Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

26

"Hindi ba pwedeng ma-consider? Maganda kasi talaga dito 'yong design, mas aesthetic tutal 'yon naman ang gusto ng client."

I rolled my eyes. Ba't ba ang kulit ng Aviel na 'to?

"Puro ka design, e kita mo nga'ng matatamaan 'yong parte na 'to!" Tinuro ko pa sa kanya 'yong gusto kong iparating. Tangina, ano bang mahirap intindihin do'n?

"Masyado ding mahal 'yong materyales na pinili mo, pwede naman 'yong substandard nalang. Para namang napakagalante ng client natin!" Asik ko pa.

Sa loob ng three years, nasanay nalang kami ni Aviel na ganitong nagtatalo. Normal nalang sa'min 'yong may hindi napagkakasunduan, lalo na sa trabaho dahil epal siya!

Sawang-sawa na nga ako sa pagmumukha niya e. Pero wala naman akong choice kasi bukod sa kami ang laging magpartner sa mga projects, siya lang din 'yong nalalapit sa edad ko. Halos mga workmates ko kasi dito, mga matatanda na. Hindi naman kasi ako 'yong tipo ng tao na sociable talaga. Minsan nakakausap ko sila 'pag need talaga sa work, pero 'yong hang-out with them after? Never!

"So ako mag aadjust? Magrerevise na naman ako?" asar na sabi ni Aviel. I crossed my arms naman. "Obviously!"

Nagmartsa na 'to palabas ng office ko. Tawang tawa naman ako kasi asar na asar siya. Well, wala naman siyang choice kung hindi ayusin 'yong design niya. E sa impossible gawin 'yon e!

Ayoko matambakan kaya ginawa ko na agad 'yong paper works ko. Halos ganito ang buhay ko, paulit-ulit na proseso kaya nasanay nalang ako. Sabi ng parents ko sa'kin, kailan daw ba ako mag-aasawa? 26 years old na daw ako at matanda na, pero wala man lang daw akong lovelife. Gusto na ni mama at papa magkaroon ng apo sa'kin dahil tumatanda na daw sila.

Pero anong gagawin ko? Ni boyfriend nga wala!

Gano'n din halos ang sabi ng mga kaibigan ko sa'kin, lalo na ang Aliens! Masyado daw ako workaholic, napapabayaan ko na daw ang sarili ko.

Wala man lang daw akong dilig season.

Last week naman, kinasal na din pala si Robert at Kate. 'Yong mga gungong kong kaibigan na sina Ekang naman, kusa nang binigay 'yong flowers sa'kin na dapat ihahagis ni Kate- para naman daw magkalovelife na ako.

Grabe tumatanda na talaga ako!

Pagkatapos ko sa trabaho, pumunta ako sa office ni Aviel. "Oy, tama na muna 'yan! Kape tayo!"

"Mamaya, ipapasa ko pa 'to sa'yo."

"Ang arte. Dali na, gusto mo ba pilitin pa kita jan na parang baby?" pang-aasar ko.

"Sige nga? Gawin mo nga? Weak ka naman e," balik niyang asar sa'kin. Ako naman 'yong napikon. Parang gago kahit kailan ang lalaking 'to e.

"Psh, whatever. Edi don't!"

Sinarhan ko naman 'yong pintuan ng office niya. Pumunta ako mag-isa sa coffee shop na malapit sa workplace ko. As usual, nag order lang ako ng caramel machiatto. Fave coffee ko 'yon e. Binilhan ko na rin si Aviel kasi mukhang stress na talaga siya sa pagrerevise. Gano'n naman 'yong lalaking 'yon. Ayaw papaistorbo. Kilalang kilala ko na 'yong ugali no'n.

"Oh, pasalamat ka mabait ako." Nilapag ko 'yong coffee sa tapat niya. Nginitian naman ako nito.

See? Kabisang kabisa ko na siya.

"Thanks." Tipid na sagot lang nito at tinigil na ang ginagawa niya. Break time naman na kasi, siya lang 'yong G na G sa pagdedesign.

Tumambay lang ako sa office niya habang nagpapalipas ng oras. Nagbrowse nalang ako sa mga social medias ko. Nanlaki naman ang mata ko nang makita ang prenup nila Bernard at Joy. Excited ko namang pinakita 'yon kay Aviel. "Tignan mo! May next kasal na ulit tayong aatend'an!"

Lumapit sa'kin si Aviel. "Dami na nagpapakasal sa batch natin."

"Oo nga e! Ikaw kaya kailan?" pang-aasar ko. "Ayaw mo naman kasi patulan 'yong mga nirereto ko sa'yo. Ghad, napakaarte mo akala mo naman pogi ka. Duh."

"Wow nagsalita, may boyfriend ka ba? Wala naman 'di ba." Hinampas ko naman 'yong balikat niya. Grabe, wala talagang tabas ang bibig nito.

"E ano magagawa ko? Wala akong makita na papasa sa standards ko." I crossed my arms at sinandal ang ulo ko sa swivel chair. "Atsaka, alam mo namang siya pa din talaga."

"Takte Argel pa din? Seven years na Bea. Walang pakialam 'yon sa'yo." Tinarayan ko naman siya.

"Wala pa naman siyang girlfriend."

"You sure? Sa'n ka naman nagbase? Sa fb account niya na pinaglipasan na ng panahon?"

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ba't ba ang hilig mangrealtalk ng lalaking 'to? Bwisit talaga siya.

"Uso kasi magmove on." Simpleng sabi niya lang sa'kin.

Umalis na siya sa harapan ko at nagpatuloy na siya sa mga gawain. Tumayo na lang ako at bumalik na sa office ko, baka kasi hindi ako makapagpigil at batuhin siya ng kape na hawak ko. Buti nalang talaga kaunti na lang ang gagawin ko kaya hindi na hassle.

Sa mga nakalipas na araw, tanggap lang kami ng tanggap ng mga projects. It was a productive day for me, pabalik balik kami sa site. Pinuntahan din namin 'yong mga bahay na pinagpapatayuan for inspection na din. So far, wala namang problema.

"New client ulit, Francisco daw. Kelan ka free? Nagpapaset sila ng sched, gusto tayo makausap." Napakunot naman ako ng noo. Ano ba naman 'yan.

"By February nalang kamo, ayoko sa December dahil madami akong events na pupuntahan!" reklamo ko. Pinitik niya naman ang noo ko. "Mag iinom ka lang e."

"Sino ba 'yan? Ba't need pa i-meet? Nasend naman na natin 'yong kailangan ah." Angal ko pa din.

"May gusto silang ipabago 'tsaka i-clarify. Sandali lang naman 'yon kaya 'wag ka ng mag-inarte."

Tinarayan ko nalang siya. Wala ako sa mood makipag-asaran sa kanya, kakapagod kaya. Mukhang pumayag naman 'yong bago naming client na by February nalang.

Bumalik na kaming office after macheck lang ng dapat masigurado. Pagdating namin, tinambakan na naman kami ni Mercado ng paperworks. Hindi nalang ako umangal at nagsimula na. Pakitang gilas kasi ako lagi, sayang promotion.

Hindi ko namalayan ang oras na nakatutok ako sa computer at sa mga ginagawa ko. Ayaw ko ng cramming e, tapusin ko talaga agad 'to!

"Mag overtime ka?" tanong ni Aviel sa'kin na prenteng nakaupo sa tapat ko.

"Yeah, mauna ka na ba?" sabi ko habang hindi inaalis ang mata ko sa mga gawain ko.

"Hintayin na kita." Kinuha niya ang earphones niya at naglaro. Probably call of duty 'yon.

Hindi na ako nagsalita dahil focus na ako ulit. Nag-inat naman ako dahil ramdam na ramdam ko 'yong sakit ng likod ko. "Pota finish na din at last!"

Napadako ang tingin ko kay Aviel. Natawa naman ako kasi nakatulog na pala siya kakahintay sa'kin. Lumapit ako sa kanya para gisingin siya.

"Vieeel, wake up." Sinundot-sundot ko 'yong mukha niya. Tangina, ano bang skincare ng lalaking 'to? Wala man lang pores.

Pinagmasdan ko ang itsura niya. Sobrang nagmature 'yong mukha niya and mas lalong lumaki ang katawan. Naging second home niya na yata ang gym kaya panay ang workout niya. Curly pa din ang hair niya, bukod do'n may suot na din siyang specs. Gwapo si Aviel, kaya nagtataka ako ba't wala pa din siyang girlfriend.

No'ng college pa kami, ang dami ko nang sinet-up na dates sa kanya. Way of saying thank you ko 'yon kasi sobra akong natauhan sa mga advices na sinasabi niya. Kaso, niisa man sa nireto ko.. hindi niya talaga pinapatulan or hindi rin naman nagtatagal.

Nagdilat siya ng mata kaya nagulantang naman ang sistema ko. Agad akong lumayo sa kanya dahil baka sabihin nito, tinititigan ko siya! Pero totoo naman 'yon, but wala namang malisya 'yon!

"Tapos ka na?" Bakas sa boses niya na inaantok pa siya. Nagkukusot pa ng mata e.

Niligpit ko naman na ang gamit ko. Nauna na din akong umalis sa office kaya sinundan niya ako palabas.

Magkasabay kaming naglakad ngayon. Ramdam ko 'yong lamig kasi tangina, magpapasko na! Hindi man lang namalayan dahil sa sobrang daming ginagawa.

"Simbang gabi tayo." Pagyaya ni Aviel sa'kin. Napataas naman ako ng kilay sa pinagsasabi niya. "Anong nakain mo? Ba't bigla kang naging banal?"

"Ayaw mo ba? Kaya ka hindi binibigyan ni Lord ng lovelife e, demonyo ka kasi." Binatukan ko naman siya. Bwisit na lalaki 'to!

"Kaya ba sa sched natin?"

"Meron naman sa madaling araw."

Sabagay, wala na din naman kasi akong oras para magsimba. Nakakamiss din umattend ng mass kaya pumayag nalang din ako.

Last trip na ng bus ngayon kaya sumakay na kami. Kaunti lang masyado ang pasahero ngayon dahil gabi na kaya nagkwentuhan nalang kami. "'Di ba pwede humiling kapag natapos 'yong simbang gabi?"

"Oo," sagot niya.

"Anong hihilingin mo kapag natapos mo na?" pagdadaldal ko na naman.

Nagtaka naman ako nang napahinto siya sa pagsasalita. Nakatitig lang ito ng mariin sa'kin kaya napataas ako ng kilay. "Natahimik ka?"

Umiwas lang ito ng tingin sa'kin at may binulong pero hindi ko naman naintindihan. "Manhid."

"Ha? Anong sabi mo?"

"Wala, bingi ka."

Natawa nalang ako. Asar na asar na naman siya sa'kin. Kinuha ko naman sa kabilang tenga niya 'yong isa niyang earphone. "Ang baduy naman Viel, A Rocket to the Moon na naman?"

"Edi 'wag ka makinig."

Hindi ko siya pinansin at kinuha ang phone niya. Nagscroll ako sa playlist niya ng gusto kong song. By accident ko namang napindot 'yong Magbalik.

Napahinto ako at naibaba ang cellphone ni Aviel. Totoo pala talaga 'yon 'no? Kapag naging importante sa'yo ang tao, kahit sa simpleng kanta ay maalala mo siya.

Itong song ni Calalily 'yong pinili kong kanta kay Argel dati e, pinipilit ko kasi siyang pakantahin no'n. No'ng araw ding 'yon, umamin din siya sa'kin na gusto niya ako at do'n nagsimula ang lahat.

I missed him so much.

Ano kayang ginagawa niya ngayon? Pagod din ba siya galing trabaho? May problema kaya siya? Masaya ba siya ngayon? Naaalagaan niya ba ng maayos ang sarili niya?

Siguro kung may hihilingin ako kung matapos ko man ang simbang gabi.. 'yon ay ang sana magtagpo ulit ang landas naming dalawa. Kahit saglit lang. Kahit makita ko lang siya ulit.

Huling kita ko kasi sa kanya, no'ng alumni party pa e. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro