Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part IX. Stay at Home

Naiiling na isinara ni Brian ang kurtina na nakaharang sa bintana.

"They are still there." Sumalampak siya sa upuan at nilingon si Kristin. "I have no choice but to let you stay for another night here. Sigurado ka bang hindi ka hahanapin sa inyo, Kristin?"

"Pabor na pabor sa akin. Kahit mag-isang buwan ako rito, okay na okay lang," bubulong-bulong na sabi ni Kristin sa sarili niya.

"Huh?"

"Ah...eh.. Sabi ko walang problema sa akin. At saka hindi naman ako hahanapin nina mommy at daddy. Nakabukod ako ng tirahan sa kanila."

Tumango si Brian. "I'll let you stay in one of the guest rooms."

***

Malalim na ang gabi ngunit pabali-balikwas pa rin sa higaan si Kristin. Hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.

Napagod na siya katatakip ng unan habang tumitili huwag lang siyang marinig ni Brian. Katapat lang kasi ng room na tinutuluyan niya ang room kung nasaan ang binata.

Dahil hindi makatulog ay napagdesisyunan niyang bumaba na lang. Nakaramdam siya ng uhaw kung kaya napagdesisyunan niyang uminom ng isang baso ng malamig na tubig.

Sa pagbaba niya ay 'di niya inaasahang makasalubong ang binatang naka-roba. Nagtutuyo ito ng buhok gamit ang isang tuwalya. Halatang bagong paligo.

"Gising ka pa," magkapanabay nilang wika.

Napahawak sa batok si Brian samantalang napaiwas ng tingin si Kristin. Halatang nagkakahiyaan sa isa't isa.

"I-Iinom lang ako ng tubig. Medyo nauhaw ako e." Nagmamadaling tinungo ni Kristin ang cabinet para kumuha ng baso at matapos noon ay nagtigis siya ng malamig na tubig.

"Antok ka na ba? Gusto mo ba akong saluhang mag-midnight snack?" pagpapaunlak ni Brian.

Lihim siyang napangiti habang nakatalikod ngunit inalis niya muna ang ngiting iyon nang harapin niya si Brian. Pakeme muna siya para hindi halatang patay na patay siya sa lalake.

Ngumiti siya na hindi kasama ang mata. "Sige."

"Magbibihis lang ako." Agad umakyat si Brian patungong kuwarto.

Makalipas lang ang limang minuto ay muli na itong nakababa. Nakasuot siya ng maluwang na black shorts na p-in-artner-an ng plain white t-shirt. Kahit ganoon kasimple lamang ang suot niya ay litaw na litaw pa rin ang taglay nitong kaguwapuhan, na mas pinaigting ng ginto nitong buhok at maamong mukha.

Nagsalang si Brian ng baked mac and cheese sa oven. Habang niluluto iyon ay gumawa naman ang dalaga ng fried egg sandwich.

Matapos ang tatlumpung minuto ay handa na ang mga pagkain. Nagtimpla ng gatas si Brian para mas makumpleto ang kanilang pagsasaluhan.

"So..." Sinimulan na ni Brian ang pagsandok ng baked mac and cheese. "..sabi mo kanina, fan na fan kita."

Biglang sumigla ang aura ni Kristin. "Sobra!" Hawak-hawak niya ang tinidor na may nakatusok na baked mac. "Unang pakilala pa lang sa inyo bilang Westlife, ikaw agad ang kumuha ng atensiyon ko. Bukod sa matangkad ka, guwapo, may blonde na buhok, may napakagandang asul na mga mata e ang galing-galing mo pang kumanta. Package deal na!"

Napatawa si Brian habang ngumunguya ng pagkain. "Oy, baka lumaki na ang ulo ko niyan sa kapupuri mo ha?"

Iwinasiwas ni Kristin ang hawak na tinidor. "Totoo naman kasi." Isinubo niya ang laman noon at madaling nilumod. "E tutal pagkakataon ko na ito para sabihin sa 'yo ang lahat ng gusto kong sabihin kaya nilulubos-lubos ko na."

"You know what?" Kumagat muna si Brian sa kanyang sandwich bago nagpatuloy. "You're cute."

Napadiin ang pagtusok ni Kristin sa baked mac and cheese. Daig pa niya ang nagbudbod ng chili powder dahil sa init na nararamdaman niya sa mukha. Namumula siya.

"H-Ha?"

Ngisi lang ang itinugon ni Brian. "Wala. Sabi ko, kumain ka na."

Hindi nakatuon ang pansin ni Kristin sa kinakain. Kanina pa ginugulo ang isip niya ng sinabi ni Brian kanina.

You're cute.
You're cute.
You're cute.

Nag-usap pa sila sandali at mayamaya rin ay napagdesisyunan na nilang bumalik sa kani-kanilang silid.

Parehas nakabukas ang pinto ng magkatapat nilang kuwarto at bago nila pinasok iyon ay nagpaalam muna sila sa isa't isa.

"Good night, Kristin."

"Good night, Brian."

Hindi nila namalayan na parehas silang nakangiti habang ipinipinid nila ang pinto ng kani-kanilang silid.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro