Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

|Chapter 4| T-teddy bear?

Alvyanna's POV

Natutulog na ako ng mahimbing ng bglang may naramdaman akong mabigat saaking braso,

but me being me hindi ko to pinansin, at niyakap ko nalang to, I just assume na teddy bear ko lang yung nayakap ko, since yun naman parati yung katabi ko,

ngunit ng lumipas ang ilang minuto nag taka na ako at napaisip, di parin binubuksan ang dalawang mata,

pero kahit anong taka ko sa utak ko di ko parin to pinansin dahil mas nanguna ang pagiging antok ko,

naramdaman ko na gumulong ang nilalang na nasa tabi ko at duon na ako nagising,

nanlake ang dalawang mata ko ng makita ko ang isang lalake na may brown-ish na buhok, at tila ba sobrang himbing ng kanyang tulog, napabangon ako mula sa kinakahigaan ko at napasigaw,

"SINO KA?!!!!" Natataranta ko'ng sigaw sakanya,

pano nag karuon ng isang lalaki dito?! at pano rin siya nakapasok dito?!

at higit sa lahat,

BAT SIYA WALANG DAMIT?!

Lumapit lang ang lalake patungo saakin at niyakap ang aking braso na para ba'ng walang narinig, "Shh, tulog lang tayo," ng masabi niya yun ay mas lalo niya hinigpitan ang pag kayakap saaking braso,

napadilat ang lalake at napahawak sakanyang kamay, saktong pag katitig niya saakin ay bigla ko siyang--

"ARGH!!"

nasapak...

nag tamo ito ng maliit na pasa sakanyang mukha at di ko na pinanasin at tumayo ako agad-agad,

"wait," nag salita ang lalaki at tila yata gulat na gulat siya base sa kanyang mata at napatingin ito saakin, "sinampal mo ko, at naramdaman ko iyon at ngayon--"

"teka! Avy! pakisampal--"

bago pa siya makapag salita sinampal ko ulit siya, napahawak siya sa kanyang pisngi at, "Di nga ako nanaginip!"

napakunot ang aking noo at napatitig sa lalaki, mukhang di basta ordinaryong tao nakapasok dito sa bahay, parang may saltik pa ata

"SINO KA?!!" tinignan lang niya ang kaniyang mga kamay at sabay tumingin saakin nang nakangiti na parang ubod nang saya ang kanyang mga mata, "Avy! ako to!"

napaisip ako mula sa sinabi niya, kanina ko pa pinapagmasdan ang kaniyang mukha pero di ko siya mamukhaan at saka sino ba namang tangang kilala ko aakyat dto nakatabi ko at hindi lang yun! nakahubad pa! wala naman akong kaibigan o kilalang katulad nang ganyan!

pero bakit kung umasta siya isang bata? pati ang pag react niya sa mga bagay-bagay parang isang batang walang kamuang muang sa nangyayare, kung ibang tao to sisigaw yun at tatakbo na yung iba pa nga siguro baka tumalon pa dito sa bintana dahil sa pag kagulat, pero siya?

"SINO KA NGA SABI EH! baka gusto mo tumawag ako nang mga pulis! okaya ipadampot kita kay Kuya Raffy?!" hindi niya pinansin ang sigaw ko, "kuya Raffy sino yun?"

"AH basta basta!"

hindi nga siya normal, pati pangalan na yun di niya kilala,

"hindi mo ba talaga ako nakikilala Avy? porket naging ganto lang ako," ang kaninay ubod nang saya ay napalitan ng lungkot base sa kanyang mga mata, bakit parag ako pa nagiging guilty sa nangyayare?

sino ba siya? at anong sinabi niya na porket naging ganto lang siya? HUH?! di ko maintindihan! basta malinaw lang sa utak ko isa siyang trespasser na manyak at mukhang stalker pa!

hindi ko na siya pinasalita pa at kinuha na ang aking phone at dinaial ang malapit na police station,

habang hinihintay ko may mag respond ay narinig ko siyang bahagyang tumawa, "porket naging tao lang ako, nakalimutan ako, tila ba yata nakalimutan mo na kung pano mo ko hinagis hagis dati naparang wala akong kwenta," nang marinig ko lahat yun ay dahan-dahan ko binaba ang aking phone at napalingon sakanya,

[Hello ma'am?  hello?]

"Anong sinabi mo? bakit parang di ka isang tao." napatawa nalang ako mula sa binitawan ko'ng tanong pero tinitigan lang niya ako ng seryoso, "kasi di naman talaga, ako to Avy yung teddy bear na binaliwala mo nuong una pero unti-unt minahal mo kasi ako lang yung naiwang ala-ala nang magulang mo,"

imposible...

Someone's POV

"bat niyo yun ginawa? bat niyo nanaman siya muling binuhay! hindi mo man lang ba naisip na baka makilala siya ng mga tao?!"

"ginawa ko yun dahil gusto ko! at wala ka na magagawa Margaret! tandaan mo kung wala ako sa tabi mo nun di mangyayare yung bagay na yun!"

"di ka talaga nag iisip noh? nanghihina ka na pero mas pinili yun gawin kaysa mag pahinga nassiraan ka na ba talaga ng ulo Ma?!"

"Dahil yun lang ang pwede ko gawn para makabawi sakanila, yun lang paraan,"

Alvyanna's POV

napatawa ako ng malaks mula sakanyang sinabi. "sinasabi mo lang yan para di kita ipahuli sa mga pulis noh? HAHAHA sorry kuya o manong ah? ang laos nang palusot mo at saka di pa makatotohanan sino ba naman maniniwala sa sinabi mo? ano yun? may isang mangkukulam na or witchcraft chuchu gumawa sayo niyan? HAHAHA tignan mo oh nandito yung--" nang lumingon ako sa kama ko ay wala nga yung teddy bear,

napalunok ako nang laway at naptitig sakanya, ngunit sa di inaasahan may napansin ako sa kaniyang mga mata, pamilyar ang kaniyang mga mata, hindi pwede...

"maniniwala ka na ba sakin?"

lumipas ang ilang mga oras kaka usap ko sakanya at lahat nang kaniyang sinabi ay nag tugma sa ma experience ko noong bata ako, bawat detalye ay akmang akma para ba'ng walang dungis o kung anno man nabago, habang pinapakingan ang kaniyang mga kwento ay para ba'ng nag akaruon ako nang nag saslitang diary sa harap ko,

Paniwalang paniwala na ako sa mga sinasabi ng kanyang utak at bibig ngunit kung nasa isa kang utak ng normal na tao, hindi ba't mahihirapan ka ring paniwalaan ito?

habang patuloy siya nag sasalita napa kagat ako sa kuko at napaisip,

Lahat ng mga binangit niya ay akma nga sa storya ko pero hindi ibigsabihin ng lahat ng kanyang sinabi ay di alam ng iba... halos lahat ng kanyang sinabi ay konektado sa mga tao, napansin ko na... kahit isang pangyayare na kaming dalawa lang teddy bear ko wala siyang binangit, at parang duon na ako nag duda,

Tumawa ako ng pasimple, "funny one mr teddy bear," sinabi ko yun habang naka angat ang dalawang daliri at binukas sara, "satingin mo ba makukumbinsi mo ko? HAHAHAHA hindi noh!"

nakasimangot muli siya, napansin ko na parang nanghina ako noong bigla siyang sumimangot na parang may pumipisil sa puso ko at nag bibigay dulot to ng matinding sakit,

Argh! Bat ba ako nag kakaganito? Bakit parang naawa pa ako sakanya kada simangot niya? Remember Avy! Isa lang siyang kung sino na siraulong nag papakilala bilang teddy bear mo! Isang bata lang kung tutuusin ang mag kakaruon ng alybay na ganon,

Tumayo muli ako at sinuot yung jacket ko at kinuha ang phone ko upang idial muli ako number ng mga prinsinto,

Pustahan kahit prisinto matatawa sa mga paliwanag niya,

Nakatingin ako sakanya habang ang telepono ay nasa aking tenga, pero hindi ko muna ito dinial, nag papangap ako na as if may tinatawagan ako,

Dahil ko alam parang may nag sasabi saakin paniwalaan ko siya, parang tanga diba? Kahit sarili ko wala na sa katinuan dahil sa lalakeng di ko naman kakilala-kilala,

Habang pinapag masdan siya ng ilang segundo ay napansin ko hinhigpitan niya ang kamaong niya na parang inis na inis, hindi ko maintindihan kung bat siya tilang naiinis, dahil ba hindi ko kayang paniwalaan ang kanyang mga pinag sasabi?

"Kulang pa ba yung mga sinabi ko sayo?" 

"12:48am hanggang sa sumikit ang araw, iyak ka ng iyak, begging na sana makita mo muli yung parents mo, Dec 24 2013 exact date na sobra kang na depress na to the point na lahat ng bagay sinisi mo sayo kahit pag kamatay mo ng parents mo, at ako? Ako yung tumayong kaibigan mo sa loob ng panahong yun, ako yung sinasabihan mo ng mga sikreto at sama ng loob, kaya sabihin mo... Avy, please maniwala ka naman,"

| |

Kinausap niya pa ako ng kinausap, gusto niya talaga ako kumbinsihin, baliw man pero wala na tumutulak saakin para hindi siya paniwalaan sa mga gusto niyang sabihin,

Pero ang tanong... pano siya nag kaganito? How does he turn into a freaking human? Kung isang bagay laman siya? Could be some witchcraft or what?

Okay lets erase that for a second, first things first...

wala siyang pangalan, at higit sa lahat WALA SIYANG PUTAKTENG DAMIT O ANO!!!

Pero syempre may matalino akong utak, hindi ko naman basta basta papalakarin tong dambuhalang to sa bahay ng walang saplot o ano, grabe... hindi naman ako manyak na babae kahit sabihin mo pag mamay ari ko tong nilalang na to!

Wala ako naging choice kundi mag doorbell sa kabilang bahay which is... yung kaila Zayden...

A-anong sasabihin ko?

Nagagamitin ko yung underwear ni Zayden? Ano-ano?!

Pero hindi ba mag mumukhang pinapag pantasyahan ko siya or something like that?

Nuong ma pindot ko yung doorbell duon nag simula kumalabog ang dibdib ko na hindi ko maintindihan

Pero  naging triple ang nerbyos noong binuksan niya yung pinto,

"A-avy anong oras na ah?" Hukab pa siya at halos kalahati lang nang kanyang mata ang nakadilat.

"Ahrm..."

"Ano ba yun?" Pag kukuskos niya sa mata niya.

"Pwede bang hiramin yung under wear mo?"

Fudgeeeeeeeeeee!!

Ano kaya ang sasabihin niya?

Ano kaya ang sasabihin niya?!!!.

"Avy..." imik niya habang nag lalakihan ang dalawa niyang mga mata.

"Pi-pinapag pantasyahan mo ko?!" Sabay hawak niya sa kanyang katawan.

"Hindi!"

"Uy Avy... ku-kung underwear pa ni Yuan maiintindihan ko, pero saakin?! Ikaw Avy ah!"

"Hindi nga yun!"

"Then ano nga?"

"Ano..."

"Lalaban mo?"

"Aamoy amoyin mo kasi na cu-curious ka?"

"Or--"

"AVY LALAKI KA?!"

"Hindi nga!!!!!!!

"Ano nga kase yun para hindi ako mag malisya."

"Yung pinsan ko kasi, ah oo! Nandito siya e bumisita siya kaso wala siyang pamalit!"

O-okay na ba yun?

"Jusko naman."

"Please kahit isang underwear lang."

"Pero bakit kailangan brief ko? Bat hindi nalang yung kay Yuan?"

"Eh ano gusto mong isipin niya pag sinabi kong paheram nang brief mo Yuan?"

"Eh para naman sa pinsan mo yung underwear e."

"HOY TANG*N*NG BRIEF AT UNDERWEAR YAN!!! GABING GABI NA MGA GUNGGONG TAPOS PINAPAGUSAPAN NIYO PA YAN?!! KUNG PINAHERAM MO NALANG KASE SANA NG BRIEF YAN! LETCH*ENG GABI NGANAMAN OH!" Nanlake ang dalawang mga mata namin ni Zayden dahil sa unit na katapat namin.

"Akin na kasi!!" Napabuntong hininga siya bago tuluyang pumasok sa loob.

Takte kaseng teddy bear na yun bakit kinakailangang maging lalaki pa siya!

Pag pa labas ni Zayden ay binigay niya saaking ang isang pack mukhang hindi pa gamit. "Sorry to dissapoint you pero hindi yan gamit." Sabay kindat niya saakin.

Kadiri!!!!!!

"Oo na ibabalik ko nalang sayo ah."

"Please no, sabihin mo jan sa pinsan mo mamahalin pa yang underwear na yan kaya--"

"TANG*NAAAAAAA!!!"


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro