Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2.10

Maki Say's: Wala namang pattern tuwing kailan ako mag-a-update. Nagkataon lang na 2 weeks akong nagkasakit tapos naipon din yung trabaho ko sa freelance jobs ko :)


---

Better.

Sabi nila, good things shall come to an end.

Paano yung wala pang good things pero end na?

"I missed you, Babe!" Pumikit ako habang pinapakinggan ko yung nangyayari sa labas ng bahay niya. An hour pagkatapos naming makabalik ng Manila, he has to face one of his problems.

Kung problema nga bang maituturing ito. He can continue living his life. He can actually forget about me. Tapos ang problema. Exit ako sa eksena.

"Sandali, Margaux. We need to talk."

Nanlamig na naman ang mga kamay ko. Lumamig, to the point na namanhid.

Lalo na nang papunta na sila sa direksyon ko. Sa bahay ni Lorcan.

"Pumasok muna tayo sa bahay mo. I missed you.. I want to kiss you." Malambing na humilig si Margaux sa dibdib ni Lorcan. Inilagay ko ang palad ko sa dibdib ko at taimtim na pumikit para maibsan ang sakit.

"Wait.." Narinig kong pinigilan siya ni Lorcan para pumasok.

Bumukas ang pinto, nagkatinginan kami ni Margaux, bumakas ang gulat sa mukha niya pero sandali lang. Her white dress fits her perfectly. She was perfect. Kahit yung tangkad nila ni Lorcan, hindi nagkakatayo. This is what I thought years ago. Bagay sila. Bagay naman talaga sila.

"I am with Calla. My wife." Buntong hininga ni Lorcan.

"What are you doing here?" Bakas ang panunumbat sa boses ni Margaux. Tumayo ako at para salubungin ang galit na titig niya.

"Margaux, nandito ako para—"

"Para ano? Guluhin ulit ang buhay namin?"

Napaawang ang bibig ko, hindi maintindihan ang sinabi niya.

"Babalik ka kung kailan maayos na ang lahat? Kung kailan magpapakasal na kami?" Dugtong niya.

"Margaux, please calm down. We three need to talk." Suway ni Lorcan.

"Bakit kasali siya? Hindi mo ba alam na niloloko ka ng babaeng yan! Anong kasinungalingan ang sinabi niya sayo? That you were once happily married?" May pangungutya sa boses niyang iyon.

"Yes, you were married but that's all in papers! Pinakasalan mo siya dahil gusto mong makuha ang mana mo and Abuela wanted her to be your wife to move on from me. But that marriage was meaningless. Ano? Kulang pa ba ang perang ibinayad sayo ni Lorcan para maging pekeng asawa mo?"

"Margaux!" Nagsimulang uminit ang pisngi ko hindi sa pagkapahiya kung hindi sa galit. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang impormasyong iyon. Maybe Lorcan told her before he lost his memories but that was not so important. What we had was special!

"Calla, is that true?" Bakas ang sakit sa mukha ni Lorcan.

"Y-yun sa simula—"

"See? And what? You made him believe that what you had was special? Where in fact, kaya rin lang naman ikaw ginamit ni Lorcan ay para pasakitan ako! Pumayag ka nang dahil sa pera! It was all about the money!"

Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa mukha ni Margaux, agad na may pumatak na luha sa mukha niya at tiningnan si Lorcan. Anger boiled inside me because of her poor acting.

"Wala kang alam kung ano ang naganap sa pagitan namin ni Lorcan, Margaux. Kung ano man ang alam mo, katiting lang yan sa kung ano ang totoo."

"You are a con!" Patuloy na akusa ni Margaux sa galit na tono. "Kung talagang minahal ka niya, dapat ikaw ang naaalala niya. What do you brag about? The papers?"

"Pupwede ba, Margaux? Do not twist facts! Wala kang alam kung ano ang nangyari sa pagitan namin ni Lorcan!"

"Pero sinabi mo ba sa kaniya ang totoo? You were hired to pose as his wife! Maghihiwalay kayo after a year at siguro, siguro ay may kinalaman ka sa pagkaaksidente ni Lorcan para mamatay siya habang hindi pa kayo nagkakahiwalay at mapunta sayo ang lahat ng yaman niya."

"This is ridiculous!" Halos matawa ako sa pagtagpi tagpi ni Margaux ng kuwento. Hindi na ako magtataka kung bakit siya naging sikat na manunulat.

"Ridiculous? Gayong meron akong ebidensya na may faulty wiring sa kaniyang sasakyan! Kaya ka pinalayo ng mga magulang ni Lorcan dahil sa imbestigasyon."

"What? So I am the suspect, all along?" Natatawa kong sabi.

Napatingin ako kay Lorcan na seryosong nakikinig.

"Lorcan, don't tell me, naniniwala ka sa babaeng ito? She just wanted you all by herself at ginagawan niya ako ng kuwento!"

"Pinagplanuhan mo ang buhay ko?" Halos bulong na tanong ni Lorcan.

"What? No! Bakit ko naman gagawin ko yon sa iyo?"

"Umamin ka nang nasilaw ka sa pera at gusto mo ng mas marami pa! Ano bang ginagawa mo sa malapit sa kaniya?"

"I filed na annulment papers!" Giit ko.

"Ang galing mo rin naman, ano. You filed the annulment papers para kahit hindi ang buong kayamanan ni Lorcan ang makuha mo, kahit ang kalahati."

"Kaya ba ipinipilit mong magkaroon ng posisyon sa kumpaniya para kunin sa akin ang lahat, Calla?" Madilim ang anyo ni Lorcan. Nanginig ang tuhod ko. Alam kong hindi niya ako pinapaniwalaan at nayanig ko ang kaniyang paniniwala.

"Look, this girl is a danger, Lorcan. She's after the money. Maaring napaikot na niya ang ulo ng mga nakapaligid sayo but who else should know her intentions, siya lang naman!"

"Tumigil ka na, Margaux." Banta ko.

"Lorcan, makinig ka. Wala akong gustong patunayan o kunin mula sayo. Wala akong ibang inisip kundi ang kapakanan mo. Wala akong ibang hiniling kundi ang gumaling ka. Kahit siraan ako ni Margaux—"

"Tama na muna, Calla. Enough. Enough for today. I can only take as much." Tinakpan niya ang mga mata niya ng kaniyang palad. Mapait akong ngumiti.

"Hindi ka naniniwala sa akin, hindi ba?"

"Calla, please. I need some time."

"Iniisip mong magagawa ko yon sayo?"

"Oh come on, your strategy won't work." Napapailing na wika ni Margaux. "Umalis ka at huwag nang magpapakita!"

"Ikaw ba ang papakasalan ni Lorcan?" I could taste acid on my throat. "Sinungaling ka! You don't deserve him!"

"At ikaw, deserve mo? Eh isa kang sinungaling."

Hinarap ko si Lorcan, kinuha ang parehas na palad pero binawi niya iyon mula sa akin. Masakit iyon. Masakit dahil alam ko ang totoo at ayaw niya akong paniwalaan.

"Sinasaktan mo na naman ako." Bulong ko sa kaniya at saka tumalikod na.

---

"Tahan na nga, Apo!" Hinaplos ni Granny ang likod ko. "Magbabackfire din pala sa atin ang mga plano natin noon. Na-resolve na yung issue na yan eh. Kuu! Kung bakit ba kasi umeksena pa yang si Margaux! Hindi ko talaga ibibigay kay Lorcan ang negosyo niya kung papakasalan niya si Margaux."

Suminghot ako at ipinunas ang tuwalya sa mukha ko. Dumiretso ako sa bahay ni Granny pagkatapos ng pag-uusap naming tatlo.

"Ako na naman ang pagbibintangan ng apo niyo. Ibalik niyo na kasi kay Lorcan, Granny. Babalik na lang ako sa States."

"Babalik? Hindi pupwede. Dito ka lang. Sige, ibabalik ko sa kaniya ang CEO post pero ikaw pa din ang representative ng Board. Tingnan natin."

"Granny, please." Muli akong naiyak. Naiipit na ako sa mag-Lola. Ito ang naging puno't dulo ng problema. Tiningnan ako ni Granny at saka ako inabutan ng isang basong tubig.

"Pinagsisisihan mo na ba na pumasok ka sa gulo ng pamilya ko? Na pumayag ka sa gusto ko?"

"Hindi naman sa ganon, Granny, pero tingnan niyo naman ang problema ko, patong patong. Kung hindi lang sa birth certificate ko, iisipin kong fifty years old na ako."

"Hindi mo na ba mahal ang apo ko?" Tumaas ang kilay ni Granny.

"Judgemental mo po." Bulong ko.

"Eh kasi parang nagsisisi ka na sa mga pinagdaanan niyo. Pagsubok lang yan sa inyong mag-asawa. Kaniya kaniyang pagsubok yan. Siguro dahil hindi niyo naman magiging problema ang pera dahil maraming pera ang apo ko, ibang problema naman ang binigay sa inyo."

"Siguro nga po.."

"Saka hahayaan mo bang mapunta kay Margaux ang apo ko ngayong nakita mo na ang totoo niyang kulay?"

"Granny kasi—"

"Ano? Hahayaan mong masira ang buhay ng apo ko sa maling babae dahil mahirap na?"

"Hindi naman sa ganon. Fine. Sige, Granny. Last na. Last na subok nang pagbabantay ko kay Mr. Kalimot. Kapag walang nangyari, sorry Granny pero kaunting sakit na lang ang kaya nito." Itinuro ko ang puso ko, "Kasi matagal na tong nawasak. Scotch tape na lang ang dikit."

"Salamat, Apo. Sige na, uwi ka na." Tumayo si Granny sa kaniyang kama at inabot ang kamay niya. Liunutan ko siya ng noo.

"Uuwi? Granny naman. Dito na lang ako. Ayoko nang maging kapitbahay si Lorcan."

"Paano mo babantayan ang Apo ko? Saka bahay mo naman talaga yon. Magkikita lang kayo kapag lalabas ka na nasa labas din siya. But most of the days, you are just there, sleeping. Sige na. Mas napapanatag ako na malapit ka sa kaniya."

Wala akong nagawa nang itaboy ako ni Granny. Mabuti na lang nung bumalik ako sa bahay ko, wala doon ang sasakyan ni Lorcan. Siguro nag-date sila ni Margaux. Siguro siniraan na ako ng babaeng yon. Nakatulugan ko ang pag-iisip, nagising ako sa napakalakas na hampas ng hangin mula sa labas.

Nagulat ako sa nakita mula sa bintana, halos sumayaw ang mga puno at ang tuktok ay halos humalik sa lupa. Kasabay non ay ang pagkalam ng sikmura ko. Patakbo akong bumaba mula sa kuwarto ko para maghagilap ng pagkain. To my horror, tanging tubig lang ang laman ng ref ko. Uminom ako para maibsan ang gutom. Huminga ako ng malalim at pumikit.

'Relax, Calla. Pupwede kang umorder ng pagkain.'

Kinuha ko ang phone, trying my luck on fastfood deliveries but to no avail. Baha daw papunta sa amin. Mas lalo akong nag-alala. Tinawagan ko si Clover at nakahinga ako ng maluwag nang malaman na nakauwi din sila bago pa bumuhos ang napakalakas na ulan.

Umupo muna ako sa couch, binuksan ang TV at nanood ng balita. Na-divert ang atensyon ko sa balita tungkol sa baha at stranded na mga tao sa buong Metro Manila. Napailing ako. Hindi mo talaga masasabi kung kailan darating ang bagyo. Kanina lang ay maaraw pa.

Napatakip ako ng tainga sa malakas na kulog na may kasamang kidlat sa labas. Bumibilis ang tibok ng puso ko at naiimagine ang pagtama ng kidlat sa bahay ko. Kumalam muli ang sikmura ko. Tumunog iyon at nakipagpaligsahan sa kidlat. Uminom ulit ako ng tubig pero hindi effective. Nagagalit na ang sikmura ko sa walang almusal, walang pananghalian at ngayon ay hapunan na.

Nag-intay akong humina ng kaunti ang ulan o kahit mawala na lang ang kidlat, merong convenience store sa may kanto, papatulan ko kahit noodles at crackers. 

When the rain started to slow down, pero umiihip pa din ang hangin na parang babaeng nanganganak, I took the liberty to step outside the house, halos bumaliktad ang payong na hawak ko dahil sa malakas na hangin. Naging dahan dahan ang hakbang ko papalabas, or else, lilipad ako kasama ang payong. Nabasa ang braso ko ng ulan, humampas ang malamig na hangin, napapikit ako nang kumulog ng malakas.

Ano ba naman! I hissed under my breath.

Pagkain o kaduwagan? Ano ang priority ko?

Binuksan ko ang maliit na gate, obviously, I badly need food.

Lumakad ako ng mababagal nang may humawak sa siko ko..

"What do you think you are doing?"

Nanliit ang mata ko sa masungit na boses na iyon.

"Bitaw." Banta ko kay Lorcan kahit hindi ko pa siya tinitingnan. Itinatanggi ang posibilidad na kagatin ko siya sa sobrang gutom.

"No, where are you going?"

"Wala!"

"Calla Sussane."

"Lorcan Adam."

Hinila niya ako papasok sa bahay niya, madali niya akong nabitbit dahil sa gutom, nabitiwan ko ang payong ko sa kaniyang garden. Agad na tumalon si Sirius sa katawan ko nang makapasok ako sa bahay ni Lorcan dahilan kung bakit muntikan na akong matumba, nasalo agad ako ni Lorcan. My back pressed against his chest. Pinanlamigan ako ng sikmura kahit kanina pa naman talaga malamig iyon. My heart slowly trying to cope up with its rhythm. 

"Sirius!" Pagalit ni Lorcan sa aso niya, "Bad dog."

"Bad boss." Umirap ako at hinaplos ang ulo ni Sirius na kumakaway ang buntot nang maupo ako sa sahig at mahaplos siya.

"Ano?" Pagsusungit ni Lorcan.

"Wala." Tumayo akong muli at akmang lalabas ng bahay nang hilahin akong muli ni Lorcan.

"Ano ka ba? Bakit ka ba hila ng hila?"

"Saan ka nga pupunta?"

"Bibili ako ng pagkain! Huwag ka na ngang makialam. Hindi ka ba natatakot sa akin na pagbalakan kita ng masama?"

"Look, I am still figuring things out."

Pero masakit pa din na hindi siya basta naniwala sa akin!

"Wala na akong pakialam. Lalayo pa din ako sayo." Uminit ang sulok ng mga mata ko pero pinigilan ko ang luha. "Hindi naman sayo dapat umiikot ang mundo ko, buong buhay ko, pinagbibigyan ko lahat ng qualms mo. Binibigay ko lahat ng kailangan mo. I applied as your secretary to attend to your corporate needs, you needed a fake girlfriend, I was the fake girlfriend, you needed a fake wife, I was the fake wife. You wanted to be a father, you made me a mother. Narealize ko, sa limang taon simula nakilala kita, wala akong naibigay sa sarili ko because I prioritized you so much."

"Nag-sisisi ka?"

"Ano sa tingin mo?" Singhal ko sa kaniya. "Aalis na nga ako." Tumalikod akong muli pero hinila ako ni Lorcan.

"Abuela gave me the CEO-ship of the company but her condition was to keep you around. We will still work together. Hindi ka makakalayo gaya ng gusto mo."

"Then maybe I should plot on your life again. Ano kaya ang maganda? Lunurin kita sa team building? Or poison your food perhaps?"

Kumunot ang noo ni Lorcan, "You know that what you are saying can be used against you."

"Then have me arrested!" Hamon ko sa kaniya, "Kung natatakot ka, or you think I am a threat then magfile ka ng restraining order ng 1,000 miles para sobrang layo."

"Why are you being so mean, Calla? I am having a decent conversation with you. Hindi mo kailangang magtaas ng boses."

"Ewan ko!" Ginulo ko ang buhok ko kasabay non ang nakakahiya at malakas na pagkalam ng sikmura ko. Nagkatinginan kami ni Lorcan.

"Now, I guess I know why. Come." Kinuha ni Lorcan ang pulsuhan ko at hinila papalapit sa lamesa.

Meron nang nakahandang pagkain doon pero wala pang plato. Humalukipkip ako. Naglagay si Lorcan ng plato para sa akin, isa din para sa kaniya. Siya ang nagsalin ng kanin at adobo para sa akin bago niya lagyan ang kaniya.

Sinimulan ko ang pagkain. I can imagine weird figures inside my stomach dancing. Kumain ako nang kumain na hindi nagsasalita.

"I broke up with Margaux."

Mahina iyon, pero sapat na para matigilan ako.

"But that doesn't mean that I won't put in mind what she said. I want to have my own judgement in this. For safety purposes, I need my guards up, I need to be involved with my business, too. Sana maintindihan mo, Calla. I cannot remember anything. I cannot trust anyone at this point, kahit si Margaux. Kung sa tingin mo hindi iyon fair.."

Tumayo ako.

"Salamat sa pagkain."

"Calla naman.." He groaned.

"Make your own judgement, whatever but I am done, Lorcan. Whatever decision you'll have in the future then it is up to you. I am out of your life and I will start living mine without thinking about you. Mukhang kaya mo naman na ang sarili mo, sabihin mo na lang kay Granny na huwag siyang masyadong nag-aalala sayo because at this point, I think you are doing better than me."


♁☆♁☆♁☆♁☆


Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Account: Mari Kris Ogang (Makiwander)

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories. 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro