Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

20

"Santos, Bea. STEM. With High Honors."

Umakyat ako sa stage para kunin ang diploma ko. Si Papa naman ang nagsabit ng medal sa'kin. Si Mama naman, nasa baba ng stage para pictura'n kami.

"I'm proud of you anak."

Those words from my father touched my heart. Hindi man ako gano'ng kaclose sa tatay ko, pero masaya ako dahil na-appreciate niya lahat ng ginagawa ko. Well, I'm doing this for them. Sila ang inspiration ko para mas lalong maging better.

Pagkababa naming dalawa sa stage, sinalubong naman ako ng yakap ni mama. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. "Graduate ka na 'nak! Next time, college ka na!"

I chuckled. Inalis ko ang dalawang medal na natanggap ko at sinabit sa kanila 'yon- tag-isa sila.

"Para 'yan sa inyo, ma at pa. Sa susunod, nakablack toga na ako at engineer na ako."

Niyakap naman ako ng kapatid ko. Bakasyon pa naman niya kaya sinama na namin siya. "Congrats Ate!"

It was a memorable day for me. As usual, nagpicture taking lang kami ng family ko. Hindi rin mawawala siyempre 'yong groufie with my friends. Ang goals naming tignan nila Ekang, Kate, Nishi, Chelsa at Hazel sa mga diplomas na hawak namin. Sunod naman ay nakipagpicture din ako sa tropang lakad (except kay Argel na hindi nakasama sa picture.) Next is with Aviel, Robert, CJ and Ryu.

Sa nakalipas na araw, Nishi and Ryu had closure na din finally. They both need it para makamove forward na talaga. Same with Ekang and CJ kahit wala naman talagang relasyon na nabuo sa kanila, but then the feelings was there. Nasaktan pa din ni CJ si Ekang and vice versa. Well, past is past and they already forgiven each other.

Napatingin naman ako sa mga couples na nabuo sa room. Bernard and Joy seems so happy habang hawak ang diploma nila. Hindi rin nakatakas sa paningin ko si Peter na panay ang akbay kay Deedrae. Well, sinagot na siya ng babae e. While Kate and Robert, stay strong pa din while doing some relationship poses for ig nila.

Sana all.

I tried my best to conceal my sadness. Hanggang ngayon kasi, hindi pa din kami nag-uusap ni Argel. Ang lapit niya sa'kin, pero pakiramdam ko ay ang layo na niya. Nakita ko pa nga ang parents niya na nagsabit ng medal sa kanya. Kitang kita ko din ang pagyakap ni Cherylyn sa kanya pagkababa nito sa stage.

"Congrats Gel! Nakakaproud ka!"

"Thank you, Che."

Ako dapat 'yan Cherylyn e.

Nanahimik lang ako habang pinagmamasdan sila. Para silang happy family kung titignan. Kilala na ng parents ni Argel si Cherylyn, tapos mukhang family friend din ng parents ng babae 'yong family ni Argel.

Ano namang laban ko do'n 'di ba?

"Future balae! Nako, alam ko na kung sa'n tutungo ang dalawang batang 'to e!" saad ng mama ni Argel, si Tita Rose.

"Oo nga e! Nililigawan mo na ba ang anak ko, Argel hijo?" pang-aasar pa ng isa pang matanda, na sa tingin ko ay nanay ni Cherylyn.

Hindi naman nakasagot si Argel, lalo na nang tapikin siya ng tatay niya sa balikat. Nagkantsawan ang mga ito at tuwang-tuwa para sa kanila, na parang sigurado na sila na si Argel at Cherylyn nga ang magkakatuluyan sa dulo. Botong-boto nga ang parents niya para kay Cherylyn e.

Ang sakit lang hahaha.

Nagtagpo ang tingin namin ni Argel kaya umiwas nalang ako. Am I ghosted? Ito na ba 'yon? Just like that, dumating lang si Cherylyn... neglected na ako?

Pinigilan kong umiyak. Not this time Bea. You need to conceal your emotions. Kapag nagpaapekto ka, ikaw ang talo okay?

Nang matapos ang program, we already leave na and dumiretso sa restaurant para kumain. It's a typical family dinner lang naman and after no'n ay umuwi na kami. Kailangan na rin kasing magpahinga ng maaga since bukas na ang grad ball.

Kinabukasan, dumating na 'yong mag-aayos sa'kin. Kinulot lang ang dulo ng hair ko. I wear a pearl headband na nagmatch sa suot kong rosegold dress.

I look at myself in the mirror. Hindi ko magawang ngumiti dahil hindi naman ako nagagandahan sa itsura ko. Kung tutuusin, mas maganda talaga si Cherylyn sa'kin. She's much more sexier compare sa katawan ko. At lalong mas maganda talaga siya.

"Ang ganda mo 'nak!" pagpuri ni mama sa'kin. Natawa naman ako sa sinabi niya. "Siyempre ma, anak mo 'ko e."

As usual, pinicturan ako ni mama ng samu't saring shots bago ako makaalis ng bahay. I waved them a goodbye nang dumating na ang van ni Kate na nasa tapat ng bahay namin ngayon.

"Beyabebs!" salubong ni Ekang sa'kin nang makasakay na ako sa loob. She looked fierce sa suot niyang red satin dress. "You look great!"

I smiled at her nalang. Puro sila papuri sa'kin, hindi ko naman magawang maniwala.

Nang makarating na kami sa venue, nagpicture lang kaming magkakaibigan. Gano'n din naman sina Joy nang makasalubong ako. Nothing special happened since wala din naman akong gana talaga.

Nagstart ang program sa pagrampa namin isa isa. May mga intermission number na ginawa ang mga teachers, same din sa class namin na nagperform pagkatapos nila. Pinilit ko namang mag-enjoy habang sinasayaw 'yong pinractice namin. Kasayaw ko ngayon si Aviel.

"Ang ganda mo." Hindi ko alam ba't nakatulala ang lalaki sa'kin ngayon. Hinampas ko naman ang balikat niya.

"Parang timang." I casually said. Hindi ko nalang siya pinansin at mas nagfocus nalang sa mga steps na ginagawa namin. Nang matapos, dumiretso na ako sa upuan ko.

A lot happened habang kain lang ako ng kain dito sa pwesto ko. Nag-aannounce sila ng mga awards about face of the night, gradball king and queen and more. Wala naman akong pakialam do'n since I don't have energy para makipagsayahan sa kanila. Hindi cooperative ang puso ko e. Daig ko pa ang brokenhearted, akala mo naman talaga naging kami officially ni Argel.

"Ang tahimik mo." Puna ni Kate sa tabi ko. "'Wag kang paapekto, 'wag mong sirain 'yong gabi na 'to dahil lang sa kanya."

Para naman akong natauhan nang sabihin 'yon ni Kate sa'kin. Napadako naman ang tingin ko sa pwesto ni Argel, and kitang-kita ko na masaya siya.. na parang wala siyang pakialam sa nararamdaman ko.

Tangina, pa'no niya nagagawang tumawa habang ako.. pilit na nilalabanan ang lungkot?

Kung gano'n pala, dapat hindi ako maapektuhan. Nang pinatay na ang mga ilaw at tanging disco lights nalang ang nagsisilbing liwanag dito sa venue, I stand up and nagpakawild sa dance floor. Gano'n din naman ang mga kaklase ko na sayaw lang din ng sayaw habang sinasabayan ang lively music.

Para kaming mga ibon na nakawala sa hawla habang tumatalon at sumisigaw. Pansamantala, 'yong bigat na nararamdaman ko ay gumaan.

My friends took a video while we're dancing. Ang dami ko na ring pictures with them. Si Aviel naman, kanina pang nakaakbay sa'kin na hinayaan ko lang naman.

"Guys, cr lang ako." Paalam ko sa kanila nang maramdaman kong naiihi na ako.

Nang makarating na ako sa cubicle, naabutan ko si Aravella na naghihilamos ng mukha niya. Mukhang naramdaman niya ang presence ko kaya tumigil siya.

I smiled at her. "Hi Arav-"

Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya.

"Ang kapal ng mukha mo."

Wala ako sa wisyo. Nagulat ako sa ginawa niya kaya naguguluhan ako sa mga pinagsasabi niya. "Kunwari ka pa e 'no? Akala ko kakampi kita, tinuring kitang kaibigan. Pinaniwala mo akong naiintindihan mo ang nararamdaman ko.."

Matalim ang titig niya sa'kin. Tinulak niya pa ako kaya tumama ang likod ko sa pader. "Pero ang totoo, talaga namang malandi ka lang! Inagaw mo si Aviel sa'kin! Kaya naman pala kahit anong gawin ko, hindi niya na ako tinatanggap! Kasi malandi ka!"

Sinabunutan niya ako. Nagulo ang ayos ko dahil sa ginawa niya. Hindi naman ako nagpatalo dahil nasasaktan ako! I knew then that time, I need to fight her!

Hinila ko ng malakas ang buhok niya. Nginudngod ko din ang mukha niya sa may sink. Panay ang kalmot na natanggap ko mula sa kanya pero ginantihan ko naman siya sa pagsabunot. I made sure na hindi siya makakawala sa'kin kaya binuksan ko ang tubig sa sink at nilublob siya do'n.

"I'm being nice to you, Ara! Kung ano man ang meron sa inyo ni Aviel, labas ako do'n! At para sabihin ko sa'yo, never ako nanglandi! Hindi ko kasalanan kung hindi na ikaw ang gusto!"

Binitawan ko na siya. Kumalma naman siya sa ginawa kong paglublob sa mukha niya, pero matalim pa din ang titig sa'kin. At bago ko pa makalimutan, lumapit din ako sa kanya para sampalin din siya.

"Hindi ko inakalang ganyan ka pala. I'm so disappointed with you, Ara. Sayang ka." And with that, I walked out.

Umurong bigla 'yong ihi ko dahil sa kanya. Nagpretend nalang ako na parang walang nangyari. Pagkapunta ko sa loob, hindi na lively music. Mellow music nalang at panay mga magjowa ang nasa dance floor ngayon.

Nakita ako ni Aviel. Balak niya sana akong lapitan pero hinarangan siya ni Argel. Matalim ang titig nito sa'kin, kaya tinarayan ko silang dalawa.

Parehas nilang sinisira ang mood ko!

Padabog akong umalis sa venue. Masyadong nakakairita ang araw na 'to! Ang hapdi ng balat ko sa mga letseng kalmot na ginawa ni Ara sa'kin! Ang sakit pa ng anit ko sa pagsabunot niyang letse siya!

Punyetang araw 'to.

May nakita akong mini garden. Umupo agad ako nang may makita akong bench. Tinanggal ko na din 'yong sandals ko dahil masyado nang masakit ang paa ko.

"Bea.."

Hindi ko man tignan kung sino ang nagsalita, alam kong siya na 'yon. Alam kong si Argel 'yon. Hindi ko ito pinansin at finocus ko lang ang sarili sa pagtanggal ng sandals, kaso nahihirapan naman ako.

Nagulat naman ako nang lumuhod si Argel sa harapan ko. Maingat niyang tinanggal mula sa paa ko 'yong sandals. Nagtama ang paningin namin, pero mas pinili ko pa ding umiwas.

Tangina, nasasaktan na naman ako.

Tumabi siya sa'kin. Pareho lang kaming tahimik at wala din naman akong balak magsalita. Tatayo na sana ako para umalis pero hinawakan niya ang kamay ko. "Mag-usap muna tayo.."

Binawi ko naman ang kamay ko sa kanya. Pinilit kong 'wag mautal habang nagsasalita. "Wala tayong dapat pag-usapan, Argel."

I looked at him intensely. Naalala ko lahat ng mga nangyari kaya hindi ko namamalayan, tumutulo na ang luha ko. "K-Kung tungkol 'to sa inyo ni C-Cherylyn kaya ka nakikipag-usap, okay lang Argel. Wala kang dapat ipaliwanag, okay lang."

"Hindi sa g-gano'n, Bea-" I cut him off.

"Gano'n 'yon Argel." Pinunasan ko ang luha sa mata ko. "Please, 'wag mo naman akong gawing tanga. Nakita ko na kayo e."

"Kitang-kita ko kung pa'no maging boto 'yong parents mo sa kanya e. Kung paano mo siya yakapin pabalik. Alagaan. At tignan. Kaya wag mo na ulit sasabihin sa'kin na ako 'yong gusto mo. Na ako 'yong mahal mo. Kasi ang hirap maniwala e. Kasi alam ko namang si Cherylyn pa din. Siya pa din."

I cried. Hindi ko na kaya. Lahat ng mga nangyari, biglang nagflashback sa'kin. Ang sakit sakit.

"Yeah, I used to like Cherylyn. But believe me or not, ikaw 'yong gusto ko Bea. Please look what is in the present and why I still like you or maybe even more?"

Hindi ko alam kung papaniwalaan ko pa siya. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.

"I'm sorry bun.."

Sinubukan ko siyang itulak, pero masyadong mahina ang puso ko para gawin 'yon. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan pa ang pisngi ko kaya mas lalong nanghina ang mga tuhod ko. Natutunaw ang puso ko sa mga kinikilos niya, kasi itanggi ko man.. sobra ko siyang namiss.

Isang yakap niya lang, isang halik, at isang haplos.. nawala lahat ng bigat na nararamdaman ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko. "I'm so sorry, Bea. It was not my intention to hurt you. Sana maintindihan mo ako, kaibigan ko si Che at may sakit siya. She needs my help that time."

Para akong bata na nadala sa mga sinasabi niya. Wala naman sa sarili akong napatango. Siguro nga ako talaga 'yong nagkulang sa pag-unawa sa sitwasyon. Kaibigan niya nga naman 'yon, masyado lang siguro akong overacting.

"I'm sorry din Argel kung iniwasan kita. Masyado kasi akong nasaktan kaya pinili muna kitang layuan."

Kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa balikat niya. Hinila niya naman ang bewang ko papalapit sa kanya. Little did I know, sinasayaw niya na pala ako. Rinig mula dito sa pwesto namin ang music.

"Time... I've been passing time watching trains go by, all of my life.." Pagsabay niya sa kanta at tumawa pa saglit habang mabagal akong sinasayaw. "Lying on the sand watching sea birds fly.. Wishing there would be, someone waiting home for me.."

"Something's telling me it might be you.. It's telling me it might be you, all of my life.."

Hindi ko mapigilang ngumiti habang kinakanta niya 'yon. Masyadong malapit ang mukha namin sa isa't isa, kaya para itago ang mukha kong namumula.. sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya.

"Bun, nasabi ko na ba sa'yong ang ganda ganda mo?" He whispered.

Hindi ko magawang maniwala. Alam ko namang mas maganda talaga si Cherylyn sa'kin 'no.

She's way better than me.

Nang matapos na ang kanta, binitawan niya na ako. Napatingin pa nga siya sa relo niya na parang may inaabangan, then he smiled. "It's exactly 12AM Bea!"

Ano naman kung 12AM na?

"Happy birthday bun bun."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro