|Chapter 5|Trouble
Alvyanna's POV
Masyado na talaga ako naniniwala sa mga sinsabi niya...
Imposible man pero
Pano talaga kung totoo?
Namanage ko na ding bihisan tong dambuhalang to, although SOBRAAAAAAA HIRAP KASE HINDI KAMI PAREHO!
"Ivy!!!! TUMUTUNOG TYAN KO!!!! MAY HALIMAW BA SA TYAN KO?!!! BAT GANITO TO?!!"
Hindi ko mapigilan kundi tumawa. "Gutom ka lang siguro wait tignan ko kung may pwede ka'ng makain dito."
Tumayo ako at chineck kung may mga pagkain pa ba'ng natitira.
Pagbukas ko ng drawer sa kitchen... Ramen nalang natitira...
I guess okay na to sakanya?
Nag pakulo na ako ng tubig at ng kumulo ito nilagyan ko na ng noodles na nasa pack
Pagkatapos ko lagyan ng seasoning biglang parang may...
Yumakap saken?
"Ano yan? Wait... diba yan yung ayaw mo na pagkain? Bat mo niluluto?"
"Ivy?"
"Ivy! Okay ka lang ba?"
Para akong na paralyze... hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko hanggang biglang umapaw yuong pinapakulo kong tubig sa kaldero.
"Ouch!" Pumiglas siya sa pagyakap saakin sa likod at nag madaling tignan yung daliri ko.
"Ivy!!! Okay ka lang ba?! Bat kasi di ka nag iingat!" Hinihipan niya to na parang katulad lang ni Papa sa tuwing nag kakasugat ako o paso...
Hindi ko mapigilan mapatingin sa mga mata niyang parang kumikislap...
Yung black hair niya na bumabagay sa medyo pale niyang balat tapos yung labi na natural pink...
Sa panahon ngayon... wala ka na talaga makikitang katulad niya...
Pero ano ba talaga pinapagsabi ko?
Kagaya nga ng sinabi niya...
Hamak na teddy bear lang siya...
Naparang sa fantasy books lang nag e-exists.
"Okay na! Di mo na kailangan hipan di naman masyadong masakit." Ngumiti ako sakanya ng pilit pero hindi halatadong pinipilit ko.
"Ahmm... duon ka muna sa lamesa umupo ka muna duon!~"
Agad niya naman sinunod at nag lakad papunta sa tinuturo ko pag ka alis na pagka alis niya sawakas... nakahinga rin ako ng naluwag
Hindi parin ako makapaniwala sa mga pangyayare masyado mabilis ang pang yayare...
Nilipat ko na yung ramen sa bowl nilagay ko sa lamesa yuong pagkain niya pati inumin niya na rin
Grabe... ang daming pag dududa na sa isip ko ngayon pero sa totoo lang kung papagmasdan siya...
Para nga siyang inosenteng tao na parang walang alam sa mundo
"Thank you Ivy pero... wala akong gana..." Nilayo niya yung bowl at tumungo
"Huh? Ikakamatay mo pag di ka kumain Teddy---"
"Speaking of... hindi kita pwede basta basta tawagin na Teddy bear... kailangan may pangalan ka."
"Huh? Bakit? Nakasanayan ko na yun..."
"Kailangan mo yun... para rin naman sayo yun eh anyway... hmm... Flushie? CHUCHU? Squishy? Ano ba pwede kong pangalan sayo?"
"Ahmm... hindi ba puro mga pang aso yan mga pangalan sinasabi mo? Ano kaya ku--"
"Shhh! Nag iisip ako! Wag kamuna sumabat!"
"Pero--"
"Mamaya na! Kumain ka nalang!"
"Pero sabi ko nga--"
"Shhh!!!"
Hmm... okay so...
Slushy?
Renzie?
Simson?
Steve?
Spongebob?
Dexter?
Tarzan?
Racy?
Ano ba kasi magandang ipangalan sa nilalang na to?
Teddy's POV
Hmm? Masarap kaya to?...
pero pano kung magsalita na talaga yuong nasa loob ng tyan ko pag kinain ko to?
Baka mamaya lumabas siya sa katawan ko tapos kunin si Ivy?
Ayaw koo yuun mangyare!!
Ayaw ko may mangyare kay Ivy...
*Stomach grumbles*
"IVY!---"
"SHH! Wag ka na muna nga maingay..."
Ano gagawin koo???
Pero... baka ganito rin si Ivy tapos gamot niya to'ng... pagkain na sinasabi niya
Ahhh!!! Baka yun dahilan kung bat niya to ayaw! Siguro gamot to!
Kailangan ko to kainin! Para kay Ivy!
Hinigup ko yuong sabaw na nakapikit kasi inaakala ko maaring pangit lasa...
Pero...
Di naman...
Ang totoo nga...
Masarap siya!!!
Natapos ko na yuong pagkain pero parang nagiisip parin si Ivy...
"AH!!! Wala na di ko na alam kung ano pwede ipangalan sayo!"
"Ahmm bat kasi di--"
"WAIT NA IISIP KO NA WAG KA MUNA MAINGAY!"
"Ahm--"
"TEDDY!!! PLEASE NA RERECALL KO NA!"
||
Alvyanna's POV
Wala akong choice ngayong araw na to kundi lumabas kasama si...
Hindi ko parin talaga maisip kung ano ba talaga pa-pangalan ko sakanya
Pumunta kami sa mall para mapagbili ko naman siya ng kakaylanganin niya
Kaasar waldas nanaman to sa allowance ko!
Habang di pa siya bumabalik sa dati kailangan ko siya traduhin na parang tao
Kailangan ko siya gastusan sa pangangailangan niya sa araw-araw hindi naman na kasi siya tulad ng dati na laba tapos patayo okay na eh ngayon kailangan niyo kumain at etc
So ngayon suot niya yuong Loose Tshirt ko na halos akma lang sa size niya buti nalang talaga mahilig ako sa loose pants pati sa mga oversize shirt kundi di ko na alam kung ano susuotin nito
Pero bago kami makaalis ng dorm halos umabot kami ng 1 hour kaka ayos lang sakanya
Kasi first of all...
Babae ako at habang siya lalakeng teddy bear na naging tao buti sana kung babae to di ako mahihirapan eh kaso malay ko rin ba na lalake palang teddy bear to'ng binigay nila mama at papa saakin hindi naman malalaman yung gender pag teddy bear eh
Parang kulay na ngalang para malaman yung gender ng mga stuffed toy pag may ribbon at pang babae na kulay ibig sabihin syempre babae pero pag blue or green dun lang malalaman kung lalake siya
Eh siya naman brown eh...
Kaya pano ko malalaman kung anong uri siya?
At 2nd of all rin...
Syempre stuffed toy siya malamang yung amo nag papabihis sakanya atsaka hindi naman din siya nag bibihis para sa sarili niya eh
Kaasar bat po ba lord ng yayare to saakin?
Flashback
"HINDI KASI GANYAN PAG SUOT NIYAAN!!!"
"Pano ba kasi?? Turuan mo kasi ako Ivy!" Tinignan niya ako na parang nag papacute na ewan
Pero pano ko siya matutulungan?!
"Ahm... Ivy may sakit ka ba? Namumula ka..." naramdaman ko yung pag init ng pisngi at mas pinalala niya pa ito ng lumapapit pa siya
KAASAR!
Napansin ko rin na wala siyang pantaas kasi di niya alam kung pano mag suot ng t shirt na binibigay ko sakanya
Ni lean forward niya yung kamay niya at unti unti nilalapit sa mukha ko pero lumayo naman ako agad-agad
"OKAY LANG AKO! PERO PLEASE! MAG SUOT KA NG DAMIT!"
"DI NGA AKOOO MARUNOOONGG MAG SUOT NG SINASABI MO!!"
End of flashback...
Nasa classroom na ako ngayon pero hindi parin ako mapalagay na nakaya kong iwan siya duon nang mag isa...
Pano nalang kung nandun si Tita Beth anong gagawin ko?! Teka... oo ngapala sinabi ko pinsan ko siya...
Kaasar...
Panay rin ang ngising saakin ni Zayden... nakakaasar na din!
Kasalanan ko bang lalaki pala yung nakakalokang teddy bear na yun?!
Kainis sumasakit ulo ko sakanya, pero posible nga ba yun? Na ang isang teddy bear maging tao kagaya nang mga nasa fantasy book?
Habang nasa malalim na pag iisip ko di ko namalayan ay may nabungo nanaman ako.
"Sorry..." maiksing sabi ko, pero nabahala ako nang biglang naka tayo lang ang taong nabungo ko pag kakita ko ay si
Yuan?
Para siyang naging yelo at hinahanap kung ano ang dahilan nang makita ko ang isang
Pusa?
Lumapit ako kay Yuan na napansin ko napalunok nang laway nag titigan sila ngayon nang pusa na nasa harap niya I cant help it na matawa.
"Uy okay ka lang--" habang naka tingin parin siya nang dirertsyo ay napansin ko ang pag hawak niya sa kamay ko nang mahigpit.
"Ka-kailangan k-ko lang."
Teka...
Is he...
Takot ba siya sa pusa?!
I can't help it na matawa sa loob-looban ko, ang sungit-sungitang Yuan na to ay takot pala sa pusa!
Lumapit ako sa pusa dahilan nang pag kalas niya sa kamay ko,
"Swiswiwiswi." (Jusko! Basta isipin niyo nalang tinatawag ni Alvyanna yung pusa HAHAHAH)
Agad namab umamo ang pusa saakin dahil nang mapangiti ako, binuhat ko ang pusa na dahilan na mapa atras si Yuan.
"Okay lang." Nakangiti ko'ng sabi, umupo ako sa bench na nandito sa main campus.
Nakatingin parin siya saakin still scared the hell out of him.
binaba ko ang kamay ko at inilagay yun sa blankong space nang bench senyas na okay lang na umupo siya.
Halatang nag he-hesitate siya pa lapit na sana siya nang biglang humiga yung pusa sa kamay ko.
"Okay ngaaa lang, tignan mo oh, di ka aanuhin nito." Nakangiti ko'ng sabi, lumapit siya at dahan-dahan na umupo para parin siyang yelo.
"Wag ka ngang tumawa jan!" Kahit na panakot yung sinabi niya at natatawa parin ako kasi mukha siyang bata.
Nilapit ko ang pusa sakanya dahilan nang pag atras nang ulo niya. "Rawr."
"Tigilan mo nga." Kinuha ko ang kamay niya na sobrang lamig dahilan na naman upang matawa ako.
"Anong ginagawa m--"
Dahan-dahan ko itong nilagay sa ulo nang pusa dahilan nang pag pur nang pusa.
Pilit parin siya sa pipigilas pero habang tumatagal hindi na kaya binitawan ko na ang kamay niya.
"Alam mo, I've always been scared of this monster."
Monster talaga?
"Kasi... Hahaha why am I even opening up to you?"
"C'mon interesado ako."
Hinihintay ko siyang masalita pero natahimik siya at nag tagal ang pag titigan namin pero bigla siyang tumayo.
"Anyway kailangan ko na umalis." Dahil sa biglaang pag tayo niya ay bigla rin tumakbo ang pusa paalis sa lap ko.
Tumalikod siya at nag lakad.
Kainis interesado panaman ako.
Nuong tuluyan na siyang nakaalis ay hinanap ko muli yung pusa kaso--
"Ano ba yung sinasabi ko sayo nuon ha?!"
Yuan's POV
"C'mon interesado ako."
Kainiss... yun rin ang eksaktong sinabi niya nuon saakin...
Bakit kailangan ko pa siya maalala? At higit sa lahat...
Bakit ba ako nag kakaganito?!
Hindi siya yun Yuan so stop comparing her...
Nag ring na ang bell dahilan nang pag tigil ko sa pag lalakad.
Dismissal naman na... should I? Talk to her?
What am I even saying?!
Pansin ko ang pag dami nang tao pero...
Bukod sa dissmissal ay--
Bakit sila pumupunta sa isang direksyon lamang?
Hindi kaya...
Fck!
Alvyanna's POV
Tumama ang likod ko sa isang yero dito sa bandang labas nang school, pilit nila ako tinutulak hanggang mapunta ako dito.
"Anong sinabi ko sayo?!" Muling tulak niya saakin pero ngayon mas malakas kumpara sa kanina, ramdam ko ang pag hihina nang likod at mag malalang sakit na parang mag papasa ako.
"Sabi ko layuan mo siya! Layuan mo siya! Bobo ka ba?!" (Author: "bakit? Bakit?" Sorry HAHAHA hindi ko mapigilan sige balik.)
"Paulet-ulet ko sinasabi sayo layuan mo si Yuan hindi ba?! Bakit ba ang tanga-tanga mo?"
"O sadyang..."
"Gusto mo siya noh?" Tumawa siya muli at napahawak sa kanyang ulo na parang nababaliw habang ang dalawang tuhod ko ay pilit na nanginginig.
"Alam mo napaka landi mo, diba ganyan rin nang yare sa dating school na pinasukan mo?"
Hindi naman talaga yun ang dahilan...
Napakagat nalang ako sa labi ko dahil ito nanaman nang yayare
Parang kagaya lang dati...
"Diba sabi ko lubayan mo na si Alex? Aken siy Avy aken siya!"
Bakit ba ako parati ang nauuwing talo? Bakit ba... ako nalang parati...
"Napaka pokpok mo! Sabi na nga ba nuong una kang pumunta dito e... itsura mo palang kinakasulasukan ko na!"
I guess... ito nga talaga ang pang habang buhay na mang yayare saakin...
Parati nalang akong matatapakan...
Kahit anong tayo ko para sa sarili ko...
I'm still helpless...
Pilit ang pag sampal saakin dahilan nang di ko pag ramdam nang mag kabilaan kong pisngi.
I'm too numb to feel the pain anymore...
"Sumagot ka bakit ayaw mo sumagot!"
No matter how hard I try to be normal... bakit parang may sumpa ako...
I thought...
I really thought
This is I knew start
I guess I was wrong...
"Pwede mo bang tigilan?"
I guess I was wrong?
Inalalayan niya ako sa kamay habang magang maga ang mag kabilaang pinsngi...
At tanging nakapako lang ang mga mata ko sakanya.
"Okay ka lang ba Ivy? Kanina pa ako nag aalala sayo..."
"Sino ka ba?! Hindi pa ako tapos sakanya!"
"Are you dumb? I'm his boyfriend, so mind as well get your hands of her."
"You should be thankful at hindi ko ginantihan yung ginawa mo sakanya, or baka gusto mo?" Nakangisi niyang sabi.
"Tara na Ivy... dapat hindi mo nalang ako iniwan sa bahay kung ganito rin pala mangyayare sayo..."
"Naiiyak ako..."
"Ba-bakit naman?" Nanghihinang tanong ko.
"I can't believe na ganito kalala yung nangyayare sayo... and all I could do is listen to you nuong isa pa akong hamak na teddy bear mo."
"Don't worry from now on wala nang mang aapi sayo... naiintindihan mo ba ako?"
Yuan's POV
"Tabi!" Pag papaalis ko sa nga taong nakaharang at duon ko nakita si Avy... pupuntahan ko na sana siya kaso...
What am I even doing lala lang ang lahat...
Bakit ba wala ako magawa?
"SAGOT!!"
Dahil to saakin pero bakit wala ako magawa?!
Wala na akong pakealam...
Wala na akong pakealam kung mapahamak ako--
"Pwede mo bang tigilan?"
Napaatras ako nang dumating siya... at napa lingon pa saakin...
Kainis...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro