Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36: Before its too late

Author's Note: Ito na po ito na po ang pinaka hihintay niyong chap HAHAHA sorry natagalan peace!

Oh! and by the way sa chapter na to medyo focus din para kay Sunny and Zayden kasi napapansin ko wala sila masyadong scene HAHAHA

wag kayo mag alala gagawa tayo ng special chap para sakanilang dalawa ♡ pati kay Alvya at Camille

kung bakit ba talaga gusto mag higante ni Camille

at kung ano ang totoong rason as in yung totoong rason at mga kaganapan sa pagalis ni Alvya~ ♡

Alvyanna's POV

"Anong mag papabalik?"

Halos nilalamig na ang buong katawan ko mula sa mga binitawan niyang salita.

Kabang kaba ako at di ko alam kung anong gagawin ko'ng galaw o hakbang.

"Biro lang."

"Huh?"

"O bakit gusto mo bawiin ko sayo yung boyfriend mo'ng teddy bear."

"Hindi ko siya boyfrien--" kahit na sobra-sobra na ako napikon napahinto ako sa pag sasalita ko...

Hindi ko naman siya boyfriend diba? Bakit ba ako tila nang aalanganin sabihin yun?

"O bat ka napatigil?"

"Wala lang po,"

Nag karuon ng mahabang katahimik ng masabi ko yun pero tinigil din agad ng babae.

"Do you know hindi lang ito ang unang pag kakataon na naging tao si Kayle?" Ani ng babae.

Bigla akong nagising sa katotohanan ng maitanong niya iyon.

"Anong gusto mo'ng sabihin?"

"Don't you remember that boy na nakipag laro sayo noong umalis yung magulang mo?"

I tried remembering pero wala ako matandaan.

Nag buntog hininga ang babae at humarap saakin.

"That boy nag sabi pang habang buhay siya mag sta-stay sa tabi mo?"

"Hay, yung nag sabi sayo na panget ka!"

"Ang panget mo,"

"Anong sabi mo?!"

"Sabi ko ang panget mo!"

"Tahan na nandito lang ako sa tabi mo, promise, "

"Tignan mo oh!"

"Kadiri ka!!!"

"Pero nag kakamali kayo di po ako yun!"

So ang ibig sabihin ba ay, siya yun?

"Mismo,"

"Pero papaano?!"

"Everytime na nalulungkot ka or feeling lonely he turns into a human, that day noong bata yun ang unang pag kakataon na nakita mo siya pero hindi yuon ang panghuli, tuwing gabi niyayakap ka niya but when the morning comes he disappear dahil nanumbalik na ang saya mo,"

Ang ibig sabihin ba nito ay, hindi pang habang buhay na narito si Kayle sa tabi ko? Na temporary lang siya?

"Kinalulungkot ko man sabihin pero oo, tama ka."

"Miss, okay ka lang po ba? Kanina ka pa kasi nakatulala, nasa last stop na po tayo." Napalingon ako sa likod ko at napansin nga na last stop na, "Salamat."

Bumaba na ako at nag lakad lakad sa may parkeng malapit duon sa unit namin,

Kahit ilang oras na nakalipas ang pag uusap namin ng babae ay tila ba di ko parin maalis sa isip ko na, hindi habang buhay nandito siya,

"Pero akala ko ba,"

"Nag kakamali ka Avy, hindi ganon kalakas ang kapangyarihan ni Mama ng tuparin niya ang iyong kahilingan kung dati ay isang araw lang tumagal sayo si Kayle ngayon, na wala na din si Mama, satingin mo magiging habang buhay pa kaya siya jan?"

"Pakinggan mo ko mabuti, kaya tumagal sa tabi mo si Kayle iyon ay dahil rin sa kapangyarihan ni Mama hindi lang dahil sa kalungkutan mo, kitang kita naman na sa tuwing masaya ka nanjan parin siya pero lahat ay may limitation Avy,"

"Ang isang hindi pang ordinaryong papangyayari ay di pwede mag tagal sa mundong ito,"

"Pero matanong ko lang, bakit di natandaan ni Kayle ang pangyayari noong bata pa kami?"

"Yun ay dahil sa tuwing nagiging stuffed toy siya ulit ay nabubura ang mga alala niya noong nasa lupa pa siya,"

"Ibig sabihin ba,"

"Oo, lahat ng mga alala niyong nagawa ngayon ay makakalimutan niya rin,"

Di ko kayang mangyari yun, kahit na di ako si Kayle masakit yun isipin,

Bakit?

"Hmm? Avy! Bakit parang ang lalim-lalim ng iniisip m--" Nang makita ko siya ay dali-dali ko siyang niyakap ng mahigpit na parang ayaw ko siya pakawalan.

Napamahal na si Kayle saakin lalo na't ngayon isang tao na siya, pero kung iisipin na lahat ng pag sasamahan namin ay mawawala ng parang bula...

Ang hirap,

Bakit ba parang triple tripleng kamalasan napupunta sa buhay ko, bakit parang may sumpa ang buong pag katao ko, bakit parang yung kasiyahan ko temporary lang...

"Ma-may problema ba?" nang matanong yun ni Kayle ay kumalas ako sa pag kayakap sakanya.

Bakas sa kanyang mukha ang pag kagulat sa biglang pag aaproach ko sakanya.

"Gusto mo kumain?" Ngiting tanong ko. "Huh?"

"Tara! Hahaha may alam akong bagong bukas jan na kainan!" Bago pa siya makasalita ay agad ko na siyang hinawakan sa kamay niya at nag lakad papunta sa paroroonan namin.

"Oo, lahat ng mga alala niyong nagawa ngayon ay makakalimutan niya rin,"

then let me be the one na gumawa ng masasayang alala kasama siya kahit alam ko mawawala to ng parang bula... nang sa ganon atleast may maitatago akong alala kasama siya

kahit na pag dating ng panahon ay makakalimutan niya rin.

Yuan's POV

"Pstt Yuan let's meet sa may cafe malapit sa school!" -Avy

"Wait gising ka na?! okay ka na ba talaga? wala na ba'ng masakit sayo?!" -Yuan

"Oo naman! basta meet tayo okay?" -Avy

Its around 4pm in the afternoon pero any signs ni Avy wala, I'm starting to worried para sakanya,

What if she collapse habang papunta dito? Agh! I'm so stupid! dapat di nalang ako pumayag makipag meet sakanya I should've let her rest,

Napa kagat nalang ako sa kuko habang nakatitig sa phone ko na tinitignan ang oras or kung may message ba nang galing sakanya,

pero kahit isa wala,

Napapikit ako ng ilang segundo, thats it! pupuntahan ko na siya sa labas!

Tuluyan na ako di naka pag timpi kaya agad na akong tumayo bago pa ako makaisang hakbang nakita ko na si Alvyanna.

pero ibang Alvyanna, hindi ang inaakala ko,

"Hi Yuan sorry if I--"

"Are you making fun of me?"

"What?" Ipinakita ko ang conversation naming dalawa na nag papakita na ginamit niya ang acc ni Avy, is that how she is so desperate?

"C'mon Yuan I can explain,"

"Explain what? the matter of fact that you used Avy's acc so that I could notice your lame messages?!" Hindi ko na napigilang mapasigaw dahil sa galit na namumuo sa katawan ko. "Exactly! kasi nakatuon lang parati yung oras mo kay Avy! you don't even have the time to notice me and let me explain!"

"What do you mean explain?! Mag e-explain ka nga pero ano?! puro kasinungalingan?! huh! for all I remember hindi mo deserve napansinin kita and first of all your just a stranger to me Alvya ever since you left me! can't you realise that I need space?! bakit ba ang hirap mo pakiusapan ha?!"

"Because I love you! mahal kita Yuan! hanggang ngayon! that's why I'm here nag papakatanga over you! yung tipong wala na akong pake kung mag mukha pa akong tanga basta mabalik lang kita!"

"yun nga lang may problema," bulong ko. "hindi mo na ako mababalik Alvya, kasi nasaktan mo na ako, at kahit kailan di mo mababago yun."

and once again, naging speechless na siya,

bakas na bakas sa kanyang itsura na hindi niya alam kung anong sasabihin,

Nag tagal ako sa harap niya nag hihintay na baka may gusto pa siyang sabihin, pero mukhang wala na,

kaya nag lakad na ako paalis sa cafe.

"papagsisihan mo to,"

rinig ko'ng bulong niya pero hindi ko na siya pinatulan dahil ayoko nang humaba pa ang istorya at gulo.

bakit ba sobrang deperada niya?! hindi pa ba obvious na ayaw ko na sakanya?!

Alvyanna's POV

*Bang* *Bang*

"Ouy! yung zombie! yung zombie!" Sigaw ko habang pinapagmasdan ang monitor.

"*Bang*"

"Agh!!! kaasar!" naiiritang tugon niya.

"You got 19/20 score!"

napatawa nalang dahil sa galaw na pinapakita niya. Grabe ang pagkapikon niya dahil hindi siya na ka perfect score

Aish bat ba kasi ang cute niya,

"Isa pa!"

Naubos ang oras namin kakalaro ng mga laro sa arcade pero okay lang dahil kahit ganon masaya ako dahil masaya siya.

"Whoaaaa!!!"

"Teka bat nakakalula to Avy!!"

Zayden's POV

Kaasar bat ba kasi may zumba pa siya!

"5! 6! 7! 8! and 1 2 3 and 1 2 3! okay ngayon ikot!!"

agh!!! bakit sa dinami-daming pwedeng puntahan namin bat dito pa?!

takte parang torture nangyayare saakin dito ah?! di ko kayang panoorin yung mga matatanda sumayaw sayaw tsaka kumembot kembot na parang Agh! ayoko dito!

grabe di ako makapaniwala ito pala yung tago niyang pagkatao, ang pagiging zumba instructor

Sino ba naman kasi mag aakala na ang isang astig at masungit na Sunny ay ganito pala ginagawa tuwing walang pasok?!

bandang hapon na pero bat may zumba pa rin?!

"Takteng buhay to!" Napahawak ako sa bibig ko dahil napasabi ko to ng malakas kaya napag tinginan ako ng matatandang nag sasayawan kanina pati na din si Sunny,

anong gagawin ko?! anong gagawin ko?!

"Ah! ang ibig sabihin ko ay--"

"1 2 3! okay mga mamsh kembot sa kanan at sa kaliwa! ganyan nga mother! at saka ikot! hataw mga mare!"

Sunny's POV

Di ko na napigilang tumawa dahil sino ba mag aakala na ang isang Zayden na makulit kaya rin palang maging zumba instructor?

jusko panoorin palang siya sa malayuan di ko na kaya na parang di na ako makahinga kakatawa sakanya.

"Ganyan nga teh! whooo! sige sige hataw!"

"BWHAHAHAHAHAHA!!" Kahit na sobrang lakas ng tawa ko ay di to narinig dahil sa sobrang lakas na tugtog, malas ni Zayden kanina stretching palang kanina kaya mahina yung tugtog, oh ngayon tignan natin siya mag suffer.

panoorin palang siya kumembot kembot husko! ang sarap i post BWHAHAHAHAH ngayon may pang blackmail na ako sa hinayupak na to!

"O SIGE SIGEEE C'MON C'MON GANYAAANNN NGAAAAA!!!"

Zayden's POV

"Salamat rin po!" Ngiting paalam ni Sunny sa mga matatandang nag papaalam saaming dalawa.

"Salamat rin sayo baklang mare! grabe na energize ako dahil sa pazumba mo!" Nginitian ko lang ang ale ng pilit pero napasigaw ako ng salamat dahil bigla akong kinurot ni Sunny.

kaasar pasalamat ka't mahal kita, tss,

"Oh! Mama! bat ka nandito?!" Gulat na bigkas ni Sunny habang nakatitig sa susunod na babaeng humarap saamin.

mas nanlake ang mata ko at sabing "Good afternoon po!"

patay anong gagawin ko? minus points yun kay Sunny! dahil nandito mama niya takte! ang laking bawas nun kasi napag kamalan na ako ngayong bakla hindi lang siguro sa nanay niya kundi sa lahat ng kaibigan ng nanay niya!

"Hindi ko po kayo napansin kanina!" Sabi ni Sunny habang nakanguso.

Aba! bat pag dating sa mga kamag anak niya ang cute ng mga galawan niya pero pag dating sa school kala mo kung sinong reyna?!

Ang bipolar rin talaga nito noh?!

kaasar pero bakit kahit di ka nag papacute nacucutan ako sayo, bwiset.

"Sinadya ko talagang pwumesto sa likod para di mo ko mapansin kasi alam ko mahihiya ka pag nakita mo ko, ngapala sino ngapala ito?"

"Ah! ako po si Zay--" Mag papakilala na sana ako pero bigla ako inunahan ni Sunny.

"Siya po si Zayden Ma! yung baklang kaibigan ko!" Nanlake ang dalawang mata ko at tinitigan si Sunny. "Anong pinapag sabi mo?" bulong ko.

nginitian lang niya ako at humarap na sa mama niya.

Takte! ayaw niya ba talaga ako papasukin sa buhay niya?! hindi niya ba alam dahil sa ginagawa niya mawawalan ako ng karapatan ligawan siya dahil sa sinasabi niya?!

"Zayden, hmm... sayang ka, gwapo ka pa na man din."

Ginahan akong ewan ng marinig ko yun pero hindi rin dahil sa sinabi ni Sunny.

"Ang totoo po kasi nyan--" Tinakpan ni Sunny ang bibig ko kaya di ako naka pag salita.

"O siya siya mag gagabi na baka gusto mo siyang imbitahan para mag hapunan saatin."

"Hindi na po Ma!"

"Sige po!"

nag katitigan kami ni Sunny ng mag kasabay kami.

Umirap saakin si Sunny pero winalang bahala ko iyon.

plus points hehehe.

"Fine sige po, aayusin ko lang muna yung gamit ko'ng naiwan sa stage." Tinarayan ako ni Sunny at nag lakad papuntang stage.

ang kyut niya talaga kahit kailan hay...

"Pero alam mo iho kahit di mo aminin alam ko'ng di ka bakla."

parang lumiwanag ang buong paligid ko ng masabi iyon ng nanay niya para ba'ng lumilipad ako dahil sa gulat at saya.

"Andito na ako! o tara!" Huminto sa pag lalakad si Sunny at tinitigan ako.

"Okay ka lang?"

"Sampalin mo nga ako!"

Nag bibiro lang ako pero parang nakalimutan ko ata na di nakakaintindi ng biro to'ng si Sunny kaya sinampal niya ako hindi basta mahina kundi malakas.

"AGH! OUY!"

"Oh bakit? sabi mo diba?"

"Sabi ko I love you!"

Alvyanna's POV

Nag lalakad kami ngayon ni Kayle pauwi sa unit habang nag kwekwentuhan tungkol sa ugali ko nuon.

"Eh yung binato mo ako kung saan saan dahil maipis sa ilong ko?!"

"Lah?! di ko kasi sadya yun! hindi naman napango ilong mo diba?!"

Natawa nanaman kami dahil sa biro ko.

"Hay, grabe pero alam mo Avy ang laki ng pinag bago mo," bigkas ni Kayle. "Hahaha ano na-man yun?" Utal-utal ko'ng tanong dahil di ko na kayanan ang sakit ng tyan ko kakatawa.

"Tignan mo, dahil parang spoiled brat yung ugali mo ngayon oh tignan mo yung laking pag matured mo,"

"Ganon talaga lalo na pag may mga trauma ka'ng nadaanan."

Nag karuon ng malaking katahimikan maari siguro naalala niya yung mga lungkot na pinagdaanan ko.

Habang nag lalakad ay napansin ko'ng napahinto si Kayle agad naman akong nag kwetsyon kung bakit.

"Kung sakali ba isang araw ay mawala ako, magiging okay ka lang ba?" Agad naman akong napahinto mula sa kinatatayuan at hinarap siya at pinag masdan siyang nakayuko.

nangaalanganin ako sa magiging sagot ko dahil natatakot ako baka malaki ang maging epekto nito.

kung sabihin ko kaya sakanya hindi? pero ayaw ko siya malungkot dahil alam ko once na marinig niya yun ang sobrang kungkot ang mararamdaman niya.

"Magiging okay ako, pangako,"

Nakangiting humarap saakin si Kayle. "Alvya kung sakali man, gusto ko malaman mo na mahal kita sobra,"

"Salamat, sa lahat-lahat."

Joyce's POV

*Alarm's rings*

kinuha ko ang alarm at ibinato ito palayo saakin.

nakakairitang alarm umagang umaga ang daldal daldal.

"Gising." Malalim na wika niya.

"Huh?" unti-unti ko'ng minulat ko ang aking mga mata at nakita siyang naka krus ang mga kamay hawak hawak ang alarm clock.

"Grabe, pinatuloy na nga kita maninira ka pa ng gamit, ang kapal naman."

Bumangon ako sa kama at ikinuskos ang aking mga mata.

"Anong oras na ba?" Tanong ko habang humihikab.

"4am."

"Huh?!!! ang aga-aga pa pala bat--" bago ko pa taklobin ang kumot saakin ay hinatak niya to.

"Nah-ah, hindi porket nandito ka ay ibig sabihin makakatakas ka na sa nagawain mo biglang secretary baka nakakaligtaan mo 1/4 palang ng paper works natatapos mo?"

Ano?! I mean di naman sa pag rereklamo pero ano?! alas kwatro ng madaling araw aasikasuhin ko yun?! atsaka sunday naman ngayon ah?! pero bakit--

"Bilis na at tatapusin mo pa--" Binuhat niya ang mga papeles papuntang kwarto na halos kung iisipin ay nakakalula. "--tong lahat."

ayoko na talaga sa earth...


































































Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro