Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologo

NATIGILAN si Mohana sa nakita. Naramdaman niya agad ang panginginig ng mga kamay niya habang hawak ang brown paper bag ng in-take-out niyang pagkain mula sa Chick Your Status.

Ibibigay sana niya 'yon kay Kevin dahil alam niyang hindi agad ito nakakain sa tamang oras.

"Mohana?" gulat na tawag ni Kevin sa kanya.

Pilit siyang ngumiti kahit na sobra nang naninikip ang dibdib niya sa sakit. Naabutan niyang hinalikan ni Kevin sa pisngi ang isang babae sa garden ng ospital. Sa suot nitong white coat alam niyang doctor rin ang babae katulad ni Kevin.

Hindi niya mapigilan ang mapatitig sa magandang mukha nito. Napaka-sopistikada nitong tignan. May hubog ang katawan, makinis ang balat, at sobrang ganda. Malayong-malayo ito sa kanya.

Siya na mataba at laging naka blouse at kupas na pantalon lang. Siya na hanggang high school lang ang tinapos at puro part time jobs lang. Siya na 'di marunong mag-ayos ng sarili at halos mangitim na sa kabibilad sa araw.

Ni hindi nga niya mabilhan ang sarili ng bagong sapatos. Kupas na kupas na 'yon at ilang beses na niyang ginamitan ng super glue para lang 'di lumabas ang kaluluwa ng mumurahin niyang sapatos.

Tapos ang lakas pa ng loob niyang mangarap ng isang Dr. Kevin de Luca. Oo at mabait ito sa kanya at sweet. Pero ganoon naman talaga ito sa halos lahat. Masyado lang siyang nag-assume na espesyal nga siya rito.

Sinabi ko na sa'yo Mohana na extra bait 'yang si Kevin sa'yo dahil best friend kayo ni Gail. At dahil busy na si Gail sa pamilya niya, siya na muna ang pumalit pero, AS A FRIEND.

Napangiti siya nang mapait sa isip. Piste ang sakit!

"Kevin," sa wakas ay sagot niya. May ngiting itinaas niya ang paper bag. "Tumawag sa'kin si Mykael." Pagsisinungaling niya. "Sabi niya padalhan daw kita ng pagkain kasi alam niyang 'di ka pa raw kumakain." Lumapit siya sa dalawa.

Lalo lang tuloy siyang nanliit sa ayos niya. Magulo ang pagkakatali ng buhok niya at hindi pa masyadong halata ang kulay ng binili niyang lip tint sa labi niya. Nag-aksaya pa siya ng one eighty, e mabibili naman 'yon ng one hundred doon sa merkado.

"Sorry, medyo magulo ayos ko."

Nangangamoy pa siyang pagkain dahil hinintay talaga niyang maluto 'yon sa kusina. Kinulit pa niya si Kuya Ariel na bilisan ang order niya kahit na marami ang naka linyang order para sa gabing 'yon. Tapos ito lang ang maabutan niya? Takte, gusto niyang mag-teleport sa Canada. Syempre, para sosyal!

"Thank you." Tinanggap ni Kevin ang paper bag na inabot niya rito.

"Hi," baling na bati niya sa doktora na kasama nito. "Mohana nga pala, kaibigan ni Dr. Kevin." Langya, ang sakit na nga ng puso niya. Kailangan pa niyang makipag-plastikan. Bwesit na buhay to oh. Lord, why? "Sa The Market lang ako nagta-trabaho, malalakad lang din mula rito."

"Nice to meet you Mohana." Inilahad nito ang isang kamay sa kanya. "I'm Belle." Pinunasan niya muna ang mga kamay sa pantalon niya bago tinanggap ang pakikipag-kamay nito.

"Nice to meet you doktora." At ang ganda pa ng kamay nito.

"Nag-abala ka pang ihatid 'to," singit ni Kevin. May ngiti pa ring ibinaling niya ang mukha rito. "Sana tinawagan mo na lang ako para ako na ang kumuha."

"Naku, okay lang, break ko naman e. Lakad-lakad din minsan. Bawas-bawas ng fats. Diet ako ngayon e. Girlfriend mo?" Langya ka Mohana, nagtanong ka pa talaga?

Hindi naman nakatakas sa kanya ang lambing ng pagtingin ni Belle kay Kevin. At habang tinitignan niya ang dalawa mas lalong nagngitngit ang puso niya. Sobrang bagay ng dalawa. Nagmukha siyang katulong.

Tumango si Kevin. "Yes."

Literal yata na nahulog ang puso niya sa naging sagot nito. Ramdam niya ang pamamasa ng sulok ng mga mata niya pero hindi siya nagpadaig sa pisteng sakit na nararamdaman ng puso niya nang mga oras na 'yon.

"Wow! Finally." Umakto siyang masaya at kinikilig sa dalawa. "Akala ko pa naman 'di ka na makakapag-girlprend. Naku, bagay na bagay kayong dalawa." Mohana, huwag kang iiyak. Mamaya na. "Sige, aalis na ako't mukhang nakakaabala na ako sa inyong dalawa. Balik na ako sa trabaho."

Mabilis na tinalikuran niya na ang dalawa. On cue pa na tumulo mula sa mga mata niya ang mga luha niya.

"Girlfriend niya," iyak niya. "Sabi ko naman sa'yo e. Mag-sugar daddy ka na lang o 'di kaya mag-afam. Nangarap ka pa kasi ng isang Kevin de Luca. 'Yan! 'Yan ang napala mo. Hindi ka maganda dae. Tumahimik ka. Ang dukha ay para sa dukha. Ang mayaman ay para sa mayaman."

Nasa gilid na siya ng daan nang bigla siyang madapa. Lalo lang tuloy siyang naiyak – ngawa na nga yata. Para siyang tanga. Ang sakit pa ng tuhod niya. Pero mas masakit ang puso niya.

"Open minded ka ba?" Umiiyak pa rin na naiangat ni Mohana ang mukha sa nagsalita. Sino ba naman kasi 'tong nag-i-invite pa ng networking sa gilid pa ng daan? Bwesit!

Nagulat siya nang bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Peter.

"Nadapa ka lang pero para kang batang umiiyak diyan."

"E...kasi..." hikbi niya. "Masakit."

"Kung masakit 'di tumayo ka riyan para magamot natin 'yang kung anong masakit sa'yo." Inilalayan siya nitong makatayo. "Ang bigat-bigat mo na. 'Di ba sinabi kong magbawas ka na ng kasalanan."

Napaismid siya. "Ako na nga ang nasasaktan, ako pa 'tong inaasar mo?"

Tinawanan lang siya ng hudyo.

Pinaupo na muna siya nito sa gutter dahil talagang nahihirapan siyang ituwid ang isang paa. Napunit ang jeans niya sa bandang tuhod at may malaking sugat siya roon. Iniluhod ni Peter ang isang tuhod sa harap niya para matignan ang sugat niya.

"Nagdagdag ka na naman ng piklat sa balat mo. Paano na ang pangarap mong maging Miss Universe?"

"Sa tingin mo ba tatanggapin pa ako sa Miss Universe? Asar ka na ah. Masakit na nga e." Naiyak na naman siya. "Ang sakit-sakit kaya." Ramdam na ramdam niya ang pamamaga ng mga mata niya sa pag-iyak pero hindi niya talaga mapigilan.

Hinugot nito ang isang panyo mula sa likod ng pantalon nito at maingat na itinali 'yon sa sugat niya sa tuhod.

"Iyak ka nang iyak diyan, 'di mo naman 'yan ikagagaling." Naupo ito sa tabi niya. "If you're still crying for the same reason. I'm not sure if I can still tolerate that, Mohana."

"Makukulong mo ba ang bato, ha?"

Ibinaling nito ang mukha sa kanya.

"Hindi, pero kaya naman kitang iiwas sa mga batong pwedeng makasakit sa'yo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro