3
Mabilis na nagdaan ang mga araw gawa nang hindi na din kami masyado busy. Pumapasok nalang kami para magcomply ng kulang na requirements for clearance. Nakakaboring nga e, wala akong ibang ginawa kung hindi manood ng dinownload kong anime sa phone ko. 'Yong iba ko namang kaklase, busy maglaro ng mobile legends. 'Yong iba tamang foodtrip and gala sa campus.
Hays, kung bakit kasi umabsent 'yong mga tropa ko!
Minsan, pakiramdam ko sumpa na naging class president ako ng room e. Paano ba naman, bawal ako umabsent dahil sa'kin aasahan 'yong attendance! Tapos 'yong mga damuho ko namang tropa dahil tinatamad pumasok, sa'kin nakikisuyo! Ang daya lang. Naiwan ako mag-isa dito sa room, ayoko namang makisiksik do'n kina Aviel dahil nahihiya ako gawa nang umamin ako sa kanya last time!
"Loner?" Nag-angat ako ng tingin at nakita si Argel sa harap ko.
Ba't ba ako nito kinakausap? Feeling close porket nangutang lang ako ng pamasahe last time, hmp!
"Nako Argel, tigilan mo 'ko at badtrip ako ngayon sinasabi ko sa'yo."
"Asan mga tropa mo?" Napairap naman ako sa sinabi niya. "Ba't mo ba sa'kin hinahanap? Mukha bang nandito sila? Nakita mo ba?"
Naiirita akong ewan, malas nga lang ni Argel at siya ang napagbuntungan ko ng inis. Bibili nalang siguro ako ng popcorn habang nanonood. Kinuha ko ang wallet ko at tumayo. Pipihitin ko palang ang pinto sa labas nang bigla siyang humarang sa daanan ko.
"Tabi nga, harang ka." Masungit na sabi ko. Para siyang gago na hindi makapagsalita, may tinuturo siyang hindi ko maintindihan. "Ano ba Argel? Wala akong time makipaglokohan sayo ha. Wala ako sa mood kaya tumabi ka jan."
"M-May ano ka.." nauutal na pahayag niya. Kumunot naman lalo ang noo ko. "Ano ba 'yon?"
"Dugo."
Ha? Malamang tao ako, may dugo talaga ako. Hindi pa din masyadong nagprocess sa utak ko ang sinabi niya. Hindi ko din naman siya maintindihan kasi para siyang timang. "Sa likod mo, may dugo ka."
With that, nanlaki ang mata ko. Tangina, namantsahan 'yong slacks ko! Kahit maglagay man ako ng napkin, paano ako makakauwi?! And paano ako makakabili no'n kung may dugo sa likuran ko?!
Pota, wala bang mas iirita pa sa araw na 'to! Tangina naman.
Napaupo ako ulit sa upuan ko at napasapo sa noo ko. Nakita niya 'yong regla ko at nakakahiya! Kanino ako ngayon magpapabili ng napkin? Wala naman akong ibang kaclose na babae sa room kung hindi sina Ekang lang.
"Ibibili kita."
Napatingin ako kay Argel. Bago ko pa siya pigilan ay nakalabas na siya ng room. Fak, mas lalong nakakahiya 'yon dahil ang kapal ng mukha kong magpabili sa kanya!
Tapos nasungitan ko pa siya kanina huhu.
Hindi naman siya nagtagal ng ilang oras, nakabalik din naman siya agad. Hingal na hingal siya no'ng dumating at pasimple na inabot sa'kin 'yong napkin.
"S-Salamat."
Para akong naging maamong tupa nang sabihin ko 'yon. Nakakakonsensya na ewan kasi nag-attitude ako sa kanya. Hindi tuloy ako makatingin dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
Bea, magsorry ka! Kahit kailan ang tabil ng bibig mo!
Kahit nakakahiyang tignan siya e ginawa ko pa din. Kaso, nagtataka naman ako sa ginawa niya. Hinubad niya ang gray hoodie niya at inabot sa'kin. "Ibalot mo sa bewang mo. Labhan mo nalang."
Hiyang hiya naman akong tinanggap 'yon. Nagpasalamat ulit ako sa kanya kahit hiyang hiya na talaga ako. Wala na din naman akong magagawa kaya pinulupot ko nalang sa bewang ko 'yong hoodie niya para matakpan 'yong likod ko na may dugo. Agad din akong naglagay ng napkin sa pinakamalapit na cubicle na nadaanan ko paglabas ng room kanina. At tutal nandito na rin naman ako sa labas, bumili na ako ng pagkain na kakainin ko. Binilhan ko na din si Argel ng foods, peace offering.
Pagbalik ko ng room, nadatnan ko siyang nakaupo sa tabi ng upuan ko. Tumabi ako sa kanya at inabot ang binili kong vitamilk at nutella sandwich.
"Sorry nasungitan kita. Bati na tayo ha?"
"Ayos lang." Tipid na sabi niya at nilantakan na ang pagkaing binili ko. Gano'n nalang din ang ginawa ko. Kinuha ko ang earphones ko at sinalpak 'yon sa phone ko. It's time to watch anime!
"Anong anime 'yan?" tanong ni Argel sa'kin habang abala ako sa pag-assemble ng cellphone ko.
"Hentai."
Napatingin naman ako sa reaksyon niya dahil bigla siyang natahimik. Namumula ang tenga niya kaya natawa ako. "Joke lang hahaha tangina naniwala ka naman."
"Bibig mo," sermon niya sa'kin kahit ramdam kong inis na siya sa pinagsasabi ko. Pota, hindi ko mapigilan kaya tawa pa din ako ng tawa. Ang cute niya lang kasi.
Wait, what?! Anong cute?! Erase!
"Char. Kakegurui pinapanood ko, 'di hentai. Nood ka din ba?"
Buti naman at nabalik na ako sa wisyo. Inalok ko sa kanya 'yong isang earphone kaya sinalpak niya naman 'yon sa tenga niya. Hawak ko ngayon 'yong phone habang nanonood kami.
Para kaming gago na dalawa habang natatawa sa mga reaction ni Saotome. Minsan ay ginagaya pa namin 'yong way ng pagpronounce nila ng japanese words. Hindi nga namin namalayan na natapos na namin 'yong season one amp.
"Lodi talaga si Jabami e, kung ako lang nabigyan ng gano'ng skills tangina ang yaman ko na siguro," pagsa-side comment ko.
"Malulugi ka lang, 'wag mo na subukan." Aba't letseng lalaki 'to! Nakukuha na akong asarin ha! Dati tatahi-tahimik, attitude din pala ang Argel na 'to.
"Luh, close tayo?" pang aasar ko na naman.
"Hindi pa ba tayo friends?" tanong niya.
Sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako. "Ge, kawawa ka naman kaya pagbibigyan na kita."
"Ang kapal," bulong pa nito pero rinig ko naman. Binaliwala ko nalang ang sinabi niya. "Asan mga tropa mo? Puntahan natin, sa inyo ako sasabay pauwi."
"Nasa open field siguro, volleyball."
Niligpit ko na ang mga gamit ko tutal malapit na rin mag-uwian. Takte, pumasok lang talaga ako para maglista ng attendance at manood ng anime 'no? Pero pwede na din, enjoying naman kasama si Argel.
"Guys, 'yong cleaners ngayon pakiayos ha!" pagreremind ko sa kanila.
Halos boys nalang lahat ang nandito sa room, mga busy sila magmobile legends dahil end season na daw. 'Yong crush ko namang si Aviel, ayon. Kulang nalang makipagpalitan ng mukha sa cellphone. Tutok ba naman at gigil maglaro e!
"Copy madam president!" sagot naman ni Mark sa'kin kaya napangiti ako. "Narinig ko na naman 'yan Mark, kaloka ka."
"Siyempre naman madam president." Hindi ko alam kung trip lang ba talaga ako ng lalaking 'to e, pero hayaan na lang. Kung do'n siya masaya e, hadlangan ko pa ba?
Lumabas na ako ng room, sumunod naman si Argel sa'kin. "Wait lang ha? Daan muna akong faculty, ibibigay ko lang 'yong attendance."
Tumango lang naman ito sa'kin at matiyaga akong hinintay sa tapat ng faculty. Nang maibigay ko na sa adviser namin 'yong attendance ay lumarga na kami paalis.
Magkasabay kaming naglalakad, sinusundan ko lang kung saan siya papunta tutal siya ang nakakaalam ng daan papunta do'n e.
"'Wag mo muna simulan panoorin 'yong season two ha, sabay na tayo bukas," paalala niya sa'kin.
Hindi na lang ako nakipagtalo dahil wala na din naman akong energy. Kakapagod ba naman, hindi naman ako nainform na sa college building pala 'yong open field na tinutukoy niya!
"Ang sakit na ng paa ko Argel, pahinga muna tayo," reklamo ko.
"Exercise 'yan."
Inirapan ko nalang siya nang sabihin niya 'yon. E nakakapagod naman kasi talaga! 'Yong mga fats ko sa katawan, nagsisilabasan na dahil sa pawis. Ang lagkit and ayaw ko talaga sa feeling 'yong napapawisan!
"Kapag ako hinika, kasalanan mo Argel ha letse ka." Di talaga uso sa lalaking 'to ang pahinga e.
"Para nga mawala e." Ayos na dahilan 'di ba? Parang gago kahit kailan. Weirdo talaga ang Argel na 'to e.
Ilang minutes pa kami naglakad, nakakahingal dahil ang layo ng college building! Napa-inhaler tuloy ako ng wala sa oras. Tapos pawis na pawis ako, ang lagkit lagkit ko na!
"Gel! Ba't kasama mo si pres, may problema ba?" pagsalubong ni Charles sa'min. Napataas naman ako ng kilay dahil sa sinabi niya. "Problema talaga agad? Hindi ba pwedeng sasabay lang pauwi?"
"Ang highblood mo na naman pres! Chill ka lang, kaya 'di ka crush ng crush mo e," pang-aasar naman ni Peter sa'kin. "Wala akong pake Pedro, 'pag 'yon nagkagusto sa'kin who you ka talaga!"
Tinawanan lang naman ako nito. Potek, akala ko ba naglalaro sila ng volleyball? Nakatambay lang naman sila sa damuhan. Fake news 'tong Argel na 'to e.
"Wala ka ng pag-asa do'n, may Ara na 'yong Aviel mo," patuloy na pang iinis ni Peter sa'kin. Binato ko naman siya ng damo dahil napipikon ako, kaso nakailag naman siya.
Bwisit!
Gusto ko sana siyang habulin pero ang sakit ng puson ko e. Sinamaan ko nalang ito ng tingin. Kakainis na Peter talaga 'yon, isa ding feeling close! One time ko lang naman siya nakatabi sa seating arrangement sa genmath time, akala mo close na talaga kami.
"Itong si Pete e. 'Wag niyo ngang pinagtitripan 'tong si Bea." Pagsaway naman sa kanila ni Joy. Napapout naman ako. "Oo nga Mami Joy, niaaway nila ako!"
Napatawa naman si Joy sa inasal ko. Sa tropahan nila, siya lang ang nag iisang babae. Mukha din siyang boyish dahil sa haircut niya pero kahit gano'n ay tumitino sina Peter sa kanya 'pag sinusuway niya. Mukha kasi itong striktong nanay, kaya nga ang tawag ko sa kanya ay Mami Joy hehe.
"Oo na po inay, maglalaro lang ho kami inay ulit nila Janjan ho. Hindi na ho pagtitripan ho si Beyabebs."
Tignan mo ang Peter na 'to, nang aasar pa din talaga e. Napailing na lang si Joy habang pinagmamasdan sila. Hindi ko din tuloy maiwasang tignan sina Bernard, Janjan, at Peter na masayang naglalaro ng volleyball ngayon.
Umupo si Mami Joy sa damuhan kaya gumaya nalang din ako at tinabihan siya. Si Argel at Charles naman ay may pinag uusapan na kung ano. Tungkol yata sa games? I don't know.
"Sasabay ka daw sa'min pauwi? Nasa'n sila Ate Ekang?" I pouted dahil sa tanong ni Mami Joy.
"Hindi sila pumasok e, tinamad. Gusto ko din sana mag-absent ngayong araw, pero bawal kasi sa'kin nakasalalay ang attendance hays."
Kakapagod. Daming responsibities, umay lang.
"Nako Bea, ganyan talaga kaya masanay ka na kasi next year ikaw ulit ang president ng STEM K."
Napayuko naman ako sa sinabi niya. Masyado akong na-attach sa section ko ngayon, hindi naman mapagkakaila na solid kami. "Hindi na Mami Joy, lilipat na 'ko sa probinsya namin next year. Kaya sa'yo ko ipagkakatiwala ang posisyon ko ha."
Napatahimik si Joy sa sinabi ko. Hindi ko din namalayan na nakikinig pala sila sa usapan namin.
"Hindi ka na sa PCU mage grade twelve, Bea?" tanong ni Bernard sa'kin habang nagpupunas ng pawis niya. Tumango lang naman ako.
"'Wag ka na umalis, mamimiss ka ng STEM K," dagdag pa ni Janjan. Sobrang natouch naman ang hart ko dahil sa sinabi niya. "Kay Papa nakasalalay ang desisyon, hindi sa'kin Janjan."
"Awit naman, wala na kaming president na sexy," pang-aasar ni Peter sa'kin. Inirapan ko naman siya. Sexy amp, baka fatty?! "Ayos lang 'yon Pedro, atlis hindi ko na makikita ang pagmumukha mong nakakasura."
Nagtawanan naman ang lahat nang sabihin ko 'yon, maliban lang kay Argel na nahuli kong nakatingin sa'kin na parang malalim ang iniisip.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro