Letter.
"Tingnan mo nga naman.. Napakaingrata din niyang biyenan mo. Hindi pa pala siya tapos sa hatred niya sayo, ano?" Maingat na iniabot sa akin ni Clover ang isang tasa ng tsaa at umupo sa couch sa pansamantalang magiging kuwarto ko. Parehas kaming nakasilip sa bintana at tanaw ang swimming pool ng kanilang pamilya.
There's a void on my stomach but I cannot take a decent meal to eat. Panay ang iyak ko. Kahit ang mga salita ko ay naging limitado simula nang dumating ako sa pamamahay ng mga Jacinto.
"Ikaw na nga ang nag-adjust, ikaw pa ang palalabasing masama. And what? Ikaw ang nagtangka sa buhay ng sarili mong asawa? Pangteleserye na nga ang fact na nagka-amnesia siya, tapos ngayon meron pang plot twist?! Ikaw pala na mismong asawa ang suspect!"
Pinunasan ko ang luha ko at ibinato ang tissue na basang basa na ng luha. "Sana talaga hindi ko na lang sila pinagbigyan na sila ang mag-alaga sa asawa ko. Sana tiniis ko na lang na ang bukambibig niya ay iba ang mahal niya. Sana hindi na umabot sa ganito."
"Ay ewan ko lang ha, duda akong wala silang maitim na balak kung nag-stay ka. Hayaan mo na nga yon. Kung ako sa'yo, mag-move on ka na lang, uso naman yun ngayon." Susog sa akin ng kakambal ko. Blangko ko siyang tiningnan.
"Paano ako magmu-move on kung iniisip kong mga masasamang tao ang nakapaligid sa asawa ko?"
Malungkot na sinuklay ni Clover ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri.
"You did your part, Calla. Eh anong magagawa mo kung hindi ka nga maalala? Saka sa tingin ko naman, kahit anong sama ng mga yon, hindi naman siguro ipapahamak ni Madam Aleana ang sarili niyang anak, even Margaux, patay na patay kay Lorcan yun, hindi naman siguro niya gagawan ng masama."
Nalungkot ako sa sinabi ng kakambal ko pero alam kong may punto siya. Ano pa ba ang pupwede kong gawin? I want him to remember me but he can't. Iniisip kong panahon na nga para lumayo ako at pabayaan ang tadhana. Pero tinatraydor ako ng puso ko. Parang kinukurot ito sa iniisip na pag-layo.
Hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Tita Aleana at ni Margaux, how fulfilled they are feeling right now. Kinuha na nila si Lorcan sa akin, pati din ba ang dangal ko bilang tao ay babawiin din? Some people could really kill for their passion, others cannot.
The selfless givers always endure the pain because that's the best version of love that they could give. Pure and innocent. Painful but true.
"Mahal, magsulat ka nga dito kung gaano mo ako kamahal.." Napalingon ako kay Clover at Ashton na naglalambingan sa hapagkainan habang nag-a-almusal. A cellphone was pointing at Ashton. Mukhang kinukuhaan pa ng video ng kakambal ko.
"Bakit?" Nangingiting tanong ni Ashton na kinuha naman ang papel at ballpen at nagsimulang magsulat.
"Para kung makalimot ka, meron akong ebidensya na ako ang mahal mo. Dali, sulat na." Clover giggled. Napangiti ako. I wish I did the same. Hindi sana ako nahihirapan ngayon. My phone rang and it was a call from Granny. Hindi ko inaasahan ang kanyang tawag, tatlong araw na ang nakakalipas nang lisanin ko ang kanyang bahay at akala ko ay talagang tapos na.
"Granny.." Tumayo ako at naglakad patungong garden.
"Kumusta ka na, apo?"
Tipid akong ngumiti, "Okay lang po ako. Inaalagaan naman ako ni Clover. She should. Siya na lang ang pamilya ko."
"Oh, Calla. Don't ever think that way. I am your family, too. Kaya ko lamang ginawa iyon—"
"Naiintindihan ko po, Granny."
"No, you don't. I don't want them to point fingers at me. Ayokong isipin na meron din akong kinalaman sa aksidente ng apo ko. Mas lalo tayong hindi makakakilos kapag ganon. At the same time, I want to force Lorcan to remember.."
"Abuela, hindi po dapat pinipilit ang alaala ni Lorcan."
"Well, if he really loves you, he needs to remember, he knows that. Kailangan mo siya ngayon, Calla, not the other way around. Kung ipapakulong ka ni Aleana at Margaux, si Lorcan lamang ang makakapigil non, he should be completely healed."
Panay ang tango ko sa buong pag-uusap namin ni Abuela, hindi ako makasagot ng bukal sa loob. Hindi din maganda ang pakiramdam ko, ang isiping maaari ngang magsampa ng kaso si Tita Aleana ang nagpasama lalo ng timpla ko. The whole day, I am only resting. Ganun siguro kapag emotionally drained, kahit gusto mong lumaban ay iintayin mo na lang bumagsak ang problema. Ang presensya lang ni Meico kinahapunan ng araw na iyon ang nagpabangon sa akin sa kama.
"Girl, ang haggard mo agad, three days palang kayong hindi nagkikita ni Mr. Kalimot. Ganyang ganyan nga din ang datingan ni Mr. Alcantara. Laging mainit ang ulo." Kwento ni Meico.
"Pumapasok ka pa sa opisina?" Takang-tanong ko.
"Oo naman. Meron ka pang files don, inayos ko lang. Naabutan ko nga si Mr. Alcantara sa opisina mo nung isang araw tapos biglang tumalikod nang makita ako. Suplado. Nandito na lahat, pero hindi ko pa nakukuha yung laman nung vault. It needs your fingerprint. Ano bang laman non?" Ibinaba ni Meico ang isang box na puno ng mga gamit sa garden table. I realized that I left my personal laptop inside the vault. I need to get it.
"Pupwede mo ba akong samahan?"
Tiningnan ako ni Meico ng ilang saglit bago tumango. I hurriedly changed my clothes na si Clover mismo ang nag-provide mula sa department store ng asawa niyang si Ashton. Habang bumabyahe kami ni Meico ay tinatantya ko ang oras. Kapag dumating ako sa Nemesis, malamang ay uwian na. Wala nang tao. Hindi na kami magkikita. Sana.
I stepped on the visitor's elevator as soon as we reached Nemesis' premise. Panay ang lingon ko sa paligid na kinakabahan nang bumukas ang pinto ng elevator sa tamang floor. Ang ibang mga empleyado ay papalabas na nang opisina para umuwi. Tamang tama ang timing ko.
"Hi Miss Calla!" Masiglang bati sa akin ng isang grupo mula sa IT. Tiyak kong wala silang alam sa estado ko sa opisina. Ngiti din ang itinugon ko sa kanilang lahat.
Agad akong pinapapasok ni Rowena, ang receptionist, but I made sure that I signed the visitors' logbook.
"Kayo naman, Miss Calla, parang others. Hindi na ninyo kailangan mag-sign diyan." Awat niya sa akin habang pumipirma.
"Security protocol ito, Weng. Mabuti na ito, baka mapagalitan ka pa." Nilingon ko si Meico na ngayon ay nakaupo sa couch sa visitors' lounge. "Ako na lang, intayin mo ako."
Mga abalang marketing team at finance officers ang nadatnan ko nang pumasok ako sa opisina. Hindi na ako nag-aksayang bumati pa. I don't even want them to notice me. Agad kong tinungo ang dati kong puwesto nang hindi nililingon ang opisina ni Lorcan.
Nakauwi na iyon. I murmured to myself.
Para akong may ginawang masama. My heart was pounding crazy on my chest at halos mabingi ako sa katahimikan. Walang ginagawang ingay ang takong ng sapatos ko dahil sa carpeted na sahig na inaapakan ko. Nakuha ko agad ang laptop ko nang buksan ang vault at doon ako nakahinga nang maluwag. Akmang lalabas na ako nang dati kong opisina nang magbukas ang aking pinto. Halos mapatalon ako sa gulat. Ang nakasimangot na Lorcan ang bumungad sa akin. Tinaasan niya agad ako ng kilay nang mapaatras ako.
"K-kinuha ko lang ang laptop ko." I explained even before he say a word.
Inilahad ni Lorcan ang palad niya. Pagkakataon ko naman para kumunot ang noo.
"Bakit?" I asked.
"You cannot bring anything home from this office without being checked."
"Seriously?" Gusto kong matawa, "Personal ko ang laptop na ito. I bought this three-year old laptop abroad and this has nothing to do with you."
"You are using that for work. I need to make sure na wala kang makukuhang company information kung aalis ka."
Nakaramdam ako ng pagkainsulto, "Ganon? Ganyan ba ang tingin mo sa akin, Lorcan? Ipinamumukha mo sa akin na pinaniniwalaan mo ang bintang sa akin? You think that I am a monster? Na kaya kong gawin iyon?" Nakaramdam ako ng pagbabara ng lalamunan, ano mang oras ay tiyak na maiiyak na ako. Napailing ako at balewalang inilagay sa kamay ni Lorcan ang laptop ko. Dire-diretso akong naglakad papalabas ng opisina.
"What's the password?" Narinig ko pang tanong ni Lorcan.
"October 18, in numbers." I said.
"Our wedding anniversary?"
Natigilan ako sa pag-hakbang at nilingon si Lorcan, napayuko siya at napabuntong hininga, "Nakita ko lang sa marriage certificate natin."
Malungkot akong tumango. "Of course. Hindi mo iyon naalala. You won't remember anything without importance. But you are right, that used to be our wedding anniversary. Used to be."
Malalaki ang naging hakbang ko papalabas ng Nemesis lalo na nang makarinig ako ng bulungan. Sumisikip ang dibdib ko sa sandaling pagkakausap pa lang namin. Sinundan lang ako ni Meico nang lumabas ako ng Nemesis at nanatili lang siyang tahimik. Hindi din siya nagtanong. Hinayaan ko ding pumatak ang luha ko nang magsara ang pinto ng elevator. Wala namang pagkakaiba kung pupunasan mo ito lalo na't alam mong may babagsak na namang panibago.
Nang ihatid ako ni Meico sa bahay nila Clover, naabutan ko ang kakambal ko na nagluluto ng hapunan. She didn't ask about my swollen eyes, nor my tears. Hindi din niya ako inutusang punasan, o di kaya ay kalimutan ang nakakasakit sa akin. I know she understands. Ngumiti lang siya at ininguso ang harina sa kanyang harapan.
"I missed your chocolate crinkles. Igawa mo naman kami." She smiled. Sa unang pagkakataon, nakita ko ang sarili ko sa kanya. How I wish I could paint a smile on my face again. Yung pang-matagalan.
Yung hindi na babawiin sa akin.
Wala sa sariling nakatingin ako sa TV habang pinapanood ang pamangkin kong si Avery na natutuwa sa palabas. Iniintay ko lang mag-chill ang crinkle dough na ginawa ko nang tumunog ang cellphone ko na siyang nagpagising sa diwa ko. I saw a Facebook friend request at napakunot ang noo ko sa isang pangalan na hindi pamilyar.
Nacrol Mada
Ang litrato ay sa isang panda. Ibinaba ko ang cellphone ko pero muling tumunog iyon.
Isang message request naman sa pagkakataong iyon. Nang buksan ko iyon ay mas lalong nalukot ang mukha ko.
It's me, Lorcan.- Anang mensahe.
"Pupwede mo nang gamitin ang oven." Nagulat pa ako nang lumabas si Clover mula sa kusina bitbit ang roasted chicken na iniluluto niya. Ibinaba ko muli ang cellphone ko at inassemble ang crinkles dough sa baking sheet nang hindi pinapansin ang mensahe ni Lorcan.
Naging abala kami ni Clover sa pag-aayos ng lamesa. Hanggang sa dumating na si Ashton at sabay sabay kaming nag-hapunan. I helped my twin clean the dishes, too. Walang kasambahay sila Clover, tuwing lumalabas lang sila ng bahay ay humihingi siya ng tulong sa inlaws niya para dagdag bantay kay Avery. Ganito din ang set-up namin ni Lorcan noon.
"Magpahinga ka na.." Hinila ako ni Clover patungo sa guest room.
After we said our goodnights, nagtungo kami sa kani-kaniyang kuwarto. After a quick shower ay muling tumunog ang cellphone ko. Doon ko naalala na hindi ko nasagot ang mensahe ni Lorcan.
'Seenzone is unacceptable. You are being mean.'
Napailing ako sa mensahe niya. Paanong ako pa ang naging mean? Siya nga itong nangingialam ng laptop ko. Wala akong balak sagutin iyon nang tumunog muli ang cellphone ko. This time ay isang litrato.
Agad kong binuksan iyon at napataas ang kilay ko nang makitang ang litrato namin ni Geo at Meico ang naroon nang minsang manood kami ng Rodeo sa Texas, pare-parehas kaming nakatawa doon sa litrato na kinuhanan ni Tonio.
'What is the meaning of this?' Seryosong mensahe ni Lorcan ang kasunod ng litrato.
"Pinapakialaman mo ba ang files ko?"
'Kailan 'to? Saan? Bakit ang saya-saya niyong dalawa?'
"God, can't you see? Tatlo kami nila Meico sa litrato na yan."
Imbes na sagutin ang mensahe ko ay nagpadala muli siya ng litrato. Yung congratulatory dinner naman naming tatlo nila Meico at Tonio, sa litrato ay nakahilig ako sa balikat ni Tonio.
"How about this?"
"My goodness, can't you see that he's gay? Nakilala mo na siya dito sa Pilipinas, hindi ba? And why am I even explaining to you?"
Bumangon ang inis ko na sinabayan ng marahas na pagpapatuyo ng buhok ko sa towel.
"Ganito ba ang ginagawa mo nang lumayo ka? Dating other guys?"
"EXCUSE ME?! I am expecting better from you! Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung totoo ba ang ibinibintang ng Mommy mo? Mas concern mo pa ang mga nakasalamuha kong lalaki noong nag-aaral ako. Sorry but this conversation is over. Goodnight!"
"No, this is not over!"
Hindi ko sinagot ang mensaheng iyon at hinayaang dumaloy ang mas napakarami pang mensahe mula kay Lorcan. He's also sending me the screenshot of delivered flower receipt from my email. Panay ang irap ko sa screen ng cellphone ko habang naiimahe ko na umuusok naman ang ilong niya sa galit. Sa huling mensahe lang ako natigilan. Ang screenshot ng sent email ko kay Lorcan 2 years ago.
Nahanap niya.
'Hi Love,
Kumusta? Happy 2nd Anniversary, Mahal! Miss na miss na kita. Nasaan kaya tayo ngayon kung magkasama tayo? Siguro nagsisimba tayo sa isa sa pinakamatandang simbahan sa Prague. O kaya naman pinapanood ang paglalagas ng dahon sa Nami Island. O kahit nasa bahay lang. Baka sawa ka na sa akin kaya manonood na lang tayo ng Netflix maghapon at kakain ng pancit canton. Anything will do. Basta nandoon ka. At ako.
Dumaan ako kanina sa simbahan at hiniling ko na ipagdasal ka nila, tayo. Sana sa susunod na taon natatandaan mo na. Maawa naman si God sa mga mata ko 'no! Lumabo na dahil laging nakababad sa luha. Nung nagpatingin ako sa espesyalista nung nakaraang linggo, nalaman ko meron akong astigmatism pero huwag kang mag-alala dahil makikita pa din kita. I even watched Perseid Meteor Shower in Chigaco months ako. Inggit ka? You should. Sobrang ganda. I took pictures for you and I have attached it here. Napakaganda kasi.
Pero mas maganda ka.
You are the most beautiful blessing I ever had, basic or flawed, you are the most beautiful, Lorcan. Ayan na naman, lumalabo na naman ang mga mata ko, kailangan nang ipahinga, mag-iingat ka lagi. Mahal na mahal kita. Sobrang miss pa.
Naghihintay at maghihintay pa,
Calla'
Paulit ulit kong kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang luha pero hindi ko din napigilan. I remember how desperate I was to talk to him. Naalala ko kung gaano kalaki ang pagpipigil ko para hindi ako lumipad pabalik ng Pilipinas. I wrote him letters, emailed him, kahit alam kong hindi naman niya mababasa. He probably don't remember his password and I was the fool trying to reach him through email. I kept it for years, tons of unsent cards and letters I plan to give him once he remembers but it is too late.
Ang katotohanang iyon ang nagpabangon ng galit sa aking puso.
"Puwede bang tigilan mo na ang personal na gamit ko? That's mine. Delete everything that concerns your company and leave me alone!" Sabi ko.
Pinatay ko ang cellphone ko. Muli, nalunod ako sa sarili kong luha. Ilang beses akong nanaginip nang gabing iyon. Nakakaalala na daw si Lorcan pero merong dalawang kamay na usok ang humihila sa kanya papalayo. Paulit ulit pero hindi ako magising sa bangungot hanggang sa isang mahinang bulong ang narinig ko sa panaginip ko.
'Kumapit ng mariin, puso ay paganahin, wag mong isusuko, kahit bituin ay iyong hamakin. Sanga sangang daan dapat ay iyong tahakin, sumpa ay putulin, kamalasa'y iyong sugpuin.'
"Calla!" Malakas na pagyugyog ang gumising sa akin. Doon ko napagtantong maliwanag na sa labas. Nag-aalala ang mukha ni Clover, nang matiyak niyang gising na ang diwa ko ay pilya siyang ngumiti at hinaplos ang pisngi ko.
"Nandyan yung manghuhula ng Mommy ni Ashton. Dali, pahula tayo. For fun lang." Hinila ako ni Clover kahit hindi pa ako nakakapaghilamos. Ganon na lang ang gulat ko nang makita ang pamilyar na matandang babae na nakaharap namin ni Lorcan noon.
"Madam Charing?"
"Magkakilala kayo?" Clover asked.
Makahulugang ngumiti ang matanda. She aged. Madami nang puting buhok at mas lalong dumami ang kulubot. Tumingin siya kay Clover na parang nagtatanong kung sino ako.
"Kakambal ko po, Madam Charing." Ngumisi si Clover.
Pumalakpak ang manghuhula at ngumiti nang nakakaloko.
"Matagal na akong hindi nakakakita ng dalawang henerasyong kambal." Aniya.
"Ay, nagkakamali ho kayo. Hindi pa lang nakakahilamos ang kakambal ko pero kami po ang kambal, hindi ko po siya Nanay." Clover giggled.
"Hindi. Merong pang kambal." Tumayo si Madam Charing mula sa couch at lumapit sa akin. Masuyo niyang hinaplos ang tiyan ko. "Ikalawang henerasyon." Bulong niya mismo sa aking tainga.
♁☆♁☆♁☆♁☆
Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.
Social media accounts:
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
♁☆♁☆♁☆♁☆
Basahing mabuti:
I-re-release ang unang part ng He Married His Secretary ng Psicom on February 25, 2018 sa SMX Convention Center, 10AM to 6PM. Naroon ako para pirmahan ang libro ng mga bibili.
Hindi po kasama ang 'Half Lost' o ang book 2 na kasalukuyan ninyong binabasa sa mabibili niyong libro. Ang tanging kasama nung ilalabas sa Linggo at ng makikita niyo sa bookstores ay ang Epilogue na wala dito sa Wattpad.
Sa mga pupunta, ang unang 15 na magpapapirma sa akin ng libro ay magkakaroon ng Pillow at iba pang freebies.
Ang 16-20 na magpapapirma ay makakatanggap ng Cap.
Ang first 100 books na papipirmahan sa akin ay merong kasamang Magnetic bookmark.
Magkita kita tayo! Salamat sa lahat!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro