Chapter 3
Nanlaki ang mata ni Clover sa ikinwento ko, hindi din sya makapaniwala na natanggap ako sa trabaho kahit na hindi maganda ang una naming pagtatagapo ni Boss Pogi. Nagpang-abot kaming dalawa ng kakambal ko sa hapagkainan, ang usual routine namin pagkatapos ng mahabang araw sa labas ng bahay.
"Grabe Calla, hindi ako makapaniwala! Buti tinanggap ka?"
"I know right!" Words and food rumbled inside my mouth. "Nagpakumbaba talaga ako kahit na nakakasuka. Para sa bahay!"
"Aww. I am sure na nahirapan ka." Sakastikong tugon ng kapatid ko na tinapik tapik pa ang balikat ko. I rolled my eyes.
"You can just imagine. Alam mo yung itsura niya na parang feel na feel niyang kailangang kailangan ko siya? May araw din sa akin yan." Balang araw, he would ask me to read the stars to know if there will be rain. Probably on his wedding day o kahit saan pa. Or siguro by that time, meron na akong nadiscover na mode of transportation papuntang Mars at hindi ko siya isasama. Or maybe a Hibernating capsules will be invented to increase the lifespan of the humans and I will be a guinea pig because I will probably volunteer myself then I will have a perks to list the names of the people to have the same entitlement if that will be a success. Malamang hindi ko ilalagay ang pangalan niya para mabulok siya sa lupa at fresh pa din ako.
"Para ka din kasing bata eh, nakipagtalo ka pa. Bata naman ang pagbibigyan niya ng laruan."
"That's unfair! Kung gusto niyang mamigay ng regalo, eh di sana nag-laro din siya."
"The thing is.. Hindi ka dapat nakikipag-away kung kani-kanino, napagkakamalan ka tuloy na tomboy." Nakangisi nyang sabi.
"Hey, alam mong hindi totoo yan di ba?"
I can appreciate male's beauty though. Kahit nga si Boss Pogi na wala naman sanang kapuri-puri, alam ko naman na guwapo but not enough to make my knees turn into jellies. Nope. He's not my type. I don't like the Asian types, they look a little bit feminine for me. Mas gusto ko yung lalaking-lalaki, 230 lbs of pure muscles, maybe. Yung tipong nakikita sa Mexican Telenovela would be far better.
"Magpahaba ka na kasi ng buhok, ipaalam mo na sa mundo na magkakambal tayo." Nakatawang sambit ni Clover. Hindi na lang ako umimik pero naiisip ko na din yan, medyo humahaba na naman na ang buhok ko, malapit na nga itong maging short bob.
"Pupwede mong hiramin ang mga damit ko, mag-makeup ka. Mas bagay sayo kapag may kulay ang mukha."
Hindi ko sineryoso ang bilin ng kakambal ko pagdating ng kinabukasan. The only thing I followed was borrowing her dress. Wala akong mga bestida. Ang huli kong trabaho ay pantalon at poloshirt lang ang required. A black sleeveless dress and white flats is what I am wearing, panay ang hila ko sa laylayan habang nag-lalakad ako.
7:30 in the morning, I am already pressing on the biometric scanner. Lakad takbo kong tinungo ang opisina ni Boss Pogi pagkatapos non. The cubicles are still bare, even the lights are off. Ipinagpapasalamat ko iyon dahil gusto kong maging pinakamaaga para mapabilib ko naman ang masungit kong amo.
Halos manginig pa ang kamay ko nang ipasok ang susi and the moment that I did, bumukas iyon at bumungad sa akin si Boss Pogi. He welcomed me with fresh from the shower scent, mixed with something earthy and mint. Napaatras ako, mukha siyang matangkad kapag mas malapit, mas intense ang kanyang mga mata at pati ang pag-igkas ng panga. At oo, mas malaki pala ang kanyang pangangatawan sa malapitan. Kayang kaya akong durugin ng kanyang braso kaya kailangan kong mag-ingat.
"Good morning Boss Pogi!" I chirped. His eyebrow shot, rolled his eyes then turned his back on me. Nag-martsa ako para sundan siya. Umupo siya sa kanyang upuan at pinadulas ang isang notebook sa kanyang lamesa.
"Gawin mo yan pag eksaktong alas-otso na."
Kinuha ko ang notebook at inisa-isa ang mga nakasulat doon. Sulat kamay ang mahabang listahan na may numero pa at oras kung kailan gagawin. I groaned. Masyadong detalyado iyon.
"May reklamo?" Kahit abala siya sa kanyang laptop ay nagawa pa niyang tanungin. Mabilis akong umiling at nilapitan ang lamesa na nakalaan para sa akin.
--
Hindi nakatulong na nakaupo ako sa kabilang bahagi ng opisina ni Boss Pogi. Hindi siya gumagalaw doon sa puwesto niya. Nang mag-alas dose na, ako na ang nag-kusang lumabas para mag-lunch, pag-dating ko ay nakaupo pa din siya doon at walang pinagbago ang salubong na kilay at ang kaliwang kamay na nakatiklop sa kanyang baba.
Mag-tatagumpay siya kung mag-papanggap siyang sculpture doon sa lamesa niya. A huge chunk of Asteroid could fall from the universe but he won't blink an eye.
"Boss Pogi?" Mahinahon kong untag.
"Hm?" Sagot niya na di pa din gumagalaw.
"Nag-lunch ka na?"
"No."
"Anong gusto mong kainin?"
"Not hungry."
Marahas akong napabuntong-hininga. Gawain niya pa nga ata ang hindi kumain. Bumalik ako sa lamesa ko at panay ang tingin kay Boss Pogi. Talagang hindi siya mukhang gutom pero nag-kick in ang maternal instict ko at pagiging makatao kaya tumayo ako para tunguhin ang pantry.
Nag-scan ako ng ref niya. Merong ilang pirasong prutas at juice. Walang tinapay o kahit ano. Kinuha ko ang ilang apples, grapes at ripe mangoes, binalatan at hiniwa into bite sized. Kumuha din ako ng baso at nilagyan iyon ng orange juice. Binitbit ko iyon sa kanyang lamesa at inihain sa kanya. Doon lang ibinaba ni Boss Pogi ang kamay niya mula sa kanyang baba at sumandal sa upuan. Finally!
"What's that?"
"Fruits at juice, Boss Pogi." I said, stating the obvious.
"Thank you." Tipid niyang sabi at saka muling binalikan ang tingin sa laptop.
"Boss Pogi."
"Hm?"
"Late ba ako kanina?"
"Did I say that you are late?" Sumandal muli siya at humalukipkip.
Umiling ako. "Nauna ka kasi sa akin."
"I wake up at 4AM, I workout until 5AM. I prepare for work early so I will be here by 6AM."
Sa tatlong bagay na sinabi niya, isa lang ang tumatak sa utak ko.
Workout..
Di ko napigilan ang pagtaas ng kilay at pag-pasada ng tingin sa katawan niya. He's huge but not insanely huge. Lean muscles are obvious underneath the formal suit. Maganda ang katawan, may maipagyayabang.
Kaya lang ang sama naman ng ugali. Nakaka-turn off din.
"I know what you are thinking."
Nanumbalik ako sa kasalukuyan at namilog ang mata nang merong mapaglarong ngiti sa labi ni Boss Pogi. Pagak akong natawa. Paano naman niya nalaman?
"I don't do my secretaries."
"Don't do? Don't do what?" Kumurap kurap ako.
"Stop acting innocent. I know you are drooling over my body but sorry, Miss Torres, you are not my type. Too masculine for my liking."
Ilang beses kong tinangka ang mag-salita pero walang lumabas na kahit ano. Itinuro ko siya pero kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili dahil alam kong bubuga ako ng apoy anumang sandali. I counted I to three before I speak, making sure that I will be calm.
"Sorry to burst your bubble but you are not my type either." Iyon na ang pinakakalmadong salita na lumabas mula sa akin.
"Oh yeah? You like girls. That make sense." Sumubo siya ng mansanas na merong ngiti ang mga mata. Tingin ng nag-hahamon.
"No, I like real men not those who are trying hard to be one. Ayoko ng mayayabang, yung akala mo kaya niyang bilhin lahat, ayoko ng dominante at mahilig mag-power trip."
"So you like pussies. You like girls. You don't like alpha males. Don't worry, the only alpha male that can get near you doesn't like you."
Touche. Nag-peke ako ng ngiti. Para sa bahay.
"Alam ko naman yon, Boss Pogi."
Sunod sunod niyang isinubo ang prutas na inihanda ko. Gutom na siya pero hindi niya din aaminin kasi 'alpha male' siya.
"Thanks for the snacks, Miss Torres."
"You are welcome, Boss Pogi."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro