9
"Okay guys position na ulit!"
Sumunod naman ang lahat sa sinabi ni Karen na siyang tagaturo ng sayaw namin. Kahit pagod na ay pinilit ko pa ring tumayo. Palagay ko ay magkakasakit ako gawa nang naulanan ako kagabi. Pero 'di bale, kakayanin ko 'to. Last rehersals naman na 'to kung sakali dahil mamaya na ang performance namin sa PE.
Naging mahigpit ang pagpapractice namin. Kapag may maling isa sa'min, uulit kami sa umpisa. Nakakapagod dahil tinikling pa naman ang napili ng section namin na sayawin, para akong nahihilo na nahihirapang huminga kada lulukso-lukso sa kawayan.
"Bernard at Joy, hindi kayo lagi nagsasabay sa part na 'yan!" saway ni Karen. Sila munang dalawa ang tinutukan nito dahil kanina pa kami paulit-ulit dahil sa galaw nila.
Habang naghihintay silang matapos turuan, pumunta muna ako sa kubo para kunin ang inhaler sa bag ko. "Potek, naiwan ko pa yata sa bahay."
Habang tumatagal, sumisikip na ang paghinga ko. Hindi na muna ako nagpakagaslaw at minabuting magpahinga muna. Humihinga ako ng malalim at dahan dahan kahit nahihirapan na ang baga ko.
"Okay ka lang? Namumutla ka."
Napapikit nalang ako habang pinipilit ang sarili kong huminga ng maayos. Lumapit sa'kin si Peter. "Hinihika ka? Nasa'n inhaler mo?"
Umiling ako. "N-Naiwan.."
Kahit 'di ko idilat ang mata ko, ramdam ko ang pagpapanic niya. And the next thing I knew, pinag-uumpukan na ako ng mga kaklase ko. Nahiya naman ako kasi nakaabala pa ako sa pagpapractice.
"Kaya mo pa ba Beyabebs? Tubig, bigyan niyo ng tubig!" naalarma na sabi ni Ekang. Inabot nito sa'kin ang tubig kaya ininom ko naman agad 'yon. Sa gilid ko naman ay todo paypay si Kate sa'kin.
"'Wag kayo magsilapit kay Bea nahaharangan niyo 'yong hangin," rinig kong sabi ni Bobby kaya umalis na ang iba kong kaklase— sina Ekang, Nishi at Kate nalang ang natira sa kubo.
"Pahinga ka muna jan, Bea ha. Binilhan ka na ni Aviel ng inhaler mo, ginamit 'yong motor ni CJ."
Tinapik ni Karen ang balikat ko. Tumango nalang ako kahit nahihirapan na talaga akong huminga. Naiiyak na din ako kasi ang sakit na ng baga ko. Kung ba't pa kasi naiwan ko sa bahay 'yong inhaler ko! Tangina, sa lahat naman talaga ng makakalimutan ko!
Nagpatuloy ang rehersals ng mga kaklase ko. Ilang oras pa ang tiniis ko para makahinga. Todo paypay naman sa'kin sila Kate, Nishi at Ekang. Ramdam ko ang pag-aalala nila sa'kin dahil todo hagod sila sa likuran ko.
"Nandiyan na sila CJ!" sigaw ni Ekang at sinalubong ito habang nagpapark ng motor. Si CJ ang nag-abot sa'kin ng inhaler na agad ko namang ginamit. Nakatatlong spray ako bago unti-unti kong naramdaman ang pagaan ng paghinga ko.
"Okay ka na ba?" tanong ni CJ sa'kin.
"Nakakahinga na, salamat CJ."
Ngumiti lang ito sa'kin at ginulo ang buhok ko. "Masyado mo kasing pinapagod ang sarili mo. Paawat din kasi minsan ha?"
Napakamot naman ako ng batok ko. Nakakahiya naman at nakaabala pa ako sa kanila. "Kay Aviel hindi ka ba magpapasalamat? Siya 'yong bumili ng inhaler mo," sambit ni Nishi.
Dahil do'n, napatingin ako kay Aviel na nakatingin din sa'kin ngayon. Seryoso ang mukha niya kaya kinakabahan ako. Naalala ko lang kasi 'yong ginawa kong paghalik sa kanya no'ng debut ni Kate. Buhat nang mangyari 'yon, hindi na kami nagpansinan talaga hanggang ngayon. Hindi ko tuloy alam kung paano siya kakausapin.
"Bayaran mo nalang bukas," tipid na sabi nito at umalis na. Sumunod naman sa kanya si CJ.
Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya.
"Yieee, iba ka talaga girl! Anong feeling na nag-alala sa'yo ang ex bebe mo?" asar sa'kin ni Kate.
"Kay Aviel pa din talaga boto ko, bagal ni Argel e," dagdag ni Ekang.
Ngumiti nalang ako sa kanila at hindi nalang nagsalita. Wala naman kasi silang alam sa nangyari sa'min ni Aviel no'ng gabing 'yon e.
🖤🖤🖤
Magkakasama kami nila Ekang na nagpalit ng baro't saya sa cubicle. Grabe 'yong pawis namin ngayon kasi ang daming tao ngayon na nagpapalit, pero keri lang dahil nakaraos naman kami sa pila.
Pagkabalik namin ng room, agad naman kaming inayusan nila Aravella. Inipit nila ang buhok namin ng ponytail gamit ang puting panyo. Naglagay din sila ng ilang strands na nakaharang sa mukha namin at pagkatapos ay minake-up'an.
Sobrang nagkakagulo na sila ngayon sa room dahil ang daming inaasikaso. Kami naman nila Ekang ay chill lang sa isang tabi, tamang selfie lang sa gilid kasi ang cute namin ngayon.
"Bea, pictur'an mo nga kami ni Ryu." Inabot ni Nishi ang cellphone niya sa'kin. Nagpose naman sila ni Ryu ng peace sign and masasabi kong bagay na bagay sila.
"Kami din ni CJ, Beyabebs!"
Pumwesto naman silang dalawa. Inakbayan siya ni CJ kaya todo ngiti naman si Ekang. Nang matapos ko silang kunan ng litrato, binigay ko na kay Nishi 'yong phone niya.
"Dapat kayo din ni Aviel!" ani Ekang. Kaso pagtingin naman namin, magkasama na sila ni Ara na nagpipicture din. "Awit, 'wag na pala. Kay Argel nalang!"
Ang bilis masyado ng pangyayari. Bago pa ako makatanggi, nasa harapan ko na si Argel na hila hila ngayon ni Nishi. "'Yan, nandito na siya! Picture kayo dali Bea!"
Tinignan ko si Argel na ngayon ay nagkakamot ng batok. Tumabi ito sa'kin kaya todo kaba naman ako.
"Ang layo niyo naman, Argel akbayan mo si Bea!" angal ni Kate. Nakita naman nila Hazel at Chels ang nangyayari ngayon na todo support sa'ming dalawa. "Yieee bagay kayo!"
Dahil sa kantsawan nila, ang dami tuloy nakapansin sa'ming dalawa. Panigurado, namumula na ang mukha ko dahil sa hiya. Nagsitilian naman ang mga kaklase ko nang biglang umakbay si Argel sa'kin. Ngumiti nalang din ako para tapos na.
"Walang malisya 'to," mahinang bulong ni Argel nang matapos kami pictur'an. Tumawa naman ako at hinampas siya ng pabiro. "Oo naman, pinagbibigyan ko lang naman ang mga kaibigan ko. Todo asar kasi sila sa'kin sa'yo e."
"Ah, ayos lang." Umalis na ito at bumalik na ng room. Pero sa isip ko, nagtataka ako ba't nasaktan ako sa sinabi niya na wala daw malisya 'yong nangyari kanina— which is wala naman talaga dapat.
Hays ewan, ang gulo ko talaga!
Pangalawa kami sa magpeperform. Lahat kami kinakabahan no'ng 'di pa nasalang, pero nairaos naman namin ang buong sayaw. Nakakatuwa dahil nagbunga ang pinaghirapan namin, paano ba naman kami ang 2nd place! Nagpicture taking lang kaming buong section and after no'n, bumalik na ulit ng room para maglinis ng kalat.
"Miss ka na namin Bea, sa'min ka naman sumabay ngayon," lambing ni Nishi sa'kin kaya napangiti ako. Mukhang narinig ni Peter ang sinabi nito kaya nag-okay sign siya sa'kin.
"Gora ka na sa kanila Bea, hindi ka rin namin masasabayan. Magco-computer kami e," paalam ni Peter kaya tumango nalang ako. As usual, si Argel nauna na naman. Si Bernard at Joy naman, busy sa mga sinalihan nilang org sa school.
Hinihintay naman ni Nishi ang magiging sagot ko. "Sige, namiss ko na rin kayo e."
Kasama namin ang boys na sina CJ, Ryu at Robert na naglalakad. Si Hazel at Chels naman, nagshuttle na pauwi kaya hindi na sa'min nakasabay maglakad. Nakabuntot naman sa'kin sina Nishi, Kate, at Ekang.
"Hindi na naman nakasabay si Aviel sa'tin, masyado nang malakas ang tama kay Ara. Ihahatid pa pauwi!" rinig kong sabi ni Ryu na pinag-uusapan si Aviel.
"Hayaan mo na. Minsan nalang sumaya ang tropa natin e," pahayag naman ni Robert.
Kami naman ng girls, may kanya-kanyang pinagkukwentuhan. Ngayon ko lang nalaman sa kanila na jowa na pala ni Nishi si Ryu.
"Stay strong sa inyo!" masayang pahayag ko. Nakwento din ni Kate habang naglalakad kami na umamin na si Robert sa kanya.
"Anong gagawin ko girls?" ani Kate.
"Gusto mo ba siya? Malamang gusto mo, hinalikan mo nga no'ng lasing ka e," asar ni Ekang kaya natawa kami. Naalala ko na naman tuloy 'yong sabog niyang mukha that time.
"Oh please Jesus! Kahihiyan 'yon!"
Madami pa kaming napagkwentuhan na magkakaibigan. In the end, wala ding nakuhang matinong advice sa'min si Kate.
"Dito na 'ko girls, ingat kayo!" paalam ko sa kanila. Tumawid na sila sa kabilang kalsada. Nang makita kong nakaalis na sila, pumila na agad ako sa sakayan ng red cab.
"Beaaa!" Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Nagliwanag naman ang mukha ko nang makita ko siya. "Hala Camshiee! Kamusta naa?"
"Heto pagod dahil sa lintek naming research." Natawa nalang ako sa reaksyon niya. Kahit kailan, siya pa din 'yong Camela na kaibigan ko no'ng JHS. "Buti nga inaasikaso niyo na 'yan, mga kagroup ko wala pa ding balak hanggang ngayon," pagrarant ko sa kanya.
"Nga pala, hindi ka nagsi-seen sa gc natin! Next week, debut na ni Flo. Magpaalam ka na kasi overnight daw tayo sa resort." Hala oo nga! Nawala sa isip ko dahil sa dami ng ginagawa!
"Buti nasabi mo sa'kin, mamaya magpaalam na ako kay mama."
Kakachikahan naming dalawa, hindi namin namalayan na umusad na ang pila. Nakasakay na kami ngayon sa red cab at panay lang ang kwentuhan namin tungkol sa aming SHS life.
"Pero Bea, ready mo nalang sarili mo. Invited ang buong grade ten, baka makita mo ang ex mo!" pagkukwento ni Camela sa'kin.
Napangisi naman ako sa sinabi niya. "Anong akala mo sa'kin? 'Di pa nakakamove on? Baka siya ang kailangang magready sa pagkikita namin."
"Wow! Parang dati lang iniyakan mo pa 'yon ah," pang-aasar niya sa'kin na tinawanan ko lang naman. "Well, past is past."
Nang makita ko na ang bababaan ko ay nagpaalam na ako sa kanya. Gano'n din naman siya sa'kin na talagang kinawayan pa ako.
"Kita kits nalang sa debut ha!" pahabol na sabi pa nito bago umandar ang red cab.
🖤🖤🖤
Ang bilis ng araw, hindi ko man lang namalayan na ngayon gaganapin ang debut ng kaibigan kong si Floraine. Mabuti na nga lang, pinayagan ako ni mama mag-overnight e! Paano ba naman, talagang nagsipag ako no'ng mga nakaraang araw para wala siyang dahilan para makatanggi.
Hindi naman bongga ang celebration ni Flo kaya nagsuot na lang ako ng black tank top na pinartner ko sa denim shorts. Puno din ang bagpack ko ng mga usual na gamit kapag magsu-swimming.
"Alis na 'ko, ma!" paalam ko at hinalikan siya sa pisngi. "Ingat ka 'nak. Pasabi kay Floraine na happy birthday."
Hindi naman traffic sa biyahe kaya nakarating agad ako sa Saniya Resort and Hotel. Sakto lang naman ang dating ko dahil ngayon palang nangongolekta ng bayad para sa entrance fee ang mga dati kong kaklase sa JHS. Grabe, para tuloy naging reunion 'to!
Pinasabay ko lang kay Camela ang bayad ko. Hindi rin naman nagtagal ay nakapasok na kami sa loob. May nakareserve na daw na hotel room for us, ginuide naman kami ng staffs sa loob.
"'Yon oh! Magkakasama tayo sa isang room, parang no'ng JS lang!" masayang pahayag ni Mylene na humiga agad sa kama.
"Buksan niyo 'yong AC!" excited na sabi ni Carlo. Siya lang ang nag-iisang lalaki sa grupo. Tiwala naman kami sa kanya dahil bisexual siya.
"Ready na ang bikini ko! Kayo patingin ng susuotin niyo later sa swimming," tanong ni Erwelaine. Sakto namang bumukas ang pintuan at nakita namin si Floraine na pumasok. Agad namin siyang dinamba ng yakap, group hug!
"Happy birthdaaaay!!" pagbati namin sa kanya.
"Aww, thank you mga laham!"
Sobra naming namiss ang isa't isa. Ngayon nalang ulit kami naging kumpleto gawa ng iba ibang lugar ang pinasukan naming school no'ng nag-SHS kami.
Nang malagay na namin ang mga gamit sa room, bumaba na kami para sa pool party. May mga pagkaing nakahain do'n at may nirentahan ding videoke. Nakipagkamustahan lang naman kami sa mga dati naming kaklase and most of them, masasabi kong mga nagmature na— lalo na ang mga boys!
"Bea, may boyfriend ka na? Muling ibalik daw kayo ni Rem," pangangatsaw ni Ryan sa'kin. Hindi naman makatingin ang ex ko sa'kin, mukhang nahihiya yata sa kagaguhang ginawa niya sa'kin noon.
"Wala nga e. Pero 'yong muling ibalik? Wait lang, pag-isipan ko muna," pagbibiro ko. Ayaw ko namang maging bitter kaya tinapik ko ang balikat ni Remnant. "Musta ka na? Tumangkad ka lalo."
Hindi ko naman maiwasang matawa ng palihim sa mga naiisip ko. Naaalala ko kasi bigla na naaasar siya 'pag sinasabi kong tumangkad siya. Paano ba naman, nahuli ko dati sa chrome history niya 'yong pagse-search niya about titan gel.
"Bea naman!" hiyang hiya na pahayag nito. Tumawa nalang ako.
"Joke lang!" ani ko sabay peace sign nalang sa kanya. Pagkatapos no'n, hindi ko na siya nakausap kasi tinawag na ako nila Camela. Tamang langoy lang kami ngayon dito sa pool.
"Tara selfie!" yaya ni Camela kaya ngumiti nalang kami. Tamang photoshoot din para may ma-ipost sa instagram and nang magsawa, bumalik na kami ng cottage para kumain.
"Kapagod lumangoy!" angal ni Erwelaine na nakasalampak ngayon sa tabi ko. Hindi naman na ako nagsalita dahil nakakaubos ng energy. Nilantakan ko nalang ang barbeque sa plato ko at nagpakabusog.
"Happy birthday, my love!"
Nakuha ng atensyon ko ang tilian ng mga kaklase ko. Kakarating lang ng boyfriend ni Flo, grabe ang sweet dahil may dala pa itong bouquet of roses para sa kanya! "Hala, thank you for this mahal."
Niyakap naman ni Flo si Ken ng mahigpit. Dumating din ang ibang kabarkada ng boyfriend niya na sina Paul, Tristhan, at Charlie. May nakita akong pamilyar na babae, pero hindi ko masyadong makumpirma dahil malayo ako sa pwesto nila.
Tumayo ako at nakijoin. Hindi ko naman maipaliwanag ang mararamdaman ko dahil sa gulat. Paano ba naman, nandito ngayon si Cherylyn!
Potek, lagi ko nalang ba siya makikita?
"Sino 'yang kasama mo Tristhan? Jowa mo? Pakilala mo naman sa'min!" kantsaw ni Ryan.
Hinigit naman ni Tristhan ang bewang ng babae papalapit sa kanya. Namumula naman ngayon ang mukha nito dahil sa kilig. "This is Cherylyn, my girlfriend."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro