Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

|Chapter 23|Hindi ka dapat nadamay...

Alvyanna's POV

"Its already 30mins Avy... I guess your prince charming wouldn't come *laughs* poor little Avy and Joyce." Nagsitawanan lang sila habang nakatingin sa relo...

Mukha silang mga demonyong nag didiwang...

Hindi ko akalain na ang katulad nila mahahantong sa ganitong point...

Na kung saan si Stacey may dalang baril at ang iba... nakikisama kay Stacey na parang ginayuma...

Wala akong magawa dahil nakabusal ako hindi ako makagalaw dahil sa lubid na nakatali sa kamay ko

Habang nag tatawanan sila napalingon ako kay Joyce

Sorry Joyce nadamay ka pa talaga saakin

Nadamay ka pa talaga sa parang sumpa na nakabaon sa sarili ko...

Hindi ka dapat nandito sa kalagayan na to... hindi ka dapat nakatali at nakabusal patawarin mo ako Joyce...

Lord, kung sakali man ito na yung huling araw ko... lord kayo na po bahala...

[]

Yuan's POV

Lumipas na ang 30 mins sa pag hahanap namin at kung makikita rin ang tanawin kung lilingon kami ay napaka layo na talaga namin sa pinang galingan namin pero wala... wala parin talaga kahit clue wala...

Walang bakas o kahit ano pa man...

"JOYCE!!!!!!! AVYYY!!!!!" Sigaw parin ni Zayden sa pag hahanap namin...

Kung mapapansin rin sa boses ni Zay parang mamaos na...

"Mag pahinga muna tayo..." Sabi ni Kaizer na nakaupo na sa malaking bato.

"PAHINGA?! ANONG SINASABI MO?!HINDI TAYO PWEDE MAG PAHINGA KAIZER!" Sigaw ni Kayle habang nakatingin ng diretsyo kay Kaizer.

Habang nakaupo si Kaizer tila ba... blanko na ang expression ng kanyang mukha.

"Kayle... nag aalala rin ako... sobra natataranta ako sa loob looban ko pero kaylangan din natin mag pahinga..."

"Hindi yan totoo..." Wika ni Kayle

Napalingon kami lahat kay Kayle ng sinabi niya yun. "Kung totoong nag aalala ka makakalimutan mo na yung kalusugan mo lahat lahat at tanging iniisip mo lang ay sila! Hindi mo mararamdam yung gutom o uhaw dahil iniintindi mo sila! Pero sigeh fine! Mag pahinga kayo basta ako... hindi ako titigil..." Nag simula ulit maglakad si Kayle at unti unting lumalayo saamin...

"Tara na... may point si Kayle, Kaizer."
Bigkas ko kay Kaizer.

[Fast forward]

Kayle's POV

Habang nasa kalagitnaan na kami nang pag lalakad para kami nasa hindi masyadong mapuno na lugar kung ikukumpara sa mga na pag lakaran namin.

Biglang napahinto si Zayden sa pag lalakad pero kami hindi to kinabahala at nag patuloy parin sa pag lalakad

"Ahmm... guys nakikita niyo ba nakikita ko?" Bigkas ni Zayden habang may tinitingan mula sa malayuan.

"Nakikita niyo ba yung bahay na yun?"

Nag lakad pa kami hanggang nakita namin yung sinasabi ni Zayden...

Ito na  kaya yun?

Alvyanna's POV

"1 hour just pass Avy... so I guess its a goodbye?" Tinangal ng mabilisan yung  busal sa mga bibig namin at nandun parin siya...nakangiti...

"Sino kaya iinuhanin ko sainyo?"

"Since gusto ko inuhin yung walang may sala gagawin ko syempre..."

"WAAAG---!!!!!" Sigaw ko sakanya binalik ulit sa bibig ko yung busal kaya halos wala ng boses maririnig sa buong kwarto pero lumapit siya kay Joyce at wala rin akong magawa may dala siyang hand knife

Kinuha niya yung braso ni Joyce ng isang hablutan lang pansin ko ang pilit na pag piglas ni Joyce pero hindi parin kumakawala sa kamay ni Stacey.

"Ang ganda naman ng braso napaka kinis walang bakas ng kung ano... bakit di natin lagyan ng konting desenyo?" Tinaas ni Stacey yung hand knife na hawak hawak niya at unti unting binaba sa wrist niya

Nanlake ang mga mata ko at parang nanlamig...

Hindi ko napigilan ang pag agos ng aking mga luha sa pangyayareng napapagmasdan ko ngayon...

Unti-unti lumabas ang dugo mula sa wrist niya habang nakikita ko si Joyce na halos namumula na at pilit na sumisigaw pero walang marinig na boses

Napapikit nalang ako...

Please...

Pleaaasee...

TAMA NA!!!!!

Unti unti ko'ng napapagmasdan ang pag diin niya sa hand knife...

"AAAVYYY!!!!!! JOYCEEE!!!!!!!! NANJAN BA KAAYOOO?!!!"

May narinig ako na sigaw galing sa labas...

Kayle?!

"Sht!" Agad agad niya tinangal mula sa pag kabaon ang hand knife na sa wrist ni Joyce

Dali dali silang tumakbo papuntang kabilang pintuan at nakatakas...

Agad naman ito nasundan ng pagbukas ng kabila pa'ng pintuan...

"Joyce!"

"Avy!"

Dali dali akong pinuntahan ni Kayle at tinangal yung busal at lubid at sinundan ito ng yakap niya hindi parin tumigil sa pag agos yung mga luha ko

Bumitaw ako sa yakap at nilingon si Joyce nayakap yakap ni Kaizer

"uy... Uy!! Kirsten! Dumilat ka kahit san dali please!" Mangiyak ngiyak na bigkas ni Kaizer habang yakap yakap niya si Joyce

"Ano ba... president ka pa naman diba?... bat ka umiiyak... sabi mo dati mga isip bata lang ang umiiyak... kita mo isip bata ka rin pala." Bigkas ni Joyce. Tinignan ni Kaizer si Joyce habang naka hawak sa mag kabilaang balikat niya "Oo isip bata na ako kung isip bata...pero pleaase wag ka aalis ah?"

"Siraulo..." ngumiti si Joyce pero sumunod nawalan na siya ng malay...

"Kirsten? Kirsten!"

Bumukas muli ang pintuan at nakita ko sila couch at iba pa...

"Tu-tumayo ka muna..." utal utal na sabi ni Kayle habang nakakapit sa kamay ko halos di ako makatayo... pero Inilalayan ako ni Kayle pero...

*Bang*

Bigla ako napahawak sa bewang ko at nang matignan to...

Dugo?...

"AVY?! AVY!!!"









Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro