|Chapter 22|Missing
Author's Note: Sa Chapter na to hindi katulad ng ibang chapter
makikita niyo yung point of view ng ibat ibang tao HAHAHA sana di ako maguluhan
~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~
Kayle's POV
"Kayle!"
"Kayle!"
"Bakit mo ko iniwan?"
"Ivy?" Napatingin ako sa batang babae. "Akala ko ba... pang habang buhay pagiging magkaibigan natin... pero bakit mo ako iniwan?..."
"Ivy alam--"
Tumakbo palayo ang bata habang umiiyak hindi ako makagalaw kaya hindi ko siya mahabol pilitin ko man.
"Ivy!"
"Ivy!"
Biglang napa tigil ang bata at lumingon saakin. "pero kahit ganon paman... salamat..." Sabay pilit na ngiti ng bata.
"GISING KAYLE!" Bigla akong napatayo mula sa sigaw na narinig ko nakita ko si Yuan hingal na hingal.
"Bakit nanaman ba?!"
"Hindi to yung oras ng pag tataluhan natin Kayle! Tigilan muna natin! Ang isipin natin kung nasaan si Alvyanna pati Joyce!"
"Anong ibig mo'ng sabihin?"
"NAWAWALA SILA!"
[]
"Joyce! Alvyanna!"
"Kaizer bat di ka mag patulong kayla coach? Di natin kakayanin ng tayong apat lang! Mahihirapan tayo dahil ang lawak nito oh!" Tumakbo ng mabilis si Kaizer maaring papunta sa mga tent nila couch habang kami napapalayo na sa pinang galingan namin.
Asan ba kasi sila?...
"Diba... kasama mo si Avy noong iniwan ko siya?" Sabay lingon ko kay Yuan.
"Sinisisi mo ba ako?" Napatigil sa kami sa paglalakad at nag karuon ng seryosong tinginan.
"Diba kakasabi mo lang? Tigilan muna natin yung pag aaway natin, nag tatanong lang naman ako ng maayos walang kasamang intesnyon mang hamon ng gulo o away."
Huminga ng malalim si Yuan at sabay sabing "Oo kasama ko siya pero pag katapos nun hinatid ko na siya kasama si Joyce pati Zayden sa tent nilang dalawa ni Joyce masaya kana?" Nag simula kami muli sa paghahanap ng maisagot na niya ang aking katanungan.
"Pero sa totoo lang... alam mo pinapagtaka ko? Iniwan mo nalang basta basta si Avy na parang wala kayong pinagsamahan mag kababata kayo diba? Nag kakapagtaka nganaman diba? na ang isang katulad mo na parang nakikipag kompetensya para kay Avy ay biglang nawala at nag iba pa ang paguugali mo... umamin ka nga Kayle, bakit?" Napatigil ako sa kinakatayuan ko noong tinanong niya yun.
Kung pwede lang sabihin na... oo nag seselos ako ng walang katuturan at di dapat
Nag seselos ako na di dapat kasi isa lamang akong laruan na dapat di namumuhay dito at kumikilos
Kaso may mga bagay na hindi dapat mabunyag o malaman ng iba dahil maraming pwede pag sisihan sa magiging resulta nun.
[]
Kaizer's POV
Takteng babaeng yun! Pinapahirapan pa talaga kami sa pag hahanap para saakin isa rin to si Avy! Kaasar...
Pero pano kung... na kidnapped sila?
Bwiset nganaman oh!
Pero kung iisipin din...
Sinong siraulong pwedeng makapasok dito sa camping namin? Eh kami kami lang naman at may gate rin kung tutuusin...
Letche! Malaman laman ko lang talaga na hindi sila nakidnap at nag gala gala lang sila... gigilitan ko talaga sila!
Someone's POV
"Bakit mo ba to ginagawa?! Hindi pa ba ikaw natatahimik?! Plano mo ba sirain buhay ko?!!!!"
Unti-unti ko siyang nilapitan "To many question... Avy... napaka daldal mo parin noh?"
"SAGUTIN MO AKONG IMPAKTA KA!"
"Bakit mo pa ginagambala buhay ko ha?! Atsaka bakit pati kaibigan ko dinamay mo pa?!"
"Cause I freaking hate you Avy! Nawala ka na nga! Pero parang yung presence mo nabubuhay parin sakanila! You know what? Sana di nalang kita friname up eh! Sana tinuluyan nalang kita!"
"I guess you just spill up the truth..." Pabulong imik niya at unti-unti siyang tumingin saakin na nakangisi.
"Alam mo tama nga sinabi ng iba eh... ang daming nag iiba ang ugali over jealousy!" Biglang nag salita yung katabi niya at sumigaw pa na halos rinig na rinig sa kwarto...
"Can you just shut up?! Wala ka'ng alam! Kaya wala ka'ng karapatan para makisabat sa usapang to!"
"EH BALIW KA PALA EH! MAY KARAPATAN AKONG DEMONYO KA KASI FIRST OF ALL KASAMA AKO SA KINIDNAP MO!"
"Busalan niyo nga yang madaldal na palaka na yan!" Sigaw ko sa mga sakanila at ginawa naman nila ang pinapautos ko.
"Papagbayaran mo talaga to Stacey... nakakasigurado ako dun... alam mo ba I suffer for 2 years ng dahil lang pala sayo! Hindi mo kasi alam ang feeling na ma frame up! Na halos lahat ng tao hindi naniniwala sayo dahil sa chismis na walang katotohanan! Kasi ang alam mo lang! Mag higanti pero ang ugat lang naman ng pag hihiganti mo ay selos!"
"MANAHIMIK KA!!!!!" SABAY NG PAG PUTOK NG BALA SA KALAPIT NIYA NA LAMESA
Agad agad naman binusalan si Avy pag katapos ng pag putok bala
"Lam mo sa totoo lang Avy... mas higit pa sa dalawang taon ang pag dudusa ko! Hindi mo din alam mga naramdaman ko sa buong buhay na pakikisama ko sayo!
HINDI MO ALAM LANG ALAM KUNG GAANO KASAKIT MA BALIWALA NG DAHIL SAYO AVY! ALAM MO BA SOBRANG HIRAP MABALIWALA?! Kasi ito ikaw... mataas na halos lahat ng istudyante tinitingala ka... eh ako... ano ako? Sa tuwing may gusto ako alam mo ba sinasabi saakin?
HINDI PWEDE... KASI KAY AVY NA TO... HINDI PWEDE KASI PWESTO NA NIYA TO... HINDI PWEDE KASI OFFER NA TO AY PARA KAY AVY... HINDI MO LANG ALAM ANG HIRAAPPP!!!"
"Kaya kung akala mo... may makakahanap sainyo? Pwes para sabihin ko... wala kasi bago ko tapusin buhay mo sisiguraduhin ko papahirapan pa kita..."
[]
Kayle's POV
"Sir! Sure po ba talaga kayo na walang naka pasok dito kahit sino man?!"
"Sorry po talaga sir... nag break po kasi kami kanina atsaka yung cctv parang namatay o kung ano..." sa di mapigilang emotion napa hampas ako sa desk ng guard house
"KAASAR!!!"
"Pre! Walang madudulot yang galit mo! Kaya kalma!"
"Hindi mo kasi alam Zayden eh! Importante saakin si Avy! Kahit na may hindi kami pag kakasundo! Isipin mo kaya yung pinakamamahal mo na tao mawala sayo! Ano na iisipin mo diba?!"
"Kumalma muna lahat! Ngayon mag focus tayo sa pag hahanap! Kasi walang magagawa ang emotion kung mag papadala tayo!" Sigaw ni couch habang nakatingin saakin.
Nag lakad ako ng mag isa papunta sa hilaga habang ang iba sa kanlungan
"HINTAY KAYLE!" Sigaw ni Kaizer kasama sila Yuan at Zayden.
Sana okay lang sila... please Avy sana mahanap kana namin...
Parusa ba to saakin? Dahil sa mga inasta ko?
Nag sisi na ako... sobra sobra kung sakali yun man ang dahilan...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro