Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7

Unti-unti naman ako naging okay sa paglipas ng mga araw. Isang buwan na din ang nakalipas magmula nang magstart ang classes ngayong grade twelve na ako. Well, tuluyan na talagang naging torture sa'kin habang nakikita na magkasama sina Ara at Aviel, pero wala naman akong choice. I need to move forward.

Char, 'kala mo naman talaga kung makareact e 'no.

Last subject na namin and at last, nagdismissed na din siya. Habang nagliligpit sina Ekang ng gamit nila, kinuha ko na ang pagkakataon para ibigay sa adviser ko 'yong attendance ngayong araw. Hindi ko ito nahagilap sa faculty kaya naman natagalan ako. Hinanap ko pa nga ito sa ABM building dahil sabi ng ibang teachers ay nando'n daw si Ma'am Jeanimar.

Ang sakit ng paa ko kakalakad and kakahagilap, perks of being the class president- ako pa din kasi ang inelect nila e. "Ma'am papirma nalang po."

"Ngayon palang kayo uuwi? Medyo late na ha," pahayag ni Ma'am habang pinipirmahan ang papers. "Opo ma'am, nag overtime po kasi 'yong last subject namin."

Nagpasalamat nalang ako dito at nagmadali na bumalik sa room. Ang dami ko nga'ng nakakasalubong na mga estudyante na pauwi na. Naisip ko tuloy sina Ekang. Panigurado nauna na naman sila, hindi na naman ako nahintay huhu.

Pagkabukas ko ng pintuan ng room, tama nga ako. Ang tropang lakad nalang ang natira dito sa loob habang nag-aayos ng upuan. Napasinghap naman ako.

"Ang tagal mo bumalik, sa'n ka ba nagpunta?" bungad ni Peter sa'kin nang makita ako.

"H-Hinintay niyo ako?" nauutal na tanong ko. Nagtataka naman si Peter sa naging reaksyon ko.

"Oo siyempre, alangang iwan ka namin?" sagot nito pabalik.

Hindi ko tuloy alam ang mararamdaman ko. Sobrang natouch ang puso ko dahil sa paghihintay nila sa'kin.

"Nandito na si Bea, magligpit na kayo ng gamit lalarga na tayo," utos ni Peter sa kasamahan namin na siyang sinunod naman nilang lahat. Gano'n nalang din ang ginawa ko. Chineck ko kung kumpleto ang gamit ko, pero nagtaka ako bakit nawawala ang CPA notebook ko.

Sinure ko pa baka nasiksik lang sa kung saan, pero wala talaga e. "Shit, napansin niyo ba 'yong CPA ko?"

Lumapit naman si Joy sa'kin. "Bakit Mami Bea, may problema ba?"

"Nawawala kasi Mami e, bukas pa naman ang pasahan no'n."

Nagpapanic na ako. Halos ibalibag ko na nga ang laman ng bag ko, pero wala talaga. Nawawala talaga siya!

Tangina, ang laking points pa naman no'n! Kung hindi ko man 'yon makita, ang hassle sa'kin kung magdedesign at magsusulat na naman ako ng notes para do'n. "Shit, ba't naman ngayon ka pa nawala.."

Napepressure na akong ewan. Feeling ko anytime ay maiiyak ako. Tinignan na rin nila Janjan 'yong sulok ng buong room, pero wala pa din talaga.

"Ano bang itsura no'n?" tanong ni Bernard.

"Kulay pink na may design na clouds," sagot ko naman.

"Baka naman nadampot lang ng iba nating kaklase. Magchat ka nalang sa groupchat baka nasa kanila."

Napaisip ako sa sinabi ni Charles dahil may point siya, baka nga nadampot lang. Pero paano kung hindi? Anong gagawin ko? Edi bagsak na ako sa CPA nito?

Potek na kamalasan 'yan.

Buong paglalakad namin pauwi ay tahimik lang ako. Wala ako sa mood makipag-usap dahil masyado akong nag-aalala sa notebook ko.

"Kalma ka lang, mahahanap din 'yon." Pagpapagaan ng loob ni Argel sa'kin. Pero dahil lutang ako, hindi ko man lang 'yon pinansin. Hanggang sa hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng Robinson.

"Ingat ka Bea, hindi pala kami makakasabay sa'yo ni Argel sa red cab. Maglalaro kami ng LOL e," paalam ni Bernard sa'kin. Tumango lang naman ako.

Wala pala akong kasama sa pila mamaya.

Nagwave lang ako ng goodbye sa kanila. Si Joy naman tumawid na sa kabilang kalsada at nagpaalam na din sa'min.

Pumasok ako ng Robinson mag-isa. Ang boys naman, dumiretso na papunta sa computer shop. Habang naglilibot, bumili na rin ako ng sundae sa McDo para naman gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Kaso dahil lumilipad ang isip ko, aksidenteng may nakabangga akong babae.

"Hala sorry ate!"

Nahulog ang gamit niya kaya agad ko naman siyang tinulungan. May ilan ding nahulog na mga papel mula sa portfolio na dala ko kaya dinampot ko na din.

"Okay lang," pahayag nito at ngumiti pa sa'kin.

Pinagmasdan ko naman ang itsura niya at sa tingin ko naman ay mukhang kasing edad ko lang siya. Base din sa uniform na suot niya, nalaman kong sa perpetual siya nag-aaral.

Nang makuha niya na ang mga gamit niya, agad na itong naglakad paalis na parang nagmamadali. Huli ko na rin napansin na may ID pala siya na nahulog. Agad ko naman 'yong pinulot. Sinubukan ko rin siyang hanapin dahil balak ko itong isauli sa kanya, pero mukhang nakaalis na talaga siya.

"Gagi, naiwan niya 'yong ID niya."

Cherylyn O. Francisco. Home Economics 1-1.

Tinabi ko nalang muna sa bag ko ang ID niya. Siguro naman mahahagilap ko siya sa facebook, i-chachat ko nalang siya.

As usual, pagdating ko sa sakayan ng red cab ay pumila ako ng pagkahaba haba. Ligtas din naman akong nakauwi sa bahay at nagmano kay mama at papa. Dumiretso ako sa kwarto at nagpalit ng pambahay. Napansin kong nagrereview ang kapatid ko kaya naman tinulungan ko na siya. Nagtatanong ako sa kanya ng questions at nasasagot niya naman.

"Perfect ka na. Ayusin mo bukas para ikaw na maging top 1," pang-aasar ko dito.

"Hay nako ate, 'yan ka na naman. Atsaka nga pala, pa-edit ako ng video."

Pinakita nito sa'kin ang ilang video clips nilang magkakaklase. Hindi naman ako busy kaya ako na ang nag-edit. Pansamantala, nakatulong din 'yon para mabaling ang atensyon ko sa ibang bagay. Hanggang ngayon kasi, nag-aalala pa din ako sa notebook ko sa CPA.

Hindi naman nagtagal ng ilang oras ang pag-eedit ko. Tuwang-tuwa naman ang kapatid ko sa'kin at nakuha pa akong bolahin.

"Thank you ate, ang sexy mo talaga! Sana maging crush ka na ng crush mo!"

"Oo nalang," natatawa kong sambit dito.

Sakto namang tumunog ang phone ko. Nakita ko sa notif na may chat sa'kin ang kaklase kong si Jeremiah kaya agad kong binasa 'yon.

jhayems: pres na sa'kin pala 'yong notebook mo, nasama ko pala habang nagliligpit ako kanina.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil do'n. Pakshet, thank God naman kung gano'n! Agad naman akong nagrespond sa kanya.

beya: pakshet buti naman! kabado talaga aq e huhu, sigi dalhin mo nalang tom ha!

jhayems: sige pres!!

Potek, mabuti nalang talaga! Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali kung mawala man 'yon. Tutal nagfe-facebook na din naman ako, sinearch ko 'yong name no'ng may-ari ng ID. Mabuti naman at nakita ko ang profile niya kaya nagsend agad ako ng message sa kanya.

bea santos: hi, good eve. if you could remember me, ako 'yong kanina sa rob na nakabangga sa'yo. inform ko lang na nandito 'yong id mo sa'kin. i'm wondering lang kasi kung paano ko 'to isasauli sa'yo?

Panigurado, nasa message requests 'yon kaya hindi sure kung makikita niya. Nagsend nalang din ako ng friend request if ever.

🖤🖤🖤

Agad kong hinagilap si Jeremiah pagdating ko sa room. Nang makita ko siya, ibinigay niya naman agad sa'kin ang CPA notebook ko. Para naman akong baliw na kiniss pa 'to. "Shet, 'kala ko nawala na kita huhu."

"Sorry talaga pres ha," sabi nito ngunit ngumiti lamang ako.

"Ayos lang! Buti nga na sa'yo 'to kung hindi mas lalo akong kinabahan."

Maaga akong nakarating sa PCU kaya obviously, wala pa 'yong mga kaklase ko dito sa room. Wala naman akong mapaglibangan since wala namang games ang cellphone ko. So 'yon, tamang tunganga lang ako dito habang hinihintay ang pagdating ng mga kaklase ko.

Ilang minuto ang nakalipas, unti-unti na din kaming nadadagdagan. Nginitian ko si Argel nang pumasok siya sa pinto at tinanguan niya lang naman ako. Binaba niya sa table ang bag niya at nilapitan ako. "Nahanap mo na 'yong CPA mo?"

Malapad ang ngiti ko habang pinakita sa kanya ang notebook ko. "Oh yesh! Na kay Jeremiah lang pala hihi!"

"Ah, good for you."

Hmp, tipid naman.

Bumalik na siya sa upuan niya at nagcellphone. Sakto namang dumating na sina Ekang at Nishi, kasama sina CJ at Ryu.

Hmm, may something na ba sa mga 'to?

"Aga mo ngayon Beyabebs ah," bati sa'kin ni Ekang.

Binigyan ko naman ito ng makahulugang tingin habang pinagmamasdan ang kilos nilang dalawa ni CJ. Gano'n din kina Nishi at Ryu na mukhang may pinag-uusapan na kung ano.

Mukhang napansin nila ang paraan ng pagtingin ko kaya panay ang iwas nila ng tingin sa'kin nang tumabi na sila sa upuan ko.

"May hindi ba kayo nakukwento sa'kin? May napapansin ako lately ha," tampong pahayag ko. Naglilihim na sila sa'kin ngayon huhu.

Napakagat naman ng ibabang labi si Nishi. "Nanliligaw na sa'kin si Ryu, Bea," mahinang bulong nito sa'kin. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa nalaman.

Jusko, for real na talaga?

"Kailan pa? Wow unexpected ha."

Namula ang mukha ni Nishi. Hindi naman mapigilan ng mata ko na mapadako ang tingin kay Ekang. "E kayo ni CJ? Don't tell me nililigawan ka na din ha?"

"Beyabebs naman ih!" kinikilig na pahayag ni Ekang sa'kin. "So, nililigawan ka na din?"

"Ahm, ewan? Pero lately, naging close ko si CJ. 'Wag ka maingay ha," mahinang pahayag ni Ekang.

Mga sagana ang love life ng mga 'to, hanggang sana all nalang talaga ako.

Masaya silang nagkwento sa'king dalawa. Nagsimula daw magkaroon ng something no'ng nagdebut si Kate. Si Ekang at CJ, napadalas ang pag-uusap nila through chat kahit no'ng bakasyon. Si Ryu naman, nagconfess kay Nishi that time.

"Nahuhuli ka na sa balita Bea, lagi kasing 'di ka nakakasabay sa'min," ani Ekang.

Gusto kong sabihin sa kanila na sila nga 'yong bigla nalang walang pasabi at mang-iiwan, pero ayaw ko na lumala pa 'yong bagay na 'yon.

Nginitian ko nalang sila. "Bawi nalang ako. Libre ko kayo mamayang vacant, do'n tayo sa college building kumain."

Inakbayan naman ako ni Nishi. "'Yon naman pala e, G ako jan!"

Habang tuwang-tuwa sila dahil sa panlilibre ko mamaya, hindi ko naman maiwasang mag-isip dahil sa mga nangyayari. Kung sasabay pala ako sa kanila pauwi mamaya, paniguradong mapag-iiwanan ako ng barkada.

Si Aviel, may Aravella. Si CJ, may Ekang. Si Nishi, may Ryu. Si Kate naman, bubuntot kay Robert panigurado. Si Hazel at Chels, hindi namin kasabay maglakad pauwi dahil nagsha-shuttle sila.

So if ever, ako pala talaga ang lonely sa barkada dahil wala akong kasama? Mukhang napag-iiwanan na talaga ako ha.

Tahimik lang ako buong oras habang nakikinig sa mga lectures ngayong araw. Nang magvacant na, kagaya ng usapan ay nilibre ko sila. Nagpasalamat naman sila sa'kin nang mabusog sila sa kinain.

Hindi rin naman kami nagtagal sa college building dahil malayo pa ang lalakarin namin pabalik sa room. Sakto lang ang naging dating namin since kakastart pa lang ni Ma'am Jeanimar kolektahin ang CPA notebooks namin na required naming ipasa sa kanya.

Mabilis na lumipas ang oras, uwian na namin. Chineck ko ang messenger ko kung may message na ba galing do'n sa Cherylyn. Nakita kong nagreply na pala siya kaya binasa ko ito agad.

cherylyn francisco: hala thank you shems! kaya pala parang may kulang sa gamit ko na sa'yo pala ang ID ko. btw, pwede ba meet up, mga 8PM sana? kita nalang tayo sa tapat ng robinson if ever.

bea santos: sure naman, sakto lang sa uwian namin. kita nalang us!

Pagkareply ko, tinabi ko na agad ang cellphone ko sa bag. Habang nagliligpit ng gamit, kinausap naman ako ni Ekang. "Sasabay ka ba sa'min Beyabebs? Una na kami ha, panigurado magpapasa ka pa ng attendance kay Ma'am Jeanimar e."

Pinagmasdan ko sila. Gaya nang inaasahan ko, by partners sila. Ngumiti nalang ako. "Sure! Ingat kayo, sabay nalang ako kina Pedro."

And with that, iniwan na nila ako. Hindi naman bigdeal sa'kin 'yon, kung saan sila masaya edi go lang.

Kagaya ng lagi kong routine, hinagilap ko ang adviser namin for attendance. Babalik na sana ako ng room pero nadatnan ko ang tropang lakad sa tapat ng faculty na matiyagang naghihintay sa'kin. Bitbit na rin ni Charles ang bag ko para hindi na ako umakyat para kunin ang gamit ko.

"Thanks Charles!" pagpapasalamat ko at kinuha na ang bag sa kanya. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng PCU.

"Magco-computer ba kayo ulit?" tanong ni Joy sa kanila.

"Hindi, bobo kasi niyan ni Peter magsup. Kakabadtrip mag LOL e," banat ni Charles na ginatungan pa ni Janjan ng pang-aasar.

Nagsimula na naman tuloy ang asaran ng magtotropa. Siyempre knowing Peter, hindi 'yan papatalo. Matatawa ka nalang sa mga kalokohan na pinagsasabi niya e.

Nakabuntot ako kay Joy habang naglalakad. Sa likuran naman namin ay si Bernard at Argel na may pinag-uusapan na kung ano.

"Tara hepa lane!" yaya naman ni Peter.

Hindi ko alam ang lugar na 'yon kaya napatingin ako kay Joy. "Ano 'yon?"

Nginitian naman ako ni Joy. "Bilihan 'yon ng street foods, Mami. Panigurado mabubusog ka do'n at mauubos ang pera mo!"

Wow, may gano'n palang lugar dito? Ngayon ko lang nalaman.

Nang makarating kami sa sinasabi nilang hepa lane, hindi ko mapigilang matakam sa mga nakikita ko. Sari-saring mga stalls ang nakikita kong nagtitinda ng kwek-kwek, calamares, siomai, chicken skin, balot, palamig, at kung anu-ano pa!

Bumili lang ako ng kwek-kwek. Ang daming tao, ang hirap makasingit. Nakailang bulos din ako ng calamares bago tuluyang mabusog. Tama nga si Joy, naubos ang pera ko at pamasahe nalang ang natira huhu!

"Hala oo nga pala, may kikitain pala ako sa Rob nawala sa isip ko!" biglang sambit ko nang maalala si Cherylyn.

Ngumisi naman si Pedro sa'kin. "Sino 'yan? May jowa ka na siguro."

Napatingin naman sa'kin si Argel. Iniwasan ko na lamang siya ng tingin at inirapan si Peter. "Jowa agad? May napulot kasi akong ID, isasauli ko sa kanya."

Napatango-tango naman si Peter sa paliwanag ko. Dahil do'n, nagyaya na silang umuwi. Magkakaiba kami ng destinasyon na uuwian. Magkasama si Peter at Janjan na tumawid sa kabilang kalsada, samantalang si Joy at Charles naman ay sumakay na sa jeep. Kasama ko naman si Bernard at Argel na naglakad papunta sa Rob.

"Kanino bang ID? Lalaki ba 'yan?" intrigang tanong ni Bernard sa'kin.

Umiling naman ako. "Babae, Cherylyn Francisco ang name."

Gulat namang napatingin sa'kin si Argel. Nagtaka naman ako sa naging reaksyon niya.

"Patingin nga ako," utos ni Argel sa'kin.

Nagtataka ako bakit mukhang interesado siya, pero hindi ko nalang tinanong. Kinuha ko ang ID at binigay kay Argel. Sakto namang may babaeng umapproach sa'kin.

"Hello, Bea right? I'm Cherylyn, 'yong owner ng ID," pakilala nito sa'kin.

"Oo, ako nga 'yon."

Dahil hawak ni Argel ngayon ang ID ng babae, siya ang nagbigay no'n kay Cherylyn. Kitang kita ko ang reaksyon ng babae nang makita si Argel.

"Gel, ikaw na ba 'yan?!"

Ngayon ko lang nakita si Argel na ngumiti ng abot tenga. Nagkatinginan naman kami ni Bernard na kapwa naguguluhan sa nangyayari.

Sino ang babaeng 'to sa buhay ni Argel?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro