22
Mula sa one week— three weeks na kaming hindi nagkikita ni Argel. Valid naman ang reason namin parehas since prelims week at kailangan talagang mag-aral.
"Natapos din hell week! Tara Bea, G ka ba? Inom tayo!" pagyaya ni Daryll nang makalabas na kami ng room. Maaga kaming pinalabas since examinations lang naman.
"Pass muna ako, birthday ngayon ni Argel. I need to surprise him," kinikilig na sabi ko. Naiimagine ko na kasi 'yong magiging reaction niya sa gagawin ko.
"Sweet naman! Balitaan mo kami ha!" Tumango nalang ako sa sinabi ni Jhonna. Nginitian naman ako ni Juliene kaya nagpaalam na ako sa kanila.
Last friday night, naayos ko na lahat ng kailangan para sa gift ko. It was a rectangular box and sa loob no'n, nilagyan ko 'yon ng milk chocolate. May music box din sa loob no'n, pinasadya ko na It Might Be You 'yon kapag pinatunog. Wala lang, feeling ko kasi theme song na namin 'yon kasi kapag napapakinggan ko 'yon ay siya 'yong naalala ko. I also bought a rastaclat and nag-iwan din ako ng handwritten message ko for him. May mga pictures din naming nakadikit sa loob with matching fairy lights pa.
Siyempre, pinag-ipunan ko din sa baon ko 'yong pinambili ko ng cake! Grabe, I can't wait na ibigay talaga 'to sa kanya. For sure naman, he'll appreciate my way of showing my love for him.
Hindi ko kasabay si Brynt ngayong araw, may lakad yata din siya with Rainier kaya ako nalang mag-isa ang lumarga. Nang makababa ako ng jeep, tumungo agad ako sa sakayan papunta sa CVSU Silang. Nasabi niya naman sa'kin na ngayon din ang tapos ng prelims niya, kaya panigurado maaga din ang tapos no'n!
bea bun: are u done na? dito ako sa waiting shed ng school mooo.
bea bun: btw goodluck sa exams mo bun!
After kong masend 'yong message ay tinago ko na ang phone ko. Hindi niya pa din nasiseen 'yon, siguro ay ongoing pa din ang exams niya. Kaya para libangin ang sarili, nagtingin tingin nalang ako sa paligid. Kumpara sa school ko, mas maliit ang CVSU Silang. Satellite campus lang kasi 'to, hindi pa gano'ng ka-expand ang mga programs na ino-offer pero keri na din naman kasi may scholarship pa din.
I checked my phone kung may reply na ba siya, pero sad to say ay wala pa din. Pinaglaruan ko nalang ang mga paa ko habang naghihintay sa kanya. It's almost one hour na din, nalalagkitan na ako sa pawis ko dito kasi sobrang init talaga ng panahon ngayon. May mangilan-ngilang estudyante na akong nakikita na lumalabas kaya nagmasid ako, nagbabakasakaling makita ko siya. Napangiti naman ako ng isang pamilyar na mukha ang nakita ko. Agad ko namang binitbit ang cake at ang regalo ko para salubungin sana siya, pero napahinto ako sa kinatatayuan ko nang makitang hindi siya nag-iisa.
May kasama siyang babae. Midlength ang hair at nakasalamin. Magkasukob sila sa iisang payong at mukha pang may pinag-uusapan dahil panay ang tawa ni Argel dito. Humakbang ako papalapit para mas matanaw ko sila. Pumunta sila sa lilim ng puno at umupo sila sa may bench do'n. Naglabas ng laptop si Argel, todo lapit naman ang babae sa kanya. Masyado silang madikit na dalawa. 'Yong mukha nila, ang lapit lapit. Tapos, nag-eenjoy pa sila sa ginagawa nila. Tawa sila ng tawa.
Ito ba ang ginagawa niya kapag wala ako?
Hindi na ako nakapagpigil kaya nilapitan ko na sila. Binagsak ko din ang mga dala-dala ko sa tabi ni Argel. Nagulat ito nang makita ako, ibinaba niya pa ng maingat ang laptop niya bago tumayo at harapin ako.
"B-Bun.."
Masama ko siyang tinitigan, pati na din 'yong babae sa tabi niya na todo iwas ng tingin sa'kin. Napalunok nalang ako para pigilan ang luha ko.
"H-Happy.. b-birthday.."
Hindi siya makapagsalita. Tumalikod agad ako sa kanya para umalis nalang kasi baka hindi ko kayanin. Nakakahiya naman kung makikita niya akong umiiyak.
"B-Bea wait, mag-eexplain ako.." Pagtawag niya habang hinahabol ako.
Pero buti nalang at magkasundo kami ni tadhana ngayon, may pumarang jeep sa tapat ko kaya nakasakay ako agad. Hindi niya na ako naabutan dahil umandar na ito. Kinagat ko nalang ang mga daliri ko para pigilang umiyak.
Siya dapat 'yong isu-surprise ko 'di ba? Ba't ako yata 'yong na-surprise sa nakita ko?
Nanlulumo ako nang makarating sa bahay. Agad akong dumiretso sa kwarto at do'n humiga.
argel bun: bun mag usap tayo. 'yong kanina, si dianne lang 'yon.
argel bun: partner ko siya sa e-journal.
argel bun: tinatapos nalang namin 'yon kasi bukas na ang pasahan
argel bun: you probably hate me now right? it's alright i hate myself too. but please look and understand my situation right now kasi to be honest, wala naman akong ginagawang masama.
Tinabi ko ang phone ko nang mabasa ko ang messages niya. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko, masyado akong takot na mawala siya sa'kin. Dahil sa nakita kong 'yon, mas lalo akong nagduda. Totoo naman siya e, wala naman siyang ginagawang masama. It's just that, I can't trust that girl. Kung makalingkis siya kay Argel, kulang nalang pati 'yong suso niya ilapit niya sa braso ng taong mahal ko. Masyado silang malapit na dalawa, nangangamba ako na pa'no kung ipagpalit niya ako sa babaeng 'yon? Paano kung iwan niya ako?
bea bun: i don't like her. layuan mo siya. ayaw kong lalapit ka pa sa kanya.
argel bun: you're being unreasonable.
bea bun: what? di mo kaya?
bea bun: kaya naman pala this days busy ka. i wonder kung sa e-journal ka ba talaga busy o jan sa babae mo.
argel bun: partner ko siya buong sem. what do you expect? siya lagi ang kasama ko.
argel bun: ikaw ang nagpush sa'kin makipagsocialize di ba? now that i'm trying to be friendly with other people, ba't ka nagagalit?
bea bun: SOCIALIZE hindi LUMANDI
argel bun: hindi ko siya nilalandi
bea bun: pero NAGPAPALANDI ka naman
bea bun: kaya siguro di moko magawang ligawan no? kaya siguro kuntento ka na sa ganito, sa walang label, para more LANDI ka sa iba.
argel bun: you're degrading me. ganyan ba kababaw tingin mo sa'kin?
Natigilan ako. Masyado ng intense 'yong usapan namin kaya tinago ko nalang ang phone ko. Masakit ako magsalita, alam ko naman 'yon sa sarili ko. Kaya hindi ko muna siya kakausapin. Magpapalamig nalang muna ako ng isip dahil baka masaktan ko pa siya.
At ayaw kong mangyari 'yon.
Mabilis na lumipas ang dalawang linggo. Sa mga araw na 'yon, masasabi kong lutang ako no'ng mga nakaraan. Masyado akong nilalamon ng negative thoughts ko kay Argel. Napapagod na din akong mag overthink, wala na akong sapat na oras para matulog at kumain. Nawawalan ako ng gana sa lahat. Ang bigat din sa pakiramdam kasi bumalik na naman kami sa dati— 'yong tipong hindi na naman nag-uusap.
"Ms. Santos, aware ka naman na halos bagsak ang mga nakuha mong scores ngayong midterms? Kung hindi ka makakabawi sa pre-finals at finals, candidate ka for removals at may possibility na matanggal ka sa Engineering Department."
Walang lumabas na salita sa bibig ko. Tinanguan ko lamang ang adviser ko at walang imik na lumabas sa room. Pinaglaruan ko ang mga kamay ko. Kasalanan ko 'tong lahat. Nagpabaya ako sa pag-aaral. Kung matatanggal ako, mawawalan na ako ng scholarship. Mashi-shift pa ako sa ibang kurso! Madi-disappoint ang mga magulang ko sa'kin.
Hindi na ako magiging engineer.
Naging iwas ako kina Daryll. Nahihiya ako sa kanila dahil ang tataas ng exams nila ngayong midterms. Wala ako sa wisyo umattend ng klase kaya balak ko nalang umuwi. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Ang sakit sakit.
I'm such a failure.
Hindi ko alam kung magagawa ko pang mabawi ang mga scores ko. Bagsak ako sa midterms. Hindi pa kumpleto 'yong attendance ko sa kanila kaya late na din ako kung magpasa ng activities.
Bea, anong nangyayari sa'yo?
"Bea, ikaw ba 'yan? Kamusta ka na?"
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Aviel na pumipila rin sa red cab gaya ko. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala kaya hinawakan nito ang balikat ko. "Kumain ka na ba? Libre ko."
Wala akong imik habang naglalakad kasabay siya. Pumunta kaming hepa lane at do'n, bumili siya ng mga sari-saring street foods. Nasa gilid ng daan kami umupo, hindi naman mainit dahil pahapon na din naman.
"Salamat pala sa libre." Saad ko at uminom ng palamig. Kumalma ako pansamantala ng mabakas ang lamig nito sa lalamunan ko.
"Ang laki ng eyebags mo. Namayat ka din. Stress ba sa engineering?" pagbibiro nito sabay subo sa kwek kwek na binili niya.
I chuckled. "Stress talaga. Mukha ngang maaalis pa 'ko sa course ko."
"Bakit naman?" tanong niya. Ramdam ko namang tinitigan niya ako. Hindi ko magawang makatingin sa kanya dahil nahihiya ako para sa sarili ko. "Bagsak ako sa midterms e."
"Weh? Maniwala?" Gulat na sabi niya. "Ikaw babagsak? E masipag ka kaya mag-aral! Anyare sayo? May problema ka ba?"
"Si Argel kasi e.." Pag-amin ko.
"Tangina, siya na naman? Kayo pa din pala." Napatingin naman ako sa kanya nang sabihin niya 'yon. "Anong kami? Wala pa din kaming label."
"Tagal niyo na ah? Ba't 'di ka pa din nililigawan?"
Niligpit niya 'yong pinagkainan niyang plastic cup at nilagay muna sa gilid. Pagkatapos niyang gawin 'yon ay umupo siya ulit sa tabi ko. "Ewan ko. Minsan nga gusto ko nalang umayaw kasi hindi ko 'to deserve 'di ba? Pero minsan naman naiisip ko, ang unfair ko yata? Kasi masyado akong demanding? That I'm asking too much?"
"You're not asking too much, you just ask the wrong guy. Because you shouldn't have to tell a grown ass man how to love you. If he loves you the way he does, then them actions should show."
I bite my lower lip. "E kilala mo naman si Argel 'di ba? He's not a typical guy. First time niya lang sa ganitong relasyon, ayaw ko namang ma-pressure siya ng dahil sa'kin. Kasi gano'n talaga siya e. Masaya nga ako kasi kahit papaano, nakikilala ko na siya unti-unti."
"So ikaw nalang palagi 'yong mag aadjust? Ikaw nalang palagi 'yong iintindi sa kanya?" Gigil na sabi niya. Tumango naman ako kaya mas lalo siyang nairita sa'kin.
"E pa'no ka? Kung palagi kang ganyan, mauubos ka."
Pinaglaruan ko naman ang kamay ko. May punto naman kasi lahat ng sinasabi niya e. Ako lang naman 'yong tangang ayaw makinig. "Alam mo Bea, you can't change him unless he wants your help. Stop accepting this is just who I am. Kaming mga lalake, willing kami magbago para sa sarili namin kung mahal talaga namin ang babae."
"Masyado mong ginagawang mundo si Argel. Napapabayaan mo na 'yong sarili mo. Ikaw ba, iniisip ka niya? May pakialam ba siya sa nararamdaman mo? Hindi ba, hindi naman? Ayusin mo 'yang buhay mo, 'wag mong sayangin ang pinaghirapan mo dahil lang sa kanya."
Ramdam ko sa boses niya 'yong pagkairita habang sinasabi niya 'yon. Hindi ko din naman siya masisisi dahil siguro sa paningin niya, nagmumukha na akong tanga— nagse-settle sa ganitong set-up. Sa ganitong unlabelled relationship.
"Sa ganitong mga panahon, dapat nag-aaral ka at inaabot mo ang pangarap mo. Hindi ba't lagi mong pinagyayabang sa'kin na magiging engineer ka? Oh, eto na 'yon oh. 'Wag kang gumawa ng bagay na alam mong pagsisisihan mo bandang huli."
Napayuko nalang ako sa mga sinabi niya. Do'n ko napagtanto lahat ng mga salitang binitawan niya. Sa sandaling 'yon, bigla akong nagising sa kahibangan.
Dahil lumalalim na ang gabi, nagyaya na si Aviel na umuwi kami. Gumaan 'yong pakiramdam ko nang makapagkwento ako sa kanya. Habang nasa red cab kami, panay ang kwentuhan namin tungkol sa college life namin.
"Ba't ka pala nandito? 'Di ba sa TUP Manila ka?" Nagtaka lang kasi ako ba't napadpad siya ulit sa Cavite. Ang pagkakaalam ko, architecture student siya sa TUP.
"May kinuha lang sa PCU, requirements lang."
Pinakita niya sa'kin 'yong mga plates niya. Hindi niya dala ang gamit niya kaya sa phone niya nalang. Gandang-ganda ako sa mga dinrowing niya, mukhang realistic and nag-improve talaga siya!
"Architect na architect na talaga!" pagbibiro ko dito. Inismiran lang naman ako ni Aviel. "Kaya dapat pagbutihin mo pag-aaral mo! Ikaw kukunin kong engineer."
Napangiti naman ako. I sincerely looked at him and said, "Thank you Aviel."
Pinilit kong makabawi sa kahit anong paraan. Pumapasok na ako araw-araw at naging madalas ang pagpaparticipate ko sa mga discussions. May mga hinabol din akong lessons, buti nalang meron akong mababait na kaibigan. Binigyan ako ni Juliene ng mga notes niya. Si Brynt at Rainier naman ang nagturo sa'kin sa differential calculus at chem. Tinulungan naman ako ni Daryll at Jhonna sa mga projects and activities na need kong ipasa.
"Guys, maraming salamat ha. Pasensya na kung umiwas ako sa inyo nitong mga nakaraang araw, hiyang-hiya kasi ako sa inyo e."
Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung hindi rin nila ako tinulungan. I'm being sensitive na naman kaya naiyak na lang ako.
"Ano ka ba, hilahan pataas tayo dito okay! Magiging engineer pa tayo!" Pagchi-cheer up ni Jhonna sa'kin habang nakayakap.
"Mababawi mo 'yon Bea! Nako, tutulungan ka namin! Walang aalis sa BSCE 1-4!" Determinadong pahayag naman ni Daryll.
Ginulo naman ni Brynt ang buhok ko, while Rainier and Juliene smiled at me. "We can do this guys! Laban para sa pangarap!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro