|Chapter 1|Fresh Start?
Alvyanna's POV
"Finally she's gone..."
"Thank god wala ng Alvya-alvyannang mayabang sa school na to, tignan niyo, yan napapala ng mga mayayabang at walang respeto dito sa school na to!"
"Asan na yung pinapag malaki niya? Yung pinapagmalaki niyang attitude? Bat parang humupa ata?"
"Hay... told you so, hindi mag tatagal ang isang katulad niya sa school na to,"
Kaliwat kanan ang mga bulungan habang palabas ako ng gate dala-dala ang mga gamit ko mula sa locker, I didn't dare na lingonin sila o pakitaan ng kung anong expression after all useless naman din kung iisipin,
aalis naman na ako dito, so para saan pa ang gagawin ko? To defend myself? Bat ko naman i de-defend kung para silang mga palakang makakati ang dila at walang alam kundi pag chismisan ang mga taong di naman talaga nila kilala at mali-maling balita lang ang kanilang narinig,
Kahit na nasa labas na ako ng gate ay tadtad parin ng bulungan ang campus sabay sunod ng tingin sa bawat hakbang ko at papasok sa taxing pinapara kanina ni Tita Beth, kahit pag pasok ko rin ay di naawat ang kanilang mga mata at bibig sa kakatuon ng pansin saakin,
Ang mga ibang babae ay pinapagtawanan ako habang iba ay tinitignan ako ng masama na para ba'ng mag ka close kami or something,
"Okay ka lang ba iha?" Nag alalang tanong ni tita Beth saakin habang ipinapatong ang kanyang kamay sa aking kamay,
"Yeah I'm fine tita, I'm used to sa mga death stares nila na parang sinusumpa na ako papuntang libingan," bigkas ko, napabuntong hininga si Tita Beth saka ngumiti saakin,
"Wag ka mag alala tapos na lahat, Mag focus ka nalang sa new head of start mo okay?" Napangiti ako pabalik sakanya,
sana...
Bakit nga ba ako napunta sa ganitong pusisyon?
Kung saan na kinakailangan ko mag transfer into another school at lumipat kahit tirahan? for now ayoko muna pag usapan,
Its already years simula ng mamatay sila mommy at daddy mula sa car accident, ang mas masakit pa dun saktong kaarawan ko namatay sila.
But hey I'm okay, simula lang naman na wala na sila mommy ako na mismo kumakaharao ng sarili ko'ng mga problema,
even friends wala ako masasabing ganon, bakit? I just found na, they are not the friends na hindi ko mapapagkatiwalaan when it comes to my problems, pero,
I have this thing kung saan duon ko binubuhos lahat when the day comes to an end,
Yun yung teddy bear ko, sounds rediculous right? But who could blame me? I just have trust issues when it comes to people specially ngayon, kung saan ayoko na mag tiwala kahit kanino dahil sa nangyare...
"Were here." Lingon saakin ni Tita habang nakangiti, lumabas ito ng taxi at pabukas palang ako ng pintuan ay inunahan niya pa ako, "Tita, hindi mo na sana ako pinagbuksan."
"Pati banaman pag bukas ng pinto pag aawayan natin? Labas na jan, malalate ka na." medyo napatawa ako mula sa sinabi ni Tita at lumabas na sa taxi, usually kasi we fight from small things specially noong bata ako.
"At kelan pa kita naging personal assistant Tita?" pabirong sabi ko.
"simula ng ipanganak ka dito sa mundong ibabaw." walang expression niyang bigkas, Maya-maya ay ginulo niya ang aking buhok.
"Hay! To'ng batang to! first day mo tas malalate ka? Bilisan mo na nga!"
Binesuhan ko si tita bago pumunta sa paroronan ko pero nagulat nalang ako nang bigla niya ako yakapin.
"Mag pa ka buti ka ha? Kung may ganap just call me okay?"
"Don't worry, I will and I can handle myself," Mahinang sabi ko, kumalas siya sa pag yakap saakin at hinawakan ako sa magkabilaang pisngi ko para mapunta ang atensyon ko sakanya,
"The last time you handle yourself, wala ka'ng naging laban,"
Tinangal ko ng dahan-dahan ang mag kabilaang kamay ni Tita mula sa pisngi ko. "Fine, I will call you if things happened para lang mapanatag ka."
"Tandaan mo Avy hindi to para saakin para sayo rin to." mahinahon niyang bigkas, I smiled.
"Don't worry alam ko." sabay yakap sakanya ng mahigpit, lumipas ang ilang segundo kumalas na ako and wave to her goodbye,
Bago pumasok ay tumigil muna ako sa kinakaharap ko,
HRZ HIGHSCHOOL...
"Magandang umaga." ngiting bati saakin ng manong guard na nakatayo sa gate, binigyan ko rin ito ng matamis na ngiti at habang nag lalakad pa harap ay napatigil ako dahil muli ulit akong tinawag nito,
"Ikaw ba yung Transferee ineng?" Nilingon ko ito, "Ah opo." nakangiting saad ko.
"May pinapabigay sayo, hito soutin mo."
binigay saakin ni Manong guard ang isang I,D na nakalakip ang pangalan ko duon ngunit wala pang picture.
"Hindi kasi pinapapasok sa Building 4-A ang mga di naka suot ng ID hindi naman sila aware kung transferee ba o kung sino ang pumapasok rito,"
"Sige po, salamat," nginitian muli ako ng guard at nag paalam, nag lalakad ako ng diretsyo hanggang matunton ko ang campus main, lahat ng atensyon ng mga tao ay napunta saakin, lahat ng mga mata ng tao ay nakasunod sa yapak ko, pati ba naman dito ay chismis ako? Wala ba'ng pahinga mga mata nila tsaka labi?
"Uy" sigaw ng isang babae mula sa likuran ko, rinig ko ang mga yakap niya dahil parang hinabol niya pa ako, napahawak siya sakanyang tuhod na tila ba hingal na hingal,
Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa braso. "Ikaw yung transfer diba?" Napatungo lang ako sakanya.
"So ikaw nga..." ilang segundo siyang napatahimik pero agad namang rin binigyan ako nang isang ngiti.
"Ako ngapala si Clowy! yung inataasan ni Ma'am na i tour ka, excuse ka rin for now sa first subject."
"Sige." maiksing sabi ko, maya-maya habang tinotour niya ako ay biglang napapahaba ang kwento namin at di ko na malayang napapa tawa na pala ako dahil sa mga sinasabi niya,
kailangan ko ilugar yung trust issues ko dito sa school na to, kasi hindi naman lahat ng tao rito kagaya nito ay kapareho katulad ng mga tao sa dati ko'ng school,
pero hindi mo naman din maalis yun... nag silbing trauma na din yun saakin, pero kailangan ko ayusin, para na din sa magiging future ko dito sa school nato, kung kinakailangan ko makipagclose sa bawat tao rito gagawin ko,
Napangiti ako sakanya dahil kahit bago palang siya at bago palang din ako ay nasa maximum level na ang kanyang kakulitan at friendlyness,
Hoping na hindi lang ito palabas, ayoko na kasi yung trinataydor ako ng bawat taong makilala ko,
Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hilain at kagaya nga ng sinabi niya halos bawat room ay may story ganyan tas may chismis pa ganyan.
sabi niya may sunod pang tour pero ibang tao naman mag to-tour saakin kasi daw di fair kung si Clowy lang ng si Clowy.
Nang pumatak alas otsyo ay agad na kaming pumasok sa room 205 kung saan ang history time namin, dito kasi sa HRZ may homeroom habang ang mga subject ay may pinapasukang rooms para ba'ng college kung iisipin.
Just a normal day lang naman walang bago dahil first of school, pag kauwi na pag kauwi ko ay may mga babaeng nag bubulungan sa main campus,
Nung masilayan ko dun si Clowy ay mag hi-hi sana ako kaso...
Napangiti ako.
"Nakakarindi siya jusko kung alam niyo lang."
"Teka, bakit ngapala siya pinaalis?"
"HAHAHA oh right! Dahil ngapala sa ginawa niyang major offense sa school na yun na nag patong patong!"
"My friend nga din ako dun, and guess what? She's really a trouble maker."
"Siguro nga kailangan natin i distance sarili natin sakanya or else... baka madamay pa tayo."
Guess I was I wrong...
Wala nga dapat ako pag katiwalaan...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro