
Part XII. Looking Like That
Ikaapat na araw na ngayon ng pagtatago ni Kristin sa bahay ni Brian. Sa kanya ay ayos lang iyon 'pagkat saktong may isang linggong sports fest sa school nila. On-hold muna ang klase kaya panatag siya na wala siyang maliligtaang lesson.
Pero kahit walang klase ay required silang pumunta sa Sligo College of Further Education to support their fellow students sa mga sinalihang laro. For her attendance ay si Ynah na muna ang bahala na pumirma in her behalf. Buti na lang ay may kaibigan siyang maaasahan sa ganitong sitwasyon.
May naririnig siyang mahihinang pagkatok sa labas ng pinto. Agad siyang pumunta roon nang dahan-dahan.
"Kristin, si Brian ito." Napanatag ang dalaga kung kaya pinagbuksan na niya ang binata.
His blue eyes met her brown ones at tumagal iyon ng halos tatlong segundo. Tatlong segundo but it felt like forever para kay Kristin.
Pigil ang hininga ng dalawa at nagsisimula nang maging mailang ang paligid kung kaya unang umiwas ng tingin ang dalaga.
"W-Why are you looking at me like that?"
Nakagat ni Brian ang ibabang labi habang hinahagod ang baba na halatang kase-shave lang.
"W-Wala. Tara na, baba na tayo?"
"Si Kerry?"
"She's gone. Kahahatid ko lang sa kanya sa Dublin Airport." He let out his iconic half-smile. "Tara?"
Tumango si Kristin at sumunod na sa binata.
---
"Nand'yan pa ba sila?" Ngumangata ng chips si Kristin habang nakasalampak sa sofa. Ang tinutukoy niya ay ang paparazzis.
"Oo e," ani Brian na tutok na tutok sa nilalarong NBA street sa playstation. "Hayaan mo, ihahatid kita mismo sa Sligo 'pag wala na sila."
Napatigil sa pagkain si Kristin. "I-Ihahatid mo ako? S-Sa Sligo?"
"Yup!"
"E 'di lalo na akong makikita niyan. Ma-i-issue ka lalo."
Nilingon ni Brian ang dalaga. "I got this. I'll borrow Susan's tinted car." Ang kanyang kapatid na babae ang tinutukoy nito.
Tumango-tango lang si Kristin bilang tugon.
"Oh, shit!"
Naagaw ng kalabang 'computer' ang bola ng karakter na nilalaro niya sa playstation dahil sa pagkawala niya sa focus ng ilang saglit. Pilit nitong inagaw ang bola ngunit bigo siya. Ang ending, talo.
Natatawa lang si Brian at muli niyang ibinalik ang control sa main menu.
"Gusto mong maglaro?"
Umiling-iling si Kristin. "Hindi ako marunong niyan e."
"E 'di tuturuan kita." Tumayo si Brian at tinabihan si Kristin.
"Ganito dapat." Kinuha ni Brian ang mga kamay ng dalaga para ipahawak ang mga iyon sa controller. "Pipindutin mo ang ganito kapag patatakbuhin mo 'yung character mo, eto naman 'pag isu-shoot mo 'yung bola. Eto 'pag patatalunin mo 'yung character, at ito 'pag i-steal mo ang bola sa kalaban."
Walang rumehistro sa isip ng dalaga dahil ang pansin niya ay nakatuon lamang sa presensiya ng lalake.
She never imagined that she can be close like this to the man she truly admires nor never she thought that it would happen in a dream.. pero nangyayari na. Totoong-totoong nangyayari.
"Hey, Kristin." Napapitlag ang dalaga sa pagtawag ni Brian.
"H-Ha?"
"Tuliro ka na naman, na-i-inlove ka na naman sa akin e." Kinindatan niya ang dalaga. "Nakuha mo ba kung paano pagalawin ang controllers?"
Bahagyang nakaawang ang bibig ng dalaga. Nang mapansin ay agad niyang itinikom iyon. "Hindi pa e."
"Okay, uulitin ko."
Pumiwesto si Brian sa likod si Kristin upang ma-guide ang dalaga. Mas lalong nagwala ang kalooban ni Kristin na itago man niya ay hindi kayang pabulaanan iyon ng namumula niyang mukha.
Ramdam niya ang mainit na paghinga ng lalaki habang nagsasalita which makes her gush a bit. Kung puwede lang habambuhay siyang turuan ni Brian ay okay lang – lahat ng laro sa playstation ay ipapaturo niya sa kanya!
Mayamaya pa ay nakuha na rin ng dalaga ang laro at nagsimula na. Sa una ay sumasala pa ang bola ngunit kalauna'y marunong na siyang sumipat ng ring.
"Shoot!" pagbubunyi ni Brian.
"Yes!"
"Good job!" Niyugyog ni Brian ang mga balikat ni Kristin. "Mas marunong ka pa sa akin e."
Isang tipid na ngiti ang isinukli ni Kristin at muling tumutok sa nilalaro.
Dumako muna sa kusina si Brian para maghanda ng makakain nila.
Mula sa kitchen counter ay sinisilip niya ang dalagang hindi man lang matinag sa nilalaro.
Hindi niya namamalayan na napapangiti na pala siya dahilan para mas maging inspirado pa siyang magluto.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro