Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11

"Title defended!"

Nakahinga naman kami ng maluwag nang marinig 'yon. Sa wakas nakaraos na din kami! Ilang weeks din namin pinaghandaan 'to ng mga kagrupo ko. Akala ko nga mag re-defense kami kasi halos lahat kami pinangunahan ng kaba habang sumasagot sa mga tanong ng mga panelist.

As usual, nagpicture taking lang kami then after no'n umalis na ng audiovisual room. Grupo naman nila Joy ang sasalang. "Goodluck sa inyo Mami Joy, fighting!"

"Kulang nga kami e, absent na talaga si Argel. Nasa kanya pa naman 'yong powerpoint presentation." Malungkot na sabi nito sa'kin. Napakunot naman ang noo ko. Ilang araw ng absent ang lalaking 'yon ah. Napapabayaan niya na ang grades niya.

"E pa'no 'yan? Anong ipe-present niyo mamaya?" sunod sunod na tanong ko.

"Okay naman na Mami Bea, nagawa'n ni Nishi ng paraan."

Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ko 'yon. Sakto namang sumalang na ang grupo nila kaya todo support naman ako sa mga kaibigan ko. Tinulungan ko na din sina Ekang at Kate magreview and binigyan din sila ng idea sa mga itatanong sa kanila.

"Basta, alam kong kaya niyo 'yan!" pagpapatibay ko sa loob nila. Hindi naman sila nakapagsalita pareho dahil kinakabahan na. Grupo kasi nila ang susunod pagkatapos magpresent nila Joy.

Sabay sabay naman kaming umuwi na may ngiti sa labi, paano ba naman walang magre-defense sa'min! Lahat kami ay nakapasa sa title defense.

"Tara walwal, celebration tutal maaga pa naman!" pagyaya ni Ekang na energetic na ngayon.

"Pass ako 'Kang, sasama kasi ako maghatid kay papa sa airport," paalam ni Hazel. Kaya pala pansin ko na malungkot siya, babalik na palang Dubai ang papa niya.

"Hindi din ako pwede, may inapply'an kasi akong work. Mamaya na ang start ko," paalam din ni Chelsa na tinanguan lang ni Ekang.

"Goodluck sa work, Chels!" pahayag ko. Nagpaalam na ang dalawang babae sa'min at sumakay na ng shuttle.

"Ingat kayong dalawa!" pahabol na sabi ko. Ngumuso naman si Ekang sa tabi ko at napatingin sa'kin. "Ikaw Beyabebs? Baka 'di ka rin sasama ha."

'Yon din sana ang sasabihin ko pero ayaw ko namang mafeel niya na nirereject ko siya. Pinaalalahanan kasi ako kanina ni mama na umuwi ng maaga, pero bahala na mamaya.

"G kaya ako!" masayang sabi ko kahit kinakabahan.

"Pa'no 'yan? Hindi ka pala makakasabay kina Peter," pahayag ni Nishi.

"May lakad ang boys, magbabasketball daw sila kaya gagabihin ng uwi. Hindi rin ako makakasabay kaya inuman nalang tayo," sagot ko nalang.

Mga nagsawa kasi sila Peter, Janjan, Bernard at Charles magLOL e. Ngayon naman, basketball ang pinagkakaabalahan nila. Si Joy naman kanina pang umalis, kailangan na daw niyang umuwi dahil may gawain pa daw siya sa church nila.

"Oo nga pala! Ngayon pala 'yong liga na sinalihan nila Ryu nawala sa isip ko," problemadong sabi ni Nishi.

Napatango nalang ako sa nalaman. Kasama pala sila Aviel, Robert, CJ, at Ryu do'n sa basketball na 'yon. Akala ko sina Peter lang kasi.

"Ano pupunta ba tayo? Support nalang natin sila!" suggestion ni Kate. Mukhang hindi nagustuhan ni Ekang ang idea na 'yon kaya napairap siya. "Ayoko! For sure naman nando'n ang tropa nila Ara. Out of place lang tayo do'n!"

Natawa naman si Kate. "Selos ka lang kay Kyla at CJ e."

"Mayabang ka porket nanliligaw na sa'yo si Robert ha!" asar na pahayag ni Ekang.

Grabe, ako talaga lagi ang huli sa balita! May mga pangyayari talagang ngayon ko lang nalalaman.

"Pero maiba nga, anyare sa bebe mo Bea? Nagdrop na ba 'yon? Hindi na pumapasok e," tanong ni Nishi sa'kin. Napakibit balikat nalang ako, kasi kahit ako walang balita sa lalaking 'yon. "Ewan ko nga e, nag-aalala na nga ako."

Siniko naman ako ni Kate. "Yiee, move on ka na talaga kay Aviel ha! Crush mo na si Argel 'no?"

"Wala nga akong crush. 'Yong pag-aalala ko kay Argel, bilang kaibigan lang 'yon. Walang malisya 'yon," pagdedefend ko at mukhang convinced naman sila sa sinabi ko.

Pero sa totoo lang, kahit ako ay hindi maintindihan ang sarili ko. Inaamin ko, sobra ko siyang namimiss nitong mga nakaraang araw. Hinahanap ko ang presensya niya, nag-aalala ako kung kamusta na ba ang lagay niya. Hindi ko alam ba't ito ang nararamdaman ko, pero sa palagay ko ay unti-unti na akong nagkakagusto sa kanya.

Unti-unti na akong nagkakagusto kay Argel.

🖤🖤🖤

Sa place nila Ekang kami nag-inuman. Mga bangenge na kaming lahat dahil pa'no ba naman, alak na alak si Ekang! Bumili ba naman ng tatlong tequila, mga lasing na tuloy kami!

"Tangina girls, ang s-sakit mahalin sa puso ni CJ! Sabi niya sa'kin, ang assumera ko daw. W-Wala lang daw 'yong mga c-chats namin, si K-Kyla daw talaga ang gusto niya!"

Nandito lang ako sa isang gilid habang pinapakinggan umiyak si Ekang. Nahihilo na talaga ako at parang nasusuka. Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi ng bahay, kanina pa din ako tinatawagan kaya lagot talaga ako.

"Hayaan mo na si CJ, Ekang. Babae ka, hindi ikaw ang maghahabol sa lalaki! Marami pa namang iba diyan e, ipakita mo sa kanya na hindi ka affected 'no!" advice ni Kate na lasing na din.

"Oo nga, kay Peter ka nalang Ekang hahahaha!" sabog na sambit ni Nishi kaya natawa kaming lahat.

"Kamusta naman kayo Nish? Okay ba si Ryu?" tanong ni Kate. Napatahimik naman si Nishi kaya napaayos ako ng upo. Panigurado may kwento 'to.

"Feeling ko may tinatago siya sa'kin. Malakas 'yong kutob ko na nagchi-cheat na naman siya."

Lasing na lasing si Kate kaya ang over ng reactions niya. "Hala tanginaaa?! Nagchi-cheat na naman? So, ginawa niya na 'yon? Dapat iniwan mo na!"

Gulat ako no'ng makita na umiiyak na si Nishi. Hinagod ko naman ang likuran niya. Tangina, nasasaktan ako kapag nakikita kong umiiyak sila.

"Nahuli ko na nagkikita pa din sila ng ex niya. Nabasa ko pa nga sa chats nila no'ng babae na ang sarap daw ng etits ni Ryu, isa pa daw ulit." Pagkukwento nito.

"Pota, akala mo kinagwapo niya 'yon! E jutay naman siyang hapon siya!" badtrip na sabi ni Ekang.

"Tinanggap mo naman ulit?" malumanay na tanong ko kay Nishi. Tumango lang naman ito. "Oo Bea. Ang tanga ko ba? Mahal ko kasi e. Ayaw kong iwan niya ako. Kaya kong tiisin lahat, 'wag lang siyang umalis."

"Ano ba naman kayo girls! Don't settle for less! Hindi niyo deserve 'yan okiee? Nish, i-break mo na 'yan. Ako ang nagsasabi sa'yo, once a cheater always a cheater!" madiin na pagkakasabi ni Kate at pagkatapos ay tumumba na. Akala namin nahimatay na pero nakatulog lang pala.

Natahimik naman si Nishi sa isang tabi habang malalim ang iniisip. Si Ekang naman, nilantakan mag-isa 'yong bote ng tequilla habang iyak ng iyak. Ako naman, pumunta sa kusina para magtimpla ng kape naming apat.

Ramdam kong pagewang-gewang na ako habang nagtitimpla. Malabo na ang paningin ko habang nagsasalin ng mainit na tubig sa mug. Napahiyaw naman ako sa sakit ng matapunan ang binti ko. Nahulog ko pa 'yong termos na nagdulot ng malakas na ingay.

"Bea ano bang ginagawa mo!"

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Aviel. Teka, bakit siya nandito? Kahit nahihirapan ay tinignan ko ang salas nila Ekang. Nakita kong nandito din sina CJ, Ryu at Robert na inaalagan ang mga kaibigan ko.

"Umupo ka na nga lang do'n!" sigaw ni Aviel sa'kin kaya sumunod nalang ako. Pinanood ko siyang linisin ang kalat na ginawa ko sa kusina.

Ginalit ko na naman siya.

Seryoso ang mukha nito habang naglilinis. Nakita kong may dala siyang planggana na may lamang tubig at bimpo. Hindi ko alam ang ginagawa niya pero nakita ko nalang siya na umupo sa tapat ko.

"Ipatong mo dito ang paa mo." Utos ni Aviel sa'kin at tinapik ang legs niya. Sinunod ko nalang siya dahil baka masigawan niya na naman ako.

"Aray!" daing ko nang nilapat niya ang malamig na bimpo sa namumula kong binti. "Tiisin mo 'yong sakit, matigas ulo mo 'di ba."

Napapapikit nalang ako habang pinupunasan niya ang binti kong natapunan ng mainit na tubig. Naiiyak din ako kasi ang habang tumatagal, nararamdaman ko na 'yong hapdi sa balat ko.

"Ano ba kasing naisipan mo at nagtimpla ka ng kape? Amats ka ba?" galit na sabi ni Aviel sa'kin. Hindi pa din ako nagsasalita.

"Para ka pa ding bata. Una 'yong inhaler mo nakalimutan mo, ngayon naman 'di ka nag-iingat."

Napatitig naman ako kay Aviel. Biglang bumalik lahat ng ala-ala naming dalawa noon. Ito ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya e— grabe siya mag-alaga to the point na aasa ka sa mga kinikilos niya. Dapat nga ngayon, kinikilig na talaga ako sa mga pinagsasabi niya e. Pero 'di ko alam, wala akong maramdaman na kahit ano sa kanya.

Parang normal lang na magkaibigan.

"Galit ka pa din ba sa'kin?" lakas loob kong tanong. Siguro dahil lasing ako kaya makapal na naman ang mukha ko.

"Ano sa tingin mo?" tanong niya lang pabalik sa'kin. Tumahimik nalang ako, mukhang wala naman akong makukuhang matinong sagot mula sa kanya.

"Hindi ako galit sa'yo, galit ako sa ginawa mo."

Nagtagpo ang mga mata namin. Pinapakinggan ko lang ang mga sasabihin niya. "Magkaibigan tayo Bea e. Maling mali 'yong ginawa mo, alam mo namang girlfriend ko si Ara."

Napayuko ako. "Sorry Aviel. Napangunahan lang ako ng emosyon ko no'n at oo tama ka, maling mali talaga ako."

Maingat niyang binaba ang paa ko. Mahapdi pa din naman 'yon kaya napapadaing pa din ako sa sakit. Lumapit ito sa'kin at ginulo ang buhok ko kagaya nang lagi niyang ginagawa. "Magpahinga ka na jan, ako ang maghahatid sa'yo pauwi."

Naglakad na ito paalis. Hindi pa man siya nakakalayo ay tinawag ko ulit ang pangalan niya. "Aviel."

Lumingon ito sa'kin. "Bakit?"

Hindi ko tinanggal ang paningin ko sa kanya. "Hindi na kita gusto, pwede bang maging magkaibigan na ulit tayo?"

🖤🖤🖤

Simula no'ng araw na 'yon, ramdam kong nag-iba ang mga kinikilos ng mga kaibigan ko— lalo na si Ekang at Nishi na laging wala sa sarili. Nandito lang naman kami ni Kate para sa kanila, hinihintay lang namin silang magkwento dahil hindi naman kami manhid sa mga nangyayari the following days.

Si CJ at Kyla, mag-mu na. Si Ryu naman, hindi na kinausap si Nishi. Ang dalawa ko namang kaibigan na si Hazel at Chels, tuluyan nang na-busy dahil mga working students.

"Tara sa college, kain tayo!" pagyaya ni Aviel. Inirapan ko naman ito. "Patay gutom ka talaga kahit kailan," pang-aasar ko dito.

No'ng una, awkward pa talaga kami ni Aviel. Pero nang tumagal naman, naging okay na. Balik sa dating gawi lang. Ang gaan din sa pakiramdam kasi finally, naging magkaibigan na kami ulit.

"Vacant naman e, G lang ako! Tara na Ekang at Nishi, tumayo na kayo jan!" pilit ni Kate sa dalawa. Kahit tinatamad, wala din naman silang choice.

Kinuha ko lang ang wallet ko sa bag bago tumayo. Napatingin naman ako sa upuan ni Argel sa tapat kong table. Hanggang ngayon, hindi pa din talaga siya napasok. Malapit na ang final exams namin for first sem, baka bumaba ang grade niya kung 'di niya 'yon mahahabol.

Habang naglalakad, nakipag-apir lang naman sa'kin si Peter. Gano'n din sina Janjan, Bernard, Charles at si Joy. Mukhang kakatapos lang nila kumain at pabalik na sila ngayon ng room.

"Sa'n punta niyo?" tanong ni Peter kaya tumigil muna kami saglit.

"Sa college, kakain lang." Sagot ko naman. Napadako naman ang tingin ni Peter kay Ekang. "Anyare sa babaeng 'yon?"

"Broken kay CJ," singit ni Kate sa usapan. Tumango lang naman ito at nagpaalam na sa'min kaya naglakad na kami ulit paalis ng room.

Sina Aviel at Robert ang kasama namin. Tuluyan nang umiwas sina CJ at Ryu, mas napapalapit sila ngayon sa tropa nila Aravella.

Katabi ko ngayon si Aviel na naglalakad. "Ba't ka pala nag-aya kumain? Asan bebe mo?" tanong ko.

"Wala naman. Namiss ko lang kayo kasabay kumain, bawal ba?" tugon nito sa'kin pero hindi ako masyadong convince. Palagay ko may something sa kanila ni Ara, hindi lang siya nagkukwento.

"Okay sabi mo e," simpleng sabi ko at pumagitna kina Robert at Kate.

"Sweet niyo masyado, ipaghiwalay ko muna kayo." Natawa naman si Kate sa sinabi ko.

"Clingy kasi ng kaibigan mo, Bea. Ayaw na akong pakawalan," hirit ni Robert. Hinampas naman siya ni Kate.

"Ako pa talaga ha? Baka ikaw!"

Nag-asaran lang silang dalawa habang napapailing na lang ako. Nang makarating kami sa college building, umorder lang kami ng fries, footlong sandwich at burgers. Nakakabusog nga e at mura pa!

Hindi namin namalayan ang oras kaya nagmadali kaming bumalik sa room. Tamang lectures lang naman ang iba kong instructors kaya nakakaantok makinig. Nabuhayan lang ako ng diwa nang magdismiss na ang last subject namin at gaya ng ginagawa ko, pumunta ako sa faculty para papirmahan ang attendance sa adviser namin.

"Bea, ano na bang nangyari kay Mr. Villarojo? Paalalahanan mo ang kaklase mong 'yon dahil magko-comput'an na ng grades, wala naman siyang pinapasa na outputs," sabi ni Ma'am Jeanimar sa'kin.

"Sa totoo po niyan, wala din po akong balita kay Argel. Pero gagawan ko po ng paraan para masabihan po siya."

Tumango lang naman ito at binigay na sa'kin ang attendance. Habang naglalakad pabalik ng room, hindi ko maiwasang mag-alala na naman kay Argel. Bigla namang nagliwanag ang mukha ko nang may ideyang pumasok sa isip ko.

Sana nga lang, hindi magalit si Argel sa balak ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro