21
"Buuun! Sorry nalate ako ng dating, hindi pa naman tayo late 'di baaa?"
Ang dami kong dala. May bag sa isa kong balikat samantalang hawak ko naman ang lunchbox naming dalawa ni Argel. "Hindi pa naman. Ano ba 'yang mga bitbit mo?"
Malawak naman akong ngumiti. I gave him the green lunchbox. "Maaga akong gumising para maprepare ang baon natin! I cooked chicken adobo this time buuun!"
Tinanggap niya naman 'yon. He kissed my forehead kaya sulit naman 'yong pagod ko sa pagluluto. Pa'no ba naman, halos magkandahiwa-hiwa na ang daliri ko sa pagagayat ng sibuyas at bawang, hindi ko napansin kasi inaantok pa talaga ako.
"Thank you bun bun ko."
Pumila na kami at sumakay na sa red cab. Ngayong araw ang first day namin bilang college students! Usapan na namin 'to, tuwing papasok at kada uwian ay sabay dapat kami kahit magkaiba kami ng school. Sa CVSU Silang siya while ako naman sa CVSU Indang.
"Nako bun, bawas-bawasan mo ang pagkamahiyain mo ha! Makipagsocialize ka and makipagkaibigan, college na tayo!" bilin ko sa kanya nang makababa na kami ng red cab.
Sa ngayon, magkasama pa din kaming naglalakad kasi ihahatid niya daw ako sa sakayan.
"Oo na po, master." He said. I chuckled naman kasi ang cute cute niya. "Very good naman pala ang bun ko e. O sige na, okay na ako dito. Lumarga ka na dahil baka malate ka pa."
"Kita tayo mamaya, chat ka ha."
Tumango nalang ako sa sinabi niya. He waved me a goodbye then naglakad na siya papunta sa sakayan naman ng school niya.
Hindi ko mapigilang ngumiti. Sa mga nakalipas na araw, masasabi kong sobrang saya namin. Well, wala pa din kaming label.. pero ayos lang naman dahil ramdam ko naman ang pagbawi niya sa'kin. Unti unti ko nang nararamdaman na binubuksan niya na ang sarili sa'kin para mas makilala ko siya.
No'ng summer habang bakasyon namin, pinakilala niya ako sa mga kababata niya. Birthday ni Cherylyn that time at sinama niya ako dahil gusto niyang makilala ko daw ang mga friends niya. Humingi na din ng tawad si Cherylyn sa'kin since hindi daw tama ang kinilos niya sa lalaki. Kung alam lang daw nito na meron na palang "iniibig" ang kaibigan niya, sana daw mas naging sensitive siya sa nararamdaman ko.
But then, wala naman siyang alam sa'min ni Argel. Hindi naman siya aware since wala talagang idea si Cherylyn, kaya peace na kami. She's a good girl afterall and masasabi kong unti-unti na din akong close sa mga kababata ni Argel. They treated me as if I'm part of them kaya super saya sa pakiramdam.
Hindi lang 'yon, he also introduced me sa parents niya. Hindi naman niya ako pinakilala as girlfriend, pero ramdam ko naman ang pagtanggap ng family niya sa'kin. Okay na ako do'n kasi atleast, kilala na nila ako. Mababait sila sa'kin, tinuturuan pa nga ako ni Tita Rose magluto e. Sa kanya ko natutunan 'yong chicken adobo na favorite ni Argel.
"CVSU, please be good to me!" Bulong ko sa sarili nang makababa na ako ng jeep.
Hindi naman na ako nagpatumpik tumpik pa dahil baka mahuli pa ako sa klase ko ngayong araw.
Familiar na ako dito sa school kaya hindi na ako naligaw. Last week kasi e nabisita na namin 'to ni Argel, sinamahan niya akong kunin 'yong sched ko. Inalam na namin agad 'yong location ng mga room para hindi daw ako nangangapa kung saan daw ako pupunta.
"Hi, anong section mo? BSCE 1-4 ka din ba?" May nagtanong sa'kin kaya nginitian ko naman ito. "Same tayo sis. Sabay ka na sa'kin."
"Hala shemay! Buti naman, akala ko maliligaw na ako!" Tuwang tuwa na sabi nito at agad na pinulupot ang sarili sa braso ko.
"Ano palang name mo? I'm Jhonna nga pala." Wow ang friendly naman ng babaeng 'to. Sinabayan ko naman ang energy niya. "I'm Bea naman."
Pumasok na kami sa loob. May mangilan-ngilan ng nasa room kaya sa may unahan kami pumwesto ni Jhonna. Nagkwentuhan lang naman kami since ang daldal niya.
"Hi girls, pwede tumabi sa inyo?"
Napatingin naman ako sa babae. Maliit siya and cute, mukhang mahiyain din pero she tried her best para makipagsocialize. Somewhat, bigla ko tuloy naalala si Argel.
Kamusta kaya ang unang araw niya?
"Sure naman, dito ka oh." Nakangiting sabi ko habang tinuturo ang pwesto sa tabi ko. Hindi naman na siya nag-atubili at umupo na.
"Hello! Ako nga pala si Jhonna, ikaw anong name mo?" daldal nito.
"Juliene." Tipid lang na sabi nito at ngumiti. Naglahad naman ako ng kamay sa kanya na tinanggap niya din naman. "Nice to meet you, I'm Bea."
Dumating na ang prof namin sa NSTP kaya umayos na kami ng upo. As usual, nagpakilala lang kami isa isa. Isang klase lang ang na-attend'an ko since wala pa daw kaming prof sa STS at Differential Calculus. Kaya heto, ang haba tuloy ng vacant namin.
Ganito pala kapag college na? Nakakapanibago.
Kasama ko sina Juliene at Jhonna. Dahil friendly itong si Jhonna, nakapagrecruit siya agad ng iba pang girls naming kasama. Sa pagkakatanda ko, sila sina Daryll, Aiah and Gissy.
"Nagpapalabas ba ang guard ng ganitong oras? Tara gala tayo, or inom sa unit namin!" Pagyaya ni Daryll. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
"Umiinom ka din siz?! Tara haba pa naman ng oras e!" Tuwang tuwa na sabi ko. Shemay, mukhang nakahanap na ako ng kavibes ko ha.
"Yown naman pala e! Kayo ba umiinom? Kung hindi naman, pwede namang kumain nalang muna tayo." Suggest pa din ni Daryll.
Kita ko naman ang alangan sa mukha ni Gissy at Aiah. Unang tingin ko palang, hindi sila umiinom.
"Kayo nalang, may kikitain pa ako ngayon." Sabi ni Gissy kaya hindi na namin siya pinilit. Nagpaalam na ito at mukhang kanina pa siyang busy sa pagkalikot sa phone niya.
"Pass, hindi ako umiinom e." Nakangiting sambit ni Aiah. Nagpaalam na din ito sa'min na mag-aaral nalang daw siya sa library.
Pinulupot naman ni Jhonna ang kamay niya sa braso namin ni Juliene. "Okay, edi tayong apat nalang!"
Nakalusot naman kami sa guards na nagbabantay. Buti nalang, may unit itong si Daryll kaya alam na namin kung sa'n kami tatambay kung vacant. Hindi naman strong ang binanatan namin, nag-soju lang kami and nag-order naman si Juliene ng chicken wings.
Woah, tahimik pero galante!
"So, ba't kayo nag engineering?" Pagsisimula ni Jhonna ng usapan.
Sumagot naman si Juliene. "Dream ko na talaga 'to e."
"Yep! And ang saya kaya kapag may engineer sa unahan ng name mo!" Dagdag ko pa.
"Mataas pa sahod!" Malokong pahayag naman ni Daryll.
"'Yon oh! Cheers for future engineers!" Kampay ni Jhonna kaya natawa nalang kami.
Sa maikling oras, masasabi kong unti-unti ko na silang nakikilala. Halos lahat naman kami, bago para sa'min ang journey na 'to. Maraming adjustments, pero kakayanin namin. Simula pa lang ito ng pagtahak namin sa kanya-kanya naming pangarap, magiging worth it din ang lahat kapag naging engineer na kami someday.
Magkakaiba kami ng way pauwi. Unfortunately, wala akong kasabay sa kanila dahil pa-Dasma ako.
"Uy classmate!" Pagbati sa'kin ng kaklase ko. Napaisip naman ako bigla, ano nga bang name nito? "Brynt, right?"
"Oo ako nga, Dasma ka din pala?" Friendly na tanong niya. Napahawak naman ako sa strap ng bagpack ko.
"Yep, layo pa natin! Buti naman at may kasabay na pala ako."
Hindi naman kami gano'ng kaclose ni Brynt. Minsan, nakakapagtaka lang na sobrang matanong ang lalaking 'to. Pero siyempre, baka gano'n lang talaga ang ugali niya kahit minsan ang awkward for me. Friendly lang siguro siya.
"Hatid na kita sa inyo," pagyaya ni Brynt sa'kin. Agad naman akong tumanggi sa kanya. "Nakakahiya naman sa'yo, 'wag na kaya ko naman."
"Ano ka ba, okay lang." Ngiting-ngiti na pahayag nito. Talagang sinabayan niya pa ako maglakad nang makababa na kaming dalawa sa jeep!
"Ahh, ano kasi. May kasabay na ako Brynt." Diretsang sabi ko. Ayaw ko nang magpaligoy-ligoy, hindi rin kasi ako gano'ng komportable sa kanya.
"Oh? Boyfriend mo ba?"
"Oo." Pagsisinungaling ko.
"Ah gano'n ba, sige ingat ka. Mauna na ako sumakay ng red cab."
Tumango nalang ako at nagpaalam na sa kanya. Kagaya nang napag-usapan namin ni Argel, sa ministop kami magkikita. Wala namang masyadong tao kaya nakahanap agad ako ng bakanteng table para maghintay sa kanya.
bea bun: i'm here naaa. where are u?
argel bun: padating na ko bun, naglalakad na.
Tinago ko naman ang phone ko and binuksan ang glass door para abangan siya. Nang makita ko siyang naglalakad na papalapit sa ministop, agad ko itong sinalubong ng yakap.
"I miss you bun bun! Kamusta ang first day? May mga friends ka na ba?" Sunod sunod na tanong ko.
"Miss you din bun. Sarap naman ng yakap, katanggal pagod." Namula naman ang mukha ko nang sabihin niya 'yon. "Aww, pagod ang bun ko. Don't worry heto na ang power hug!"
We chuckled dahil sa mga kacornyhan na ginawa namin. Nang masatisfy na kami sa yakap ng isa't isa, umorder na kami ng sundae at nagkwentuhan tungkol sa naging araw namin.
"May mga friends na ako agad bun! Sina Juliene, Jhonna at Daryll!" Excited na sabi ko. Kinuwento ko rin sa kanya 'yong pag-iinom namin and 'yong about kay Brynt.
Nakikinig lang siya sa mga sinasabi ko at natatawa sa mga reactions ko. Para niya akong tinutunaw sa titig kaya bigla akong naconscious. "Panay titig! Ikaw naman magkwento bun."
"Wala naman akong makukwento. Typical scenarios lang 'pag first day of classes."
"Weh? Sabi ko naman kasi sa'yo makipagsocialize ka!"
Nag-aalala lang kasi ako sa kanya. Masyado siyang introvert, baka wala siyang maging friends. Sa college pa naman, importante ang maraming connections para mas madaming oppurtunity.
"I'm trying and I'm working on it."
Nang maubos na namin ang ice cream, naglakad na kami paalis. Pasimple niyang hinawakan ang kamay ko. Simple gesture pero grabe 'yong tibok ng puso ko. Wala siyang imik habang nakapila kami. At nang makasakay na kami finally, sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Pinaglaruan naman niya ang kamay ko kaya hinayaan ko nalang siyang gawin 'yon.
"Bun, malapit ka na bumaba." Mahinang bulong ni Argel sa'kin habang ginigising ako. Inabot niya na din sa'kin 'yong lunchbox. "Ang sarap ng adobo, pwede ka ng mag-asawa."
Nabuhayan naman ako bigla sa sinabi niya. "Asawa agad manligaw ka muna kaya," asar na sabi ko.
"Sinabi ko bang ako." Mas lalo lang akong naasar sa sinabi niya. 'Yan na naman siya! Hilig mang-asar lagi.
Konti nalang talaga, maniniwala na ako e huhu.
"'Yan, ganyan ka naman." Tampong sabi ko. Natawa naman siya at pinisil pa ang pisngi ko. "Soon, bun."
Namula naman ako nang sabihin niya 'yon. Buti nalang hindi niya nahalata kasi bumaba na ako sa red cab. I kissed him sa cheeks, way of saying ko ng goodbye sa kanya. He smiled naman at talagang hinawakan pa ang ulo ko na muntik nang mauntog.
Habang naglalakad na pauwi, naalala ko bigla 'yong sinabi niya kanina. So okay? Maghihintay nalang ako sa "soon" niyang sinabi na 'yan. Baka ayaw niya lang talagang madaliin ang mga bagay bagay? Well, minsan kasi I'm impatient na talaga e! Ba't pa kasi pinapatagal 'di ba, hindi ko naman siya papahirapan kung sakali e.
Manligaw lang talaga siya kahit one week lang, sagutin ko na agad siya!
🖤🖤🖤
Same routine kami sa mga nakalipas na weeks. Pero by this time, hindi na nagtutugma ang sched namin since naging busy na kami pareho. Siya, nagstruggle sa programming since computer science siya. Ako naman, busy sa group study namin. Bigayan na kasi ng problem sets, hindi ko naman kaya mag-isa na magsagot no'n kasi ang hirap ng differential calculus at chemistry! Pakiramdam ko talaga, naging bobo ako bigla. Hindi na ako kampante sa mga performances ko lately.
Sa totoo lang, sobrang dami ng pinapagawa. Buti nalang, sanay ako i-manage 'yong time ko since may experience ako no'ng naging class president ako. Pero minsan talaga, hindi na kinakaya e. Nakakababa din ng confidence 'yong mga scores ko sa quizzes, paano ba naman bagsak!
Ano bang nangyayari kasi sa'kin?
Dati, sobrang lakas ng determinasyon ko na maging civil engineer. Pero sa nangyayari ngayon? Nakakapanghina ng loob. Parang gusto ko nalang magshift ng course.
Sa bahay kami ni Daryll nagu-group study since hindi dumating ang prof namin sa UTS. Kasama namin sina Brynt at Rainier ngayon na mga tinuturing naming mga masters. Sila kasing dalawa ang nagtuturo sa'min sa mga subjects na hirap talaga kami. Sabay-sabay naming inaaral 'yong lessons and kapag may hindi kami maintindihan ay nagpapaturo kami sa kanila.
"Rest na muna! Nakakagutom!" saad ni Rainier nang sarhan na nito ang notebook niya sa calculus. Hindi ko naman ito pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagsosolve sa probset.
Kaso, nagulo 'yong sulat ko nang agawin ni Brynt sa'kin ang papel. Potek, buti nakalapis pa lang ako no'n! "Awat na Bea, magpahinga ka na."
Pinilit ko namang abutin 'yong paper ko kay Brynt, pero hindi niya naman binibigay. So no choice tuloy ako kung hindi tumigil muna sa pagsosolve.
"Kain ka na oh." Inabot ni Brynt sa'kin 'yong plato na may pancit canton. I pouted naman. "Tenchu."
He's always like that. Minsan naiisip ko, baka may gusto siya sa'kin. Pero ayoko namang maging assuming kasi baka friendly lang talaga siya. And kung gano'n man ang mangyari, hindi ko naman siya papatulan 'no! Loyal ako kay Argel!
Okay, speaking of him. Kinuha ko ang cellphone ko and pinicturan 'yong food na kinakain ko.
bea bun: kain tayo bun bun! kakatapos lang sa group study. gosh stress na ang bun mo huhuhu!
bea bun: free ka ba today? sabay tayo umuwi ngayon. i'll wait sa ministop ha.
Tinabi ko na 'yong phone ko. Hindi pa naman siya nagrereply, pero sana makasabay ko siya mamaya pauwi! Halos one week na din kasi kaming hindi nagkikita hmp.
"Okay ingat kayo!" Masiglang sambit ni Daryll nang magpaalam kami sa kanya. Nagwave lang naman sina Jhonna and Juliene sa'kin.
Halos lahat kami, mga ubos na ang energy dahil sa pagod mag-aral.
"Sige una na kami par." Saad naman ni Rainier sa kaibigang si Brynt. Nakipag-apir pa nga ito sa'kin bago umalis. At pagkatapos no'n, nagsimula naman kaming maglakad ni Brynt papunta sa sakayan.
Tahimik lang ako dahil ayokong makipag-usap sa kanya. Minsan kasi, nakaka-awkward talaga. Paano ba naman, tinutukso ako ni Juliene sa lalaking 'to! E to be honest naman, silang dalawa ang bagay nitong si Brynt e.
"Hindi na kayo nagkakasabay ni Argel ha?" Pagstart niya ng conversation. One time kasi, nakasabay namin siya ni Argel sa red cab. Kaya 'yon, kilala niya na ito.
"Nabusy na e. Sana nga, magkasabay kami ngayong araw."
Sumakay na kami ng jeep. Pinatong ko ang ulo ko sa bag ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako buong biyahe.
"Bababa na tayo."
Nagising naman agad ako kaya bumaba na kaming dalawa sa jeep. Nagpaalam na din ako sa kanya tutal maghihintay pa ako sa ministop. "Sige na Brynt, ingat!"
"Ikaw din Bea."
Naghintay ako kay Argel sa ministop. Halos isang oras na ang nakakalipas, wala pa din siyang message sa'kin hanggang ngayon. Hindi niya pa din siniseen kaya nag-aalala tuloy ako. Baka napa'no na 'yon.
I dialled his phone number, nagbabaka sakaling sagutin niya ang tawag. Nakahinga naman ako ng maluwag nang sagutin niya 'yon.
["Bun!"] I exclaimed.
["Napatawag ka?"] sagot niya sa kabilang linya. I bite my lower lip.
["Hindi mo ba nakita 'yong message ko sa'yo? Nasa'n ka na ba? Nakauwi ka na ba bun?"]
["Kanina pa 'ko nakauwi. Lowbat ako kanina, ngayon ko lang nakita message mo."]
Pinaglaruan ko naman ang mga paa ko. I'm glad that he's safe and nakauwi na.
["Gano'n ba? Anong gawa mo pala ngayon?"]
["E-journal. Malapit na deadline kaya cramming ako ngayon."]
["Ako din bun, same case lang pala tayo! Ikaw sa e-journal, ako naman sa probset."]
["Ah. 'Yon lang ba kailangan mo kaya ka napatawag? Bababa ko na 'to, marami pa 'kong gagawin e."]
Nagiging cold na ba siya sa'kin or am I just being sensitive na naman?
["Sige, I hope you always take care of yourself. Know when to rest, don't push yourself too hard, I love—"] you.
Naputol na ang tawag dahil binabaan niya na ako. Napabuntong hininga naman ako ng malalim. Hindi niya man sabihin, pero ramdam ko 'yong stress niya. Ayokong magalit dahil lang do'n, kaya I will understand him.
But then, I'll admit that I missed my bun so much.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro