Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2.15


Vega, the brightest star in Orion's constellation.

--

"Ano ka ba, huwag mo ngang iniisip yung sinabi ni Madam Charing! Parang ampon na kasi ng pamilya Jacinto yon kaya ko pinapunta dito. Ayaw namang tumanggap ng kahit na ano kaya nagpapahula na lang kami para maisip niya na may kinikita siya. Not true, Calla. Hindi totoo ang mga hula ni Madam Charing. Loosen up!"

No, I have basis. Yung mga sinabi ni Madam Charing noon, it all makes sense now. Mahirap ang pagdaraanan namin ni Lorcan ngayon—so iyon ang 'sanga-sangang daan' at ayon sa kanya ay kailangan kong kumapit?

"If that is true, I need to stick with Lorcan.."

"Goodness, Calla! You are creeping me out.. You cannot go anywhere near him, gusto mo bang ipakulong ka ng mga bruhang babae sa buhay ng asawa mo?"

"Hindi ba hinulaan ka din? Merong sumpa ang tubig pagkat ito'y sagabal sa masidhing pag-ibig, walang kapantay na pagluluksa ang sa iyo ay sasapit. Kung iyong malalagpasan, langit ay matatagpuan, kalimutan ang galit para kasiyahan ay makamtan. Mag-iingat ka, Clover.."

Napakamot ng kanyang ulo si Clover, "Calla naman eh! Pati ako dinamay mo sa kapraningan mo. Ganun naman talaga yun si Madam Charing! Madalas negative ang hula niya kasi sign of love niya yon, para mag-ingat tayo."

Napailing ako. Hindi ganon ang pakiramdam ko. "She said na baliktad ang kapalaran natin sa ibang mga kambal na masuswerte dahil ipinanganak tayo sa ikatlong araw na pagtatago ng buwan. Yun daw ang pinakamalas na araw sa kalendaryo para sa mga kambal."

"You mean, lahat ng kambal na ipinanganak ng araw na iyon ay malas?" Hindi pa din kumbinsido si Clover.

"Malamang."

"Jusmiyo! Eh bakit hindi mo na lang pagtakhan iyong sinabi niyang may ikalawang henerasyon ng kambal diyan sa sinapupunan mo. Wait-a-minute, nag-se-s*x ba kayo ni Lorcan?"

Kumalat ang kulay at init sa mukha ko.

"Stop it!"

"Hala ka! What if you are really pregnant, aber?" Mas lalong kinabahan ang mukha niya.

"Akala ko ba hindi ka naniniwala sa hula?"

"Ha! Selective, ganon? Hindi naman ako sa hula nagba-base, sa fact na you did have s*x with your husband." Umirap si Clover.

"Wala akong sinabing ganon!" Isa pa, I don't feel any symptoms. Yung pagiging emotional ko naman ay dati pa, simula nang maging magulo ang buhay ko.

Tumunog ang cellphone ko. Pinatay ko iyon pero kumalampag muling iyon ng ilang beses.

"Ano ba yan, Calla. Answer the phone! Magigising si Avery! Sagutin mo na yang 'fubu' mo." Susog sa akin ni Clover na nakatingin din pala sa aking cellphone.

"Anong fubu?! Tumigil ka nga diyan, Clover!"

Pagkasabi non ay sinagot ko ang tawag. I wasn't even saying hello pero may nagsalita na agad sa kabilang linya. Alam ko na agad kung sino.

"I will return your laptop. Puntahan mo ako sa opisina." Pagkatapos non ay pinatay na ni Lorcan ang tawag.

I scowled at my phone. "Bossy."

"Hmm, kunwaring naiinis pero mag-hahanda na yan para umalis. Bagong undies ang isusuot, yung terno. Gagamit din siguro siya ng body butter!"

"Body butter? What for?!"

"Para edible ka din! Ano ba yan, you didn't know? Duh, diyan ka na nga, I will bring Avery to his play school. Mag-ingat ka, baka may laman yan. Sabihin mo sa kanya, 'Be Gentle, Papi!'" Clover pointed at my tummy. Unconsciously, napahawak ako doon.

There's nothing there. I don't feel anything at all.

"You are crazy!" Angil ko.

"I am and you are equally crazy!"

---

Everyone greeted me as I entered Nemesis. Naka-angry mode ako nang lakarin ang patungo sa opisina ni Lorcan. Hindi ko makakalimutan ang pangigialam niya sa personal na files ko.

Nagbigay ako ng tatlong warning knocks pagkatapos ay binuksan ang pinto ni Lorcan. Nag-angat siya ng tingin mula sa pagkakababad sa laptop at saka relaxed na sumandal sa kanyang swivel chair. Ngumiti siya agad pagkakita sa akin na parang walang ginawang kasalanan. Baliw ata ang isang ito.

"Here it is.." Inilahad niya ang palad niya sa aking laptop na nakapatong sa kanyang lamesa. Mabilis kong binuksan iyon para tingnan kung meron ba siyang files na pinakialaman. Upon instinct ay nag-punta ako don sa files ko ng mga litrato. Naroon pa naman.. Ang ilan.. Karamihan ay wala na. Puro solo shots lang at yung kasama ko si Meico ang naroon.

"Anong ginawa mo?" Asik ko.

"What?" Tumaas ang dalawa niyang kilay na akala mo ay malinis ang konsensya.

"You deleted some of my photos. How dare you do that?"

"I did? Oh, baka aksidente."

Nagngitngit ako sa galit at frustration.

"Hindi ko na maibabalik ang mga pagkakataong iyon!"

"Then make new memories." Mabilis niyang sabi na para bang napakadaling bagay na iyon. "The problem with us is that we want to be stucked in the past."

"We are stucked in the past because it is what makes the 'now', Lorcan."

"Bumalik ka na sa apartment natin, Calla." Pagbabago ni Lorcan ng usapan. Sumeryoso siya at mataman akong tiningnan.

"Naririnig mo ba yang sarili mo, Lorcan? Gusto mo akong pabalikin pagkatapos ng mga ibinibintang sa akin?"

"Why? Are you guilty?"

"Why? You don't care? Paano kung ako nga talaga ang may pakana nang lahat nang iyon? Ang landi landi mo naman, hindi ka makatiis."

"Wow! Gandang ganda ka naman sa sarili mo." May pang-iinsultong humalakhak si Lorcan, namula ang pisngi ko. Pansumandali kong naalala sa kanya ang lumang Lorcan na maging mang-asar. Well, madalas pa din niya akong mapikon ngayon pero ibang klase noon. Ngayon ay nakakapikon na siya kagaya ng dati."

"S-sabi mo maganda ako."

"I did say that?"

"Dati.." Malungkot na sabi ko.

Bumuntong hininga siya. "Calla, I missed you.."

Unti-unting natutunaw ang inis na nararamdaman ko bago ako mag-tungo dito. Lorcan's stares were serious, nangungusap. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko matagalan iyon.

"And it doesn't matter whether I believe my mother or not. I just missed you. Parang ang daming oras ang ninakaw sa atin ng alaala ko. We should be together, don't you think?"

Napaawang ang labi ko. Bago pa man makasagot ay tatlong warning knock sa opisina ni Lorcan at pumasok doon si Miss Jarlene at ang dalawang assistant niya.

"Ay, andito ka pala Mrs. Alcantara." Tila nagulat na sabi ng HR Manager.

"Ano yon, Jaja?" Lorcan asked.

"Well, all set na tayo for Ilocos team building kaso ang team red ay kulang ng isa dahil hindi daw makakasama si Julie at Alma. Alma was replaced by Meico pero si Julie ay wala pang kapalit. Nagrereklamo sila dahil kulang daw sila ng isa." Sambit ni Miss Jarlene sabay tingin sa akin.

"What if.. Ikaw na lang Mrs. Alcantara ang sumama?" She asked.

"Ay, that is a good idea, Miss Jarlene!" Sang-ayon ng bading na HR Assistant na si Josh. I shook my head immediately.

"Sige na, Ma'am Calla, naroon naman si Meico. Para kumpleto na kami sa Red team." Ani Trixie.

"Sumama ka na.." Susog ni Lorcan na sininghalan ko naman.

"Please, Ma'am Calla! Para hindi naman kami malugi sa mga activities."

"At para makapag-relax ka din naman, Mrs. Alcantara." Miss Jarlene smiled kindly. Pinagtulong-tulungan ako ng apat to the point na ang pakiramdam ko ay masamang tao ako kapag hindi ko sila pinagbigyan.

"Sige, sasama na ako." I decided.

The three cheered before they left Lorcan's office. Sinundan ko pa sila ng tingin. Humarap ako sa direksyon ni Lorcan na buo ang atensyon sa akin.

"I read your letters." Panimula niyang muli. 

"Pakialamero ka talaga!" Muli na namang namula ang pisngi ko.

"That's for me, anyway!" Sambit niya kasabay ng pag-aayos ng necktie. "And I felt how much you love me."

Napayuko ako.

"I want you to help me remember, Calla."

"P-pero sabi ng Mommy mo, hindi daw sa'yo pupwedeng ipaalala ang mga nangyari noon. It might distort your memories and trigger psychological disorder. Nagkaroon ka ng post traumatic stress disorder noon. Baka maulit pa."

"Do you really want to go to jail? Kailangan kong maalala ang lahat bago ka pa nila ipakulong."

"So you are doing this for me?" Maang na tanong ko.

"Yes." Diretso niyang sagot.

My heart beats painfully in my chest. He's willing to go this far from me. Bigla akong napahiya na sumuko ako sa kalagayan niya noon. Bago pa man ako makasagot ay bumukas muli ang pinto and to my surprise, nakita ko doon si Granny na parang nasurpresa din sa presensiya ko.

"What is the meaning of this?" Matalim na asik niya.

"G-granny..."

Agad na umangat ang tungkod ni Granny at itinuro ako, "Hindi ka marunong makinig sa pakiusap, I told you to stay away from us, especially Lorcan." Sigaw na Granny.

"Abuela." Agad na tumayo si Lorcan. "Please don't say that to Calla."

"Lorcan, hindi ka ba nakikinig sa Mommy mo? This girl is dangerous. Hindi ko akalaing nagpalaki ako ng ahas. Kung hindi mo siya papaalisin, tatawag ako ng pulis!" Agad pa siyang hinilot sa likod nang nurse na nakasunod sa kanya. 

"Granny naman.." Maliit na boses ko.

"Out!" I jumped to my shoulders as Granny commanded.

Nagmamadali akong lumabas nang Nemesis. Hindi ko maintindihan kung ano ang nakain ni Granny at biglang inaaway naman ako ngayon. Nakaramdam ako ng sama ng loob. Hindi ko alam kung saan ako pupunta nang makababa ako ng Nemesis. Naglakad ako ng mabagal, sa gitna nang nagtataasang buildings sa Makati.

Who said life is easy?

Nang mapagod ay huminto ako sa isang fastfood chain at pumasok doon. I ordered double cheeseburger and fries. Nakatulalang pinagmamasdan ang dumadaan sa tapat ng fastfood kasabay nang pagtunog ng cellphone ko.

Napakunot ang noo ko nang makita ko ang pangalan ni Granny doon. Inihanda ko ang puso ko para sa kanyang pagalit.

"Granny?"

"Kowww! Ang galing kong umarte! Hindi pa din ako nangangalawang!" Kasunod non ang napakalakas na halakhak niya sa kabilang linya. Inalis ko pa sa tenga ko ang cellphone para tiyakin na si Granny nga ang kausap ko.

"H-hindi po kayo galit sa akin, Granny?"

"Ako? Bakit naman ako magagalit? Gusto ko lang mapilitan si Lorcan na kumilos para sa inyong dalawa. Alam mo naman yun, mentras binabawal, yun ang ipipilit. Reverse psychology ang style ko diyan sa batang yan!"

"Granny naman, baka madagdagan na naman ang alalahanin non."

"'Kuu! Wag mo ngang binebeybi yang asawa mo. Kaya na niya yan! Kaya niyo yan, apo. Lumaban kayo sa pagsubok sa inyo. Mananalangin ako na malagpasan niyo."

"T-teka lang po, Granny ah."

Napakunot ang noo ko nang makita ko si Lorcan sa harap ng fastfood na nakasimangot at palinga linga. Nagmadali akong lumabas para puntahan siya. He expelled a breath of relief nang hawakan ko siya sa braso at makita ako. Mahigpit niya akong ikinulong sa yakap.

"Bakit umalis ka?" Bulong niya sa akin. "Wag kang aalis kahit pinapaalis ka nila. Huwag mo na akong iiwan. Kakayanin natin 'to. Kung hindi mo na kaya, diyan ka lang. Ako ang lalaban para sa ating dalawa."

Tumango ako. Nagkaroon ng pag-asa. "I am sorry for leaving you." Malungkot akong ngumiti. "Hindi na mauulit."

---

"Anong ginagawa mo dito?" Pabulong na tanong ko nang buksan ang bintana ng guest room na tinutuluyan ko sa tahanan nila Clover. It is already 10PM, tulog na ang kakambal ko at ang kanyang pamilya. "Saan ka dumaan?"

"Ashton doesn't have guards."

"Oo nga, pero baka malaglag ka diyan!" Yes, because my room is at the second floor. Wala din akong veranda. Nakaapak lang ang paa niya sa manipis na cement lining na nagsisilbing disenyo ng bahay.

"Kung pinapapasok mo na ako diyan, mababawasan ang chance na mahulog ako." He sarcastically chided. I rolled my eyes at him and opened my window wider. Humakbang si Lorcan patungo sa aking kuwarto. Sa kanyang likod ay backpack na mukang maraming gamit. Agad kong sinarhan ang bintana nang makapasok na siya.

"Paano ka dumaan? Hindi ka ba narinig ng kapatid ko?"

"Believe me, they are nosier than I could ever be." Makahulugan akong tiningnan ni Lorcan at napatakip naman ako ng mukha. Ang kakambal ko talaga, napakapilya!

"Anong ginagawa mo dito?"

"I said I missed you but Ashton said I should stay away from you to avoid trouble."

"So, ano ngang ginagawa mo dito?"

"Mag-i-sleepover."

"What?"

Mabagal siyang tumango. "I want to sleep beside you and wake up beside you. Wait." Itinaas niya ang palad niya pagkatapos ay binuksan ang backpack niya, may kinuha siyang kung ano mula doon. "Flowers.." Lahad niya sa maliit na pulumpon ng stargazers. Bago pa ako makapagreact ay agad niya akong hinalikan sa labi at binagyan ako ng mainit na ngiti pagkatapos. Ipinahinga niya ang noo niya sa akin.

"Did you know that there's a meteor rain at 4am? Let's sleep now, alarm our phones tapos nood tayo mamaya."

Natutukso ako sa kanyang ideya pero naalala kong may mga kasama kami sa bahay at malamang ay papagalitan kami ng kakambal ko at ni Ashton kapag nahuli kami.

"Paano kung makita nila tayo? Paano kung sasabihin nila na hindi tayo dapat magkasama?"

"Mag-tatanan tayo."

"What? Nababaliw ka na ba?"

"Siguro. Fck, ngayong bumalik ka na, hindi ko talaga kaya na wala ka, Calla. I can't even imagine how I lived those three years without you. Kung nakaya mo, ako hindi."

"Hindi totoo yan, nahirapan---"

Hindi ko na naituloy pa iyon. He kissed me with so much passion. 

"Wala na akong pakialam. Hindi na mahalaga pa iyon."

My body started to ache for more sweet kisses from him, tumingkayad ako at ako naman ang umabot sa kanyang mga labi. Is this what he craves for? If it is, then I totally understand. He started pushing my body gently towards the bed, slowly removing his black leather jacket away from his body.

Napahiga ako sa kama. He crawled slowly and continue kissing me while he was on top of me. My lips wanted to escape a loud moan but all I could do is to whimper softly. I send signals by kissing him back, oh I will never lose him ever again.

Hinawakan niya ang mga kamay ko. Pinning it on the bed. Symbolically telling me not to let him go. Sa sobrang nakakaliyo, hindi ko alam kung paano naalis ang aming mga damit. All that I could here are promises of love. He's the Vega in my Orion. The brightest star in my constellation. A constellation is without its brightest star. 

And I will not shine, without him..


♁☆♁☆♁☆♁☆

By the way, maraming salamat sa nagpunta noong booksigning! Sa mga nakabili na ng first part ng HMHS, salamat! Sana grab your copies kahit nabasa na ninyo. The bookversion has epilogue.

Sa mga nagtatanong kung kasama na doon ang Half Lost, wala pa. Pinaplano kong i-selfpublish ang second part na binabasa niyo ngayon. What's in store for you? Bakit bibili pa din kayo kung nabasa na ninyo sa Wattpad?

Prologue, Lorcan's POV and freebies.

Hahayaan ko muna kayong mag-ipon kasi hindi naman madami ang pages nang ilalabas kong book so I think it will be waaaayy cheaper kumpara sa nauna kong self published.

Keep posted! Keep on reading! Maraming salamuch!


PS. Sa mga nagtatanong kung paano kayong mga hindi aabutin ng National Bookstore, o matatagalan pa bago magkaroon ng book, o gusto ng signed book ko, (First part ng He Married His Secretary) nagbebenta kami ng book sa group page ko. And I think meron ding ibang booksellers sa wattpad na nagre-resell ng book. Hanapin niyo na lang sila at tanungin. God bless!


---


Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro