Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

28

I wake up without Argel by my side. Alam kong may nangyari kagabi, hindi naman ako tanga para hindi mahalata na wala. Hanggang ngayon, ramdam ko pa din 'yong hapdi e.

Talagang iniwan niya lang ako pagkatapos ng lahat, huh?

I did my usual morning routine. Hindi na rin naman kami nagtagal sa sa beach resort kaya umuwi na din kami and bid each other a goodbyes. Nakakadisappoint nga e, hindi ko man lang nakita ulit si Argel. Talagang tinakbuhan niya ako pagkatapos ng gabing 'yon. I mean, gusto ko talaga siyang makausap e. Pero with circumstances happening right now, mukhang malabo na dahil malinaw naman e— na it was just a one night stand. No feelings attached.

But for some reason, ayaw 'yon tanggapin ng sistema ko. Hindi lang naman kasi 'yon basta basta sex para sa'kin. Talagang mahal ko siya kaya I surrendered myself to him completely. I wanted explanations, gusto ko siyang makausap. Hindi kasi gano'ng klase ng tao ang pagkakakilala ko kay Argel.

He's not like that.

I drove my car into the hotel. May sarili na akong unit dahil gusto kong bumukod sa parents ko. Ayaw nga ako nila mama payagan dahil hindi pa naman daw ako nag-aasawa, but still I insisted. I want to be independent. To go out of my comfort zone. Hindi ako mago-grow as a person kung lagi nalang akong nasa puder nila.

As usual, I spend my christmas and new year with my family. I also catch up with my friends— especially ang Aliens. We talked about random and naughty stuffs. Ano pa bang aasahan mo sa squad namin? Inom all you can.

'Yon lang naman ang nangyaring event sa buhay ko. I tried naman to stay sa bahay kasama ang family ko— para makabonding na din, pero siyempre kinailangan rin ako sa trabaho ko. Wala namang bago sa pinagagawa ko sa buhay nitong nakaraang buwan, pabalik-balik lang kami ni Aviel sa site para mag-monitor.

Mabilis nagdaan ang mga araw and it's already February. Kagaya nang napagkasunduan, imi-meet namin ngayong araw 'yong client namin.

["Nandito na ako sa coffee shop na sinasabi mo. Nasa'n ka na ba?"] bungad ko kay Aviel nang sagutin niya ang tawag.

["Good morning muna madam."] Rinig ko 'yong mahina niyang tawa kaya napasimangot ako.

Pustahan kakagising lang ng lalaking 'to!

["Todo pagmamadali mo sa'kin, ikaw naman pala ang late! Takte ka, kumilos ka na nga diyan! Na sa'yo pa naman 'yong design na ipepresent, letse ka."] Wala na akong pakialam kung sabihan man ako ng maingay dito, e sa gigil ako sa lalaking 'to e!

["'Wag ka na magalit. Libre nalang kita lunch."] I heard him chuckled. Psh, idaan ba naman ako sa pagkain?

["Sige dalian mo. Ingat magdrive, bye!"] Binaba ko na 'yong tawag.

Dala ang laptop ko, pinasadahan ko lang ulit ng tingin 'yong ipe-present namin mamaya. Sinigurado ko lang kasi baka biglang magkaproblema, edi ang hassle kung mangyari 'yon. Mukhang ayos naman na lahat kaya I checked my phone kung anong oras na. Uminom lang din ako ng kape para mawala 'yong inip ko. Naramdaman ko namang nay gumulo ng buhok ko, kaya malamang nandito na ang asungot.

"Bagal kumilos," asar ko.

Umupo naman siya sa tabi ko at hinablot 'yong isang kape na inorder ko para sa kanya. Dahil magkatabi lang kami, napatakip naman ako sa ilong ko nang hindi ko magustuhan ang amoy niya.

"Ano ba 'yang pabango mo? Amoy bus na ewan," reklamo ko. Inamoy-amoy niya naman ang sarili kaya napakunot ang noo ko.

"Parang no'ng nakaraan lang gusto mo 'tong amoy kong 'to ah. Sensitive mo naman, ganda ka?"

Tinarayan ko lang siya. "Nasa'n na ba 'yong Francisco? Dalian niya kamo, busy ako."

"Parating na daw." Simpleng saad niya lang habang nagtitipa sa cellphone. Kausap niya yata 'yong client namin.

Ilang minutes pa kaming naghintay. Isang pamilyar na babae naman ang umapproach sa'min na siyang nagpatigil ng mundo ko. With her black pantsuit, nakipagkamay siya sa'min for a greeting. Agad naman kaming napatayo ni Aviel para magbigay galang.

"Ms. Francisco, glad to finally meet you." Aviel said full of respect. Nahihiya naman akong tumango bilang pagbati.

It's Cherylyn for pete's sake!

"It's nice to meet you too, Arhitect De Jesus." Huminto ito saglit at nabaling ang tingin sa'kin. ".. and Engineer Santos."

Ngumiti siya sa'kin kaya gano'n nalang din ang ginawa ko. Hindi ko talaga alam ba't ang awkward para sa'kin na makita ulit siya. Basta pagdating talaga sa lahat ng konektado kay Argel, nahihiya akong ewan e.

Umupo ito sa harap namin. "I wanted to clarify something about the proposal, regarding sa materials."

"What about it, Ma'am?" I said.

"Gusto ko 'yong dating prinesent ni Architect De Jesus, because I wanted it to be aesthetic. Kung papalitan 'yon lahat, parang tinipid naman yata." She insisted.

"It's not about that Ma'am. Pinag-aralan ko po 'yong lote and I'm suggesting na gawing calamity proof 'yong bahay. Mag-iinvest nalang po kayo, dapat 'di ba sa sure na?"

Prinesent ko sa kanya 'yong ideas na bago. Hindi naman kasi biro 'yong gustong designs ni Aviel, it's not that applicable lalo na kung hindi naman akma sa lugar na pagpapatayuan.

"Sayang kasi kung maraming irerevise. Sana magawan ng paraan Engineer, it's our dream house pa naman namin ng fiancee ko."

Fiancee? Sino naman kaya?

Napapikit naman ako ng mariin.  Naramdaman ko namang hinawakan ni Aviel ang kamay ko para pakalmahin.

"Okay Ms. Francisco, we'll make sure to fix this as soon as possible."

Mukhang nakumbinsi naman si Cherylyn sa sinabi ni Aviel. Tumayo na din ito pagkatapos. "Okay, I'll expect that."

Nang makaalis na ang babae, tsaka ko lamang tinanggal 'yong plastik kong ngiti sa kanya. Tangina, nakakastress kapag gano'n 'yong client mo! As an engineer, mine-make sure ko lang naman 'yong stability ng bahay niya! Paano kapag gumuho 'yon? Tanga ba siya? Kakagigil tangina.

"Kumalma ka na nga, gutom lang 'yan." Pagchi-cheer up ni Aviel sa'kin. Niligpit niya na 'yong gamit niya kaya tumayo na din ako.

"Oo at ililibre mo pa 'ko 'di ba!"

Dumiretso kaming KFC since nagke-crave ako sa gravy. Marami kaming napagkwentuhan na dalawa, siyempre 'pag siya naman talaga ang kasama ko ay marami kaming napag-uusapan. Kaso sa gitna ng masaya naming pag-uusap, bigla akong nakaramdam ng kung ano sa tiyan ko. Agad akong tumakbo papunta sa sink para sumuka.

"Anong nangyayari sa'yo? Ayos ka lang ba, ang putla mo." Hindi na ako nakapagsalita dahil nakaramdam ako bigla ng hilo.

Pansin ko na 'to no'ng nakaraan pa e. Tuwing umaga, panay ang pagduduwal ko. Hindi rin ako dinatnan ng regla ko no'ng nakaraang buwan, pero kampante naman ako dahil irregular ang menstrual cycle ko. Pero ang ikinababahala ko kasi, may mangilang-ngilang patak naman akong nakikita.

"Tubig.." Nahihirapang saad ko.

Agad namang kinuha ni Aviel ang baso na may lamang tubig sa table, pero bago niya pa maabot 'yon sa'kin ay hinimatay na ako.

🖤🖤🖤

"You're seven weeks pregnant, Ms. Santos! Congratulations!" 

Paulit-ulit na rumerehistro sa isipan ko ang sinabi ng doktor sa'kin. Nang magising ako sa pagkakahimatay, agad nitong sinuri ang katawan ko. Ramdam ko 'yong saya no'ng doktor habang sinasambit 'yon, pero niisang reaksyon ay walang mabakas sa mukha ko.

"Misis, you have to be healthy for your baby. I'll prescribe some prenatal vitamins for you. You may experience food cravings, nausea, fatigue and frequent urination. Since nasabi na rin naman ng mister mo na may asthma ka, I advised na iwasan mo muna na mastress and mapagod dahil makakaapekto ito sa lagay ng bata."

Nagpaalam naman ang doktor saglit para umalis. Aviel hold my hand, kabang kaba naman akong napatingin sa kanya. "Anong gagawin ko Viel?"

"Sino ang ama niyan?"

Never ko pa nakita si Aviel na ganito kaseryoso— ngayon lang. Malalim akong bumuntong hininga. I gathered up all my courage and said, "Argel."

"Viel, ayoko nito.. Please, hindi niya 'to matatanggap. That night was just a mistake.."

I bite my lower lip. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Hindi ko kakayanin magpalaki ng bata na ako lang, dahil alam ko sa sarili kong hindi pa ako handa.

"Hindi Bea, makinig ka sa'kin." Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko. "Papalakihin natin ang batang 'yan. I'm here okay? You'll be alright."

"Pero si Argel—" He cut me off.

"You don't need him."

Hindi ko magawang makapagsalita. Ibang iba ang Aviel na kaharap ko ngayon. Hinayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin, siya na nga halos ang kumausap sa doktor at bumili ng mga vitamins na kailangan ko. Pansin ko din ang pagiging protective nito sa'kin hanggang sa paghatid niya sa'kin sa unit ko.

"Bukas, magleave ka na sa trabaho mo." Utos nito sa'kin.

Being the stubborn girl I am, siyempre tumutol ako.

"I appreciate your concern Aviel, pero ayoko. Kailangan kong magtrabaho, kailangan kong kumita ng pera. Hindi nalang basta pamilya ko ang bubuhayin ko, may bata na ding nakasalalay dito."

"Edi ako ang bubuhay sa'yo. Aakuin ko 'yong bata."

Shock was written all over my face. Tama ba ang pagkakarinig ko o nahihibang lang ako?

"Why would you do that?" Nang sabihin ko 'yon ay bakas sa mukha niya na hindi niya nagustuhan ang narinig.

"Bea, isn't it obvious? I love you!" He exclaimed. Hinawakan niya ang kamay ko at lumapit sa'kin. "Mahal na mahal kita, matagal na. Mula noong college tayo hanggang ngayon."

I don't know what to feel. What's with the sudden confession? Tangina, naguguluhan ako! "Akala ko ba tropa tayo? Anong pinagsasabi mo?"

"Believe me, I tried to ignore this feelings. Sinabi ko sa sarili ko na dapat, makuntento nalang ako bilang kaibigan mo lang. I should be contented of seeing you smile, hearing your stories, hanging out with you— pero 'di ko na kaya Bea. Ayoko na maging kaibigan mo lang. I can't stand being just a friend anymore."

Napalunok ako. Umatras ako palayo sa kanya kaya nabitawan niya ang kamay ko.

I should be happy right?

Because c'mmon! Mula no'ng SHS pa kami, ang tagal kong pinangarap na magustuhan niya ako noon! I even confessed my feelings to him!

Pero iba na ngayon.

I know that deep inside my heart, si Argel pa din. Siya lang ang gusto ko. Siya lang 'yong lalaking nakikita ko para sa'kin. At wala ng iba pa.

"I'm sorry, Aviel.."

Sinarhan ko agad ang pintuan para makalayo sa kanya. I heard him calling my name, pero hindi ko siya pinagbuksan. Masyado pa akong gulantang sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung pa'no i-aabsorb lahat.

Humiga ako sa kama. Kung hindi ko pinairal ang katangahan ko, hindi mangyayari ang lahat ng 'to. Napaiyak nalang ako sa sitwasyon. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Hindi ko alam kung paano sasabihin sa mga magulang ko na buntis ako. Paano kung tanungin nila ako kung sino ang ama ng dinadala ko? Sinong sasabihin ko? Si Aviel? Ang unfair ko naman kung idadawit ko siya sa gulong ginawa ko. Ang unfair ko naman kung magtake advantage ako dahil lang meron siyang feelings sa'kin.

"Argh! Ang tanga tanga mo Bea!!"

Sinabunutan ko ang sarili ko. Naiinis ako! Hindi pa ako handa na maging ina! Ang dami dami ko pang gustong gawin sa buhay ko! Ang dami dami ko pang pangarap sa buhay!

Kinuha ko ang phone ko. Nakita ko na lamang ang sarili na nagta-type ng message kay Argel. Good thing, I didn't blocked him sa facebook before kaya I'm pretty sure na ito pa din ang active account niya.

bea santos: hi, can we talk? let's meet up tomorrow, this is important so please reply immediately if you seen this message.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro