14
"Wow ang ganda naman dito!"
Napakaaliwalas ng lugar pagmasdan, siguro dahil napapaligiran ito ng mga puno. Nagkalat din ang iba't ibang bulaklak sa paligid. Idagdag pa na mahangin ngayon na nagpakalma sa pakiramdam ko.
Nandito na kami ngayon sa Jabez Campsite. Mabuti nalang talaga at pinayagan ako. Idagdag pa na lahat kami ng tropang lakad ay nakasama sa youth camp na 'to. Grabe lang! Ang daming tao na hindi ko kilala, pero sa tingin ko ay hindi naman magkakalayo ang mga edad namin na pumunta sa camp na 'to.
Tinipon muna kami sa Central Hall para sa welcoming remarks. Hindi rin naman nagtagal ay natapos na din 'yon at pinaglibot-libot muna kami. Siyempre, nilagay muna namin sa tent 'yong mga gamit namin. Magkahiwalay ang boys sa girls, kaya si Joy ang kasama ko.
Kagaya nang pinag-usapan, nagkita-kita kami sa Central Hall. Sama-sama naman kaming naglibot sa campsite. Siyempre, hindi mawawala 'yong picture taking naming magtotropa!
Nang magtanghalian na, sama-sama naman kaming kumain. Sinurrender na din namin 'yong mga phone namin, since magsisimula na ang activities na gagawin.
Para lang kaming nagti-team building, hinati kami sa siyam na grupo containing 40 members each. Si Peter, Janjan, at Joy ang naging kagrupo ko, then magkakasama naman si Bernard, Charles at Argel.
Paunahan ang naging labanan, halata naman sa pangalan ng activity- Amazing Race. May mga stations na nakapalibot sa buong lugar. Bawat grupo, binigyan ng map kaya unahan talaga kami sa pagtakbo para makarating sa una naming destination.
Ang daming pakulo na ginawa. 'Yong iba pinainom kami ng suka, 'yong iba naman pinagapang kami sa loob ng gulong, at kung anu-ano pa! Need talaga ng cooperation para matapos agad, which is nagbunga naman dahil nag-third place kami! Grupo naman ni Argel ang nag-champion.
Pero okay na din, ang mahalaga naman ay nag-enjoy kami.
"Unang araw pa lang natin pero ang sakit na ng katawan ko," angal sa'kin ni Joy. Siya ang kasama ko sa tent at kakatapos lang namin maligo. Ang lamig nga ng tubig e!
"Sinabi mo pa! Enjoy'in nalang natin, bukas naman uuwi na din tayo." Sabi ko nalang. Lumapit naman si Joy sa'kin at napagtripan ang buhok kong itirintas. Hinayaan ko nalang siyang gawin 'yon since do'n siya masaya.
"Girls, ready na daw ang dinner natin!" pag-iinform ng babae sa katabi naming tent. Tumayo nalang kaming dalawa at pumunta na sa Central Hall.
"Oh, mga ubos energy ah?" salubong ni Peter sa'min. As usual, magkakasama na naman kaming magtotropa.
"Kapagod e," sagot ko lang. Talagang nadrain kami sa activity kanina, paano ba naman tahimik lang kami habang kumakain.
Nang matapos, nagpahinga lang kami saglit at dumiretso na sa open field kung nasaan ang bonfire. Inutusan naman kaming pumalibot do'n ayon sa magkakagroup kaya sina Joy, Janjan at Peter ang mga katabi ko.
"Ang last activity natin ay tinatawag na Color Confession. Bawat isa sa inyo ay bibigyan ng iba't ibang kulay ng papel na may kanya-kanyang natatanging simbolo," pahayag ng isa sa mga facilitator ng camp.
Napatingin naman ako sa mga papel na hawak ko. Kaya pala kanina sa Amazing Race ay binibigyan kami ng iba't ibang kulay ng papel. Seven na stations ang nagawa namin, kaya mayroon din akong seven na papel na hawak ngayon.
"Seven ang kulay na pamimilian niyo. Red for love. Black for hatred. White for forgiveness. Yellow for friendship. Green for jealousy. Blue for fear and Gray for pity."
So pwede pala kami magsulat ng message? Kaya pala color confession ang name ng activity.
Agad namang pumasok sa isip ko si Argel. Siguro, ito na ang tamang pagkakataon para humingi ulit ng tawad sa kanya.
Binigyan kami ng facilitator ng sampung minuto para makapag-isip ng susulatin. Kinagat ko naman ang dulo ng ballpen ko para makapag-isip. Tulala na nga din ako dahil 'di ko alam kung paano sisimulan ang sasabihin ko.
"Lalim ng iniisip natin Bea, ha?" puna sa'kin ni Janjan. Ngumiti na lamang ako. "Kailangan pag-isipan, challenging kasi 'yong pagbibigyan ko."
"Si Argel 'no?" hula niya kaya nanlaki naman ang mata ko. "Paano mo nalaman?"
"Instinct lang. Goodluck nalang Bea kay master Argel."
Mas lalo naman akong kinabahan sa sinabi ni Janjan. In the end, naging honest nalang ako sa feelings ko. Bahala na kung magalit siya, ang mahalaga naman sinubukan kong makipagbati sa kanya.
Kung ayaw niya na ako maging kaibigan, edi hindi ko nalang ipipilit ang sarili ko.
Color white paper ang sinulatan kong papel kay Argel which stands for letter of forgiveness. Nagsulat din ako kay Joy sa red paper ng letter of love ko for her. Then lastly, ang yellow paper naman ay para kay Peter. Letter of friendship 'yon. I thanked him since kahit palaasar ang lalaking 'yon, kahit papaano'y napagaan niya naman ang loob ko sa mga advices niya.
"Okay times up! You may now give your letters!" masayang pahayag ng facilitator kaya nagbigayan na ang lahat ng kani-kanilang papel.
"Mami for you oh." Binigyan ako ni Joy ng red letter. Inabot ko din sa kanya ang red letter na ginawa ko then we hugged each other. "Yiee, kilig naman ako Mami Joy! You're so sweet talaga!"
Natigil naman kami sa pagyayakapan nang kinalabit ni Bernard si Joy. Mapanloko naman akong ngumiti kay Bernard, mukhang alam ko na ang balak ng lalaking 'to.
"J-Joy.. p-para sa'yo nga pala."
Gulat namang tinanggap ni Joy ang red letter mula kay Bernard. "Love confession?"
Kinantsawan naman ito nila Peter at Janjan. "Dumadamoves tropa natin oh!"
Nagkamot batok naman si Bernard dahil sa hiya. "Oo? Matagal na kitang mahal, Joy e. Pero ngayon lang ako naglakas ng loob para sabihin 'yon sa'yo."
Mas lalong lumakas ang hiyawan naming magtotropa. Siniko ko pa si Joy na pulang pula ang mukha ngayon.
"N-Nagbibiro ka ba, Nard?" nauutal na pahayag ni Joy. Lumapit si Bernard at hinawakan ang kamay ng babae. "Kailan ba ako nagloko? Lagi naman akong seryoso pagdating sa'yo."
Hindi nakapagsalita si Joy. Bakas pa rin ang gulat sa mukha niya, hindi niya lang kasi inaasahan 'yong mangyayari.
"Mula grade eleven Joy, ang tagal ko 'tong kinimkim. Noon, kuntento na ako bilang kaibigan mo lang. Pero kahit anong pigil ko, hindi ko magawa. Humahanga ako sa'yo, hindi mo alam kung gaano mo 'ko napapasaya araw-araw. Hindi mo alam pero sa mga simpleng salita mo, napapagaan mo ang loob ko."
Hindi ko maiwasang mapangiti. Sobrang genuine lang ng feelings ni Bernard para kay Joy. Napaisip tuloy ako, maramdaman ko din kaya ang pagmamahal na nararamdaman ni Bernard?
"P-Pero Bernard—" pinutol ni Bernard ang sasabihin dapat ni Joy.
"Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo. Maghihintay ako Joy, liligawan kita." Nakangiting sambit ni Bernard.
Sa hindi malamang dahilan, hinigit ni Joy ang kamay ni Bernard paalis. Mukhang mag uusap ng masinsinan 'yong dalawa kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Halata naman kasi sa kanilang dalawa na may pagtingin sila sa isa't isa e.
Ang meant to be lang ng dating sa'kin, sana all.
Lumapit naman si Charles sa'kin at binigyan ako ng yellow letter. "Aww, thank you parekoy!"
"Pedro!" tawag ko. Lumapit naman siya sa'kin kaya binigay ko na sa kanya 'yong yellow letter.
"Wow may paganto ka ha," pang-aasar ni Peter na tinarayan ko lang naman. "Thank you Beyabebs!"
Isang letter nalang ang hindi ko nabibigay- at 'yon ang kay Argel. Hinanap ko siya sa paligid. Nakita ko naman siyang nakaupo sa tabla ng kahoy sa gilid habang nakatingin sa bonfire. Kinuha ko na ang pagkakataon na 'yon para makausap siya. Tumabi ako sa kanya at nginitian siya.
"Argel, letter nga pala."
I tried to act normal kahit sa totoo lang ay sobrang kinakabahan ako. Akala ko hindi niya tatanggapin pero nagulat ako nang kunin niya 'yon at basahin. Nakatitig lang ako sa kanya, inaabangan ang bawat kilos na gagawin niya.
"Balak mo ba akong tunawin?" tanong niya na may tonong pang-aasar sa'kin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. May kung anong saya sa puso ko nang sabihin niya 'yon.
Ganyan ang Argel na kilala ko. Hindi 'yong parang yelo na walang pakiramdam.
"S-Sorry naaa Argel. Bati na tayo please?" Nakakahiya man ang asal ko ngayon pero hindi ko na kasi mapigilan. Kung pwede nga lang, yakapin ko na siya ngayon dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya.
May kinuha siya sa bulsa niya. May inabot din siyang papel sa'kin and it's white. No'ng una, nag-aalinlangan pa akong tanggapin- pero in the end, kinuha ko din naman 'yon at binasa.
Bea, I'm sorry. Forgive me for sometimes I also have a battle I chose not to tell anyone. I know you're just concern, and I appreciate that. I apologize for being insensitive with my words and actions. Forgive me that I didn't recognize how you feel but I'm trying. I'm trying to heal and cope up.. So ahm, could we start again as friends?
Nabatukan ko naman siya dahil sa hindi mapaliwanag na nararamdaman.
"Ba't ka umiiyak?" tanong niya.
"H-Ha?"
Pinunasan niya naman ang luha sa pisngi ko. Potek, hindi ko namalayan na naiyak na ako.
"B-Bati na tayo for real ha? 'Wag na tayo mag-away, p-pansinin mo na ako ulit. Hindi ko t-talaga kaya 'pag may t-taong galit s-sa'kin..."
He smiled and said. "Okay bati na tayo."
In that moment, it all came clear to me when I felt the erratic beat of my heart. Really, I'm starting to fall for this guy.
🖤🖤🖤
With each passing day, I see myself falling in love with him a little more. I mean who wouldn't be? He is a smart man, speaks his mind with dignity and sobriety. Nakakahanga din dahil alam niya ang mga ginagawa niya, may plano siya sa buhay. Hindi nga lang siya aware sa bagay na 'yon kasi he lacks confidence. Laging mababa ang tingin niya sa kanyang sarili.
If only he knew how amazing he is.
Walang klase ngayon at kasama ko sina Ekang na naglilibot sa mga booths. Pakulo yata 'to ng ABM para sa project nila.
"Love, bili mo nga kami pizza!" utos ni Kate sa boyfriend niya.
"Wow, jinowa mo ba ako para utusan?" angal ng lalaki sa kanya kaya tawang-tawa kami.
Ang cute lang nila together. Nahahandle ni Robert ang pagiging attitude ni Kate. Feeling ko, magtatagal ang dalawang 'to.
"Ah gano'n?" attitude na sabi ni Kate. Bumuntong hininga naman si Robert, sign na susunod na siya. "Akin na pera."
Ngiting ngiti naman si Kate. Niyakap nito nang mahigpit si Robert na namumula na ngayon. "Yieee, love mo talaga ako 'no!"
"Sana all!" sabay na pahayag ni Ekang at Nishi.
Tuluyan na talagang umiwas sa tropahan namin sina CJ at Ryu. Siyempre, nakakamiss din naman 'yong presence ng mga 'yon. Pero 'yon nga, ang awkward naman kina Ekang at Nishi.
"Samahan na kita 'Bert!" pahayag ni Aviel at umalis na kasama si Robert.
As for Aviel, patuloy niya pa ding ginagawa 'yong kaharutan niya sa'kin— only kapag nasa paligid si Ara. Naiirita na nga ako e, ayaw kasing maniwala sa'kin na hindi na nga siya babalikan ng babaeng 'yon.
Nang may makita kaming vacant na bench, agad kaming umupo do'n. Tanaw naman namin sina Joy at Bernard na nagmo-moment sa marriage booth.
"Bea, sila na ba ni Joy?" interesadong tanong ni Kate.
"Nililigawan pa lang ni Bernard." Sagot ko naman.
Simula kasi nang umamin si Bernard kay Joy through color confession, mas naging close sila. Nalaman namin na gusto din pala siya ni Joy pero siyempre, kailangan munang manligaw ng lalaki.
"E kayo ni Argel?" Kinurot naman ni Nishi ang tagiliran ko.
"Hala si Bea, nagbablush!" pang-aasar nila Ekang. Sakto namang dumating na sina Aviel at Robert dala ang two boxes ng pizza.
"Sinong nagbablush?" usisa ni Aviel na mukhang narinig ang pinag-uusapan namin.
"Wala! Nakamove on na talaga sa'yo si Bea, si Argel na ang gusto at 'di na ikaw!" sagot ni Ekang kay Aviel. Napatingin naman ito sa'kin ng seryoso, na parang hindi gusto ang narinig.
"Totoo ba 'yon?" tanong ni Aviel. Tumango lang naman ako at umiwas ng tingin. Namumula daw ang mukha ko e, halatang halata na masyado akong kinikilig kay Argel.
"Ah, edi mabuti." Tipid lang na sagot ni Aviel at nilantakan na ang pizza.
Hindi naman tumigil si Kate sa pang-aasar. "Kaya pala hindi ka na ulit sumasabay sa'min. Pero sige, support naman kami sa kaharutan mo."
"T-Talaga? Hindi kayo magagalit?" sunod-sunod na tanong ko.
Inakbayan naman ako ni Nishi. "Kung sa'n ka masaya, 'di ka namin pipigilan. Alam ko namang dumadamoves ka na kay Argel, ikaw pa!"
Natuwa naman ako sa mga reaksyon nila. Hindi ko akalain talaga na support sila sa kaharutan ko kay Argel.
"Oh Viel, tahimik mo ah!" puna ni Robert sa kaibigan. Nagtaka naman kami nang biglang tumayo si Aviel at umalis ng walang pasabi.
Anong problema ng lalaking 'yon?
Nang matapos kami kumain ng pizza, pumila na agad kami sa photobooth. Sayang nga at hindi namin kasama si Aviel, pa'no ba naman hindi na namin nahagilap. Si Robert lang tuloy 'yong nag-iisang lalaki sa picture hahaha.
"Kulang si Hazel at Chelsa sa picture natin. Nasa'n na ba 'yong dalawang 'yon? Laging missing in action," pansin ni Ekang.
"Alam mo naman 'yong dalawa, masisipag na bata 'yon." Sagot naman ni Nishi.
Marami pa kaming sinubukang booths. Mostly puro kami kain lang kaya ubos tuloy ang pera ko. Nang mag-uwian na, humiwalay na ako sa kanila at nagpaalam. Gaya nang dating gawi, sa tropang lakad ako sasabay.
"'Yan na pala si Bea e, tagal!" angal ni Peter. Hinihintay nila ako sa waiting shed, akala ko nga iniwan na nila ako.
"Nagpapirma pa kasi ako ng attendance, pahirapan hagilapin si ma'am," paliwanag ko. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa sakayan.
"Mga bro, may practice kami ng choir. Hindi kami makakasabay sa inyo," paalam ni Bernard.
"Ikaw din Joy?" tanong ni Janjan.
"Oo, mag-audition kasi ako sa choir para magkasama kami." Nagulat naman kami sa sinabi niya. Wow! Ang cute naman nila together.
"Pag-ibig nga namaaaan." Pang-aasar ni Charles kaya nahiya tuloy 'yong dalawa.
Nang makaalis na ang lovers, nagsimula na kaming lumarga paalis. Kasabay ko maglakad si Argel. Sina Peter, Janjan at Charles naman ang nasa unahan namin na pinag-uusapan 'yong lovelife ni Peter.
"Nagets mo 'yong huling lesson natin sa chem?" tanong ni Argel sa'kin. Naalala ko na naman tuloy 'yong exam ko do'n. Ang baba ba naman ng nakuha ko!
"Hindi kamo! 'Di ba bukas na nga pala deadline no'ng probset do'n?" problemadong sambit ko.
"Chill lang, kaya natin 'yan." He patted my head. Napalunok naman ako nang makita 'yong pigil niyang ngiti.
Fak, ang pogi naman huhuhu.
"Turuan mo nalang ako. Tapos ka na yata do'n e!" I pouted. Potek, alam kong ang pa-cute ko pero hindi ko mapigilan. When I'm with him, nagiging childish ako na ewan.
"Sige, maaga pa din naman para umuwi."
Palihim naman akong napa-"yes" no'ng pumayag siya. Konti nalang talaga, magiging close na kami! Nafi-feel ko ng komportable na siya sa'kin e.
"Ingat kayong dalawa! Babye!" paalam ni Peter dahil tatawid na silang tatlo. Hindi nga pala namin kasabay si Bernard, kaya kaming dalawa lang ni Argel ang magkasama.
"Sige kayo din ingat!" masayang paalam ko.
Dumiretso kaming ministop ni Argel. Saktong mahaba din ang pila ng red cab kaya nakakatamad pa talagang umuwi. Buti nalang, wala masyadong tao sa ministop kaya nakahanap kami ng bakanteng table. Si Argel ang nag-order ng ice cream sundae namin. Bumili din siya ng chips para may makain kami.
"Thank you, 'Gel!" Pahayag ko habang kinuha ko sa kanya ang cup ng ice cream. "Swerte ko naman, cookies and cream pa ang flavor."
"Favorite mo din?" tanong ni Argel at tumabi na sa'kin. I nodded as my response.
Kinuha ko naman mula sa bag ko ang notes ko sa chem. Tinuruan niya naman ako agad at hindi na nag-aksaya ng oras.
"Kaya naman pala mali lagi ang sagot mo, dito ka kasi magbebase ng atomic weight. Kaya nga may periodic table Bea," natatawa niyang sabi sa'kin.
Pinagtry niya kasi akong magsolve ng problem, napansin niya 'yong mali ko.
"Aba malay ko ba! E magkaiba 'yong sa nakalagay sa question e," pangangatwiran ko. Tawa pa din siya ng tawa sa katangahan ko.
"Ano ba 'yan Bea." Natawa na din tuloy ako dahil nakakahawa ang tawa niya.
Hindi ko alam pero kung ibang tao 'to like Peter, siguro panay na ang irap ko. Kaso potek, mas nag-eenjoy pa akong pagtawanan niya. Ang saya kasi sa pakiramdam na napapasaya ko siya. "Oh done na, check mo master."
Kita ko namang chineck nga niya ang gawa ko. Napapangiti pa siya habang nagchecheck. Kaso kumunot naman ang noo niya nang makita ang final answer ko.
"Ano 'tong nilagay mo? Tama ka naman sana kaso may nilagay ka pang apat na elements."
Napangiti naman ako. Sinadya ko naman talaga 'yon.
"'Yong alin?" pagmamaang-maangan ko pa.
"'Yong Chromium, Uranium, Sulfur at Hydrogen." Sagot niya naman. Mas lalong lumapad ang ngiti ko.
"Feelings ko 'yan para sa'yo."
Naguluhan naman siya sa sinabi ko. Kinuha ko ang ballpen at sinulat ang symbol ng bawat elements.
Cr U S H.
Ngumiti ako ng malapad at tinitigan siya. "Chromium, Uranium, Sulfur, Hydrogen kita Argel."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro