Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15



"Hindi ka lalagpas sa unan na yan. Naiintindihan mo?"

"For crissakes! You said that for the 100th time already! There's not much to see in that." Mapanghusga niya akong tiningnan sa buong katawan. Umirap ako at pabagsak na humiga sa kanan na bahagi ng double sized bed.

"Hindi ako maiinsulto dahil may nagkagusto na din naman sa akin." Humalukipkip ako at mariing pumikit. I was actually waiting for him to counter attack but there was a deafening silence after my statement

Nakiramdam ako. Tiyak kong meron siyang gagawing masama kaya siya nanahimik. Probably throw a pillow on my head and let me suffer until I am choking to death.

Handa na akong bumangon muli para tingnan ang ginagawa niya nang maramdaman ko ang maingat na paglapat ng likod niya sa kama. Seryoso pa siyang tumikhim.

"T-talaga? May nagkagusto na sayo?"

Lihim akong napangiti.

"Hindi mo lang makita ang kagandahan ko dahil mahilig ka sa matatangkad! Doon lang naman ako kinapos ng kaunti pero napagkaganda ko sabi ng Mama ko."

"Of course! She's your Mom. Sayang naman ang effort niya sa panganganak kung sasabihin niyang pangit ka. Maybe, she doesn't want you to feel bad."

Napasimangot ako at marahas na niyakap ang unan sa tabi ko. Isiniksik ko ang ulo ko sa ilalim non.

"Alam mo bang hindi lang sa panlabas na anyo nakabase ang kagandahan ng isang tao?" Tanong ko ng nakapikit. He chuckled.

"Only extremely ugly people would say that." Panunuya niya.

"Ayoko nang makipag-usap sayo. Matutulog na ako kasi napagod ako sa pagbubuhat ng repolyo. Napaka-ungentleman mo talaga."

Pumikit na ako at inanyayahan ang sarili na mahulog sa antok. But it ain't easy to do that. The fact that there's an undeniably gorgeous hunk beside you made everything worse. Natakot akong pumikit dahil baka humilik ako ng malakas o di kaya naman ay tumutulo ang laway. That's very far from his modest perfection. Tiyak na mas  iinsultuhin niya ako kinabukasan.

"Anong pangalan ng nagkagusto sayo?" Maya maya ay sabad niya. I mentally rolled my eyes.

"My goodness. Hindi pa ba tayo tapos?"

"I am just asking the name! Not that I'll have him investigated and beat him to death. Siguro wala naman talaga 'no?" I felt his soft nudge at my back. Hopeful pa ang kanyang boses na tama siyang walang nagkakagusto sa akin.

"Ha! Hindi ako sinungaling, alam mo yan. Ikaw kaya ang nag-turo sa aking magsinungaling. Ugali mo, papasa mo pa sa iba."

"Then tell me the name! Wala kasi. You are just messing with me."

Napakagat labi ako kasabay ng pag-iinit ng pisngi dahil sa kanyang hamon. Hindi ako maaring umatras. Hindi pupwedeng apakan niya ang pagkatao ko ng ganon ganon na lang!

"Eros!" Sorry, Eros.

"Eros Balagtas." Tama nga iyan Calla, kumpletuhin mo ang pangalan para mas convincing.

"We were almost there. Y-you know, a serious relationship. W-we even have the same addiction to the stars." Pag-iimbento ko. Magpapa-misa ako if Eros could name one of the stars! Mas magaling pa nga si Lorcan mag-memorya ng nga bituin. He even asks me different facts about the universe like he's starting to like it too.

"At bakit hindi natuloy?" He asked in a baritone.

"Pwedeng mag-change ng topic?" Nanatili akong nakapikit. "M-masakit pa kasi." Nalukot ang pagmumukha ko sa ilalim ng unan dahil sa palusot. 

Hindi siya sumagot. I felt a strong hand suddenly crawling to my tummy. The distance was cut short because of Lorcan's chest at my back. There's a comfortable heat on his bear hug. My breathing hitched and I am almost delirious but trying to compose myself. This shouldn't be free. It is so comforting that it could be more delicious than food.

"A-anong ginagawa mo?"

"Comforting you?"

"Okay sige, pero hindi mo ako kailangang yakapin." Pagpupunto ko. Not that I don't like it but the problem is I like it so much but I cannot afford to have it. This tight hug, few days ago, I was wondering how this feels. Now I know why Margaux craved for it when she's sad.

Bahagya akong nakaramdam ng pag-tulak sa ulo ko. "You did this to me, too and I felt well after a good hug.." He whispered under his breath. I felt his lips touching my hair and I am trying to picture how we look like right now.

"I will stay like this until you feel better." Dagdag niya pa.

"I feel better."

"Liar." Mas humigpit pa ang yakap niya nang hindi maniwala.

I fell asleep just like that.

And woke up, just the same...

As if we both didn't move a bit.

"Level 5, intimacy. Cuddling as we sleep."

Pinanlakihan ako ng mga mata pagmulat ko ng mata. Dali dali ko siyang hinarap pero hindi niya inalis ang kanyang yakap. His boyish smirk was there early morning. I love God but doesn't He favored Lorcan a little bit more than what we are supposed to have? His fresh from a deep slumber made him look nothing but better. And his smile could melt anyone's heart!

"Ang pangit mo." Bati niya. "Mas pangit ka sa umaga. Yung buhok mo parang walis. Yung kilay mo parang may pinagdaanan. May bakat ka pa ng laway." Hinawakan niya ang gilid ng labi ko at parang may inalis doon. "Yuck!"

Pinanliitan ko siya ng mata. "Ang sabi mo manliligaw kita? You are not very good in courtship."

Nabura ang ngiti sa kanyang labi, "Bakit? Paano ka ba niligawan ng Eros na yon? Flowers and chocolates? Binola ka? I am very sure, 90% of what he said weren't true. Ako lang naman ang mag-sasabi ng totoo."

Sumimangot ako. "Ang lakas ng loob mong magsabi ng totoo kahit nakakasakit ka na ng damdamin." Mabilis akong bumangon at kinuha ang tsinelas ko sa ilalim ng kama saka padabog na lumabas ng silid.

I went to the restroom for a quick fix. Paglabas ko doon ay natanawan ko si Emilia na abala sa loob ng kusina kasama ang ilang kasambahay. She beamed a smile when she saw me.

"Gising ka na pala. Malapit na itong maluto."

"Good morning, Emilia."

Mabait siyang ngumiti at humarap sa akin, "I couldn't believe how beautiful you are in the morning. Sinabi ko nga kay Jared ipaalala sa akin  na itanong sayo kung ano ba ang skincare regimen mo, I don't think your face will look old when you reach our age. Goodness! Forties is driving me nuts!"

"Ang aga aga, binobola mo naman ako." I smiled.

"Anong bola? Lorcan wouldn't like you if you are not pretty. We've known him for so long. Ten years ago we met him at a Farming convention and he was so shy that he even hide his identity. He doesn't want people to know his love for plants because he's the strong, alpha male type. Nakilala lang namin siya sa business magazine. Isa pala siyang Tycoon. Mabuti nga at dinala ka niya dito. I am sorry to mention but his ex doesn't even know his farming skills, ang alam lang ata ay potential business partners kami."

Hindi ako kumbinsido doon. Margaux was his bestfriend. Wala lang sigurong ideya ang mga ito sa pinagsamahan ni Mr. Perfect at Miss Perfect. I scowled under my breath as I remember.

"Calla, please be a darling ang help us bring these bad boys at the dining area. First breakfast ulit nila Kuya Rome dito sa Pilipinas kaya naparami ang niluto ko."

Tumulong ako kay Emilia at sa mga kasambahay. Naroon na sa hapag sila Lorcan, kasama si Jared at ang mag-asawang kamaganak. Lorcan grinned when he saw me but I answered it with a sneer. Napawi ang ngiti niya. Umupo ako sa dulong bahagi ng lamesa at humila ng sariling placemat.

Napatingin sa akin si Emilia at nagkibit balikat lang ako. Lorcan pushed his chair and the next thing I knew was he was sitting beside me. Hindi ko siya tiningnan.

The breakfast started with a light mood. Nag-bago lang iyon nang mag-simulang mag-usap ang mga lalaki tungkol sa negosyo. Na-out of place ang mga babae kaya sinenyasan kami ni Emilia na tumulong sa paghahanda ng lunch bago kami tumulak sa Maynila.

"I smell lovers' quarrel." Ngumisi si Emilia habang nagbabalat ng pipino.

"Hm?"

"Naku. Knowing Lorcan he won't bow down. Tuwing may away nga sila ni Margaux, he would go here para magpalamig. Sinusundo na nga lang siya ni Margaux dito para magkabati sila."

Gigil kong hinati ang carrots sa dalawa. "Hindi nga siya marunong mag-sorry." Nag-peke ako ng ngiti. "Pero okay lang. May sumpong din kasi ako kanina." Ngumiti akong mabuti para itago ang pagkadismaya.

Nang mahiwa na namin ang mga gagamitin ni Emilia sa pagluluto ay pinilit niya akong magpahinga pa. Ipinagmalaki niya ang library niya na merong mga orihinal na kopya ng libro ni Kip Thorne tungkol sa Black Hole and Time Warps. I took a shower before heading to the library and spent most of the mornings reading Thorne's amazing arguments.

Mahihinang katok ang nag-patigil sa akin sa pagbabasa. Before I could even answer ay bumukas na agad ang pinto.

Napalingon ako doon at nakita ko si Lorcan, merong hawak na repolyo na merong mga stick na nakatusok. Sa dulo ng stick ay mga strawberries na pinilit ihugis na bulaklak. It was dipped to dark and white chocolates.

"Hi Ganda.." Lorcan was grinning ear to ear and I find it more annoying. Mas sumimangot ako at pinagdiskitahan ang pagbabasa ng libro kahit na wala nang pumapasok sa utak ko dahil sa pang-aabala ng amo ko.

"Ganda, I made this especially for you." Umupo siya sa tabi ko at itinulak ang repolyo sa harapan ko. "What can you say?"

"Pangit." Umirap ako. May effort naman pero pangit.

"Wow, coming from you, ha."

Kumuyom ang kamao ko. Nagmamadaling hinawakan iyon ni Lorcan para pakalmahin.

"Nagbibiro lang ako, Ganda. Ang ganda ganda mo kaya."

"Tigilan mo nga ako.." Giit ko.

He smiled even more, "Bakit ba kasi ang cute mo kapag nakasimangot? Look at your small nose. It is getting red. Ganyan ka ba magalit?" Mahina niyang pinisil ang ilong ko.

"Wait til you see it." Umirap ako.

"Ayoko na. White flag. Try these and I an aire you will forget why you are mad at me. Nagpaturo ako kay Emilia na gumawa nito to. It is not perfect, look at this amazing shape, it looks like a--"

"Flower."

"Damn it. Sabi na nga ba palpak. It is a shooting star!"

Tiningnan ko iyong mabuti at kinuha ang isang stick. I tried to bite one part and looked at it. "Ito ang star."

Disappointed ang mukha ni Lorcan habang kinakagatan ko ang strawberries. Wala sa itsura pero masarap. I munched it quickly that it was gone before I even realized it. Lorcan smiled like a kid.

"Hihingi ako kila Jared ng madaming strawberries. We can make some more when we're back."

"At ako na ang maghuhugis, mukhang bagsak ka sa art class mo nung kinder ka. Kawawa ka naman."

"Maybe you were a fat kid when you were younger. The only thing that works properly is your mouth."

"Mag-aaway tayo ulit?" Tinaasan ko siya ng kilay. Mabilis niya akong inakbayan at nakibasa sa libro ko na para bang interesante din iyon para sa kanya.

Maybe it is....

We spent the whole afternoon talking about Time Warps until we get home and he wished that he could go back to the time when he was younger.

"Where were you when I was fourteen?" He pushed the car outside our house.

"Sa pre-school? Sneaking at the windows probably because all that I could think is to go home." I kidded.

Ngumiti siya, "That definitely looks cute. I wish time warp really do happens."

"You want to see my cuteness?"

"No. Isusumbong kita sa teacher mo."

---

Ang yaya duties ko kay Granny ang bumubuo sa weekend ko sa mga sumunod na araw. Nakapag-Sunday Market na kami. Nakahiligan ko tuloy ang tea at kakaibang recipes gamit ang mushroom. Sulit naman kahit kailangan kong gumising ng sobrang aga. Mas maagang nakakapagpabook ang Lola ni Lorcan kaysa sa kanya kaya madalas ay si Granny ang nananalo sa mga libreng araw ko. He can't say no to his Abuela. Sinabihan nga lang ako ni Lorcan na kung inaapi ako ay isumbong ko sa kanya ora mismo pero siyempre, hindi na nangyari yun. Friend ko na si Granny.

Tuwing hapon naman ng Linggo ay inuutusan niya akong gumawa ng gluten free/ sugar free oatmeal cookies sa tulong ng Chef niya sa kanyang mansyon. I always make cookies for one week. Panibagong batch naman kapag panibagong weekend.

"Hay. Salamat sa iyo, Calla." Tinikman ni Granny ang cookies at tumango-tango.

"Aprub ba, Granny?"

"Aba oo! Sinasabi na nga ba't ayos magkaroon ng apong babae. Hindi naman marunong magluto yon si Lorcan." Iiling iling na sabi niya. "Wala nang tiyaga ang apo ko sa isang matandang kagaya ko." Malungkot siyang ngumiti, mas lumalim lang ang mga guhit sa kanyang mukha.

"Wag niyo pong sabihin yan. Busy lang po ang apo niyo."

"Busy. Busy. Bakit ikaw? Linggo linggo ka ngang nandito."

Napawi ang ngiti ko. "Ayun nga po, Granny. Magpapaalam po ako next weekend kasi magkakaroon kami ng kakambal ko ng Garage Sale doon sa bahay namin kaya hindi ako makakapunta."

"Garage Sale? Bakit?" Hinila ako ni Granny papalabas ng kusina. Mabagal kaming naglakad patungo sa kaniyang living room.

"Aalis na po kasi kami sa bahay namin. Hindi po namin kayang bayaran ang amortization. S-saka malungkot din po kasi yung mga alaala doon."

"Kailan pa naging malungkot ang mga masasayang alaala? Kailangan mo ba ng tulong, Hija? Gusto mo bang bayaran ko yung---"

"Hindi na po. Nakapagdecide na po kami ng kakambal ko na i-let go na ang bahay." Tinapik ko ang likod ni Granny. Dumako ang tingin niya sa kanilang likod bahay kung nasaan ang swimming pool. Luma na iyon pero alagang alaga. Everything old could be taken cared of if you have money. Hindi ganon ang sa kaso namin ng kakambal ko.

"O siya.. Saan kayo lilipat ng bahay?"

"Naghahanap pa po. Yung kakambal ko kasi merong provided na condo doon sa bago niyang trabaho. Malayo naman sa trabaho ko kaya maghahanap ako ng para sa akin."

Malawak na ngumiti si Granny. Taka ko siyang tiningnan. Bumuntong hininga siya na parang ngayon lang nakalanghap ng fresh air.

"Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Parang may positive energy."

I smiled and breathe the same air too. Para malanghap ko din ang positive energy.

---

Marahas na bumukas ang pinto sa opisina kinaumagahan ng Lunes.

"Good morning!" I happily greeted. Kahit hindi nakatingin ay alam ko na ang bagsak ng paa at ang amoy niya.

"Morning."

Sanay na ako sa sumpong ni Lorcan tuwing umaga pero kakaiba ang isang ito. Parang may pinagdaanan itong bagyo over the weekend at ngayon ay hihingi ito ng financial assistance sa gobyerno. I scanned his face when he sat down on his swivel chair and I saw the vast irritation
painted on his face.

Bumukas muli ang pinto at nang lingunin ko ay nakita ko si Granny in her all pink ensemble. Hawak hawak siya ng kanyang nurse sa magkabilang braso at nakangiti pa din sa kanyang apo.

"'La! Why did you oust me in my own home?" Galit na tanong ni Lorcan nang makita ang kaniyang Abuela. "And, you did what? The housekeeping left just because you said so? Amazing!"

"Sa akin naman nakapangalan ang bahay na iyon. Ipaparenovate ko. Hindi mo naman kailangan ng ganon kalaking bahay. Saka pababayaan ba naman kita, apo? I got you a townhouse near your office."

Hirap na naglakad si Granny papalapit sa lamesa ni Lorcan, tumayo ako para salubungin siya at kuhanin siya sa mga nurse.

"Oh Calla, you are here. Poor Calla.." Kumunot ang noo ko nang haplusin ni Granny ang buhok ko. "Kawawa  naman ang girlfriend mo, Lorcan. Kukuhanin na ng banko ang bahay niya."

Napaawang ang labi ko. Kitang kita ko ang mabilis na pagkindat ni Granny sa akin na para bang sinasabing kailangan kong makisakay sa mga sasabihin niya.

"What?" Dumako sa akin ang tingin ni Lorcan. "Is that true?"

Ikinilos ni Granny ang kanyang siko para mag-salita ako.

"Pinili namin yon ng kakambal ko, Lorcan--"

"But you didn't tell me! Call the bank and I ---"

Tumaas ang kaliwang kamay ni Granny para pahintuin si Lorcan sa pananalita.

"Lorcan! Choice nga daw eh. Bakit hindi na lang kayo ang tumira doon sa townhouse na sinasabi ko sayo?"

"Abuela!"

"Oh bakit? Hindi ba't nobya mo siya? Uso naman iyon."

"Granny.." I whispered.

"Kailan pa naging uso sa inyo ang live in?" Reklamo ni Lorcan.

"Masama lang iyon  kapag may gagawin kayong masama.  Meron ba kayong gagawing masama?" Tumaas ang kilay ni Granny at saka  nagpalipat lipat ang tingin sa amin.

"W-Wala. Calla, why didn't you tell me? Let me fix it--"

"Hindi na nga." Kontra ni Granny, "Kasya naman siya doon sa townhouse. You'll be housemates. Not live in. That sounded demeaning in this highly impaired society. Nilagyan ng masamang ibig sabihin. Alam ko namang wala kayong gagawing masama."

"Abuela--"

"Sinasabi ko na nga ba't hindi seryoso ang relasyon niyo!" Tumaas ang boses ni Granny, kasing taas noong unang beses naming magkita.

Hindi ako nakasagot. Kitang kita ko ang pagkawala ng kulay sa mukha ni Lorcan.

"T-that's not true.. Of course. We are moving in together. Right, Love?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro