janitor dito," saad niya.
I scoffed. "Talaga? Hindi hita ko ang tinitingnan mo?"
"Bakit? Madumi ba hita mo?"
"Shut up! Kapag nakita ulit kitang tinititigan ang hita ko, sasabunutan kita!" Banta ko sa kanya tsaka naupo sa sofa.
Ipinagpatuloy ko ang pagpupunas sa buhok ko. I crossed my legs and leaned my back on the sofa. Muling napabaling ang tingin ko kay Ville, baka kasi nagugutom na siya. Ngunit napatigil ako nang makitang nakatitig na naman siya sa hita ko. Bakit ba ang manyak ng hayop na ito?!
"I told you not to stare at my legs!" Bulyaw ko muli sa kanya. Napatingin siya sa akin tsaka napabuntong hininga.
"Halika dito." Mariin niyang utos.
"Excuse me? Hindi porket may kasalanan ang mga fans ko sayo ay may karapatan ka ng utusan ako!" Singhal ko sa kanya. He looked at me emotionlessly.
"Come here."
I rolled my eyes at hindi sinunod ang sabi niya. Magsasalita na sana ako nang may biglang pumasok na lalakeng nurse sa kwarto. He awkwardly smile at the emotionless Ville. And smiled at me. I smiled back.
"Yes?" tanong ko sa kanya.
"Uhm...may nagpadala po, Ma'am. He said he's Simour, a friend. Hindi raw po siya makakapunta ng deretso dito kaya ito na lang mga prutas ang ipinadala niya." Magalang na saad ng nurse.
Ngumiti ako at tatayo na sana para kunin ang basket ng prutas nang biglang pagalit na nagsalita si Ville.
"Stay the fuck there, Nik!" Singhal niya. Inis ko siyang tiningnan.
"What is wrong with you?!" Mariin kong saad.
"Just stay there," saad niya.
Hindi ko siya pinakinggan at tumayo. Kinuha ko ang basket tsaka nginitian ang nurse.
Nahihiyang yumuko ito at lumabas. Inilapag ko ang basket sa side table. Babalik na sana ako sa sofa nang bigla akong hilahin ni Ville papunta sa kama.
"Ano bang problema mo?! Kanina ka pa, ah! Naiinis na ako!" Bulyaw ko sa kanya.
Hindi siya nakinig sa halip ay iniyakap ang mga braso sa bewang ko at pinahiga sa tabi niya.
"Shut up."
"Anong shut up?! Bitawan mo nga ako at mag-usap tayo ng maayos!"
"Did you see how that guy stare at your legs?!" Mariin niyang bulong sa tenga ko.
"W-What?" Takang tanong ko.
"He's fantasizing your goddamned legs! Are you even fucking aware of that?! I fucking told you to stay sitting at the fucking sofa but you didn't listen, you stubborn girl!" Madiin niyang bulong sa tenga ko.
Nagbigay ng kakaibang kiliti sa katawan ko at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Pilit kong tinanggal ang mga braso niyang nakapulupot sa bewang ko pero mas lalo niya lamang iyong idiniin.
"Stay still." Mariin niyang bulong. Ramdam kong sininghot niya ang buhok ko.
Wala na akong nagawa kundi sundin na lamang ang gusto niya, ngunit sa hindi malamang dahilan.
Naramdaman kong ikinumot ni Ville ang kumot sa katawan namin. Pinaharap niya ako sa kanya tsaka pinaunan sa braso niya. Saka niya iniyakap ang isang braso sa bewang ko.
"Sleep."
Walang nagawang tumango ako. Ipinikit ang mga mata at pinilit ang sariling makatulog. Ngunit bago pa ako tuluyang dalawin ng antok ay naramdaman ko ang malambot na bagay sa noo ko.
—
Thorn:
May mga typos pa ako sa story na 'to. Wala pa akong oras mag-edit, hihi. Hope you'll understand.
THANK YOU SO MUCH FOR READING, EVERYONE! LOVE YA'LL!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro