80
•Ford Hernandez
online
Ford:
Just got home
Jenna:
Oh? Sml?
Ford:
Baka kasi nag-aalala ka na hindi ako makauwi nang ligtas
Jenna:
Dream on
Ford:
Ligtas akong nakauwi sa amin, princess
Jenna:
Hindi nga ako si Princess
Ford:
Okay, I'll change it then
Nakauwi na ako, my princess
Ayos ba?
Jenna:
Hindi, tigilan mo ako sa kakornihan mo
Ford Hernandez is calling you.
Accept | Decline
"Ano ba? Ba't bigla kang tumatawag?"
"Ba't bigla mo ring sinagot? Wala pang one second na nag-ring, ah."
"B-Baka kasi emergency!"
"Hmmm..."
"Che! Huwag ka ngang feelingero diyan!"
"Wala naman akong sinasabi, ah. HAHAHAHAHA."
"May importante ka bang sasabihin? Ibababa ko na 'to."
"Jenna Marie Lopez."
"Ha? Anong meron sa pangalan ko?"
"Importante sa akin iyan, eh. Tinatanong mo kasi ako kung may importante akong sasabihin."
"..."
"Kinikilig ka ba?"
"Hindi 'no! Ba't ako kikiligin?"
"It's okay, my princess. We both know na may pagtingin ka rin sa prince mo."
"Che! Ibababa ko na nga 'to! Matutulog na ako!"
"Matulog ka nang mahimbing."
"Paano pa ako makakatulog nang mahimbing, ikaw ang huli kong kausap."
"Thank you."
"Iba ka rin, eh 'no? Ang layo sa sinasabi ko ng sinasabi mo."
"I just want to thank you."
"Para saan?"
"For giving me a chance. Kahit na madalas mo akong sinusungitan lately, the fact na hinahayaan mo akong gawin sa iyo ang mga bagay na ginawa ko, malaking bagay na sa akin iyon."
"..."
"Tulog ka na?"
"..."
"Tulog na ata."
"..."
"I love you, Jenna. Sweet dreams. Just know that I will never get tired of showing you how I sincerely feel about you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro