|Chapter 8| Transferee
Author's Note: YESSS ARAW ARAW NA AKO NAG UUPDATE HAHAHAHHA IMPROVEMENT!~~~
So yey!~~ dalawang bagong cast!~~
Dedicated to :AerieJoyce
Alvyanna's POV
"Good Morning Ivy!!!~~~" Nasa kalagitnaan na ako ng panaginip ko ng biglang sumigaw saakin si Kayle napakuskos ako sa mata ko at nag decide na gumising dahil naalala ko may pasok pala ako nag tanong ako sakanya
"Anong oras na?"
"6am." Maiksi niyang bigkas
Kahit maiksi lang yun ang laki ng impact nun saakin
"HA?!!!!!"
"Kailangan ko na mag bihis pati mag--"
"Iiwan mo ako?" With matching pouty lips...
"Ahmmm mabilis lang ako Kayle!~ babalik din naman ako agad eh."
"Hindi ba ako pwede sumama?"
"Ano kasi Kayle eh... di pwede..."
"Sorry talaga..."
"*sigh* okay lang sanay naman na ako simula noong bata ka pa Ivy well I guess ingat ka mamaya..." Ngumiti nalang siya saakin pero alam ko sa sarili ko pilit yun...
Sorry talaga Kayle...
||
"Guys!!! May bagong student daw!!!!"
"Hmm... balita ko mayaman daw siya."
"Oo yun din rinig ko! Pero di ako sure kung babae o lalake..."
"PAG LALAKE!! AKIN NA YUN!"
"PANO PAG BABAE?"
"HMM... PAPAGISIPAN KO HAHAHA."
"PWES SAKIN NA YUN!" Sabat ng katabi niyang lalake.
"KADIRI NAMAN RENZ SURE NAMAN AKO NA DI YUN PAPATOL SAYO EH LIKE SERIOUSLY?"
Yun agad unang bungad pagkapasok na pagkapasok ko campus.
New student? Well I wish... hindi siya katulad ng mga plastic na mayayaman katulad nila Camille
But I'm kinda curious about sa mga usap-usapan...
"Good Morning Avy!~" Sigaw ni Zayden mula palang sa gate sabay kaway niya saakin which make the other girls stare at me...
Bayan... mapapahamak pa ako dahil dito sa mokong to eh.
"How's your weekends?" Tanong ni Zayden saakin with a bright smile.
"Masaya naman dahil nakasama ko yung ted--- I mean si Kayle! Yung kababata ko." Napakamot nalang ako sa ulo kasi muntikan na ako madulas.
Whew... buti nalang!
"By the way... May bagong transferee daw?"
"Yeah, medyo na cu-curious rin ako kung sino eh."
"Well same here!~"
"Ngapala saan si Yuan? Bat di mo siya kasama?" Nag tatakang tanong ko sakanya kasi bigla ko'ng napansin.
At bigla ko nanaman naisip yung nangyare sakanila ni Kayle noong sabado.
"Ang tagal niya bumangon kanina eh sabi niya mauna na daw ako inaantok pa daw kasi siya, well... matagal niya na yun case kulag pa sakanya yung 12 hours na tulog."
Waaw... hindi ko naman din masisi si Yuan eh,masarap talaga matulog.
*Speaker: Good Morning HRZ pupils please go to the open area for the assembly*
Nag lakad na kami papuntang open area para nga daw sa assembly.
"Asan na ba yung hayop na yun?" Naiiritang tanong ni Zayden habang nakatingin sa convo nila ni Yuan na halatang finoflood na niya ng mga chat niya.
Biglang may humawak sa balikat ni Zayden.
"Miss me already?" Sabay ngisi niya kay Zayden.
At nag simula nanaman ang bromance ng dalawa...
"Siraulo! Ang tagal mo kaya!"
"*Laughs* Sorry naman di lang talaga kasi ako makabangon kasi panobanaman kagabi diba *wink*"
What the freak?! May ganitong side pala to si Yuan?!
KADERE NAMAN OH! UMAGANG UMAAGA!
"Bro... may babae... gusto mo talaga dumumi utak niyan?"
"Binibiro ka lang to naman hahaha wag mo siryosohin Avy ah?"
Waw himala pinansin ako ah? Parang noong sabado anino lang ako na nakikita niya.
Sasagot na sana ako pero nag start na mag salita yung president ng school.
Kaizer Jace Marquez
Matalino pero cold
Gwapo nga pero snobber sa mga babae
Pero hindi ko type ayoko sa mga cold na lalake
Kung para sa iba cool pag cold yung isang lalake pero para saakin kabaklaan...
Just kidding!~ close kami dati ni Kaizer noong elem kami kasi since grade 4-6 mag katabi kami.
Pero sadyang ganon lang talaga si Kaizer pare bumalik ugali niya nanaman
Dinadaan daanan na niya ako sa hallway well okay lang siya naman mawawalan eh...
"So the reason why kung bakit may pa assembly ngayon yung owner of the school kasi may transfer, and we all know pag may transfer...pinapakilala sa buong school."
"Meet Kirsten Joyce Medina the daughter of the owner of HRZ Highschool."
Halos lahat ng tao dito sa assembly nanlake mga mata also including me.
Di lang kami makapaniwala na may anak si Mr. Medina.
He never mention something for the past 3 years.
"Hi guys!~ so ako nga pala ulit si Kirsten Joyce Medina you can call me Joyce so mula ako sa school sa states then pinabalik ako ni Papa dito para maka pag aral din dito sa pilipinas so I guess yun lang muna for now."
Binigyan niya kami ng polite smile.
Mahaba buhok,medyo katangkaran,mukha din mabait
Tono palang ng pananalita niya mukha na agad cheerful.
Lahat kami pumalakpak tapos napatingin saakin yung Joyce at ngumiti saakin na rason din kung bat ako ngumiti.
Masyado nakakahawa ngiti niya hahahaha parang may virus lang.
||
Gumagawa na kami ng pinapa seatwork ni Ma'am as usual...
Sasabog na ang ulo ko...
Umagang umaga...
MATH
Sigeh galing!~ sobraaa talaga!
"Ash... ang sakit ng ulo ko..." sabi ng babae sa likod.
"Complaining already Ms.Lee? 2 months ka palang dito... gusto mo siguro... lumayas agad agad sa school na to ng di nakaka graduate?"
Napatahimik nalang kami lahat...
*knock* *knock*
Yes! Chance ko na maiglip!~ di naka bantay si Ma'am!!
Tumungo ako kahit may sigawan na nagaganap sa room...
"Ahm Hi~~" napatingin ako sa babaeng nakatayo sa right side ko.
"Hi seatmate!~~"
||
Recess na din sawakas!~~
Actually... buong math time nag usap lang kami ng bagong lipat na student.
"Recess tayo Avy!~" sabay hila niya sa kamay ko patayo.
Tumayo nalang ako kahit inaantok pa ako.
Habang nag lalakad kami papuntang canteen nakita ko nanaman si Kaizer kakasabi ko nga kanina ng sno-snob na to...
"Hi!~ Joyce so bahala na siguro si Avy mag tour sayo so hopefully may background ka sa school na to kasi nga naman owner father mo nito." Ngumiti saamin si Kaizer.
Nilagpasan na kami ni Kaizer ng biglang umimik si Joyce.
"Sino yun?"
"Tsk plastic..."
"Hmm? Sino? Ako?!!! Halaaaa!!!! Mukha ba akong plastic *pout*"
"Hindi!!! I mean... siya si Kaizer... sa una lang namamansin pero totoong ugali niya... cold..."
"Talaga? Ang labo sa itsura niya ah?"
"Bakit? Ano ba itsura niya para sayo?"
"Gwapo hehehe."
"*cough* *cough* nakooo Joyce!!! Yung mataa mo!~ malabo naa!!!"
"Baliw!!! Totoo naman kasi eh!!!"
"De seryoso ang labo na talaga ng mata mo!"
"BALIW! Tigilan mo nga ako nag sasabi lang naman ng totoo ah!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro