Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

6

"Tonight is a celebration of adulthood and a thanksgiving of the life God has given to our lovely celebrant. Let us put our hands together, as we welcome the main highlight of this celebration as she stepped into a higher level of life, ladies and gentlemen, our debutant, Justin Kate Tolentino!"

Mula sa grand staircase ay dahang-dahang naglakad si Kate suot ang ball gown niyang color black and gold. Ang dainty niyang tignan sa design nitong puff sleeves, mukha siyang isang disney princess ngayong gabi. Pumalakpak naman kaming lahat habang ine-escort siya ni Robert papunta sa unahan ng stage.

I took a video of her habang kumakaway siya sa'min. Pinost ko na 'yon agad sa ig story ko and greeted her again a happy birthday.

Typical debut party, may 18 roses and candles. Nag-intermission naman si Peter at Aviel, nagsayaw sila ng switch it up na siyang tinilian ko ng bongga! Grabe ang gwapo ni crush sumayaw huhu!

"Gosh! Ang galing ni Peter sumayaw waaah!" tili naman ni Ekang sa tabi ko. Kilig na kilig ito habang nagvivideo sa kanila.

"May kinikilig dito oh!" kantsaw naman ni CJ kay Ara na pulang-pula ang mukha ngayon. "CJ naman e!"

Ang ingay ng buong paligid and ang saya lang kasi memorable ang moment na 'to for me, kasama ang STEM K. Ilang months nalang ang natitira sa'min na magkakasama na ganito, kaya hindi ko mapigilan na maging emotional.

After sumayaw nila Peter, nakantsawan naman si Ara na kumanta sa harapan. Ilang beses pa namin itong napilit bago namin siya mapapayag. Hindi naman mapagkakaila na excited kaming marinig siyang kumanta, maganda kasi ang boses niya.

"First of all, I want to greet Kate a happy birthday! By the way, this song nga pala is dedicated to the guy who stole my heart," panimula ni Ara.

Napatingin naman kami halos lahat sa pwesto ni Aviel na kinakantsawan ngayon nila CJ. Nagtilian naman ang mga babae dahil sa kilig.

"Sabi nila balang araw darating ang iyong tanging hinihiling.. At no'ng dumating ang aking panalangin ay hindi na maikubli.."

Ang soft ng boses niya at ang sarap sa tenga pakinggan. Naka gold flowy dress siya na bagay sa maputi niyang balat. Nakatitig lang si Ara kay Aviel habang binabanggit ang bawat lyrics ng kanta.

"Ang pag-asang nahanap ko sa 'yong mga mata... At ang takot kong sakali mang ika'y mawawala.."

Lumapit si Ara sa pwesto ni Aviel. Nabalot ng ingay ang mga kaklase ko lalo na no'ng tumayo ang lalaki at hinawakan ang kamay nito.

"At ngayon, nandiyan ka na... 'di mapaliwanag ang nadarama... Handa ako sa walang hanggan 'di paaasahin... 'di ka sasaktan. Mula noon.. Hanggang ngayon, ikaw at ako.."

Sumasabay naman kaming lahat sa pagkanta nito. Nang matapos kumanta si Ara, tinitigan niya si Aviel at nginitian. "Aviel De Jesus, mula ngayon hanggang dulo.. ikaw na at ako."

"T-Tayo na? S-Sinasagot mo na ako?" hindi makapaniwalang tugon ni Aviel.

Tumango lang naman si Ara at nagyakapan silang dalawa. Umingay naman ang buong klase dahil sa kilig. Kaso epal lang si Peter dahil inasar na naman ako. "May nagseselos!"

"Okay lang 'yan Bea, may Argel ka naman yieee!" kantsaw ni Ekang sa'kin kaya mas lalong umingay 'yong pang-aasar sa'min.

Napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan.

"Si Bea kinikilig kay Argel!" gatong pa ni CJ kaya naging grabe 'yong tuksuhan sa'ming dalawa.

Wala namang reaksyon si Argel habang inaasar kami, umiiling lang ito. Mukha namang hindi siya affected, kaya dapat gano'n lang din ako. Nang magsawa na sila kakaasar sa'min, do'n na kami nagsimula kumain. Hindi naman ako masyado nagpakabusog dahil may inuman pang ganap mamaya, mahirap na at baka masuka ko lang ang kakainin ko.

🖤🖤🖤

"Tara girls sa rooftop, inom!" yaya ni Kate na nakapang casual attire nalang. Nandito na kami ngayon sa guest room, nagpapalit lang ng pajamas.

"Pass muna kami hindi kami umiinom," pagtanggi ni Ara na siyang sinang-ayunan din ng mga tropa niya. Si Joy naman, kanina pang nakauwi dahil hinahanap na siya sa kanila. Bale, hinatid nalang siya ng driver nila Kate papunta sa bahay nila.

Hays grabe, ang titino talaga nilang mga babae.

"Okie, tara na Bea!" yakag sa'kin ni Kate at pumulupot sa braso ko. Si Ekang, Nishi, Hazel at Chels naman ay nakasunod sa likuran namin.

Nang makaakyat na sa rooftop, halos ginawin naman ako dahil ang lakas ng hangin. 'Yong set up dito, para kaming nasa Korea. May mini table lang sa gitna kung saan nakalapag 'yong mga soju, shot glass, lemon and tequilla. May mga chips din and barbeques for pulutan.

Sina CJ, Robert, Ryu at Aviel ang nagtitimpla ng iinumin namin ngayon. Habang sina Janjan at Peter ay naglalaro lang ng mobile legends. Tumabi naman ako kay Peter para guluhin siya habang naglalaro.

"Cancer naman ng Tigreal, bobo mag-ss," pang-aasar ko kay Peter.

"'Pag 'di naglalaro ng ml, 'di counted opinion," ganti naman nito sa'kin. Natawa nalang ako sa itsura niya dahil masyado siyang focus sa laro. Duo yata sila ni Janjan.

Iniwan ko nalang sila do'n tutal busy sila maglaro. Tumambay nalang ako sa gilid habang pinapanood ang buwan. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang ganda ng gabi.

May kumalabit sa likod ko kaya napalingon ako. Nagulat naman ako sa pagsulpot ni Argel. Akala ko kasi kasama siya nila Bernard at Charles na umuwi kanina.

"Nandito ka pa pala?" simpleng sabi ko lang sa kanya. Iniwasan ko siya ng tingin, ewan ko ba't nahiya ako bigla sa kanya.

"Ayaw mo ba?" sagot niya naman.

"Wala akong sinasabi na ganyan ha."

Hindi naman na siya nagsalita at sinamahan nalang ako panoorin ang buwan. Pasimple ko naman siyang tinignan sa gilid ko. Nakangiti ito ngayon na parang manghang-mangha sa nakikita niya. Nahuli niya naman akong nakatingin sa kanya kaya hindi ko alam ang gagawin ko.

"The moon is beautiful, isn't it?"

Hindi ko mapigilang hindi mamula sa sinabi niya. Takte, hindi ba siya aware na may ibigsabihin 'yon? Base sa mga napapanood kong mga anime, poetic way 'yon of saying i love you sa Japan.

Mukhang hinihintay niya ang magiging sagot ko. Impossible namang hindi niya alam ang tungkol sa pinagsasabi niya, nakakapagtaka 'yon dahil base sa pagkakakilala ko sa kanya, mahilig din siya manood ng anime gaya ko.

"I can die happy," I replied. Siya naman ngayon ang nagulat sa sinabi ko kaya napangiti ako. "Akala mo 'di ko alam 'yon ha, ang harot mo Argel."

Sinubukan kong maging normal ang tono ng boses ko, kahit sa totoo lang ay pinipigilan ko lang kiligin. Para kasing timang, out of nowhere bigla ba namang sasabihin 'yon.

"W-Well.." Nagkamot batok lang ito at nahihiyang umiwas ng tingin sa'kin. Namumula rin ang tenga niya kaya mas lalo akong napangiti.

He looked adorable kasi huhu.

"Shot mo na, Beyabebs!"

Lumapit ako sa pwesto nila Ekang at umupo. Ininom ko lang ang tagay nito sa'kin at binalik na sa kanya ang shot glass. "Harot na harot kay Argel e."

Tinawanan ko nalang siya. Nakapalibot na kami ngayon sa table at currently, naglalaro ng pinauso nilang dare or shot. Pinaikot ni Aviel ang bote at tumama ito kay Ryu. "Dare or shot!" excited na tanong ni CJ na natapatan niya ng bote.

"Shot nalang," ani Ryu.

"Nyay bading," tukso ni CJ dito dahil ayaw magdare. Palibhasa kasi, 'di makatao 'yong ipapagawa nila!

Tinagayan nalang ni Ekang si Ryu sa shot glass na diretso naman nitong ininom. Nakakalahati na namin 'yong tequilla pero wala pa naman akong tama ng alak.

"Ang cocorny niyo naman puro lang kayo shot," reklamo ni Kate na naiinip na, mukhang tinamaan na ng tequilla. Kinuha nito ang bote at pagkatapos ay binato kung saan.

"Oy si Kate alalayan niyo, lasing na yata 'yan," pahayag ni Peter. Tumayo naman si Robert sa tabi niya at lumapit sa pwesto ni Kate. Tinapik tapik nito ang mukha ng babae.

"Uy, kaya mo pa ba?" tanong ni Robert dito habang nakaalalay sa balikat nito.

Mukhang sabog si Kate sa itsura niya ngayon at nakatitig lang kay Robert. Napasinghap nalang kami nang biglang hinalikan ni Kate ang lalaki sa labi. Nagdulot 'yon ng malakas na hiyawan.

"Ginawang pulutan ni Kate si Robert!" natatawang sabi ni Chelsa.

"Oy gago pigilan niyo," awat naman ni Hazel pero wala namang nakinig sa sinabi niya.

Halos nagtagal din ng ilang minuto ang paghahalikan nila. Gulat naman kami nang biglang sukahan ni Kate si Robert, basang basa ngayon ang damit nito.

"Tangina Kate."

Tawa kami ng tawa ngayon. Hilo na si Kate at malala ang naging tama niya dahil sa tequilla. Juskong babaeng 'to! Kung hindi niya lang talaga birthday e.

"Kaya mo na 'yan 'Bert, taga-alaga ka ngayon gago," sambit ni Ekang sa tabi ko.

Binuhat ni Robert si Kate. "Jusko Ekang, pasalamat talaga ang babae na 'to at mahal ko siya," nastress na tugon ni Robert at bumaba na sa rooftop.

"Takte, tinigasan 'yon si Robert. Baka magkaro'n pa ng birthday sex ang dalawang 'yon," daldal ni Ryu na tinawanan lang ni Aviel. "Gago ka pre, bibig mo may mga babae tayong kasama."

Nagpatuloy ang inuman. Tinamad na kami maglaro kaya nagkwentuhan nalang kami. Aaminin ko, wala na akong masyadong maintindihan sa mga pinag uusapan nila pero para akong gago na tawa lang ng tawa.

Si Peter at Janjan, ayon knock out na. Nakakapanibago dahil pagdating pala sa inuman, umuurong 'yong kadaldalan nilang dalawa. Si Argel naman, tamang kain lang ng pulutan pero paminsan-minsan ay umiinom naman siya. Mukhang hindi yata siya sanay.

Hindi ko na matandaan 'yong mga sumunod na nangyari, basta alam ko madami na kaming nainom. Si Hazel at Chels, as usual tulog na sa gilid. Napasapo naman ako sa noo ko nang makita si Ekang at Nishi na humaharot na sa mga crush nila.

Si Ekang, hinihilot na ang kamay ni CJ at para silang ewan na nagtatawanan. Si Nishi naman, nakahiga sa balikat ni Ryu habang pinaglalaruan ang kamay nito. Kami nalang yata nila Argel at Aviel ang matitino dito.

"Last batch na ng soju, pagtulungan na nating tatlo para matapos na," suggest ni Aviel. Hindi naman umimik si Argel pero palagay ko ay payag naman siya.

Sinalinan ako ng tagay ni Aviel na ininom ko naman ng straight. "Ang lakas mo na uminom Bea ha."

Ngumisi lang ako kay Aviel. "Tanga, kontrol ko na ang sarili ko."

Nagpatuloy ang inuman naming tatlo. Ako tinatamaan na talaga ng alak. Si Argel, tahimik lang sa gilid ko habang umiinom ng tinatagay sa kanya.

"Hay ang saya ko talaga mga bro, sinagot na 'ko sa wakas ni Ara." Pagkukwento ni Aviel habang umiinom.

"Congrats pre," sagot naman ni Argel sa kanya.

"Basta pre, kung alam mo lang. Grabe ang hirap ko mapasagot ang babaeng 'yon, mahal na mahal ko si Ara pre."

Lasing na si Aviel panigurado, madaldal na siya e. Hindi ko naman mapigilang titigan si Aviel. Napansin naman 'yon ng lalaki at tumingin din sa'kin.

"Ba't ka naiyak?" tanong niya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Aviel, do'n ko lang napagtanto na umiiyak na ako. Hindi ko mapigilan, pero naiiyak lang ako. Lasing na din siguro ako. "Ba't si Ara? Bakit hindi nalang ako Viel?"

Hindi siya nakapagsalita. Para naman akong tanga na pinipilit ang sarili magsabi ng kung ano ano. Ewan ko pero ang lakas ng loob ko ngayon. Iba talaga ang nagagawa ng alak sa'kin.

"Isang letra lang naman ang pagitan namin 'di ba? A siya, tas letter B naman ako. Ba't siya ang napili mo?"

Hindi ko na alam ang pinagsasabi ko. Nakita ko kung paano magbago ang expression sa mukha ni Aviel. "Tropa tayo, Bea. Ayoko masira 'yon."

"Ulol Aviel. Ako pa lokohin mo. Ako 'yong lagi nasa tabi mo noon, dumating lang si Ara naging balewala na 'ko sa'yo. Bigla ka nalang umiwas, alam mo bang ang sakit no'n?"

Naramdaman ko ang paghawak ni Argel sa balikat ko, na parang pinapatigil na ako sa pagsasalita. Pero inalis ko lamang 'yon. "Aviel, am I really no good?"

"Bea lasing ka na," saway ni Argel sa'kin pero wala akong pakialam sa kanya. Gusto kong marinig ang sasabihin ni Aviel.

"Bea, magkaibigan tayo. Para na nga kitang kapatid, 'wag mo naman sanang masamain kung ba't si Ara ang minahal ko."

Potangina, ang sakit pala kapag sa kanya mismo nanggaling lahat ng ayaw kong marinig.

Tumayo ako at hinablot ang damit niya. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at walang pasabi na hinalikan siya. Agad naman ako nitong itinulak kaya natumba ako sa sahig. "Tangina Bea, ano ba!"

Tuluyan na akong humagulgol. Mukhang nabuhayan si Aviel ng diwa niya dahil galit itong lumayas sa rooftop at iniwan akong nakasalampak sa sahig. Inalalayan naman ako ni Argel pero wala ako sa wisyo mag-isip. Umiyak lang ako ng umiyak sa kanya.

"Argel.." tawag ko sa pangalan niya. Hindi naman ito nagsalita. Hinagod lang nito ang likod ko para pakalmahin ako. "G-Galit na si Aviel sa'kin. Pota, akala ko okay lang sa'kin e. Akala ko okay na sa'kin na sila na ni Ara. Gusto ko maging masaya para sa kanila e, pero ang hirap."

Hindi ko na matandaan ang ilan ko pang pinagsasabi dahil alam ko sa sarili kong lasing na talaga ako. No'ng gabing 'yon, ang alam ko lang ay naging totoo na ako sa sarili kong nararamdaman.

"Sshh, I'm here. You'll be alright."

With his calming voice and presence, he eased the pain tugging in my heart for a very long time.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro