Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

|Chapter 2|Back Story

Alvyanna's POV

Pinuntahan ko na ang adress na sinabi saakin hindi ko man mawalay saaking isipan ang nangyare ay mas pinilit ko dahil nakaka banas lang kung iisipin ko pa ito,

Mula taas hanggang baba pinagmasdan ko ang buong building. Grabe ang laki nito...

Siguro ilang floors rin to kung iisipin. Pumasok na ako sa loob at pinindot ang floor.

Pumunta ako sa pinakadulo dahil duon daw ang unit number ko. Inilagay ko na ang susi sa keyhole at pinihit ito.

As expected ayos na lahat pero may isang agaw pansin na puting sobre sa may couch. Kinuha ko to at binasa.

"Call me if something happened. Wag ka mag padala sa mga surroundings mo Avy pagsubok lang yan

Nandito lang ako kung may kailangan ka...

-Tita. "

Napangiti nalang ako dahil sa sulat at binaba ito at pinag masdan ang buong paligid.

Napabuntong hininga ako. Magiging okay na lahat...

Kinagabihan na at plano ko bumili ng makakain sa labas malapit sa convenient store sa may tapat.

Pero mukhang wala rin akong choice na lumabas dahil sa sobrang ingay dito sa tabing bahay!

Halos mabingi ako dahil sa lakas nang patutog nila na sumasakit na ang tenga ko, ang pag kakaalam ko ay sound proof to?!

Dali-dali akong kumatok sa kabilang bahay at natagalan pa bago ako pag buksan nang kung sinong tao dito.

Bat ba ang tagal?!

Inilagay ko ang tenga ko sa mismong pinto at pinakingan napakunot ang noo ko nung bigla akong may marinig na--

Pag ungol?!

"Mmm yes?" May isang lalaking nakaitim ang buhok at matangkad ang nag bukas nang pintuan dahilan upang mapa atras ako.

"Ahm ano kasi--"

"Zayden!" Sigaw nang isang lalaking na naka twalya lang pang iba--

Teka--

Did they--

Napahawak ako sa bibig ko nuong may na realize ako.

"SO-SORRY TALAGA!"

"Huh? Bakit?"

"Mu-mukhang na-naistorbo ko ata kayo..." mahinang sagot ko habang nag aakma nang tumakbo.

"Huh?" Nag tinginan ang dalawa na para bang walang ka ide-idea.

Nang lake ang mga mata nilang dalawa nuong na realize nila kung ano yung gusto kong sabihin.

"NA-NAG KAKAMALI KA!!!"

"HINDII!!"

"NO, NOOO!!!"

"HINDEH!"

"So-sorry talaga..."

"Hi-hindi!!!!" Sigaw nang lakaking katabi niya na dahilan na mag stay ako... huhu okay lang naman kahit hindi nila aminin support naman ako

"HAHAHA did you really thought na may ginagawa kami?" Nakangiti pang sabi nang lalaking nag bukas saakin.

Hu-huh hindi ba yun yun?

"Na-naiintindihan ko naman..."

"Sabing hindi nga!" Napalunok ako at natahimik.

"Look wala kaming ginagawa kasamaan."

Okay lang naman talaga...

"Sabing wala nga!"

"Ba-bakit ka ba nagagalit? Hindi naman ako nag sasalita..."

"Yu-yung tingen mo kase!"

Tingen ko?

"Wag kang kumunot mukha kang ewan."

"Ano bang gusto mong gawin ko?!"

"Teka lang HAHAHA bakit ka ba nandito in the first place miss?" Salita nang lalaki na nasa harap ko.

"Rinig kasi hanggang unit ko yung ingay niyo jan..."

"You mean yung ingay na galing sa movie."

"Teka bat ba parang may galit ka saakin?" Sabay tingen ko sa lalaking nasa likod niya. "Eh kase yung iniisip mo!"

"Wala naman akong ginagawa!"

"Yuan, chill." Tumingen nang palayo ang lalaki at napa face palm nalang ang lalaking na sa harap ko. "Anyways HAHAHA sorry about dun."

"Teka ikaw yung bagong lipat dun?" Sabay tingen niya duon sa pintuan nang unit ko. "So bali ikaw si?"

"Alvyanna."

"Al-alvyanna?" Tumungo ako at paulit na inuulit nang lalaking to ang pangalan ko na parang may mali.

"Bakit may masama ba?" Tumawa siya nang malakas at pansin ko na napa siko siya duon sa lalaking kasama niya. "It just remind me of someone, diba Yuan?"

"Teka nga lang, uy kilala mo ako diba?"

"Ahm hindi?"


"Ako yung pinsan ni Shaina!"

Shaina?...

"Ahh." Simpleng sagot ko habang nakayuko. Bakit ko nanaman yun maalala?

"Alam mo naman siguro nangyare diba?" Pilit na ngiti ko'ng sagot.

Tinagilid niya ang kanyang ulo na para ba'ng walang alam. "Huh? What do you mean? HAHAHA pinapasabi lang saakin ni Shaina na i greet daw kita kasi lumipat ka nang school namin!~"

I hold my fist dahil sa inis pero pinipilit paring kalmado. "Ah? HAHAHA talaga then pasabi thank you nalang ah."

"Pwede na ba ako umalis?" Halos nanginginig na ako sa pag sasalita dahil muli na aalala ko nanaman yun...

"Ah sure! Sorry ngapala sa kanina." Sabay tawa niya habang napakamot sa batok niya.

Nag lakad ako papuntang convenient store at hindi ko na napigilang maluha dahil naalala ko nanaman yung pangalan na yun.

Nag simula ang lahat nang to nang nawala si Mama... duon lahat nag simula ang sumpa...

Nakakainis...

Flashback...

"Avy, nak, wala na ang Mama mo pati na ang Papa mo," Mangiyak-ngiyak nilang sabi saakin pero ako tinignan lang sila,
Psh, ito na naman sila, binibiro na naman ako! Porket birthday ko?! Hindi nakakatuwang biro to...

"Manang yaya naman! Yan na naman kayo! Binibiro niyo na naman ako! San na kasi sila? Malapit na sila diba?" Nakangiting lingon-lingon ko sa mga ibang yaya na naka paligid sa likod ni Manang yaya,

Napatawa lang ako dahil lahat sila ay marunong talaga umacting,

"Nakakatawa kayo! Hahaha! San nga po sila? May supresa sila noh? Tas sinama na naman kayo noh? Hay Manang yaya laos na yan! " Mas lumakas ang hagulgol ng bawat isa sa sala habang ako duon na nag taka,

"Wala na nga sila Avy! Patay na Mama mo pati Papa mo!" Napatahimik ako ng panandalian at inobserbahan ang bawat tao sa bahay,

Bawat isa ay umiiyak na halos ramdam ko talaga ang lungkot nila,

"Ha...Ha... Mama manang di yan totoo diba? Nag bibiro lang kayo diba?"

Hindi nila ako sinagot tanging mga hagulgul lang nila ang pinangsagot nila saakin,

"Mama manang naman eh! Di yan totoo! Di yan totoo!" Umiiyak na sabi ko, Nilagay ni Mama manang ang ulo ko sa kanyang balikat habang iyak ako ng iyak, di parin maka paniwala,

"Di yan totoo! Di yan totoo! Nag loloko nanaman kayo!"

~~

"MAG SILAYAS KAYO! WALA NAMAN NA KAYONG PAMBAYAD SA BAHAY NA TO! KAYA MAG SILAYAS KAYO!"

"Pero Madam may iniwan parin pong pera si Sir at naka pirma ito sa isang kontrata na saamin na po talaga itong lupa at bahay na to..."

"WALA AKONG PAKE NGAYON AKO NA NAG MAMAY ARI NITO GUSTO NIYO PA BA INGUDNGOD KO SAINYO YUNG PAPELES?!"

"Pero madam--"

"MAG SILAYAS KAYO!"

~~

Pati na rin ang lalaki at kaibigan na inaakala ko mag liligtas saakin sa kamalasan yan nauwi rin sa isang malaking biro lang,

"Sana magustuhan ni Alex, first anniversary panaman namin ngayon hehehehe sana lang talaga di siya ma disappoint sa ibibigay ko.

Asan si... Shina? Well weird... usually naman parati niya ako sinasamahan ah? Pati si Kailee.

Well anyway baka busy lang talaga sila.

Nag text ako kay Alex:
"Babe!~~ meet tayo sa park <3."

10 mins na nakalipas pero di niya pa sineseen...

Busy kaya lahat ng tao?

Anyway pupunta nalang ako dun hahaha baka mamaya kanina pa siya nag hihintay.

Palabas na ako ng school kasi uwian na ng bigla lahat ng tao na madaanan ko tinitignan ako ng masama.

Ano problema nila?may dumi ba ako sa mukha?

"Pag kakarinig ko kay Stacey malandi daw yan..."

"Wait si Stacey nag sabi nun?!"

"Oo at hindi lang yun may pag ka plastic rin siya."

"Pero diba may bf na siya?"

"Yun nga eh sabi di pa daw siya kuntento..."

"At pag kakaalam ko rin siya yuong isa sa mga dahilan kung bakit umalis si Ms Zamora."

"Diba rin siya yuong isa sa mga dahilan kung baket nag suicide yuong kaibigan niyang si Maxine?"

Halos maluha luha na ako sa lahat ng naririnig ko.

Kahit alam ko di yun totoo...

Nag lakad lang ako ng diretsyo na parang walang narinig pero nanginginig ang mga kamay ko at nanlalamig na parang unti unti lumalabas kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa panlalamig na nararamdaman ko

Pero nawala yun noong nakita ko si Shina pati Kailee.

"Shina!! Kai---"

"Pwede ba manahimik ka nga... sino ka ba? Ha?" Pagalit na tanong si Shina saakin halos lukot lukot na yuong papel na hawak niya.

"Shina... ba-baket ka--"

"Avie! Tigilan mo na nga pagiging kaplastican mo! Alam mo ba halos buong career ko nasira... pati rin grades ko! Napagbintangan ako na nag cheat sa exam! Kahit di naman! Napa office pa ako! At nalaman ko ikaw nag sumbong?! HOW DARE YOU!"

"At alam mo ba... pag ka balik na pagkabalik ko sa art station ko?! GUEST WHAT?!!!! lahat ng pininta ko for almost 7 years na collection ko sira sira at alam mo sabi ng tatlo na katabi ng station ko?! IKAW! IKAW YUN AVIE! Alam kong nagseselos ka sa art work ko PERO BAKET?!"

A-ano ba pinapagsabi nila?... wala akong alam...

"Hindi na nga ikaw yuong dating Avie na nakilala ko... dinaig mo pa demonyo sa ginawa mo..."

Umalis silang dalawa at bigla ako napaupo sa sahig...

Hindi ko na napigilan yuong luha ko...

gusto ko sila sigawan gusto ko mag wala dahil walang katuturan ang mga binibintang nila saakin pero... hindi ako ganon katapang...

isa lamang akong mahinang babae... hindi ako katulad ng iba na marunong mag stand for their self...

Simple lang ako... marunong matakot...

at higit sa lahat mahina...

pero... please... hindi ako yun...

Tumayo ako at tumakbo na papuntang park.

Alam ko papaniwalaan ako ni Alex alam ko yun... hindi siya maniniwala sa iba kilala ko siya.

[yun ang akala ko noong mga panahong yun...]

Hindi ko na pinansin yuong mga tao na pinapagbulungan ako tanging iniintindi ko nalang si Alex.

Pero... pag kadating na pagkadating ko dun...

Parang tumigil buong mundo ko...

Nakita ko si Alex... pati si Stacey... nag hahalikan... sa tapat ko pa...

Ba-baket...

akala ko ba kaibigan ko siya akala ko ba...

so lahat ng pangyayareng to... kalokohan lang pala...

~~

" Ms. Alvyanna Domingo kinalulungkot ko man sabihin pero you are now suspended to this school, di ka na pwedeng mag aral dito, we need you to transfer to another school,"

~~

"Hahaha look at her! Mukha na siyang katawa tawa!"

"Kamusta naman ang pag ligo mo sa mga itlog at kamatis Avy? HAHAHA having fun I guess! Alam mo kulang? buhusan ka ng mantika at lutuin HAHAHA! "

"C'mon let's leave her like that tutal nababagay naman talaga siya jan!"

"Ano pang hinihintay mo Alex? Mukhang gusto mo atang samahan siya?"

Nanginginig ko siyang tinignan sa mata naparang gusto ko sabihin sakanya tulungan mo ko...

"Of course not! Pampasayang oras lang ang katulad niya kung tutulungan ko siya! "

Ngunit mali nga ako, lahat sila may tinatagong buntot, sungay lahat sila! Walang natirang may mabuting puso, pantay pantay lang sila,

End of flashback...

Napaluha nalang ako ng tuluyan kahit na di ko sinasadyang alalahanin yun lahat,

Pintunasan ko ang aking mga luha, bwiset naman Avy! Matagal na yun... mag move on na tayo...


"Thank you po," Kinuha ko na yung supot na punong puno ng prutas nabinili ko sa ale, gusto ko kasi bigyan si Tita nito saying na thank you

Paharap palang ako sa likuran ko ay nakabungo na ako ng isang matandang babae, nahulog ang mga binili ng matanda.

Dali dali ko'ng kinuha ang mga nahulog na mga prutas mula sa paper bag na nasira, lalo na't yung isa na hinabol ko pa dahil sa pag gulong nito,

"Nasisiraan ka na ba masasagasaan ka!" Sabi ng isang ale sa na katabi ng tindahang pinag bili ko,

Sapagkat napalapit ako sa mga sasakyan noobg hinahabol ko ang mga prutas, halos ma bingi ako dahil sa mga busal ng mga sasakyan saakin,

Pero gladly na manage ko na di mapahamak lalo na itong mansanas na to,

Noong madampot ko na lahat nang hingi ako ng supot na plastic sa tindahang pinag bili ko at inilagay ito at inabot ito sa matanda.

Nginitian ako ng matanda at sabay kinuha ang aking palad at hinawakan ito. "Napaka mabuti mo namang bata."

Bakit parang ang familliar saakin all of a sudden?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro