Chapter 10
'I told Natalie that I cannot cheat on you and you made it clear that she can't go anywhere near me'
Napatakip ako ng unan nang maalala ko ang eksenang iyon kanina sa mall, kung bakit? Hindi ko alam.
I am beginning to have this feeling na nagkakagusto na sakin ang unggoy na yon. Tinitigan ko ang unggoy na nakuha ng amo ko kanina sa claw crane at malakas na inihampas iyon sa ulo ko.
"Ouch!" Reklamo ko doon sa unggoy at hinampas ko din siya ng kamay sa ulo para gumanti. Then the arrogant monkey get even by throwing himself to my face at parang sinakal non ang ilong ko. Napangiwi ako.
"Fine, ilusyon ko lang yon. Wag ka na magalit! Wag ka din kasing feeling close." Tinusok ko ang ilong ng unggoy na parang kausap ko din si Lorcan. I am actually beginning to think that this is a good idea. Lahat ng nararamdaman ko ay pupwede ko nang iparating sa pamamagitan ng stuffed toy na ito. However, the monkey has stares that do the talking. Parang may sariling buhay na bumubulong bulong ito in a cute way.
"Anong sabi mo?" Inilapit ko ang unggoy sa tainga ko and the monkey had to guts to even whisper to me.
"Ano?" Inihagis ko ang unggoy sa paanan ko, "Ako? May crush sayo? Feeler ka talaga! E ano naman kung cute ka saka maganda yung katawan mo? Duh? Eh babaero ka nga. Yuck! I cannot take those kinds of human being. Sa paningin ko, mukha ka pa ding unggoy!" I stucked out my tongue and the poor monkey at my foot is smirking at me!
Kailangan ko na atang magpa-tawas kay Manang Didang kung sakaling nabubuhay pa! Palagay ko ay ginagambala ako ng masamang espiritu at kailangan ko na talaga ng orasyon bago pa ako mawala sa sarili at maging baliw!
"Tseh! Usog lang to!" Masama kong tiningnan ang kawawang unggoy. "Hindi kita crush! Si Ashton ang crush ko!"
"Calla, matulog ka na! Inumin mo yung pangpakalma mo." Narinig kong sigaw ni Clover mula sa kabilang kwarto. I rolled my eyes and curled into a ball. Kinuha ko ang cellphone ko at tinitigan iyon. Bigla iyong nag-vibrate kaya nalaglag ang cellphone ko sa mukha.
'Hi Piggy! Gising ka pa?'
I scowled at my phone. Kinalma ko ang sarili bago gumawa ng reply.
'Yes Monkey! Bakit? : )'
I could just imagine him scowling at his phone too.
'What's the delivery number of the fastfood where we ate?'
Hindi ko napigilan ang pag-ngiti, he's beginning to become more human.
'7-700'
Nag-vibrate muli ang cellphone ko.
'Do you want anything? I'll have it delivered to you or I could just go there and let's eat the food together.'
Sounds lovely. Marahas akong umiling na parang nakuryente. Really? Ano ba ang iniisip ko? Nagtitipa pa ako ng reply nang magvibrate muli ang phone ko at may pumasok muli na mensahe.
'Come on, tell me what you want.'
Natigilan ako at wala sa sariling nagtype.
'Ikaw.'
Nanlaki ang mga mata ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong nagkulay green ang dalawang check sa ibaba ng mensahe ko. Nabasa na niya!
The app prompted 'Typing'. Halos magdugo ang labi ko sa pagkagat nito. Nakipagpaligsahan ang mga daliri ko sa pag-type ng mensahe at mabilisang pinadala iyon.
'**Ikaw ang bahala.'
Pagtatama ko. Muling nag-green ang dalawang check doon sa mensahe ko. Nawala ang 'Typing' signal doon sa conversation naming dalawa.
'Pero antok na talaga ako, bukas na lang, Monkey. Goodnight :*'
Ibinaba ko ang cellphone ko, palagay ko ay nakatulog na siya. Pumikit ako pero ilang sandali lang ay nag-vibrate muli ang cellphone ko.
'Okay. See you tomorrow :*'
My cheeks flared. Ipinatong ko ang cellphone ko sa dibdib ko at ilang beses bumuga ng hangin.
***
Ikatlong kape.
Inamoy ko ang nakakagising na coffee bean. Hindi ako umiinom ng kape, ngayon lang. Hindi na kasi ako nakatulog kagabi at dahil doon, maaga akong nakapasok kinabukasan. Binuklat ko ang mga papel na hawak ko nang biglang bumukas ang pinto.
"Morning." Isang malamig na bati ang nagpagulat sa akin. Lumipad ang mga papel sa hangin at natataranta ko iyong pinulot isa isa. Lumuhod sa carpeted na sahig si Lorcan at tinulungan akong pulutin ang papel.
"Tss. Scaredy cat. I smell coffee and you don't drink coffee."
Totoo iyon, ang buong opisina ay amoy kape pero natalo iyon nang mamahaling amoy ni Lorcan. All that I can smell right now is Lorcan's scent. Dancing happily in the air.
"Uminom ako ng tatlong tasa." Nahihiyang bulong ko. Tumingin si Lorcan sa wristwatch nya pagkatapos ay binalingan ako para iabot ang mga papel na pinulot niya at saka nagpunta sa pantry ng kanyang opisina.
Pagbalik nya ay may hawak na syang isang basong tubig at inabot sa akin yon. "Here, flush away the caffeine in your system, drink more water." Seryosong bilin nya.
"Uy, ang bait niya!" Bati ko. Kitang kita ko ang pagbabago ng kulay sa kanyang pisngi.
"Just drink okay? You are not funny. Alam mo bang kapag nasobrahan sa caffeine ang isang tao, pupwedeng mag-cause ng heart failure due to palpitations. It may also cause aneurysm—"
"Ito na! Ito na!" Itinaas ko ang kamay ko at saka inilapit ang baso sa bibig ko. "May sakit ka ba? Ang bait mo talaga." Pinanliitan ko siya ng mata pagkatapos kong ubusin ang tubig sa baso, iniabot ko pa ang kamay ko sa kanyang leeg para damhin iyon pero mabilis siyang umiwas.
"Don't touch me!" Angil niya. I mimicked his words by mouthing.
"Ang sungit mo, hindi mo gayahin ang mga kaibigan mong palangiti."
"Sino naman?" Pabagsak na sabi niya kasabay ng pagsalampak niya sa swivel chair niya.
"Si Ashton!
"Hey!" Napalingon ako sa pintong bumukas. "Did I hear someone call my name?" Napaawang ang labi ko sa nakangiting si Ashton na para bang meron kaming mental connection at lumilitaw nga siya dahil naisip ko siya. Awtomatiko akong ngumiti.
"Good morning Ashton!" I chirped.
"Hi Calla! I just remembered you work here." Hi thick eyebrows and brown eyes complimented. It gleamed with so much happiness like a ray of sunshine. Parang wala man lang itong moodswing kahit pa gumising ng napakaaga. Ang layo layo sa kaibigan niyang unggoy na napakasumpungin!
"Why are you here?" Walang kasigla-siglang bati ni Lorcan.
"Good morning, Lorcan!" Ashton chuckled, alam na ata ang topak ng kaibigan tuwing umaga. "Hindi ba hiningi mo sa akin ang floor plan ng mall ko? Remember? For the reconstruction of our Tanay branch."
"Oh, I see." Sumeryoso ito, "Love?" Baling sa akin.
Kumukurap kurap pa ako sa harapan ni Ashton nang hilahin ako ni Lorcan sa kanyang tabi, "Can you give us a minute?" Napalingon ako kay Lorcan. Malambing siyang nakangiti sa akin at ginulo ang buhok ko. "Mag-coffee ka muna sa labas." Suhestiyon niya, kinunutan ko siya ng noo.
"Gusto mo ba akong mamatay?" Kunyaring natatawa na bulong ko sa kanya, "Nakatatlong kape na nga ako." Angil ko.
Tumaas ang kilay ni Ashton sa aming dalawa. "That was cheesy."
Sabay kaming nagpeke ng tawa ni Lorcan. "Calla doesn't need to leave. Nothing private about it. Sayo ko naman ibibigay ang project kaya hindi na ako nagpa-bid. I trust your costing."
"Hindi, nagke-crave daw siya sa coffee kaya bababa siya sa coffeeshop at magkakape, right Love?" Bahagyang pinisil pa ni Lorcan ang fats sa tagiliran ko.
Tiningnan ko siya ng masama pero sumuko din ako. Wala akong magagawa sa demands ng isang Lorcan Alcantara! Padabog kong kinuha ang bag ko at bago pa man ako makalabas ng pinto ay hinila ako ni Ashton at hinalikan sa pisngi.
"See you around, Calla. Take care!" Paalam ni Ashton.
Nilingon ko si Lorcan nang namumula ang pisngi, I secretly stucked my tongue out, kitang kita ko ang pagkuyom ng kamao niya.
'That was not necessary!' Narinig ko pang sigaw ni Lorcan nang sarhan ko ang pinto.
I busied myself watching about the documentary on Pluto and the plan to de-list it as one of the planets in the solar system. Which I think is a bit unfair. Pluto is the loneliest planet! Pinakamalayo sa sun at sa mga katabi niyang planets, hindi din ito explored. Then when they visited pluto, sasabihin nila kay Pluto, "Sorry Pluto, you are not a planet."
That's it?
Naming it as one but they will realize that it was a mistake. People could really be mean and it is upsetting.
Parang si Lorcan lang, upsetting. He could be lovable but he doesn't mean what he say most of the times.
My phone beeped and checked the message.
'Piggy! You could go up, nakaalis na ang crush mo.'
I sneered at my phone. Pamartsa akong bumalik sa opisina ni Lorcan. He was smirking like a child. Masama ko siyang tiningnan. He snickered playfully.
"Bakit galit ka?" He asked innocently.
Umupo ako sa aking upuan at inayos ang mga papeles na naiwanan ko kanina.
"You know, you are really obvious. Kitang kita sa mga mata mo pag masaya ka, pag galit, kapag humahanga, it is so creepy."
Nag-angat ako ng tingin, relaxed na nakapatong ang ulo ni Lorcan sa kanyang kamay na magkalapit sa headrest ng kanyang swivel chair.
"You should really learn how to conceal your emotions." Dagdag niya.
"Para ano? Parang maging ikaw? Thanks but no thanks." Matabang ko sabi pagkatapos ay humila ng papel at inayos iyon.
Tumayo siya sa kanyang upuan at naglakad papalapit sa lamesa ko. Shadows casted on me as he sported his tall and lean built. He sat at the edge of the table and took handful of the papers. Nakiayos din siya doon.
"Hindi ka pupwedeng mahalata ng mga kaibigan ko. What they know is that we are together. Sinabi ko naman sayo yon, hindi ba?"
Sumimangot ako at pabagsak na inilatag sa lamesa ang papeles na naiayos ko na.
"Okay." Nagkibit balikat ako.
"Okay? Bakit parang galit na galit ka? You really like my friend that much, huh?"
"Hindi ah." Tanggi ko. Tumayo si Lorcan at humalukipkip sa akin,
"Akin na yang ibang papeles at aayusin ko na." Iniabot ko ang kamay ko dahil nahinto ako sa letter N. Kailangan ko iyong ipasa sa Sales Documentation department bago mag-lunch para kanilang iproseso.
"Ashton? Seriously?" Parang hindi pa siya makapaniwala.
"Bakit?" Hamon ko. "Hindi mo ba nakita kung anong pinagkaiba mo sa mga kaibigan mo? You are a manipulative, arrogant and possessive rich guy who knows nothing but to control people's feelings and thoughts. Alam mo, sa tingin ko, hindi ka inlove sa ex mo, hindi mo lang matanggap na nakawala siya sayo nang hindi mo pa sinasabi. Hindi ba cheater ka? Sooner or later you will dump her and you want to do it yourself not the other way around. You are clearly obsessed with your image."
Unti unting lumatay ang sakit sa mukha ni Lorcan at bago ko pa bawiin ang nasabi ko ay tumalikod na siya sa akin.
Bravo! Me and my big mouth just hurt someone. Nang tumunog ang bell para sa afternoon lunch ay tumayo na ako sa upuan ko. Hindi ko alam kung paano kakausapin si Lorcan. Kung hihingi ako ng tawad, sigurado akong hindi niya iyon tatanggapin ng walang kapalit! At ano naman ang ipapalit ko? Buhay ko? He wanted to kill me know for sure.
Wala akong ganang kumain at imposible iyong mangyari. There's something wrong with my throat right now. Ang hirap lumunok. Bumalik ako sa counter para humingi ng paperbag para sa natirang pagkain ko nang may maalala.
"Pakisamahan mo na din ng two-piece chicken and extra gravy." Ngumiti ang kahera at tumango. Sa bawat hakbang ko papabalik ng opisina, palagay ko talaga ay bibitayin ako. Ang malalamig niyang tingin, ang pagtunog ng ngipin, may monster tendency talaga si Lorcan at hindi malayong mangagat siya kapag di siya nakapagpigil.
Iniuna kong ipasok ang paperbag na merong chicken doon sa pinto ng opisina ni Lorcan. Wala akong narinig na kaluskos doon sa loob. Sumilip ako at nakita kong nakahalukipkip si Lorcan at nakataas ang isang kilay. Nakatuon sa akin ang atensyon.
"Peace na tayo." I smiled sheepishly. Mas lalo namang tumaas ang kilay niya at humarap sa laptop niya.
"Ay, suplado. Binilhan kita ng chicken."
"I don't like that."
Napailing ako at binuksan ang box na merong manok, "Hmm, ang bango.." Tukso ko. Nagtiim bagang siya.
"I don't like that. Close the box now."
Hindi ko iyon sinunod. Umupo ako sa lamesa ni Lorcan at iginiit ang legs ng manok sa kanyang ilong.
"Di ba? Ang bango!" I leaned forward, almost crawling to his table.
"Tsk." He hissed.
"Isang kagat lang.." Pilit ko. Magkalapit na ang mga mukha namin na napapagitnaan ng fried chicken.
The door suddenly opened, pinanlakihan ng mata si Lorcan nang sumilip sa pinto. Handa na akong lumayo pero hindi ako nakakilos nang hilahin ako ni Lorcan sa batok at ilapit ang labi niya sa akin. There was a deafening silence except for my heat beats hammered like crazy. My eyes adjusted and I saw Lorcan closing his eyes with our lips intact. I did the same. He yanked me more to him, deepening the kiss. Naging blangko ang isip ko. I know I need to protest. This guy was stealing my first kiss but nevertheless, how could you say no if he sent all the feelings that I imagined how my first kiss to be. It is like a natural phenomena in galaxy.
"Gracia divina! Que haces, Lorcan?"
Humiwalay si Lorcan sa akin, I saw him licking his lower lip. His thumb moved and he pressed it to my lower lip, gently massaging it. "Sorry." Bulong niya kasabay ng nakangiting pag-tayo.
Naestatwa ako sa paghingi niya ng tawad, it was exactly how I pictured my first kiss to be, except the 'sorry' word.
"Abuela! You are back!" Maligayang bati ni Lorcan.
"Anong kalokohan ito?"
Nagmamadali akong napatayo sa matinis na boses na iyon.
An old lady probably in her seventies with two bodyguards and two nurses behind her. Puti ang kanyang buhok, makapal ang salamin at mayroong tungkod. Isang linya lang ang kanyang labi at pati na kilay. Masama ang tingin niya sa akin.
"Hija, hindi ka ba naturuan ng manners sa inyo? Opisina ito, hindi motel! Lorcan! You have a lot of explaining to do!" Pagkasabi non ay tumalikod na ito.
Patay!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro