2.1
Catch.
"Hindi naman talaga bituin ang nalalaglag."
Nakatunghay ako sa photo exhibit ng kaibigan kong si Antonio. There were twenty of them, all blown up pictures that is taller and wider than me. Kuha ng meteor showers mula sa iba't ibang panig ng mundo iyon. Yun ang kanyang tema.
'The Falling Stars'
Pinamagatan niya pa ito. Parang hindi man lang nag-isip.
"Alam ko ang iniisip mo, bruha ka." Bahagya akong itinulak ni Antonio kaya pinanliitan ko siya ng mata. Ang buhok niya ay kinulot pero dahil mahaba ito ay umabot pa din iyon sa kanyang balikat. No, he's not the cross dresser type. Madalas ay grunge pa nga ang porma nito, dark shirt, ripped jeans at sapatos na five years ago pa huling nalabahan. Nangunot ang ilong ko dahil naalala ko si Che Guevara dito, and oh, nung mas mahaba pa ang buhok niya, si Pepe Smith ang kamukha. Rak en Roll.
"Habang gumagalaw ang earth sa palibot ng araw, meron mga bato ang nag-ko-collide sa atmosphere, magsisimula itong uminit, aapoy at masusunog pababa. That's not a star, that's a meteor. Meteor shower." Pagpapaliwanag ko.
"Welcome back to the Philippines, Mamsh!" Yumakap sa akin ang kaibigan kong nakilala sa Business School sa Harvard para ibahin ang usapan.
Mahina ang musika sa palibot ng five star hotel kung saan ginaganap ang exhibit. Antonio's family is old rich. In their case, always rich, lahat ng luho nito ay nasusundan kaya nang maisipan niyang maging photographer ay nasuportahan naman ito ng kanyang pamilya.
Sana tinanong muna nila kung may talent. Feeling ko ay naabuso lang ni Antonio ang kayang i-offer ng nature tapos ang credits ay sa kanya dahil nakuhaan niya ito ng litrato. Ang totoo ay maganda naman na ang mga bituin, lalo na kapag titingnan mo ito ng harapan. Umaasa na kasi sa social media ang karamihan kaya napapabilib na lang sa mga nagva-viral na litrato. They only need to go out to see this gorgeousness.
Hinawi ko si Tonio at tiningnan ko ang kuha niya sa Aurora Borealis sa Alaska.
"Ito naman! Basta sa facts about the universe, hindi ka magpapadaig." Ngumuso si Antonio na nagdadabog habang sinusundan ako.
"At ito, hindi meteor shower ang Aurora Borealis, ano ba naman, Tonio?"
"Well, maganda eh!" Malanding humagikgik ito at kumislap ang mata nang tingnan ang larawan na kinuhanan niya. Napailing ako.
"Calla, you have a meeting tomorrow with Attorney Bori at Montemayor Lawfirm." Nakatingin si Meico sa kanyang ipad habang sinusundan ako sa paglalakad. Tiningnan ko ang na-capture ni Tonio na Orionids Meteor Shower. Iyon daw ang pinakamaganda sa lahat. Bumagsak kasi ito kung nasaan ang pinakakamaliwanag na bituin, inagawan ang eksena constellation ng Taurus, Gemini at ang Orion, even Sirius.
"Ang ganda di ba?" Pagmamalaki ni Tonio.
"Maganda kasi kitang kita ang pagbagsak niya dahil doon siya mismo bumagsak sa pinakamagagandang bituin sa langit." Malungkot akong ngumiti nang may naalala.
"Even the most beautiful stars can be outshined by an ugly phenomena." Candid na komento ni Meico. She's my secretary, kaibigan din namin siya ni Tonio. Malakas siyang itinulak ni Tonio at ininguso ako.
"But! Even the ugliest phenomena can result to something beautiful like this! Something that lasts and one for the books. That is what we call, a beautiful mess, hindi ba, Meico? Still beautiful!" Pinanlakihan ni Tonio ng mata ang sekretarya ko at napangiwi.
"Thanks for trying." Napailing ako at aksidenteng napatingin sa salamin sa harapan. Humaba na ang buhok ko at hanggang bewang na iyon.
"Mamsh, pumayat ka na naman. Nag-aadik ka ba sa States? Bakit ka umuwi? Baka matokhang ka dito." Hinawi ni Tonio ang buhok ko, "But still, beautiful. I'd give you credits for that."
"Beautiful mess din?" Tanong ni Meico.
"Hindi. Siya Beautiful, ikaw, mess! Tingnan mo nga yang itsura mo. Wala pa bang sahod kaya di ka pa nakakabili ng suklay? Gusto mong mag-advance?"
Hinayaan ko silang mag-away sa likuran ko. They were the ones who kept me sane all those years. Three years, where have you gone?
"Nakita mo na ba ang bahay na ibinigay ni Granny?" Tanong ko kay Meico. Napangiwi ito.
"Naku, sorry, Beshie. Fiesta kasi sa amin nung isang araw—"
"Ayan, ayan, hindi mo na naman ginagawa ang trabaho mo. Puro ka kuda!" Paninisi ni Tonio kay Meico.
"Hayaan mo na.." Awat ko.
"Pero na-google ko na kanina, mukhang maganda naman saka peaceful yung neighborhood."
Napailing ako sa sinabi ni Meico. "Totoo, Calla! May security guards, safe na safe para sa mga single."
Malakas na binatukan ni Tonio si Meico. "Hanuna, Mars! Kanina ka pa!"
"Okay na, Tonio. Hindi naman ako babalik kung hindi pa okay, hindi ba? Sinabi ko naman sa inyo noon, babalik lang ako kung makakaalala na siya o wala na talagang pag-asa."
Nakakaunawang niyakap ako ni Tonio at inakbayan naman si Meico. "Andito lang kami. Alam mo naman yan di ba? We are the Powerpuff Girls!"
"Ang luma ng Powerpuff Girls!" Napailing si Meico sa sinabi ni Tonio. "Saka sinong bading don sa tatlo?"
"Gaga, wala! Etchosera ka talaga."
Mahina akong natawa sa pag-aaway nung dalawa.
---
"O, Beshie. Sigurado ka bang okay ka lang dito?" Inayos ni Meico ang kanyang salamin at sinubukang tingnan ang madilim na bahay sa aking likuran.
"May magagawa ba ako, Meico? Hindi mo na nacheck di ba?"
"Eh kung gusto mo sa hotel ka muna, pupwede naman akong mag-book.."
Ngumiti ako at tinapik siya sa pisngi, "Hindi na, sige na. Sabi mo safe naman ito sa mga single di ba?"
"Joke lang yon, wag mong dibdibin, wala ka naman non."
Sumimangot ako kay Meico bago kumaway para mag-paalam. Ramdam ko na din ang pagod mula sa mahabang flight na hindi nakatulog.
Madilim ang buong bahay. It lit up automatically when I strode at the doorstep. Sayang nga lang at madilim na, ang malamlam na ilaw lang mula sa poste ang tumutulong para maaninag ko ang paligid. Balak ko pa naman sanang libutin ang kabuuan ng bahay.
From a far, aakalain mong isang buong bahay iyon pero dalawa talaga iyon, a duplex townhouse. Mayroong mababang wooden fence ang humahati sa bahay ko at sa kapitbahay. Wala ding garahe kundi sa labas. No wonder na may isang nakaparadang sasakyan sa harapan ng kapitbahay ko. Mabuti pa ang bahay niya at maliwanag na maliwanag, nakapag-set up na siya ng sariling ilaw doon kaya tanaw ang pulidong landscape ng kanyang garden.
Napansin ko ang water plants na naroon sa kabilang side ng bakod ng aking kapitbahay. Tamad siguro iyong mag-alaga kaya ganon ang ginawang plants, kaya lang ay prone ang stagnant water sa water plantbox na pamahayan ng lamok, uso pa naman ang dengue sa Pilipinas. Nakahinga ako ng maluwag nang mapansin ang citronella plants na nakatanim sa ibaba ng plantbox.
Good thinking.
Maybe I should ask for some citronella one of this days, baka siya ay ligtas sa lamok, ako naman pala ay hindi.
Kinakabahan ako nang hawakan ang seradura ng aking pintuan. Alright, ako mismo ang pumili ng lugar na ito mula sa napakaraming choices na ibinigay ni Granny. Chances are very slim na may ginawa na naman siyang kapilyahan. Hindi ko lang maiwasang magduda ng ganito.
Napailing na lang ako. I remember her tactics when she was younger. Ngayon ay tiyak na may panibago na naman, hindi man ngayong araw, baka sa susunod ay meron.
Maliban na lang kung talagang kumbinsido siyang ito ang nararapat para sa aming dalawa.
My phone rang when I entered the house. Nagpalinga linga pa ako kung merong hidden camera sa paligid.
"Granny!" I smiled when I answered the phone.
"Kumusta, Apo? Kumusta ang exhibit ni Tonio? May nagoyo ba ang batang iyon sa mga litrato niya?" Humalakhak si Granny. "Tiyak kong wala. Kapapangit naman ng mga litrato non!"
"Granny, hanggang ngayon galit pa din kayo kay Tonio? Bading nga po iyon!"
"Naku! Baka mamaya eh nililigawan ka non?"
"Granny, di ba napag-usapan na natin yan."
She sighed. Ganoon din ako. Umupo ako sa kulay berde na couch na naroon sa tabi ng telepono. The house was well decorated. Lahat ng masasayang kulay ay naroon. I am sure, Granny requested for it. Pekeng kulay na lang kasi ang pupwedeng ilagay sa buhay ko.
"I know. Gusto din naman kita maging masaya, kagaya niya."
Parang kumukurot sa puso ko iyon. Parang hinihiwa ng maliliit, pero saglit lang. Tiningnan ko ang nakakahilong painting ni Van Gogh sa may kusina. The bright yellow hues is almost blinding. Lies. Van Gogh was not as bright as his paintings.
"Mas magiging masaya na siya kasi matutupad na ang pangarap niya." Parang nag-bara ang mga salita sa lalamunan ko. Malakas na napabuntong hininga si Granny.
"Sige na nga, hahayaan na kitang mag-boyfriend. Pero ayoko kay Tonio, masyadong Hippie!"
"Granny, bading nga po si Tonio." Napakamot ako ng ulo.
"Bading! Umistyle lang yon, makikita mo."
"Granny.."
"Ano?"
"Sure ka walang catch sa bahay na 'to?"
"Catch? Anong catch?" I could just imagine Granny frowning.
"Wala bang lilitaw na Lorcan dito at magkakagulatan kami?"
"Baka ikaw lang ang magulat dahil hindi ka naman niya kilala di ba?"
"So meron nga?"
"Wala! Hindi ko alam ang bahay na iyan. Ikaw ang pumili niyan di ba? I just sent you options but you chose it. Isa pa, I really don't know where he is. Or where they are. Hindi na ako nakialam. I was never in approval of what Aleana and Rodrigo wanted for him kaya nga ako bumalik sa Amerika. Naiinis ako sa kanila, at sa iyo na din."
Ngumuso ako. If only Granny knows how hard it was for me to make that decision.
"I know! Nag-alala lang ako na baka pagbukas ko ng isa sa mga kuwarto, may tao na."
"Goodness, your imagination! You must be very tired! You should get some sleep." Utos ni Granny sa akin. Napahawak ako sa bahagyang nananakit na batok.
"Right. Siguro nga."
Nang ibaba ko ang tawag ay dumiretso na ako sa ikalawang palapag ng bahay. Dalawang kwarto lamang ang pagpipilian kaya pinili ko na ang una. Maganda ang pagkakaayos nito, a queen size bed in pink and peach colors, hindi masyadong malaki at walang halos ipinag-iba sa kuwarto ko sa Amerika. Binuksan ko ang LED lights na naroon sa headboard at umilaw iyon ng parang sa bituin. Nakakalat din iyon sa dingding kaya napangiti ako nang pag-masdan.
Pagod, ramdam ko ang pagod hanggang sa dulo ng paa ko pero nanlalagkit na ako.
Dumiretso agad ako sa banyo para maligo, pero nang pihitin ko ang faucet doon sa sink ay walang lumabas na tubig. Ganoon din ang ginawa ko sa shower at sa maliit na tub.
Walang tubig..
Tumakbo ako paibaba para subukin ang mga gripong naroon pero wala ding nagbukas.
Mataman akong nag-isip ng paraan. Pupwede namang ipaligo ko ang mineral water kaya lang ay baka wala akong inumin.
Napansin ko ang timba na naroon sa pang-ibabang banyo. Pupwede din naman akong manghingi ng tubig sa kapitbahay.
Or pupwede din namang matulog na ako.
But no..
Ang init sa Pilipinas. Hindi ako makakatulog basta.
Kinuha ko ang balde at hindi na ako nagdalawang isip.
Tatlo. Tatlong hakbang ang ginawa ko at nakatapat na ako sa katabing bahay. Palagay ko ay anim pang hakbang hanggan don sa kanyang pintuan pero nanatili ako doon sa labas ng bakod.
Bitbit ko ang timba.
Still hasn't changed my all white ensemble from head to toe, fresh from the airport look ko ito. White slacks, white top and white denim jacket, and of course, puti din ang timba para cohesive. Napailing ako sa naiisip.
"Tao po! Excuse me!"
A baritone bark made noise from the house of my neighbor.
May aso. Buti at hindi ako nangahas na pumasok basta.
"Tao po!"
I heard the metal door clicked. Napalunok pa ako sa presensiya ng nagbubukas ng metal door.
Tall, long hair in man bun, thick brows. Yun pa lang ang nakikita ko dahil nakayuko.
Hanggang sa humarap siya.
"Ano yon?"
Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ako.
Bawat hakbang, pakiramdam ko matutumba na ako.
Bawat hakbang, para iyong nagpapatigil ng segundo.
Bawat hakbang, napipigil ang paghinga ko.
Having countless stars means we are entitled to countless wishes. That is why God place billions of them on up above.
"Miss?"
He smiled, and the countless stars almost fell at my feet that very moment.
Ubos na ang stars sa langit. Nasa paanan ko na.
Ikinaway niya ang palad niya sa harapan ko.
Napapikit ako imbes na sumagot.
Akala ko ba walang catch?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro