Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2.6



Secretary.


Kaba

My toes were curled inside my shoes. Si Sirius ay nakaupo sa tabi ko doon sa couch at mukhang nauunawaan niya na meron akong nagawang masama. Pabalik balik si Lorcan sa aking harapan habang hawak niya ang annulment papers na pinirmahan ko ilang linggo pa lang ang nakakaraan. Kaliwa't kanan ang ulo namin ni Sirius at sinusundan ang direksiyon ni Lorcan.

Sa monitor ng kaniyang TV ay ang litrato ko mula sa google, isa iyong article tungkol sa documentary namin ni Tonio at Meico tungkol sa effective business model para sa fourth world country. How to make a living out of extreme poverty. We were applauded by doing that. Mukhang pagkakita niya ng aming annulment papers ay dumiretso siya sa google at hinanap ako, my social media was very private, my name was spelled in reverse and cannot be find easily kaya sa google siya kumapit.

"Wife. You are my wife. All this time you are my wife." Sa hindi makapaniwalang boses ay sabi niya. Tumigil siya sa pinakagitna. All the muscles on his face moved,  a strawberry has no match with the redness of his face, he's really angry.

Umungot si Sirius at humiga sa katawan ko, trying to cover me from the wrath of his boss.

"Look, I—I received a letter from your mother that you are planning to get married. Nandito ako para asikasuhin ang lahat ng iyan para maging malaya ka na."

"Are you making excuses to make it look that I am the one who wants this?"

"Hindi ba ikaw?" Hamon ko. "Ikaw ang may balak na mag-pakasal, ano ang dapat gawin ko? Hayaan kitang magdusa?"

"Siguro ay may balak ka din na mag-pakasal." Mapakla iyon at mapanghusga. His lips pressed into a thin line.

"Ka din? So, it is true. Congratulations and best wishes." Mapait kong sabi at halos gumasgas iyon sa aking lalamunan kahit alam ko na naman noong una pa, kaya nga ako nandito hindi ba? Pinilit kong ibaba si Sirius mula sa aking kandungan. "Wala na tayong dapat pag-usapan dahil ibinibigay ko na ang gusto mo. Magkita na lang tayo sa korte para ipatupad ang lahat ng iyan."

"Hindi mo ako sinagot."

Humalukipkip ako sa kanyang harapan at matapang siyang tiningnan, "Wala akong responsibilidad para mag-kuwento tungkol sa personal kong buhay dahil ipinagtulakan mo ako noon."

Kitang kita ko ang pagkawala ng kulay sa mukha niya, only his stares are brooding and angry, "I was sick and you should have stayed longer and wait." Sumbat niya. Sa pagkakataong iyon ay nag-init na ang sulok ng aking mga mata sa nag-babadyang alaala, damn, it hurts. Pinalis ko na ang luha ko bago pa man may bumagsak.

"I waited in distance because all the memories of me makes your head hurt but it seems that waiting is such a waste. Hindi naman nag-bago ang iyong pananaw. Going strong kaya ni Margaux, hindi ba?"

"Bakit hindi ka nag-pakilala agad? What are your plans?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Wala."

"Hindi ako naniniwala. Sabihin mo, ano ang plano mo!"

Tumahol si Sirius dahil sa pag-sigaw ni Lorcan.

"Plano kong hindi masaktan!" Umalpas ang luhang hindi ko sana hahayaang pakawalan. "Sinabi mong hindi ako ang mahal mo. Sinabi mong hindi ako ang kailangan mo. And the truth is, you hurt me in all forms possible at ayaw ko na iyong bumalik. Kinailangan kita noon pero tiniis ko dahil may sakit ka, hiniling kong ako ang kailanganin mo pero hindi pa din! Bakit hindi pa din? Bakit hindi ako? Sana hindi na lang kita nakilala kung ganito rin lang!" Sa sobrang lungkot ay nagawa kong sabihin. Nagsalubong ang kaniyang makakapal na kilay.

"Anong sabi mo?" In a dangerous tone he asked.

Lumuluha akong umiling. Hinawakan ko ang kanyang doorknob at walang kahirap hirap na umalis sa kanyang bahay. I shut my door as loud as possible. Tinakbo ko ang kuwarto ko at doon ibinuhos ang emosyon.

I was crying for the longest time that I had to stop when I remember Lorcan and his headaches. Kahit na namamaga ang mata ay pinilit kong bumangon at bumalik sa bahay ni Lorcan para lamang silipin siya, nakatayo ako doon sa kanyang screendoor at pilit na pinapakiramdaman ang pagkilos doon. I almost jumped when he stood in front of me, ang screendoor ang tanging nag-hahati sa amin.

"Why?" Anas niya. He's wearing the same shirt he was wearing this morning. Hindi naman siya mukhang nahihirapan o kung ano. I shook my head quickly and ran off just like that. I shut my door close again and tried to calm my nerves because my heart was beating madly.

Tinawagan ko si Tonio para magpasundo bago magpananghali, takot akong makaisip ng hindi maganda dahil sa sobra sobrang lungkot at depresyon. 

In just a couple of minutes, naroon na ang kaibigan ko sa labas ng bahay ko. Bitbit ang maliit na maleta ay sumakay ako sa kanyang itim na van.

"Oh, poor Calla." Niyakap ako ni Tonio nang makasakay kami. Wala pa akong sinasabing kung ano. He just know I need him.

"Nakilala na niya ako." I muttered.

Nagsimulang umandar ang sasakyan. Sumandal ako sa kanyang balikat at panay ang halik niya sa aking ulo.

"And he's angry about it?"

Mahina akong tumango. "Sinisi niya ako dahil iniwanan ko siya."

"But he pushed you away!" Pinanlakihan ng mata si Tonio, "We all know it was hard for you to leave. Kahit ang pamilya niya ay alam iyon. They should explain it to him."

"Walang punto kung ipapaliwanag pa nila. Hindi naman sila kasali sa relasyon namin. It was ours, and I made a decision for the both of us."

Tonio wrinkled his nose, "Ay, nag-guilt trip." Napailing siya.

"Sa inyo muna ako tutuloy, hindi ko pa nakakausap ang kakambal ko, hindi ko ipinaalam na nandito ako dahil ayokong sugurin nila ako ni Ashton sa bahay at mag-tataka pa si Lorcan na magkakilala kami ng kanyang kaibigan. I decided to lie so it is just on me. Ayokong madamay ang kahit sino."

"Puro na lang ikaw! Ikaw! Kailan ba siya naman?" Umirap si Tonio na parang galit.

"Tonio, he's sick."

"Kaya ganyan kasi bine-baby niyo."

"Tonio naman. Sabi mo kahit anong kailangan ko?"

Tiningnan niya ako ng masama, "Hindi naman kita tinatanggihan. I just want you to talk him regarding this issue."

"We already did. Hindi lang naging maganda. I need to stop seeing him kahit ilang araw lang."

I cannot remind him his feelings he never knew. I cannot teach him love, because it is self-discovery. Gaya kung papaano ko iyon natutunan. Love is making someone happy even if it is uncomfortable. Love is not demanding for equality, because who cares when the one you love is happy?


After 45 minutes travel ay nakarating na din kami sa mansion nila Tonio. The Italian inspired-house proudly stood meters away from the wide garden with tropical fruit bearing trees and imported flowering plants. Meron pang maliit na vineyard sa pinakasulok, merong green na grapes doon. The mansion was colored with faded bricks and shades of brown kaya mukhang moderno ito.

Ang mga kasambahay ay yumuyuko bilang pag-bati sa amin. Maarteng tumango si Tonio sa kanilang pag-bati. The majority of their walls and floors were filled with Tonio's photography, all in blown up pictures. Ipinabuhat niya ang gamit ko sa guestroom at nakasunod lang kami.

"Nasa Bulgaria si Mommy at Daddy, Shane is in Uruguay. Huwag kang mahiya at kahit nandito sila, huwag ka ding mahiya. You are my family. Maybe I should call Meico so she can also sleepover? I will have a mobile spa set up for us later!" Excited na napapalakpak si Tonio. I shook my head in disbelief. He still looks like a grunge rockstar.

Tonio was true to his promise, nang mag-ga-gabi na ay dumating nga si Meico bitbit din ang kanyang maleta. Kasunod lang noon ay ang mga spa specialist na nagtungo doon sa lounge. We sat on the pink lazyboy while on our robes, facial masks and cucumbers were all over our faces. Ang mabangong scent ng lavender at ang malamyos na background music ang nagpa-relax sa akin habang ang kamay at paa ko ay inaasikaso sa mani at pedi.

"Alam mo Mamsh, hindi mo ba naiisip na na-fall na naman sa iyo si Mr. Kalimot?" Mula doon sa massage bed ay nagsalita si Tonio. "At nag-tatampo lang yun kasi nagpapalambing!"

"Huwag nang paasahin, baka umiyak na naman yan." Sita ni Meico.

"Galit siya."

"Of course, maybe, just maybe he felt betrayed. Baka iniisip niyang mas ginusto mong iwan siya."

"Hindi ko ginustong iwan siya, ayoko lang paanorin siya na mahulog sa iba." Napailing ako at nakita ang notification sa aking Skype. Nalaglag ang pipino sa mukha ko nang makita ang mensahe ni Granny.

'At the airport. Connecting from Hongkong. See you tomorrow, Apo. I need to talk to you and Lorcan first thing in the morning. I will arrive at 10PM PH time, need to sleep first."

Pinatigil ko muna ang naglilinis ng aking kuko para magtipa ng reply.

'Bakit po bigla bigla naman? Wala po ako sa bahay.'

'This is important, you need to go home, sorry.'

Itinabi ko ang telepono ko at huminga ng malalim. Important to Granny is really important. Hindi nga niya nasabi ang biyahe niyang ito. Kahit wala pa man din ay bumubuhol na ang sikmura ko. Kung ito ay tungkol sa pagkakakilala sa akin ni Lorcan, importante iyon. But it is impossible for Granny to book a flight this morning at ngayon ay nasa Hongkong na siya. She might planned this trip ahead of time. Hindi ito dahil sa diskusyon namin ni Lorcan kaninang umaga.

Kahit nagagalit si Meico at iniisip niyang pinagtaksilan ko siya ay inihatid pa din nila ako ni Tonio sa aking bahay. Malalim na ang gabi. Madilim ang parehas na bahay namin ni Lorcan pero naroon ang kanyang sasakyan. I looked up and I think I saw a curtain flipped from his room. Napapailing akong pumasok ng bahay.

My phone beeped 5am in the morning. Mula kay Granny ang mensahe na darating daw siya sa bahay ni Lorcan ng 7am at dapat daw ay naroon na ako. Halos madapa pa ako sa pagmamadali sa pagtungo sa banyo para maligo. Pinili ko ang makulay na bulaklaking dress at naglagay ng manipis na makeup pero naisip kong masyado iyong nagpapaganda kaya inalis ko din. All that's left are the faint tones on my cheeks and lips.

Fifteen minutes to seven I stepped out of the house. Para akong ninja na humahakbang sa bahay ni Lorcan. Tumikhim ako bago magbigay ng mahihinang katok. Sirius was running crazily, his tongue was out when he saw me at the screendoor. Humakbang ako paatras dahil itinulak ni Sirius ang pinto at maligaya akong pinapasok.

Naabutan ko doon si Lorcan sa kusina at nag-sasalin ng pagkain doon sa plato. Tumaas lang ang kanyang mata para ako ay tingnan. His blue board shorts was hanging on his waist while his upper body was exposed.

"Good morning." A flat tone is only what I could muster.

Nagkibit balikat siya. Merong dalawang plato doon sa harapan. Mula sa distansiya ay nakita ko kung ano ang naroon, bacons, hotdogs, eggs and fried rice, pancakes at blueberry jam.

"Eat. Male-late daw si Abuela dahil binisita siya ng therapist niya. She had to stretch some muscles after the long flight."

Napaawang ang labi ko at mabagal na tumango. Pakiramdam ko ay nagmumukha akong tanga doon.

"Hindi na. Doon na lang ako sa bahay ko. Babalik na lang ako kapag nandito na siya."

"Eat. I cooked anyway. She'll be here after we finished eating. " Ulit niya na hindi pinapansin ang sentimyento ko.

Umupo siya doon sa lamesa, still topless, napalunok ako. Nauna na siya sa pagsandok ng pagkain, kaya sumabay na din ako. Isang pancake lang ang nilagay ko at blueberry jam. Kinuha niya ang thermos at ang container sa kanyang tabi at nagsalin sa baso ng gatas pagkatapos haluin ay iniabot niya sa akin.

He's been telling me to drink milk since we started jogging in the morning. Tahimik lang kami habang kumakain. I never dared to look at him. Nataatakot na matunaw lang ako doon.

In less than three minutes, ubos ko na ang pagkain ko at tinratong tubig ang gatas sa mabilisang pag-inom. I stood up after.

"Thanks for the meal, I—I have to go back to my—"

Ibinaba ni Lorcan ang kanyang kubyertos at tinitigan akong mabuti, "Why do you feel awkward, Mrs. Alcantara?" Mariin niyang tanong.

"Hindi naman sa ganon. I just don't want to fuel your anger. Look, alam kong hindi ako nagsabi agad ng totoo pero—"

"Yung mga nangyari sa atin, pinlano mo ba iyon? Ang pagkakalapit natin ng bahay, ang pagkakalapit nating dalawa—" Sinugod niya ako at sinukat ako ng kanyang tingin.

Iniangat ko ang kamay ko para pigilan siya, "Excuse me? Hindi ba ikaw ang lumapit sa akin?"

"Yeah, so ako din ang may kasalanan na wala kang tubig on your first night?" He scoffed.

"E di sana tumigil ka na doon! Sana hindi ka na nagdala ng pagkain on a second day!"

"Because you know I will get curious! You are part of my past and you triggered something inside me."

"Oh like lust? That is why you kissed me and threw my clothes away!" Nagpamewang ako. Ngumisi siya sa akin.

"And you moaned and you came for—"

"Por dios por santo! Ano bang klaseng usapan iyan!"

Sabay kaming napalingon ni Lorcan sa kanyang pinto kung saan nakatayo si Granny at nakatakip ng tainga. Napatuwid kami ng tayo at pinilit na magkalayo mula sa pagkakadikit ng katawan. Lorcan reached for his shirt hanging on the chair. Mayroon naman pala siyang damit, kung bakit ay ibinabandera pa niya sa akin ang kanyang katawan.

"Ano bang ginagawa niyo at nag-aaway kayo, umagang umaga?"

"Siya kasi!" Sabay naming turo sa isa't isa.

"Umupo kayo. Upo!" Matinis na utos ni Granny na itinuturo ng kanyang tungkod ang couch. Para kaming nalugi na umupo doon ni Lorcan. Ang kanyang kaliwang braso ay tumatama sa akin. Mahina ko iyong tinabig, gumanti siya. Itinulak ko siyang muli ng mas malakas ng kaunti. Hanggang sa ang parehas naming katawan ay halos tumilapon doon sa couch. Sirius was sitting beside the chaise lounge where Granny seated, sinusundan kami ng kyuryosong tingin.

Malakas na pinukpok ni Granny ang centertable para patigilin kami.

"Para kayong mga bata! Ayos ng upo!"

Mabilis pa sa alas cuatro na napatuwid kami ng upo. I tried to confuse my thoughts with what is really happening to other things. Katulad nang pag-iisip na isang halaman ang alas cuatro, at ang idiom na 'mabilis pa sa alas cuatro' dahil ang halaman na alas cuatro o ang mirabilis jalapa ay namumukadkad tuwing hapon at mag-sasara tuwing umaga, ganoon kabilis.

"Calla!" Granny called. "Nakikinig ka ba?"

"No, Abuela! I told you, I am ready to manage the business." Imbes na sumagot ako ay pinutol iyon ni Lorcan.

"After three years bigla kang nagkaganyan. Ano bang problema mo? We adviced you to take time. Baka hindi mo pa kaya ang stress, Hijo."

Napatango ako at nagkaroon ng ideya sa kanilang usapan. 

"I am ready. I want to step up. I will handle my business."

Tumaas ang kilay ni Granny at saka tiningnan ako, "Are you trying to impress someone?"

"What? No!" Namula ang pisngi ni Lorcan at dumistansiya sa akin.

"Mabuti nang malinaw. Iyang desisyon mong iyan ang pinunta ko dito. Alam ko na din na alam mo na kung sino si Calla sa iyong buhay. I was taking care of your wife since you the day you forgot her. You don't have to thank me. Wala na siyang pamilya, kung hindi pa niya nasasabi sa iyon." Kitang kita ko ang pagkuyom ng kamao ni Lorcan at tiningnan ako ng seryoso.

"Naging responsibilidad siya ng ating pamilya simula nang pakasalan mo siya and I have to take her in. Now, she mastered business in Harvard. I took the initiative to enroll her, dahil alam kong mapapabayaan mo siya. As the biggest shareholder of Nemesis Industry, I appoint Calla Alcantara to be my official representative and the CEO of my company until you remember."

"What?" Napatayo si Lorcan.

"Granny!"

"That is cheating!" Reklamo ni Lorcan, "I own Nemesis! Pinapirma niyo lang ako noong nakalimot ako para mahawakan niyo ang negosyo dahil hindi ko pa kaya."

"Hindi ka tumutol, hindi ba?"

"I didn't! Because I was thinking like a teenager and it was for the best! I trusted you!" Galit na sigaw ni Lorcan kay Granny. Lahat ng ugat sa leeg niya ay bumakat sa kanyang balat.

"You can still trust me on this one, Apo. Calla was the best!"

"But she filed an annulment!"

"Hindi niyo na kailangang paghatian ang Nemesis bilang conjugal property."

"Pinaghirapan ko ang negosyong iyon!"

"You can work as her secretary to learn, Lorcan. We will talk until you remember how to take care of a multi-billion property!"

Napailing si Lorcan at nanunuyang natawa.

"Secretary? That is disgusting!" Tumalikod si Lorcan at lumapit sa direksyon ng pinto.

"Lorcan, bumalik ka!" Utos ni Granny. He stopped halfway through the door and looked straight to me.

"So this is the plan? Hindi ka talaga basta basta lalayo nang walang napapala mula sa akin?" Hamon niya sa akin. I was startled. Matagal bago nakabawi.

"Ano? Wala akong alam—"

Lorcan shook his head in dismay and in just a snap he disappered.

"Granny naman.." Pabagsak akong napaupo sa upuan at napatakip ng mukha. Now, he thinks I am a gold digger. Great, just great.

Granny waved her hand. "Hayaan mo siya. Tantrums lang iyon, like a normal teenager would do."

"Granny, hindi teenager si Lorcan."

"He think he is."

"Hindi po. He's matured. I can see that he thinks as he would before."

"Oh.. You can see? Gaano ba kayo kadalas nagkakasama?" May panunukso sa tinig ni Granny, I rolled my eyes. "Hindi na bale, alam kong madalas kayong magkakasama because he will be your secretary."

"Hindi niyo man lang isinagguni sa akin?"

"Do you still care for my Apo, Calla?"

"Oo naman, Granny pero—"

"If you will get annulled, his business will be put to waste. He might consider to shut it down, liquidate and divide the money between you two because that's what the law requires. Pinaghirapan ng apo ko ang Nemesis at ayokong makitang ganoon lang ang kahihinatnan. Besides, isasaoli mo din naman ito sa kanya basta makaalala na siya."

"Granny, kapag nakaalala na siya, kasali na din ako don sa alaalang babalik."

"Eh di maganda!" Pumalakpak si Granny.

"I don't think it will be as pretty as you think, Granny." Malungkot kong sabi. Tiyak na susumbatan akong muli ng nakakaalalang si Lorcan dahil sa desisyon kong paglayo. And what if I screw up his business? Hindi ko ba maaaring tanggihan ang paghahati ng properties? He can have it all, just let me have my peace back.

"Kung makakaalala siya nang inaalagaan mo ang negosyo niya, matutuwa iyon. Kapag nakaalala siyang at hiwalay na nga kayo tapos wala pa siyang negosyo, he would think you only cared about the money."

"Hindi po iyan totoo..." Giit ko.

"Why don't you delay the annulment?"

"Ayoko na pong umasa."

Mabagal na nag-lakad si Granny at umupo sa tabi ko at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"Kumapit ka lang, Calla. Kung may pagmamahal pa para sa apo ko, ipagpapasalamat ko iyon. Huwag mo sanang pabayaan ang negosyo niya at mapunta sa pamilya ni Margaux na ganid. Please."

Napabuntong hininga ako at mahinang tumango.

"And Lorcan as your secretary? That's funny." Humagikgik si Granny na parang walang problema.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro