Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10

"Lakas talaga ni Tristhan!"

Lalong umingay ang paligid dahil sa pagpapakilala nito sa girlfriend niya na it turns out to be Cherylyn. Hindi yata ako napansin ng babae na kanina ko pa siya tinititigan dahil todo pa din ang ngiti nito na ani mo'y kilig na kilig. Sumagi tuloy sa isip ko si Argel.

Alam niya na kaya ang tungkol dito?

Naguguluhan ako. Kung may jowa naman pala ang babaeng 'to, bakit ang sweet nila ni Argel no'ng mga nakaraang araw? O sadyang gano'n lang talaga ang personality niya?

Ay ewan, ba't mo ba sila iniisip Bea?

Bumalik nalang ako sa cottage na parang walang nangyari. Nagswimming naman ulit sina Camela pero hindi na ako sumama dahil pagod na ako. Mahirap na at baka magkasakit na naman ako.

Habang nakaupo, hindi ko matanggal ang atensyon ko kina Tristhan at Cherylyn. Para silang may sariling mundo habang naliligo sa pool. Nakalingkis ang babae sa balikat nito na parang nagyayakapan. Masyado silang malapit sa isa't isa at hindi 'yon matanggap ng sistema ko habang tinitignan sila. Si Argel kasi ang naiisip ko. Paniguradong masasaktan 'yon kapag nalaman niya.

O baka naman alam niya na talaga?

"Bea, pwede ba tayo mag-usap?"

Napatangin ako kay Rem dahil sa bigla nitong pagtabi sa'kin. Kaming dalawa lang ang nasa cottage ngayon, ang mga kaklase ko naman ay busy sa videoke at paglangoy sa pool. "Ha bakit anong meron?"

"Unang-una, gusto kong humingi ng tawad sa'yo. Sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko noon. Inaamin ko Bea, ang immature ko. Ginamit kita for acads, tinake advantage ko ang feelings mo sa'kin at pinagsisisihan ko 'yon."

Bumalik ang lahat ng masakit na ala-alang binaon ko na sa limot. Naalala ko 'yong Bea na nakasalamin na todo mag-aral, tatanga tanga pagdating sa kanya at laging sunud-sunuran sa mga gusto niya. Kung paano niya sabihin sa mismong harap ko na hindi niya ako minahal kahit kailan, na kailangan niya lang ako para tumaas ang grades niya.

Mapait akong napangiti. Sobrang uto-uto ko pala talaga noon.

"Matagal na kitang napatawad, Rem. Pero 'yong mga nagawa mo? Hindi ko pa din talaga makalimutan."

Natahimik siya. Alam ko sa sarili ko na nakamove on na ako, pero kapag iniisip ko lang kung paano niya ako ginago noon— sobra pa din akong nasasaktan. I don't deserve that e.

No one deserved to be treated that way.

"Minahal kita ng sobra e, to the point na wala akong natira para sa sarili ko. Kaya no'ng nawala ka, grabe 'yong naging impact sa pagkatao ko. Patuloy kong kinu-kwestyon ang sarili ko kung ano ba ang nagawa kong mali? Saan ba ako nagkulang?"

Malumanay lang ang pagkakasabi ko. Hindi din ako naluluha sa mabibigat na salita ang pinakawalan ko. "Naisip ko no'n, kaya mo siguro ako iniwan kasi wala na akong silbi sa'yo. Kasi 'di ba magkaiba na tayo ng school sa SHS? Hindi kasi afford ng parents ko na pag-aralin ako sa EAC."

Siya 'yong naiyak sa pinagsasabi ko. Tingin ko naman ay nagsisisi na talaga siya sa kasalanan na nagawa niya. Nakita ko din naman na mukha na din siyang nagmature. "Sorry talaga Bea. Hindi mo deserve 'yon e. Ang gago ko para gawin 'yon sa'yo."

Bumuntong hininga ako habang naalala ang ilan sa masasayang ala-ala namin. "Okay na din sigurong nangyari 'yon. Pareho tayong may natutunan and we became better person."

"Pero nawala ka naman sa'kin.."

Nagkatitigan kami. May kung ano sa mga mata niya na hindi ko mabasa. Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin sa'kin pero pinipigilan niya lang ang sarili niya. "B-Bea—"

"Ano ba Argel, umalis ka na nga!"

Napahinto sa pagsasalita si Rem nang tumayo ako. Tama ba ang narinig ko? Nandito si Argel? Tumayo agad ako at iniwan si Rem sa cottage. Nakita kong nag-uumpukan ang mga kaklase ko kaya pumunta ako do'n. Nanlaki naman ang mata ko nang makita si Argel. Nandito nga talaga siya. Kausap niya si Cherylyn na todo taboy sa kanya.

"'W-Wag namang ganito Che.. mag-usap tayo please."

Ang wasted ng itsura ni Argel. Namamaga ang mata nito kakaiyak niya. Pilit niyang hinahawakan si Cherylyn pero inaalis lang 'yon ng babae.

"Ano ba pre, respeto naman. Ayaw ka nga kausapin 'di ba? Umalis ka nalang pwede ba, nakakagulo ka e," maangas na pahayag ni Tristhan na hawak ngayon ang bewang ng babae.

Hindi ito pinansin ni Argel. "Che, siya ba? Siya na naman? Gagaguhin ka lang niyan ulit e."

"Argel ano ba!" saway ni Cherylyn. Hindi nagustuhan ni Tristhan ang narinig kaya tinulak niya ang dibdib nito. "Anong sabi mo?"

"Bingi ka ba?" hindi papatalong saad ni Argel at tinulak din si Tristhan pabalik. "Uulitin ko para sa'yo ah. Gago ka, sinaktan mo si Che."

Kinuyom ni Tristhan ang kamao niya. Kinuwelyuhan nito si Argel. "Wala kang alam sa nangyari."

"Please 'wag na kayo mag-away. Hayaan mo na siya Tristhan. Argel parang awa mo na, umalis ka na.." sambit ni Cherylyn pero parang walang narinig ang dalawa. Inawat na din ito ng mga kaklase ko, pero mas lalo lang lumala ang gulo nang magsuntukan na ang dalawa.

Nagkagulo ang lahat, hindi na sila maawat dahil pareho silang hindi papatalo. Naiyak naman si Flo dahil sa commotion na nangyari.

"Guard!!" panic na sabi ni Flo kaya naawat na ang dalawa.

"Tangina paalisin niyo 'yan dito! Ayaw ko na makita ang pagmumukha mo ah!" sigaw ni Tristhan na hawak ngayon ng mga tropa niya.

Maangas namang binawi ni Argel ang braso niya na hawak ng mga guard. Walang imik itong umalis bago tignan si Cherylyn na iniwasan lang siya ng tingin. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya nilapitan ko ang babae. Nagulat ito nang makita ako.

"B-Bea?" gulat na sambit ni Cherylyn.

"Pwede mo naman siya kausapin ng maayos, bakit mo kailangang gawin 'yon sa kanya?" sumbat ko dito. Wala naman siyang masabi at natahimik lang.

"Kilala mo ba 'yon, Bea? Tangina hindi naman invited pumunta pa dito."

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Tristhan at agad na sinundan si Argel. Akala ko ay nakauwi na siya, pero nadatnan ko siyang nakaupo sa benches ng waiting shed. Umupo ako sa tabi niya kaya napatingin siya sa'kin.

"B-Bakit ka nandito?" gulat na pahayag niya.

"Kaibigan ko 'yong debutant," sagot ko nalang.

"Edi nakita mo pala 'yong kanina?" napapaos niyang sabi, pilit na pinipigilan na lumuha. Tumango lang naman ako.

Natahimik kaming dalawa. Ayaw ko namang magtanong sa kung ano ba talagang nangyari, gusto ko na siya mismo ang mag-open up sa'kin ng bagay na 'yon. Hindi ako umalis sa tabi niya dahil gano'n din ang ginawa niya sa'kin noon. Nakinig siya sa kadramahan ko kay Aviel, kaya gusto kong iparamdam sa kanya na nandito lang din ako para sa kanya. Na pwede din siya magsabi sa'kin ng bigat na nararamdaman niya.

"Naalala mo ba 'yong mga oras na hindi ako sumasabay sa inyo pauwi?" Hindi ko inasahang magsasalita siya. Tumango lang ako bilang sagot.

"Sinasamahan ko kasi si Che no'n. Nag-aalala kasi ako sa kanya, nakwento niya kasi sa'kin na nambabae ang Tristhan na 'yon kaya nagcool off muna sila."

Nanatili akong tahimik, pinapakinggan ko ng maigi ang bawat sinasabi niya.

"Matagal ko na siyang gusto JHS palang. Nagkita lang kami ulit dahil sa'yo Bea." Tumingin ito sa'kin. "Kahit anong pilit ko na kalimutan si Che, siya pa din talaga e."

"Kaya sabi ko sa sarili ko, hindi ko na sasayangin 'yong pagkakataon. Pinaramdam ko sa kanya ang nararamdaman ko. Kaso tangina, hindi pa din ako 'yong pinili sa dulo. 'Yong Tristhan pa din na 'yon ang binalikan niya kahit ginago na siya."

Pinipigilan pa rin nito ang mga luha niya. Hinawakan ko ang balikat niya. "'Wag mo pigilan, iiyak mo lang para gumaan."

Dahil sa sinabi ko, umiyak siya na parang bata sa harapan ko. Ang bigat sa pakiramdam habang pinapanood siya. Hinagod ko lang naman ang likuran niya para kumalma siya.

Halos ilang oras din ang tinagal no'n bago gumaan ang pakiramdam niya. Tumayo ito habang pinupunasan ang luha niya. "Balik ka na sa loob Bea. Uuwi na ako, salamat sa pakikinig."

"Dito lang ako para sa'yo Argel, ingat ka sa pag-alis mo."

Malungkot naman itong ngumiti at kinawayan na ako para magpaalam. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok sa loob.

Nagbanlaw na ako at nag-ayos ng sarili. Bumalik na lang ako sa hotel room para magpahinga. Masyado kasi akong nag-aalala para kay Argel. At isa pa, hindi ko din makayanan na tignan si Cherylyn na nakikipagharutan kay Tristhan. I mean, siyempre sa side ako ni Argel kakampi.

Hanggang ngayon, hindi pa din maalis sa isip ko 'yong nangyari kanina. Ngayon ko lang nakita si Argel na gano'n. Kadalasan, tahimik lang talaga siya at hindi nagsasalita. Pero kanina, sobrang nagbreakdown siya sa harap ko na parang bata. Habang nagkukwento siya, damang dama ko 'yong sakit sa binibitawan niyang mga salita.

Sana maging ayos lang siya.

🖤🖤🖤

Intrams week namin ngayon. Isang month na din ang nakalipas simula nang mangyari 'yong debut ni Flo. Kakapasa lang din ng grupo namin ng chapter one para sa Practical Research. Nakakakaba nga dahil malapit na ang title defense, pero sana kayanin namin.

Nabigay ko na din pala kay Aviel ang pera na pinambili niya ng inhaler ko. Nagpasalamat na din naman ako sa kanya pero hindi pa din niya ako iniimikan. Talagang galit pa din ito sa ginawa ko noon pero naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya.

Ang tropang lakad ang kasama ko sa bleachers ngayon, nanonood kami para suportahan si Joy sa pagba-voleyball. Sina Ekang kasi tinamad manood kaya nagcutting sila. Niyaya pa nga nila ako magwalwal e, pero tumanggi nalang ako nang malaman kong kasama si Aviel sa inuman. Nakakahiya dahil baka kung ano na namang katangahan ang gawin ko kung sakali, kaya hindi nalang ako sumama.

"Grabe boi, ang ganda talaga ni Joy," rinig kong bulong ni Bernard sa tabi ko.

Napatingin naman ako sa pwesto ni Joy. Tama siya, naging blooming siya ngayon. Humaba na kasi ang buhok niya at napansin kong nag-aayos na siya simula no'ng debut ni Kate.

Pabiro ko namang siniko si Bernard. "Yieee, crush mo 'no? Ligawan mo na kaya."

Namula naman ang pisngi ni Bernard dahil sa sinabi ko. "Malabo, close sila ni Ace e."

"Sino namang Ace?" interesado kong tanong sa kanya.

"Si Ace, member din ng volleyball gaya niya. Pakiramdam ko, gusto din siya ni Joy e." ani Bernard.

"Walang mangyayari kung hindi mo susubukan 'Nard. Kaya tatagan mo ang loob mo kung gusto mo talaga si Mami Joy."

Sakto namang dumating si Peter. Asar na asar na naman ang mukha nito sa'kin habang inabot ang vitamilk na pinabili ko sa kanya. "Salamat alipin," pang-aasar ko.

"Pangit mo pa din," asar nito pabalik sa'kin kaya natawa na lang ako.

Sumiksik naman sa tabi ko si Janjan. "May napansin ba kayong kakaiba kay Argel?" mahinang bulong nito.

Mukhang nakakahalata na sila. Simula kasi no'ng nangyari kay Cherylyn, mas lalong naging tahimik si Argel. Never na din namin itong nakitang ngumiti. Lagi lang siyang may suot na earphones at parang may sariling mundo.

Sobra talaga siyang naapektuhan dahil sa nangyari.

"Ang lamig nga no'n e," sagot ni Charles kay Janjan. Pasimple ko namang tinignan si Argel. Nakaearphones na naman ito at walang pakialam sa paligid niya.

"Baka naman may problema lang. Hayaan lang muna natin siya, magsasabi naman 'yan sa'tin," sabi ni Peter na siyang sinang-ayunan ng lahat.

"Hindi mga pare e. Pakiramdam ko dahil do'n sa Cherylyn kaya siya nagkakaganyan." Napatingin naman ako kay Bernard. Potek, napakadaldal talaga ng lalaking 'to.

"Sino 'yon?" interesadong tanong ni Janjan. Tutal nasabi na rin naman ni Bernard ang tungkol sa babaeng 'yon, kinuwento ko nalang din sa kanila kung sino si Cherylyn. "Siya 'yong may-ari ng ID na sinauli ko which turns out to be his kababata."

"Correction, childhood sweetheart." Dagdag ni Bernard.

Nanalo ang team ni Joy kaya todo sigaw kami para suportahan siya. Nang makapagpalit na ito ng damit, sama-sama namin siyang sinalubong para i-congratulate.

"Congrats Mami Joy! Ang lupet ng serve mo kanina!" Niyakap ko ito ng mahigpit. "Salamat Mami!"

"Libre naman diyan, nanalo e!" kantsaw ni Peter kaya naghiyawan kami. Hindi naman nakatanggi si Joy kaya 'yon, nandito kami ngayon sa lugawan para magcelebrate.

Nasa isang lamesa kami nakapalibot, katapat ko si Argel na tahimik lang. Nakita kong napatingin ito sa'kin kaya nginitian ko siya. Tumango lang naman ito sa'kin at kumain na ng lugaw.

"Grabe, ang tagal na din pala bago tayo nakumpleto!" saad ni Charles.

"'Wag na tampo Charles, makakasabay na kami ni Bernard maglakad ulit after intrams," malambing na tugon ni Joy dito. Bibigyan ko sana ng tissue si Joy kasi napansin kong may dumi siya sa gilid ng labi niya, pero naunahan ako ni Bernard.

"Ang amos mo kumain," sambit ni Bernard at pinunasan ang labi ni Joy. Mapang-asar naman akong ngumiti. Dumadamoves na ang pare ko ha!

"A-Ah salamat," tipid na pahayag ni Joy at kumain nalang ulit.

Nang mabusog na kami sa kinain ay umalis na kami at nagpaalam sa isa't isa. Kasama ko naman si Bernard at Argel na pumila sa red cab. Todo kwento naman si Bernard sa'kin na kinikilig siya kaya natatawa nalang ako.

Kinalabit ko naman sa gilid ko si Argel. Tinanggal nito ang isa niyang earphone at tinaas ang kilay niya. "Bayad mo isabay ko na," sabi ko.

Parang noon lang, si Argel 'yong nangongolekta ng bayad naming tatlo. Pero simula no'ng nangyari sa kanila ni Cherylyn ay nagbago siya. Mas lumala pa nga dahil lalo siyang naging cold.

Inabot lang naman nito ang pera sa'kin at nagsuot na ulit ng earphones. Napabuntong hininga naman ako.

Sana bumalik na siya sa dati, namimiss na siya ng tropa e.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro