Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

|Chapter 25|Please... Stay

Kayle's POV

"JUSKO!!! AVY APO! WAG MUNA PLEASE! DI KO NA KAKAYANIN MAWALA KA APO!" Humahagul gol na sigaw ng matanda mula sa labas ng pintuan.

"IVY!!! LUMABAN KA!!!" Sigaw ko mula sa labas habang sumisilip sa glass window

"CLEAR!"

"CLEAR!"

Flashback

"MAMA WAG MUNA PO KAYO MAWALAA!!!!! AYAW KO PO!!!!"

Unti unti ko naalala yung kaparehong pangyayareng to 8 years ago kung saan si Avy lang nakaligtas from that accident

Habang ang papa niya nasa kabila kaparehong pareho na ginagawa sa mama niya

Ang sakit makita na... nakikitang ganito siya...

"MAMA!!!!"

End of Flashback

Bakit ba to nangyayare?! Bakit kailangan mawala yung mga tao na minamahal ko kung kailan nag katawang tao na ako?!

Ano pa'ng use ng pagiging tao ko kung ganito lang nangyare?!

Pero parang tumigil pag tibok ng puso ko ng biglang bumalik sa dati yung pagtibok ng puso niya base sa monitor

Alvyanna's POV

Papasok na kami sa gate ng biglang may naalala ako...

"Hindi po ako sasama Ma..."

"Ba-bakit anak? Ayaw mo ba ako makasama?" Tinignan ako ni Mama na parang nagulat sa bigla ko'ng pag bago ng desisyon

"Mas maraming nangangailangan saakin ma si Lola atsaka yung mga kaibigan ko na kakakilala ko lang ayaw ko po silang iwan mahal na mahal ko po kayo ma at sobrang miss ko na po kayo! Pero napamahal na po ako sakanila ma eh...

At higit po sa lahat mas kinakailangan ako ni Kayle yung kaibigan ko... ayaw ko po siyang maiwan mag isa sa lupa."
Napayuko nalang ako pagkatapos ng mga salitang binitawan ko kay Mama natatakot ako na kahit na nag explain na ako sakanya ay isipin niya parin na mas gusto ko pa silang makasama kaysa kay mama...

Narinig ko na tumawa si Mama may naramdaman din ako na kamay sa aking pisngi at hinarap ako ni mama unti unti sakanya

"Tama yan anak masaya ako na iniintindi mo sila na kahit na nakita mo na ako ay di nawala yung pag mamahal mo sa iba hindi ka naging selfish na kinatuwa ko anak dahil ganyan kitang pinalaki kaya masayang masaya ako anak." Nakangiting sabi ni Mama saakin habang ako naluluha na at niyakap siya ng mahigpit

"Ma! Mahal na mahal ko po kayo! Mamimiss ko po kayo!" Naluluha ko'ng bigkas habang niyayakap siya ng mahigpit na parang walang pabukas

Ayaw ko man siya iwan pero mas nangangailangan sila saakin at natitiyak ko naman na masaya si mama kahit papaano dito dahil simula ng makita ko siya walang bakas ng kalungkutan sa mukha niya

Hindi katulad ng dati na halos araw araw siyang namromroblema dahil sa financial namin

Hindi kami isang perpektong pamilya na inaakala mga tao saamin wala namang perpekto diba? Bawat pamilya may problema na kinakaharap sa araw araw at di rin kami na lalayo duon

Mukha man parati kaming nakangiti at may maayos na gamit pero punong puno ng problema kung sakaling maging parte ka ng pamilya namin

Kaya halos maluha ako kanina ng makita siya hindi lang dahil namiss ko siya kundi ang kasiyahan sa mukha niya

Hinawakan ni Mama ang aking likod habang umiiyak ako maari siguro naririnig niya ang aking kagulgol "Tahan na anak mag kikita rin tayo muli at mag kakasama ng habang buhay pero kagaya ng sinabi mo mas maraming nangangailangan sayo." Kumalas si mama saaking yakap at hinawakan ang mag kabilaan ko'ng balikat "Mukhang kailangan mo na bumalik aking anak."

Pinunasan ko ang aking mga luha at ngumiti kay mama "Paalam na po Mama!~ sasusunod na pag kikita po natin!" Nag lakad na ako palayo habang si mama kumakaway saakin na nakangiti

Pero...

Buti nalang may naalala akong gustong sabihin kay mama bago umalis

Lumingon ako kay Mama "Mama pakamusta mo ako kay Papa ah!" Pasigaw na sabi ko

Ngumiti lang saakin si mama na pinag taka ko...

Bakit ngiti lang ang sinagot ni mama?

Nag lakad nalang ako muli pero habang naglalakad ako may bumulong saakin "Anak, ako ang ikamusta mo sakanya."

Yuan's POV

Mabilis akong tumakbo papunta Er dahil nabalitaan ko na tumigil ang pagtibok ng puso ni Avy base sa monitor na nag babantay sa pag tibok ng puso niya...

Hindi maaring mawala siya saakin! Hindi pwede!

Pagkarating na pagkarating ko dun nakita ko si Kayle at isang matandang babae na nag pupunas ng kanyang luha gamit ang panyo

"Kayle! Kamusta ang lagay ni Avy?!"Hingal na hingal na tanong ko sakanya habang nakahawak saakin tuhod at halos tumutulo na ang aking pawis dahil sa pagod

"Okay na stable na ang kalagayan niya at bumalik na dati ang pagtibok ng puso niya."

Para akong nakahinga at naginhawaan sa balitang sinabi niya sa aking katanungan pero sino ba to'ng babaeng matandang to? Relative ba to ni Avy?

"Ahm sino ho sila?" Inahon ng matanda ang kanyang ulo at tumingin saakin habang pinupunasan parin ang mga luha niya habang ang kamay ni Kayle nasa likod lang ng matanda

"Ako ang lola ni Avy iho." Pilit na ngiti ng matanda habang pinupunasan parin ang kanyang mga luha

Joyce's POV

"Kumalma ka po Ms! Kumalma ka... okay na yung isang pasiyente na kaibigan niyo stable na ang kalagayan niya di mo na siya kailangan puntahan."

Para akong nakahinga sa tugon saakin ng nurse hindi ko napigilan ang aking emotion sa balitang natangap ko para akong di mapakali at gustong tangalin ang nakalagay sa aking kabilang pulso

"Mabuti naman..." sabay hawak sa aking dibdib at nakahinga ng maluwag

"Ahm nurse wala pa po ba'ng dumadalaw saakin maliban sa lalake kanina?"

Halata sa itsura ng nurse na parang napaisip siya at parang nag dadalawang isip

May gusto ba siyang sabihin maliban sa tanong na tinatanong ko?

"Ano po kasi ms may tumawag po saamin at sabing hindi daw po pwedeng umalis siya sa trabaho nila maaring tatay niyo po ata yun? At sabing kami nalang daw po bahala." Bigla akong napayuko sa sinabi ng nurse saakin

"Pero wag po kayo mag alala dahi--"
Inunahan ko na ang nurse sa pag sasalita niya dahil alam ko isa nanamang kasinungalingan ang sasabihin niya kung sakali dahil marahil siguro gusto niya pagaangin ang aking loob

"Okay lang pwede kana bumalik sa mga ginagawa mo okay lang ako alam ko naman busy ka rin eh." Nakangiting sambit ko sakanya habang ang nurse bakas sa mukha niya ang pag kagulat sa pinakita ko'ng response sakanya

"Si-sigeh po Ma'am." Tahimik na umalis ang nurse sa kwarto ko at dahang dahan na sinara ang pinto

Pag kalis na pagalis ng nurse napaisip ako...

Tama nga ang hinala ko... para sa tatay ko wala akong kwenta na trabaho lang talaga ang prina- priorities niya imbis na ako

Parang hihintayin niya pa talaga akong mamatay bago siya makadalaw sakanya

Ibang klase talaga...

Napakagat nalang ako sa labi ko at mas piniling di umiyak kahit sobrang sakit

"Kristen?" Silip ni Kaizer sa pinto

Nilingon ko siya at ngumiti "Oh! Nanjan ka pala!"

Sinarado niya ang pinto at nilapitan ako "Bat ba gusto mo mag pangap nalang parati ha?" Napatahimik ako sa katanungan na sinabi niya saakin at parang di ko alam ang sasabihin

"Gusto mo parati mag pangap na okay ka kahit hindi? Bakit?"

Napangiti nalang ako sakanya "Bat ko kailangan damdamin yung mga bagay na walang kwenta? Bat ko isipin yung mga bagay na alam kong nakakasakit saakin? Kung alam ko naman luha lang ang kakalabasan nun..."

"Pero hindi mo kailangan maging matatag parati Kristen... alam ko'ng naiipon yan lahat jan sayo..."

"Nag kakamali ka Kaizer... kasi nalalabas ko to sa isang tao yuon ay si Avy kaya ganon nalang kung mataranta ako at umiiyak ng malaman ang kalagayan niya kaya hindi mo rin ako mapipigil sa emotion ko..."

Someone's's POV

"San ka pupunta?!"

"Pupuntahan ko siya!"

"At baket ha?! Kayo ba ha?! Takte ka! Ilalag lag mo lang ako! Alam mo ba pwede akong makulong kung pupuntahan mo siya! Pwede akong ma trace Alex!"

"Wala akong pake!"

"Umayos ka! Kung ayaw mo pati pamilya mo Alex madawit! Alam mo naman kaya ko'ng gawin diba?!"

"Lam mo... nag sisi talaga ako na naging tayo! Sana di nalang ako nag karuon ng jowa na katulad mo! Lam mo siguro nga ang tanga ko dati! Napinag palit ko siya over you!"

"Huh! Finally alam mo! Pero sa totoo lang Alex... I guess kulong ka na sa bitag ko its your wrong decision..."

2ND PERSON'S POV

"Wala ka ba talaga siyang plano puntahan? Nasa hospital siya..."

"Do you think she can be able to recognize me?"

"Of course malapit ka naman sakanya after all right!"

"Tama ka nga... anak ko naman din siya after all... alam ko hindi niya pa ako makakalimutan."

































Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro