Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2.9


Pangako.

I remember trying to fall asleep while he was driving. Ano nga ba ang pupwedeng pag-usapan ng dalawang taong magkakilala pero yung isa, hindi ka na naaalala.

Bawat bukas ng bibig ko, gusto kong humagalpak ng tawa at sabihing 'Naalala mo noong..'

Pero siyempre hindi niya naalala. The drive ended up silent. Madilim, walang stars, walang kasabay na sasakyan.

"Dito ba ako liliko?" Tanong sa akin ni Lorcan.

"Oo, tapos pagkanan mo diyan, dire-diretsuhin mo lang hanggang dun sa dulo tapos kakaliwa naman tayo."

"Naalala mo pa ha. Tatlong taon ka na din bang hindi nakakapunta dito?"

Tumango ako. Kasalanan ni Clover ang awkward na 3-hour drive to Quezon. Masakit sa ulo, sa pwet at sa puso. Iniwanan nila kami. Nagbilin na lang na sumunod na lang ako dahil may magda-drive naman pala. Along the way we ordered cheeseburger, fries and float as our dinner. Muntik pa akong matawa nang bilangan ako ni Lorcan ng calorie content ng bawat isa but he ended up eating everything. Wala nga halos itira.

"Maganda ba don?" Tanong niyang muli, kyuryoso.

"Maganda. Paborito ko doon."

"Sa tingin mo, magugustuhan ko yon ngayon?"

"Siguro. Pwedeng oo, pwedeng hindi."

"Malamang oo," he smiled, "I always like things I don't remember liking when I woke up from coma. Isang taon lang ba talaga ang pagiging mag-asawa natin? You changed me a lot."

"Sorry."

Mas lalong lumapad yung ngiti niya, nag-react agad yung puso ko. Yung kaninang malamig na pakiramdam, natunaw na sa sobrang init nung ngiti niya. Kahit madilim sa labas, walang poste o kung ano, sapat na ang ngiting yon para lumiwanag ang lahat sa paligid ko.

"No, I like the change. Pakiramdam ko, mas relaxed ako. Hindi ko naisip na magiging ganon ako. Personally, my choice was to be uptight and controlled."

"You still are." Itinuro ko ang pisngi niya at pinindot yon, napailing siya.

"Mas mabait na ako ngayon. Noong nagpaalam nga si Hilary na magleave ng two weeks, pumayag ako."

"What?" Kumunot ang noo ko. "Kailan ka pumayag?"

"Nung wala ka, bago kita makita sa coffee shop."

"Hoy, teka lang." Hinampas ko siya sa balikat, kumunot ang noo niya, "Ako pa din ang approving officer niyo. Kulang na nga sila sa Marketing tapos pinagleave mo pa. Pagsasabihan ko yon."

"Huwag mo nang pagsabihan, I can assist the team in place of Hilary. Para maging familiar ako sa Marketing tasks."

"Pagsasabihan ko pa din. Hindi pupwede yung sayo sila lalapit."

Tuluyan nang nawala yung ngiti niya, "Ako pa din naman ang mayari ng kumpanya. Yes you are in charge pero ako pa din ang mayari."

"The point is—"

"The point is, masyado mong sineseryoso ang posisyon mo. Hindi ka din naman magtatagal diyan."

"Ah, ako pa? Paanong hindi ko seseryosohin eh negosyo mo yan, baka magalit ka kapag nagkandaloko loko hindi ba?" Napailing ako, "Palibhasa maganda si Hilary kaya hindi ka nakatanggi."

"Hey, hey.. 'Wag mo akong akusahan ng ganyan. Bakit naman ako papatol sa empleyado?"

"Go ask yourself!" Ang dating kaninang matahimik na biyahe ay biglang nabulabog. Palagay ko pati mga natutulog na alitaptap ay nagigising sa pagdaan ng sasakyan namin habang nagbabangayan kami sa loob.

"Kaya nga nagtataka din ako." Tiningnan niya ako ng mapanghusga nang may multo ng ngiti sa labi. Tumaas ang kilay ko.

"Excuse me! Ikaw ang nag-ayang magpakasal tayo. Ikaw ang humila ng kamay ko para ikasal tayo kahit wala pang tao. Ikaw, at ikaw lang naman ang kumilos lahat at hindi na tinanong ang permiso ko."

"I wonder.." Nilagay niya ang hintuturo at hinlalaki sa baba niya pagkatapos ay hinaplos yon na parang nag-iisip. Naiinis ko siyang hinampas muli sa balikat. Tumingin ako sa bintana sa labas at piniling ang kadiliman na lang ang tingnan.

"Hindi ka tumanggi?" Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, itinanong niya.

Nagpeke ako ng ngiti at saka pinaliit ang mata, "Madali lang talaga akong maloko. Inaamin ko naman yon."

Napailing muli siya saka itinuloy ang pagmamaneho. 45 minutes ang lumipas at nakarating din kami sa maliit na port patungo sa Villa Susanne. 24 hours ang mga bangkero na nag-iintay doon kaya taliwas sa mahaba at madilim na dinaanan namin kanina, mas masigla ng kaunti ang daungan. Nagparada lang kami doon sa provided parking lot ng mga turista na nagpupunta sa iba't ibang isla. Mabuti at meron pang bakante na isa.

"Villa Sussane.." Tawag ko doon sa grupo ng bangkerong naglalaro ng kara krus sa buhanginan. Nagtaas ng kamay ang dalawa at itinuro ang bangka nila.

"Ligtas bang sumakay pa sa bangka ngayong oras?"

"Ano? Magbaback out ka ba? May flashlight naman ang mga bangkero saka 5 minutes lang nandoon na tayo."

Tumalikod na ako at sumunod doon sa dalawang bangkero na may hawak na life vest nang hawakan muli ni Lorcan ang siko ko.

"T-teka, malamig ba ang tubig? Paano kapag nalaglag tayo?"

"May life vest naman."

"Paano kapag sira yung lifevest?"

"Eh di oras mo na!" Natawa ako.

"Hindi ako nagbibiro!"

"Hindi din ako nagbibiro. Ano ka ba? Masyadong mapagmahal sa buhay? Sabagay, important person ka nga pala. Mayari ng kumpanya, gwapo, ikakasal pa."

"Calla—"

"Manong, pa-assist po.." Iniabot ko ang kamay ko sa bangkero. Bahagyang kumilos ang bangka nang sumampa ako.

"Ano? Sasakay ka ba?" Tanong ko nang nilingon si Lorcan na naroon pa din sa pampang, "Sabagay, kaya mo pa siguro magdrive ng apat na oras pabalik? Ako kasi, antok na. I badly need sleep."

"Ikaw pa ang kailangan matulog ha. I drove for four hours!"

"I drove for four hours." Ginaya ko ang sinabi niya, in a mocking way. Nagsalubong ang kilay niya at mabibigat ang mga paang lumapit sa bangka.

"Uy, si Boss Pogi pala ito eh, hindi kita nakilala ah."

Tinitigan ni Lorcan ang tumulong sakaniyang makasakay ng bangka. Lumalim ang kunot at nag-isip mabuti. Unti unti siyang napahawak sa sentido kaya kinuha ko ang kamay niya at ibinaba iyon.

"Kuya, may sakit siya ngayon. Hindi pa niya kayo maaalala. Pasensya na."

"Ganun ba? Isa kasi ako sa trabahador sa Villa Sussane kaya lagi kaming magkasama dati. Ano po ang sakit niya?" Bulong sa akin ng bangkero.

"Amnesia." Tipid akong ngumiti. Napanganga ang bangkero parang hindi kumbinsido pero maya maya ay nilingon si Lorcan na nahulog na naman sa malalim na pag-iisip.

"Ako po si Erwin, Bossing. Sabi niyo, ipinagawa niyo ang villa para sa asawa at magiging anak niyo. Bilib nga ako sa'yo Boss eh. Mahal na mahal niyo ang misis niyo."

Umandar ang engine ng bangkang de motor. Ipinagpasalamat ko ang ingay na yon dahil mukhang mas naguguluhan na ang kasama ko. Kalmado ang dagat, tinalo nito ang puso ko na parang paulit ulit na umaalon.

Alright, relax, Calla. Ano naman kung makikita niya ang ipinatayo niya para sa iyo?

Nang dumaong ang bangka sa maliit na isla ay ako na din ang nag-abot ng bayad. Huminga ako ng malalim at pinalibot ang mata sa Villa Sussane, hindi nga nagsisinungaling si Clover na inaalagaan nila ito ni Ashton. Naroon pa din ang puno na itinanim namin noon, mas lumaki na ito. Ang pintura ay mukha pa ding bago, probably not the original pero parehas na kulay pa din.

Tanaw ang nakabukas na warm lights doon sa salas at may mga pagkilos doon. Natanaw ko na ang kakambal ko na kayakapan si Ashton. Ang harot talaga.

"Ang ganda." Nagsalita sa likuran ko si Lorcan. "And I gave this to you. Ganoon ako kagenerous?"

"Ganoon ka kapatay na patay sa akin."

"You are twisting the facts." Pinanliitan niya ako ng mata, umirap ako.

"Wala ka namang maalala hindi ba?" Tukso ko.

Mahina siyang natawa, "Kapag naalala ko ang lahat, humanda ka."

"Anong gagawin mo?"

"Kung hindi ka nagsasabi ng totoo, I'll probably laugh at you."

"Paano kung totoo?"

"Then," bumaba ang tingin niya sa aking mga labi at malagkit akong tiningnan. His hazel brown eyes lingered more than it should.

"Hay! Gabing gabi, landian! Mahamugan kayo diyan! Pasok! Pasok!" Anyaya ng kakambal ko na mukhang handa na sa pagtulog. Dumalo din si Ashton sa kaniya na niyakap siya mula sa likod.

"Si Avery?" Tanong ko.

"Tulog na. May respeto sa oras ng matatanda ang anak ko pero huwag din kayong masyadong maingay mamaya.." Kumindat sa akin si Clover at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Ang bastos mo!"

"What? Bakit?"

Naiwanan pa kami ni Clover sa may pintuan dahil pumasok na ang dalawang lalaki at nagkuwentuhan. Palinga linga si Lorcan na para bang hindi kanya ang Villa Sussane.

"Ano? Naaalala na ba niya?"

"Hindi pa." 

Sumiksik sa akin si Clover at hinila ako patungo sa couch para doon maupo.

"Ipinapaalala mo ba? Dapat pinaparanas mo yung mga karanasan niyo dati. Baka kapag ipasok niya yung ano niya, maalala niya yung pakiramdam, kasi balita ko nahuhulma naman daw yun lalo na kapag isa lang ang nakapasok."

"Clover!" Namumula na talaga ang mukha ko. Mabuti at hindi kami naririnig ni Lorcan dahil sa malakas nilang tawanan ng kaibigan niyang si Ashton.

"Wedding ring! Ay grabe, ang green! Environmentalist ka na ba? Ang berde, kadiri!" Umarte pa siyang nasusuka.

"Tigilan mo nga ako. Saan ba ang kuwarto ko?"

"Doon sa Masters."

"Okay, good." Tumayo na ako.

"Baka i-lock mo ang pinto, hindi pa nakakapasok ang asawa mo."

"What? Tatlo ang kuwarto ah."

"Pavirgin!" Angal ni Clover, "Kung pavirgin ka, pwes ako hindi. Yung gitnang kuwarto, naroon si Avery at Yaya Maita. Siyempre humiwalay kami ni Ash, paano na ang pangangailangang pisikal ko?"

"Mahal.." Malambing na tawag ni Ashton kay Clover na namumula ang pisngi, mukhang naririnig kami.

"Teka.. In a relationship yung tao." Bulong ko.

"True! In a relationship with many! Married naman kayo so walang masama doon. Ashton!" Baling nito sa asawa. "Inaantok na ako. Humarvest ka na bago ko pa makatulugan."

"Harvest?" Sabay naming tanong ni Lorcan.

"Secret code namin yon! Bukas na tayo mag-usap. Kung ano mang kalabog ang maririnig niyo, patnubay at gabay lang ang kinakailangan." Sagot ni Clover kasabay ng kindat. Nilapitan siya ni Ashton at sabay silang umakyat sa itaas. Ako na ang nagkusang sarhan ang mga bintana pati ang mga ilaw sa ibaba.

Napatingin ako kay Lorcan na ngayon ay nakanguso.

"Ayaw mo akong katabi." Parang nagtatampo pang sabi niya.

"Ah, hindi. Ano lang.. Alam mo na. Si Clover kasi tutuksuhin tayo."

"So?"

"Baka hindi ka lang maging kumportable."

"Ako o ikaw ang hindi magiging kumportable? Calla, wala akong gagawin na labag sa kalooban mo, okay? Hanggang wala kang hihilingin hindi ko ibibigay. I want to clarify that."

"Ha-ha, ang kapal talaga." Napailing ako at mahina siyang itinulak. Hinuli ni Lorcan ang kamay ko at pinagdaop ang aming mga palad, magkakabit ang mga daliri. Napalunok ako. Mabuti at patay na ang ilaw pero ang sumisilip na liwanag sa buwan ang nagbigay ng clue kung gaano siya kaguwapo sa suot niyang dress shirt na gusot gusot at tanging ang buhok niyang nakatali ang hindi isang pagkakamali sa kaniyang mukha. Dahil ang iba, ang iba ay sobrang ganda talaga.

Hindi makatarungan sa ganda. Parang sinalo niya ang lahat para kumopya sa diyos ng magiging itsura.

Kumalabog ang dibdib ko, palagay ko ganoon din siya, isang ngiti ang pinakawalan niya tapos binasa niya ang pangibabang labi niya at pinisil niya ang palad ko gamit ang kamay niyang nakahawak doon. Tumawa ako ng kinakabahan.

"Meron akong ipapakita sayong amazing." Bulong ko. Humarap siya sa akin, bahagyang nakayuko. Kinuha niya ang isang kamay ko at pinagkabit muli ang aming mga daliri.

"Meron pa ba akong hindi nakikita?" Mababa at buo ang boses niya. Kinilabutan ako sa paraan ng pagkakasabi niya.

"Nakita mo na noon.."

Ngumisi siya at tumingin sa dibdib ko. Pinanlakihan ako ng mga mata dahil mukhang alam ko  na ang iniisip niya. "Bastos ka din!"

"What?" Natatawang tanong niya. Kinuha niya ang kamay ko at hinila na din paakyat. In fairness, tama ang silid na binuksan niya. Ang unang pinto ay ang master's bedroom. Sa gitna ay ang malapad na kingsize bed. Wala namang espesyal bukod sa bintanang nakaharap sa dagat. Ngayon ay nakasarado ang mga blinds.

"Maligo ka muna." Utos ko kay Lorcan.

"Ang selan mo naman!" Reklamo niya. I snarled at him. He barked laughter, instinctively dumiretso sa banyo na nasa loob ng silid. Binuksan ko ang duffel bag naming dalawa, kumuha ako ng pantulog niya, at para din sa akin. Parehas na inilatag iyon sa kama. Kagaya ng dati.

Lumabas si Lorcan sa banyo at ako naman ang pumalit, bitbit ko na ang mga damit ko. Hindi ko na siya tiningnan pa, alam ko namang tuwalya lang ang takip niya sa katawan. Bahagya pa akong nadikit sa basa niyang balat pero hindi ko talaga nilingon! Mabilis din akong naligo at nagpatuyo ng buhok, at nang lumabas ako ay nakapuwesto na doon si Lorcan sa kama. Sa madalas na pwesto niya. Lagi niyang kinukuha ang kaliwang bahagi, hindi dahil yon ang gusto niya kundi dahil gusto ko ang kanan.

"Game, ano na ang ipapakita mo?" Humalukipkip si Lorcan at tinitigan ako.

"Wala sa akin." Binuksan ko ang side table at hindi ako nagkamaling naroon pa ang remote control ng hydraulic roof. I pressed a button at marahang bumukas ang bubong ng silid. Tanging clear glass roofing na lang ang tanging takip ng aming bubungan.

"Whoah." Manghang sabi ni Lorcan habang nakatingala at binubusog ang paningin sa bituin sa langit nang bumukas ang kisame. "Did we make this?"

Tumango ako. Humila ng unan humiga doon. Nakatingala sa mga bituin. Tumabi sa akin si Lorcan, ganoon din ang ginawa. Tinuro ko ang constellation na visible mula sa puwesto namin.

"Cassiopeia." Sabay naming bulong ni Lorcan. Nanatili kaming nakatitig doon habang pinapakiramdaman ang isa't isa. Gumapang sa akin ang isang kamay ni Lorcan, kumilos siya. He lay by his side and looked at me intently.

"Did we.." Panimula niya, "Did we make love under the stars?"

"Bakit mo tinatanong?" Kahit kinakabahan ay matapang kong sinalubong ang titig niya.

He pouted and shrugged, "Parang ang romantic kasi. Hindi mawawala sa bucket list ko yon kung nagkataon."

"You can make new memories. If you think it is romantic then, you should try."

"Talaga?"

Mas lumapit pa ang katawan niya sa akin, huli na nang napagtanto kong inilapit niya ang mukha niya sa akin at saka ako sinubok na halikan. Nailayo ko ang ulo ko sa kaniya.

"Teka, ako talaga? Ako ang nasa bucket list mo? Umayos ka, Lorcan."

"Come on, you still like me."

"Wow, ang hangin. Nasaan ba ang remote ng aircon, patayin ko nalang dahil sayang ang kuryente. Sapat na sapat na ang hangin mo sa katawan e."

"You are acting like we haven't done anything like this before." Pinanliitan niya ako ng mata.

"Ah, reverse psychology. Akala mo madadaan mo ako riyan?"

"I kissed you and you kissed back, you reciprocated. Pinapasakay mo lang ba ako?" Tanong niya.

"Hindi kita pinapasakay, okay? Nadala rin lang naman ako. There are things that I want.. That my body needs. You know, nasa point ako ng buhay ko na kapag may nag-hello sa akin ay ipapakilala ko na as boyfriend ko kinabukasan. Ang tanda ko na."

"I can take care of that."

"Ano ka ba? I know we are in a very wrong situation. I know we are married but you are in love with somebody else."

"Like you are so sure of it."

"Siyempre sigurado ako."

"I want you, Calla." Hinuli niya ang parehas na braso ko para tumigil ang mga kamay ko sa pagkampay.

"Ano to, The Voice? Kapag inikot mo ang upuan, makukuha mo ako?"

"Ano bang gusto mo mula sakin? Yes, I cannot remember you but I am telling you that I like you. Now. This is now. Anong pinagkaiba ko sa bago mong makikilala? Itinutulak mo pa din ako papalayo? Bakit, Calla? Hindi ba pupwedeng kalimutan na natin ang nangyari, patawarin mo ako, patawarin kita at tayo na? Bakit pinapahirapan mo ako? Ayaw mo na ba?" Bumagsak ang tingin niya sa mga kamay niyang nakahawak sa aking braso. Binalot ako ng guilt.

"No, no, of course not. Hindi ganon yon, Lorcan. Marami lang siguro tayong kailangan pang pag-usapan kaya yon ang pumipigil sa akin. Una, si Margaux—"

"Sinabi ko na—"

"Di ba ganyan naman ang lahat ng nagtataksil? Kapag wala ang karelasyon nila, magtataksil sila? Paano kapag dumating? Babalik ka at saan ako doon?"

Kinuha ni Lorcan ang kamay ko at pinatong sa dibdib niya.

"Nandito, nandito pa din. Hindi naman nawala. Huwag na nating pag-usapan ang wala naman dito. Gusto mo pa din ba ako?"

Sa puntong iyon, wala nang magagawa kung magsisinungaling pa, marahan akong tumango.

"Gusto din kita."

"Now, as two mature adults here.. I want to kiss you, pupwede ba?" Magalang niyang tanong. Tumango ako. Walang special music o kaya effects, hindi din mabagal, hindi din naman mabilis. Bumagsak ang labi niya patungo sa labi ko.

"I promise to take care of you."

Tumango ako habang tinutugon ang masuyong halik niya.

"From this day and forever." He added. "And to be honest on what I feel, no matter what."

Pinuno niya ng emosyon ang halik niya, tumitigil lang siya tuwing magsasalita, pero walang iba kundi mga pangako iyon.

"I will make it right." He said. "And I hope to see you as I walk to the light. Kapag maliligaw ako, kunin mo ulit ako. I cannot do this alone."

Pinisil niya ang kamay ko, ginigising ako para sumumpa kasama niya. I nodded.

"Hindi mo na ulit bibitiwan ang kamay ko kahit sabihin kong ayoko na nito dahil malamang hindi iyon magiging totoo. Mas malakas ka, tandaan mo."

That night was filled with promises. Hindi ako nahiyang sabihin ang mga gusto kong sabihin. Hindi ko na kinaligtaan na ipadama sa kaniya ng walang pagpipigil ang mga bagay na gusto niya. We collapsed to bed almost 5am in the morning. Magkahawak kamay, walang damit sa ilalim ng kumot at magkalapat ang labi na parehas na merong ngiti.

---

"Calla, may puti ka dito.." Itinuro ni Clover ang gilid ng labi ko, nagmamadali ko iyong kinapa. Mahinang natawa si Ashton na sinusubuan si Avery ng baby food.

Humagalpak si Clover, sinamaan ko siya ng tingin. Umagang umaga, nakuha pang inisin ako.

"Parang may narinig lang kasi ako kagabi." Tudyo niya.

"Ako din."

"T-talaga?"

"Oo, something like, 'itali mo ako'. Grabe, ang wild naman non."

"Paano mo nalaman yon?" Napatayo si Clover at tinitigan ako. Mahina akong natawa.

"So meron ngang ganon?" Napailing ako. Wala naman talaga akong narinig, hinuhuli ko lang talaga siya.

Napalingon kami sa mabilis na pagbukas ng masters bedroom kung saan kami natulog ni Lorcan.

"I know. Yes, may pinuntahan lang. Nandiyan ako mamaya. Yes. See you."

Nag-kibit balikat si Clover nang magkatinginan kami nang ibaba ni Lorcan ang cellphone na hawak, kanina ay may kausap doon.

Tumikhim si Lorcan. Naglakad papalapit sa akin at kinuha ang kamay ko.

"We need to talk."

Nagpahila ako sa kaniya papalabas ng villa. Dinala niya ako sa pagitan ng villa at ng pampang at hinawakan ang parehas na kamay.

"Dumating na si Margaux. I need to sort out things with her. I won't ask you to come with me, ako muna ang kakausap sa kaniya but I need you to trust me on this."

Nakakaunawa akong tumango at ngumiti.

"Okay."

"Calla, nothing will change. Ikaw pa din ang pipiliin ko, maniwala ka."

"Okay.."

"Calla naman.."

"Okay nga. Anong gusto mo, hindi okay? Lorcan, hindi ko kailangan ng pangako mo. Ang kailangan ko, mag-ingat ka sa pagmamaneho. Huwag kang hahawak ng cellphone habang nagmamaneho, okay?"

Inilagay ni Lorcan ang parehas na palad niya sa aking pisngi at paulit ulit na hinaplos iyon, parang ayaw pakawalan. Ipinatong niya ang noo niya sa akin at gamit ang mga mata niya ay tinitigan akong mabuti.

"Huwag na lang kaya akong umalis?" Nanghihinang bulong nito.

"Gawin mo ang kailangan mong gawin."

"Really?"

Tumango ako, pinuwersa ang ngiti. Bumaba ang mukha niya sa akin at pinatakan ako ng maingat at mabagal na halik sa labi. He was taking time. Biting my lower lip gently and suckling my entirety. Parang gusto niyang isama ang kaluluwa ko sa kanya.

"Sumama ka na lang kaya." Bulong niya na parang nahihirapan.

"Lorcan.."

"I am serious. Baka hindi ako makapagdrive ng maayos kapag hindi ka kasama. I will think about what you are doing here without me."

"Paano si Margaux? Makikita niya agad ako."

"Then huwag kang magpakita. Basta gusto ko, malapit ka. Sandali lang ito. Pangako."


♁☆♁☆♁☆♁☆


Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Account: Mari Kris Ogang (Makiwander)

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro