Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

24

Second semester approached in an instant. Himala nga dahil nakapasa ako sa first sem, tapos napabilang pa ako sa CVSU Partial Scholarship! It was a dream come true dahil sino ba naman ang mag-aakala na magagawa ko 'yon? Alam kong marami pa akong semester na haharapin, kaya mas lalo kong pag-iigihan ang pag-aaral.

Integral Calculus at Physics ngayon ang pahirap sa buhay ko. Mayroon na din kaming subject na Engineering Drawing ngayon kaya naman napabili tuloy ako ng mga kailangan na mga gamit. Sobrang excited ako na gumawa ng plates, gusto ko maranasan 'yong feeling na nagpapakapuyat and worth it 'yong pinaghirapan na ginawa mo.

Isn't it just exciting 'di ba?

"Wala silang uni pin at 2B pencil dito bun.." Saad ko nang mabayaran ko na ang pinamili ko sa National Bookstore. It's monday and sembreak namin ngayon. Free kami parehas kaya sinamahan niya ako ngayon sa mall.

"Cover up pre sa A!"

Kumunot naman ang noo ko sa pinagsasabi niya. Nagpaiwan siya sa labas ng NBS para maglaro ng Call Of Duty ha? Tinanggal ko 'yong earphones niya para malipat ang atensyon niya sa'kin. "Tara na, quit ka na muna jan."

Adik na adik siya ngayon sa game na 'yon. Wala naman siyang imik nang itago niya na 'yong phone niya. Hmp, marami naman siyang time maglaro ng game na 'yan e! Hindi na nga kami nakakapag-usap sa chat dahil sa larong 'yan dahil pinapayagan ko na nga siya, pero pati ba naman ngayon na magkasama kami COD pa din?

Sumunod lang naman siya sa'kin nang pumunta na ako sa Expressions. Kagaya kanina, nagpaiwan lang siya sa labas at hindi na ako sinamahan. Nang makita ko na ang kailangan kong bilhin, lumarga na ako paalis. Hindi ako napansin ni Argel sa tabi niya dahil busy siya maglaro.

"Dianne, sa likod mo!" Gigil na sabi niya. Napataas naman ako ng kilay nang marinig ko ang pangalan na 'yon.

Kalaro niya si Dianne huh?

Bigla akong nawala sa mood dahil sa narinig ko. Napadako ang tingin ni Argel sa'kin kaya agad siyang nagquit sa game. Hindi nalang ako nagsalita dahil baka pagmulan na naman ng away. Kakabati lang namin, tapos mag-aaway na naman?

Nakakaumay na.

Since that day, hindi ko naman inakala na 'yon na pala ang huling araw na magkikita kami. We became busy sa kanya-kanya naming program. Hindi na kami nagkakasabay pumasok at umuwi. The quality of our communication became dull. Pansin ko ang mga cold and dry replies niya sa'kin, but I understand dahil baka busy lang siya gaya ko.

bea bun: i passed my prelims bun! carps ka for celeb? i miss you na, kita naman tayo!

argel bun: di ako pwede e.

bea bun: aww, sayang naman. busy ka pa din ba?

argel bun: yep.

bea bun: ay ganon? edi move nalang natin next week? or gusto mo, dalaw nalang ako jan?

argel bun: busy ako sa programming namin, kaya di din ako pwede.

bea bun: ahh with DIANNE?

argel bun: yeah.

bea bun: pati din sa COD?

bea bun: partners na nga sa e-journal, kaduo pa sa laro. baka next time real life couple na kayo ha?

argel bun: i don't have time sa mga dramas mo bea.

argel bun: kung tungkol na naman kay dianne yang ini-issue mo, bahala ka na sa buhay mo.

argel bun: pagod na akong magpaliwanag sayo.

I bite my lower lip. Bakit ganito ang tono niya? Bakit siya nanlalamig sa'kin? Ayaw niya na ba sa'kin?

Umiling ako. Kasalanan mo Bea. Nag attitude ka na naman sa kanya, alam mo namang stress na 'yong tao sa pag-aaral. Sa inyong dalawa, dapat ikaw ang umunawa sa nararamdaman niya.

Pagod lang siya kaya nasabi niya 'yong bagay na 'yon sa'kin.

bea bun: i'm sorry bun kung ganito na naman ang attitude ko. i just can't help it e, alam mo naman kung ga'no kita ka-love :((

Days went passed at tuluyan na nga'ng nawalan ng communication sa'min. I tried to reach him out, pero hindi siya nagrereply sa'kin. I also visited his house, nadatnan ko siya sa room niya na busy mag-encode para sa mga requirements niya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil do'n.

Kung para sa pangarap niya kaya nakakalimutan niya na ako, okay lang.

Hindi na ako nagtagal at nagpaalam na ako kay Tita Rose. Pinasabi ko din dito na 'wag nang sabihin kay Argel na dumaan ako sa bahay nila. Ayaw kong malaman niya 'yon dahil gusto ko, focus siya sa ginagawa niya.

I did my best to study too. Kasama ko pa din ang mga college friends ko and sama sama pa din kaming nagu-group study. Hindi na din ako gano'ng kinukulit ni Brynt and mas maigi 'yon. Napansin ko din ang closeness nilang dalawa ni Juliene, kaya hindi na rin ako magtataka kung may something na sa pagitan nila.

Tinuturing kong himala ang nangyari nang makapasa ako ng midterms. May mga times na umiiyak na ako sa hirap ng sinasagutan kong equations, mga lessons na kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga maintindihan at sandamakmak na plates na kailangan kong ipasa, but still— I chose to fight my silent battles quietly.

Wala akong pinagsabihan ng hirap na dinanas ko, hindi ko din naman makwento kay Argel 'yong nangyayari sa'kin ngayon dahil naiisip kong baka maging burden lang ako sa kanya.

Hindi ko na din talaga maintindihan ang sarili ko e. He's supposed to be my home e. But why is that whenever something is wrong.. I'm scared to run  to him? Hindi ko na siya madama. He changed into someone na hindi ko malapitan. He seems so out of reach now. Natatakot akong kapag inabot ko siya, masasaktan lang ako.

"Grabe nililigawan ka na talaga ni Brynt for real?" kilig na kilig na pahayag ni Jhonna. Consultation of grades lang ang nangyari sa purpcom kaya heto, nakatambay na naman kami.

"Oo, I didn't expect nga na liligawan niya ako. 'Yon pala, seryoso siya sa'kin no'ng sinabi niya na mahal niya ako," pagkukwento ni Juliene.

"Support ako sa inyo sis!" masayang pahayag naman ni Daryll.

Natahimik naman ako. Naisip ko bigla 'yong relationship namin ni Argel. Bakit naman 'yong ibang lalaki, pinupursue 'yong taong mahal nila? Sa pagkakaalam ko, nagsimula din naman sina Brynt at Juliene bilang mag MU. Pero bakit siya niligawan?

At bakit sa'kin, hindi magawa ni Argel 'yon?

Alam kong mali, pero sa paglipas ng mga araw.. unti-unti ko nang kinukumpara si Argel sa ibang lalaki. Nagkaroon ako ng expectations sa kanya. Kinuwestyon ko na din ang sarili ko kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon na puro sakit nalang ang dulot sa'kin.

He's not the ideal man na pinapangarap ko. Hindi ito ang relasyon na pinangako ko sa sarili ko nang saktan ako ng ex ko.

I never wanted to be with a man na hindi man lang ako mabigyan ng oras. Kung nastress siya sa ginagawa niya, gano'n din naman ako ah? Kung pagod siya sa paggawa ng mga gawain niya, pagod din naman ako ah?

And God knows how I made myself stupid just to make time for him.

Kung paano ako magbeg ng attention sa kanya, na kahit ano mang cold or dry replies niya— pilit ko siyang inunawa. Pilit akong nag adjust para sa kanya. Ngayon palang, gusto ko ng sumuko. I wanted to gave him up pero sa t'wing naiisip ko na gawin 'yon, nasasaktan ako. Nahihirapan akong pakawalan siya. Dahil mahal ko siya e.

At kapag mahal mo, kahit nasasaktan ka na— humahanap ka ng paraan para maintindihan siya. Kahit minsan, ang tanga na ng mga dahilan, pilit mo pa ring pinapaniwalaan 'yon dahil mahal mo at ayaw mong mawala ito sa'yo.

At 'yon ang pagmamahal na meron ako kay Argel.

🖤🖤🖤

Surprisingly, I passed the second semester at sa awa naman ng Diyos ay qualified ang grade ko sa full scholarship ng CVSU. Tuwang-tuwa sina Juliene sa'kin at sobrang proud sila.

"Iba talaga kapag inspired mag-aral!" Kantsaw ni Juliene sa'kin.

Kung alam lang nila.

"Sana all talaga may love life! Nako, ibalita mo na 'yan kay Argel. For sure masaya 'yon for you!" Suggest naman ni Jhonna sa'kin.

Wala na talaga dapat sa isip ko na ipaalam pa ang balita kay Argel, kasi para sa'n pa? Hindi naman na kami nag-uusap. Nagkakaroon lang ako ng balita sa kanya dahil kay Tita Rose. Pero dahil tuloy sa sinabi ni Jhonna, nagkaro'n bigla ng hope sa puso ko na kausapin si Argel and to informed him about my achievement.

Hindi na ako nakasama sa celebration na magaganap sa unit ni Daryll. Nauna na ako umuwi dahil balak kong puntahan si Argel sa CVSU Silang. Ininform naman ako ni Tita about his sched, kaya sure akong nando'n siya ngayon.

Pasakay na sana ako sa sakayan ng jeep nang biglang may mapansin ako sa glass wall malapit sa kinatatayuan ko. Nasa ministop sila?

At hindi lang 'yon, magkasama na naman sila no'ng Dianne.

Biglang nag-init ang ulo ko. That time, 'yong pag-unawa ko sa kanya— biglang naglaho na parang bula. Nawala ako sa wisyo at hindi ko na nakontrol ang sarili ko. Sumugod ako sa kinaroroonan nila. Sinampal ko ng malakas 'yong babae dahilan para magulat ito sa ginawa ko.

"What the heck?!" Gulat na pahayag no'ng Dianne sa'kin. Tumayo ito at hinarap ako. "Anong problema mo miss? Bakit bigla bigla kang nananampal?!"

Nagdulot ng attention 'yon sa mga tao. Pero wala akong pakialam. Galit na galit ako. "Malandi ka kasi. Nilalandi mo ang boyfriend ko."

Sarcastic namang tumawa si Dianne. Si Argel naman, walang imik pero nanatili pa ding masama ang tingin sa'kin.

"Ghad Argel, ang eskandaloso naman ng babae mo? I thought sabi mo wala kang girlfriend? Seriously, pumatol ka talaga sa ganitong babae?"

Wow, so hindi niya pala ako tinuring na girlfriend sa loob ng two and a half fuckin years?

Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. Nahiya naman ako sa itsura ko dahil alam ko sa sarili ko na ang haggard ko. Wala din akong kaayos-ayos sa mukha dahil wala naman akong oras para magpaganda pa.

"Sorry Dianne sa nangyari." Argel apologized.

Grabe, tangina. Bakit ganito? Kasalanan ko na naman ba?

"No, I can't accept this. Maghahanap na ako ng ibang partner. Gumawa ka ng sarili mong program mula ngayon dahil ako ang may-ari nito." Kinuha ni Dianne ang laptop niya at agad na umalis.

Talagang hinabol pa ni Argel si Dianne. Siyempre, akong si tanga sumunod sa kanila.

"Dianne 'wag naman oh! 'Wag mo 'kong iwan sa ere, presentation na natin bukas!" Pagsusumamo ni Argel sa babae.

Pero hindi siya nito pinansin at sumakay na sa kotse niya. Talagang habol habol niya pa 'yong babae para lang sa lintik niyang presentation.

"Tangina Argel, ano?! Talagang puro ka nalang Dianne e 'no?! Talagang sa harap ko pa talaga?! Ibang klase ka talaga!"

Hinawakan ko ang kamay niya at pilit na pinaharap sa'kin. "Bakit?! Kasi naglalandian kayo?! Naistorbo ko kayo?! Kasi nahuli ko kayo 'di ba? Potangina, 'wag mo 'kong gawing tanga!"

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala kaming relasyon ni Dianne?! Tiwala lang ang hinihingi ko Bea! Sana naman pagkatiwalaan mo ako!" Sigaw niya sa'kin.

"'Yan ang lagi mong sinasabi pero iba naman ang pinaparamdam mo sa'kin!!"

Parang may tinik na nakawala sa dibdib ko nang sabihin ko 'yon sa kanya. "I was supposed to feel happy with you, now I feel much worse. You're slowly destroying me while I'm here trying to understand you.."

"Nagsasawa na akong intindihin ka. Pagod na pagod na akong mag-adjust sa ugali mo! Nahihirapan na ako Argel.."

Nanlambot ang ekspresyon ni Argel. He's trying to touch me, pero umiwas ako.

Tangina, ubos na ubos na ako.

Napaupo ako sa gilid ng semento. Pinakalma ko ang sarili ko pero kahit anong gawin ko ay hindi ko mapigilan na lumuha. Ang tagal ko 'tong kinimkim— naipon lang talaga lahat ng sakit sa puso ko.

"Hindi ko alam kung makakaya pa kitang mahalin.." Pinunasan ko ang luha ko. "Kung ganito lang din naman Argel, itigil nalang natin 'to.." 

Hindi siya nagsalita. Bakas ko sa mga mata niya 'yong sakit nang sabihin ko ang mga salitang 'yon. Nang mga oras na 'yon, nakatingin lang siya sa'kin. Bigla naman akong nakaramdam ng pagsisisi nang bitawan ko ang mga salitang 'yon sa kanya.

"Kung 'yan sa tingin mo ang tama, sige lang Bea."

Hindi niya man lang ako hahabulin? Hindi man lang ba niya aayusin 'tong nararamdaman ko? Talagang hindi siya magpapaliwanag sa'kin?

"A-Argel, no.. it's not what I meant.." Hinabol ko siya. Dapat kong bawiin ang sinabi ko.

No, hindi 'yon ang ibig kong iparating sa kanya!

"Buuin mo ang isip mo." 'Yan ang mga katagang iniwan niya sa'kin bago tuluyang iwan ako.

At 'yon ang ginawa ko.

Nagnilay-nilay ako sa sarili ko. Mali ba ang mga sinabi ko sa kanya? Dapat ba, hindi nalang ako naging honest sa kanya? Dapat ba, mas inunawa ko nalang ang sitwasyon niya kaysa unahin ang lintik na nararamdaman ko? Dapat ba, hindi ko sinabi 'yong bagay na 'yon?

I cried with all my heart. Alam kong sobra ang pagsisisi ko nang mawala siya sa'kin. Alam kong hindi ko kakayanin na mawala siya. Kaya hangga't hindi pa huli ang lahat, aayusin ko ang relasyon namin.

It was valentines day nang balakin kong makipagkita sa kanya. Hindi naman ako makapunta sa bahay nila dahil nahihiya ako. So, I came with a plan na magpatulong kay Bernard. Sinabihan ko siya na papuntahin si Argel dito sa bahay nila para makapag-usap kami, dahil alam ko namang kapag ako ang cumontact sa kanya ay hindi niya naman papansinin ang message ko.

The plan went smoothly dahil sa wakas, nagkita na kami ni Argel. Umalis naman saglit si Bernard para bigyan kami ng privacy na dalawa.

"Buuuun!" Masiglang sabi ko at sinalubong siya ng yakap.

"Ano pang ginagawa mo? Tapos na tayo 'di ba?" Malamig na tugon niya sa'kin. Napabitaw naman ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Hindi pa kita kayang pakawalan Argel. Naguguluhan ako, pwede bang pahinga muna tayo? Mahal kita e, kailangan ko lang talaga munang magreflect sa sarili ko. Ayaw kong mawala ka ng tuluyan, mahihintay mo naman ako 'di ba?"

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa sa gusto kong mangyari. Kinakabahan ako ng sobra sa magiging desisyon niya, pero kung hindi ko naman 'to gagawin ay masasaktan lang ako lalo.

"Pahinga? Pero ano ba tayo?"

Natahimik ako sa sinabi niya. Biglang nagsink in sa'kin ang kung anong meron lang pala kami.

Oo nga pala 'no, ba't magpapahinga? E wala naman kaming label.

"Mahal? Alam mo ba 'yong sinasabi mo Bea?"

Napayuko ako, iniiwasan ang bawat masasakit na salitang sinasabi niya.

"Naguguluhan ka sa feelings mo pero 'yan ang sinasabi mo? So babawiin mo nalang 'yong sinabi mo no'ng una?"

"Nanggaling na din sa'yo, nasasaktan ka at 'di ka rin masaya dahil nahihirapan kang intindihin ako 'di ba? You're not even sure kung mahal mo ako and I'm also not sure with that. And that will just go nowhere. Or do you want to live in that?"

Kilala ko si Argel, hindi niya gustong sinasayang ang oras niya sa mga bagay na walang patutunguhan. At ang saklap lang para sa'kin dahil naisip niya na isa ako sa mga bagay na 'yon. Gusto ko nalang tumakbo palayo, dahil sa totoo lang nilalamon na ako ng sarili kong kahihiyan. Pero pilit ko mang takasan ang sakit na nararamdaman, hinarap ko siya ng walang takot at pag-aalinlangan.

Handa kong wasakin ang pride ko, kung 'yon nalang ang tanging paraan para bumalik siya sa'kin.

"Hindi naman sa gano'n. May parts naman na masaya talaga ako sa'yo at hindi naman dapat masaya lagi 'di ba? Kung nahihirapan man akong intindihin ka, 'di ba part naman talaga 'yon? Kasi MU tayo e, kinikilala pa lang naman kita— at gano'n ka din sa'kin."

"May mga ideals ako sa isang tao, pero tingin mo ba't nandito ako ngayon? Bakit kahit ang daming qualities na wala sa'yo, ikaw pa din pinipili ko? Alam kong pagmamahal 'to, Argel. It was real for me. It meant more than it should have. And I'm willing to be with you."

Binitawan niya ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya. "Yeah you're right but I don't feel anything with you right now."

Simpleng salita, pero labis ang sakit no'n para sa'kin. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano niya ako tignan ng wala man lang nararamdaman na kahit ano. Kalmado lang siya pero mababakas mo na seryoso siya sa mga sinasabi niya.

"The time I've spent with you are full of ups and downs, but in that time I didn't find whatever it was that will make me want to stay with you. I appreciate it pero medyo huli na para jan."

I was so shocked. I bite my lower lip as I tell myself not to cry. Not this time Bea. Please, makisama ka naman. Ayaw kong umiyak..

"Don't be so desperate for love Bea, atleast save your pride kung meron ka pang dignidad para sa sarili mo."

He turned his back to me after saying those words. Do'n lang nagsimulang tumulo 'yong luha ko. Wow, what a great valentines day naman for me! I laughed bitterly at my own thoughts.

As simple as that, I completely lost my man who wasn't even mine in the first place.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro