04
•BARDAGULAN ATBP
Jenna:
Ayaw niya daw ibigay 🙃
Mine:
Bakit daw? Hindi
naman kaniya un
Carol:
Mga magnanakaw nga
naman, mga walang puso
Jenna:
Naiiyak na ako 😭
Mine:
Gaga huwag ka umiyak
Jenna:
Pigilan ko pa ba eh
tumutulo na sa pisngi ko?
Mine:
Humanap ka muna ng
timba pansahod diyan
kasi for sure madami iyan
Jenna:
Gago ka talaga 😭
Kapag di ako pumasa
this sem makikitira na
lang ako sa inyo! For
sure papalayasin ako
rito sa amin 😭
Carol:
Why not talk to your
prof na lang? Say to
him na ninakaw phone
mo kaya di ka nakapagpasa
agad. At saka hindi mo
naman ata ikakabagsak
ang pagka-late ng isang
activity duh
Jenna:
Sige gagawin ko iyan
pero basta iiyak
muna ako 😭😭
Mine:
Huwag mong kakalimutan
ang timbang pansahod 😂
Jenna:
Manahimik ka!
Carol:
He or she can get
sued dahil sa ginawa
niya. Hintayin niyong
imbestigahan ng tito
kong pulis iyan. Makukulong
iyang nagnakaw ng
phone mo.
Jenna:
At ang nakakainis pa
eh ayaw niyang aminin
na ninakaw niya 😭 Napulot
niya raw kaya kaniya na 😭
Carol:
Duh that's still theft
dahil di pa rin niya
binalik
Mine:
Bakit ka naman kasi
shu-shunga shunga
@Jenna???
Jenna:
Oo na nga!
Kasalanan ko
na nga! 😭
Mine:
Ayan magdusa ka
Jenna:
censored ka
Mine:
Hindi niya ako
mamura so sad
Jenna:
Gago!
Carol:
Basta I will text my
tito na to investigate
your case. Pag nalaman
natin kung sino iyang
criminal na iyan
magbabayad iyan.
Jenna:
Maaasahan ka talaga 🥺🥺
Di tulad ng isa diyan 🙄
Mine:
Pinariringgan mo ba ako?
Jenna:
Bato-bato sa langit matamaan magkakabukol.
Mine:
Tumutulong naman ako!
Jenna:
Anong tulong? Kanina
mo pa ako inaasar 😭
Mine:
Di ka na nasanay!
Jenna:
Bwct ka kasi!
Carol:
Oh stop na guys baka
saan pa mapunta. I
already called tito
and he's on it na raw. Yey!
Jenna:
Arigathx!
Mine:
Sige para naman
makatulong ako
tawagan ko na rin
tita kong mambabarang.
Ewan ko lang kung di
natin magantihan ung
magnanakaw na un
Jenna:
Hayp ka HAHAHA
pero true ba? 👀
Mine:
Gaga naniwala ka naman!
May balak ka sigurong
ipabarang un kung
sakali no?
Jenna:
Wala! HAHAHA mabait
pa naman ako kahit papano
Mine:
Bad magsinungaling
Jenna:
Mas bad ang breath mo
Mine:
Walang personalan
Jenna:
Inamin pa nga
hayp ka HAHAHA
Pero teka wait
tumatawag ung
number ko!!!
Shet sandali!!!!!
Tumatawag ung
magnanakaw!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro