Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

|Chapter 24|Is this goodbye?

Kayle's POV

Nasa labas ako ng operation room kung saan nag u-under go na si Ivy ng operation habang si Joyce nasa emergency walanng malay

Hindi naman naputol ang mga ugat ni Joyce sa wrist niya pero may kalaliman din ang sugat pero yung kay Ivy wala parin balita mula sa doctor na nag oopera sakanya

Hindi parin malaman laman kung sino at kanino ng galing ang bala na binaril kay Ivy nakatakas ito ng mabilis pero kahit ganon pa man may malakas ako na kutob na yun yung mga tao nangidnap sakanila

"Pero ma'am bawal po pumasok nag uunder go operation pa po yung patient."

Napabagon yung ulo ko at nakita ko yung isang matandang babae na...

Hindi ako pwedeng mag kamali kunino to'ng matandang babaeng to nakasama ko siya sa buong buhay ko

Lola ni Ivy...

"Gusto ko makita yung apo ko! Sino ba gumawa nito sakanya ha?! Bakit to nangyare..." Napatayo ako at nilapitan yung matanda ng bigla nalang siya napaluhod at nag simulang umiyak

"Tahan na po lola magiging maayos rin po ang lahat." Napalingon saakin ang matanda at nag bigay ng ngiti kahit sa ganitong sitwasyon mahirap na ngumiti para saakin tumayo ako at inilalayan si lola patayo at pinaupo ito sa upuan na kinakaupuan ko rin kanina.

"Sino ka naman iho? Kilala mo ba si Ivy? Marahil kaklase mo ba siya?"

Gusto ko yakapin ang matanda pero di ko magawa dahil hindi naman niya ako makikilala kahit anong gawin ko

"Ako po si Kayle Aaron Villanueva kababata po ako ni Ivy dati po akong nakatira malapit sainyo." Nakangiting bigkas ko halata naman sa matanda ang pag kataka sa mga sinabi ko

Maaring nag tataka siya kasi di naman niya kilala ang pangalan ko at kung sakali rin kasing may mga kalaro si Ivy dati noong bata agad niya itong kinukwento sa lola niya kaya maaring mahihirapan siya paniwalaan ito

"Kababata ka ni Ivy? Parang di kanaman niya nabangit noong maliit siya..."

Ngumiti ako sa matanda "Hindi pala niya ako nakwekwento." Sabay kamot sa batok

"Hindi ko po siya kaklase sa kasamaang palad pero mabuting mag kaibigan parin po kami hanggang ngayon."

Pero sa sitwasyon na ng yare parang hindi na nga masasabi na mabuting kaibigan kami...

"Iho diresiyohin mo nga ako ano ba talaga nang yare?"

Kinuwento ko sa matanda ang totoong nang yare walang halong kasinungalingingan at walang halong biro dahil seryoso talaga ang mga pangyayare...

"Jusko..." Hindi napigilan ng matanda ang pag buhos ng kanyang luha may kinapa naman ako sa bulsa ko at binigay yung panyo

"Kay Ivy to hindi ba?" Napatingin ako sa panyo na binigay ko

Ka-kay Avy pala to

"Ah opo naiwan niya po ata saakin yan noong nasa bus kami."

"Alam mo iho... mabait na bata ya'ng si Ivy, halos hindi siya makagawa ng isang bagay na masama dahil labag ito para sakanya... lam mo ba nag dusa ya'ng bata yan noong grade 9 palang siya biruin mo yun? Sa batang batang edad nag dusa siya... kaya noon naalala ko nag kulong siya sa kwarto hindi siya kumain halos buong araw siya umiiyak yakap yakap yung teddy bear na binigay sakanya ng magulang niya."

Alalahanin ko palang yung mga araw na yun napaka sakit kahit na hindi ako yung nakaranas nun

Halos paulit ulit niyang kinokwesyon buhay na kung bakit naging ganon... bakit sobrang unfair ng mundo sakanya

"Kaya ngayon iho masaya ako kasi may kaibigan na siya na kinikilala ngayon mga totoong kaibigan sana hindi ako nag kakamali na hindi ka isa sa mga tao na mag papaiyak katulad nangyare dati."

Kahit na totoong kaibigan niya ako... pinaiyak ko parin siya

Ang tanga ko nga kung iisipin nag papadala sa emotion ko na parang nagiging makasarili na ako at di ko iniintindi yung kalagayan niyo noong panahon na yun

Niyakap ako ng matanda "Wag ka sana umalis sa tabi niya kahit anong mangyare ha?" Hindi na napigilan ng mga mata ko ang pag patak ng luha ko

"Pangako po lola... wag po kayo mag alala."

Kaizer's POV

Nakaupo ako ngayon sa may upuan malapit sa pinapag kahigaan niya naka confine na siya sa isang room

Naginhawaan ako noong sinabi ng nurse na wala naman na damage na ugat pero... ang lalim daw ng sugat hindi biro parang konting diin nalang daw ay muntikan na talaga mahiwa ang kanyang ugat

Pero hanggang ngayon wala pa siyang malay

Halos 2 hours na kami nandito pero kahit isang tawag o bisita ng kanyang magulang wala parin

Bat ganito?! Halos muntikan na mag agaw buhay yung anak nila pero wala parin sila?! Anong klase sila?!

Takte! Bat puro trabaho trabaho inaatupag nila? Mga gag* ba talaga sila?!

Pero isa ka rin Kristen bat ba sobrang bait mo?

Bakit ba okay ka lang ng okay sa desisyon ng magulang mo para sayo? Nasisiraan kana talaga siguro ng ulo...

Habang hinahawakan ko yung kabila niyang kamay ay biglang gumalaw ang kanyang daliri na kina alerma ko

Gising na kaya siya?!

Tatayo na sana ako ng hinawakan niya yung dulo ng shirt ko

"Uy... concern ka pala?" Nanghihinang sabi niya

Siraulo babaeng to kakagising palang nangasar na agad

"Si-si Avy? Asan siya?"

Hindi niya pala alam... kasi nauna siya mawalan ng malay bago masaksihan ang insidente

"Ano kaya Kirsten... nabaril kasi siya ng mawalan ka ng malay."

"A-ano-- aray."

"Wag ka muna masyadong magalaw! Hindi ka pa magaling."

"Pero si Avy! Okay lang ba siya?! Kamusta lagay niya?!"

"Nasa operation siya ngayon hindi parin alam ang kalagayan niya." Napahawak siya sa bibig niya at napapikit

"Wala naman siyang ginawang masama... bakit kailangan niya humantong sa ganito?" Nag simula ang pag buhos ng kanyang mga luha ng sabihin ko yun...

Nilapitan ko si Kirsten at umupo sa kama niya at nilagay yung ulo niya sa balikat ko "shh... tahan na magiging okay din ang lahat wag ka mag alala."

Alvyanna's POV

"Ma?! Ano ginagawa niyo jan?!"

"Anak!" Nang makita nila ako tumakbo sila papunta saakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Mama! Namiss ko ho kayo." Habang niyayap ko siya hindi mapigilan ang pag agos ng aking mga luha

Namiss ko yung yakap ni Mama sobra sobra...

"Ma bakit kayo lang po mag isa asan po siya papa?"

"Ano kasi anak eh nas--" naputol ang sinabi ni Mama dahil parang may tumatawag sakanya sa gold na gate

"Anak tinatawag na ako... gusto mo ba sumama?"

Ngumiti ako kay mama at sinabing "Opo Ma!~"

Kayle's POV

Habang nag hihintay kami nagulat kami ng mag si labas pasok ang mga nurse mula sa operation room

Anong nangyayare?!

Nang may papasok na isang doctor ay kinuha niya ang kamay nito "Ano ho nangyayare sa apo ko?!"

"Nag straight line ho yung-- sorry po pero nag mamadali na ho maki lola."

Stra-straight line?! Ibig sabihin?!

Hindi! Hindi pwede!






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro