Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 9

MASAYANG tinitigan ni Mohana ang glowing bride niyang amo-slush-kaibigan na si Gumie. Kasalukuyang ginaganap ang reception sa bakud ng mga Macaraeg sa Anda, Bohol. Aba'y imbes na mag-propose ang irog nitong si Mykael ay dinaan sa surprise wedding si Gumie. Haba-haba ng hair e. Sarap i-extension sa buhok niya.

Kumpleto ang magkakaibigan. Nandito sila Rave, Laura, Ross, at pati si Peter. Mga magulang ni Mykael at mga tito. Syempre kasama niya si Kevin na ikinagulat ng lahat pero dahil nga kasal 'yon ng GuMy ay hindi na sila na intriga pa. Baka mamaya, hinahanda na niya ang mga sagot niya. Chos!

Kasama niya sa iisang table ang barkada ni Mykael pero ngayon, sila Laura at Ross na lang ang kasama niya dahil may special participation daw ang tatlo kasama ng groom. Noong kasal ni Laura umala WESTLIFE ang mga loko-loko. This time, ano naman kaya? Hindi talaga halata, pero napaka-prepared lagi ng apat na 'to.

"Hoy chika!" Ibinaling ni Laura ang mukha sa kanya. "Bakit magkasama kayo ni Kevin? At saka bakit hindi ka tumuloy sa bahay? Ilang linggo ka nang walang paramdam ah. Live in na kayo, noh?"

Hayan na, nagsisimula na.

"Ikaw, kailan ka manganganak?" Intro muna tayo.

"Huwag mong ibahin ang usapan. Ako ang unang nagtanong. So ano nga? Anong ganap sa buhay mo?"

"Wala, parang 'tong just now, baka nakakalimutan mong best friend ko lang si Doc."

"Aysus, maniwala ako sa'yo? Crush na crush mo 'yon e. Hindi nga, wala kang ginawa? Saka, sabi sa akin ni Rave, may girlfriend na raw ang loko-loko na 'yan."

"Ewan ko sa kanya, magulo ang buhay ng lalaking 'yan, 'di makapag-decide."

Natawa lang si Laura. "Buti 'di ka pa nasasaksak ng scalpel niyan?"

"Subukan niya lang at ako mismo ang hihila ng intestines niya sa loob."

"Pareho talaga kayong brutal sa isa't isa, halata namang may feelings kayo na dalawa. Magpakasal na lang nga kayo, dami n'yong arte."

"Pakisabi nga 'yan sa kanya at nang makabuo na kami."

Lumakas lang tawa ni Laura. "Mabuti pa." Bigla namang nag-iba ang eskpresyon ng mukha nito. Parang may naalala itong importante. "Nga pala, bakit pati kay Peter naglilihim ka? Akala ko ba best friend mo rin 'yon?"

"Bakit?" Inabot niya ang bote ng soft drinks, na uhaw siya bigla.

"Hinahanap ka nun, sabi mo kasi, magbabakasyon ka sa amin, e 'di ka naman nagpakita. So sinabing kong hindi natuloy." Nagtaka siya kasi hindi man lang nag-text sa kanya si Peter. Tama naman si Laura, ang sabi niya kay Peter ay papunta siya kina Laura. "Nag-text na ba sa'yo?"

"Hindi," iling niya.

Nakapagtataka rin na hindi siya nito masyadong kinakausap. Dati naman, ang bibo nitong makipag-asaran sa kanya. Nagtatampo ba si Peter?

"Hala ka, kausapin mo 'yon. Mukhang nagtatampo. Ang hirap na dalawang lalaki sa buhay, no?" panunudyo pa ni Laura.

"Hay naku, buti sana, kung ako ang gusto."

"Alam mo, minsan, ang manhid mo, gusto ka ng dalawang 'yon. Ikaw, assumera ka pa naman, pero pagdating sa mga ganito, tanga ka."

Napamaang siya. "Wow, ha? Hiyang-hiya naman ako sa'yo Mrs. Laura Sanjercas."

"Soon, Mrs. Mohana de Luca or pwede ring Mrs. Mohana Sebastian. Pili ka lang sa dalawa. Pareho namang mabait 'yan e."

Si Peter? May gusto sa kanya? E, mukhang hindi naman. Na reject na kaya siya nito noong magtapat siya.

Naputol ang pag-uusap nila nang pumailanlang ang pamilyar na kanta sa paligid. Lumabas ang apat na naka ONE DIRECTION get up pa. Nagtilian ang mga bisita. Tawang-tawa si Laura sa tabi niya at siya naman, napatitig kay Kevin, at minsan kay Peter. Shuks!

Ano na Mohana?

"You're insecure," intro ni Peter. "Don't know what for, you're turning heads when you walk through the door." Pero bakit nakatingin ito sa kanya? "Don't need make-up, to cover up. Being the way that you are is enough."

"Everyone else in the room can see it," dugtong na kanta ni Kevin, na nakatingin rin sa kanya. Langya, si Gummy ang kinakantahan n'yo, hindi ako. "Everyone else but you."

God, how to kalma my organs?

"Baby you light up my world like nobody else!" kanta ni Mykael. "The way that you flip your hair gets me overwhelmed. But when you smile at the ground it ain't hard to tell. You don't know, oh, oh. You don't know you're beautiful."



KINAGABIHAN ay hindi pa rin siya makatulog kahit late na. Lumabas siya ng bahay para magpahangin. Mula sa terrace sa second floor ay nakita ni Mohana si Peter sa beach. Mag-isang nakaupo sa buhanginan. Hindi pa rin siya nito kinakausap. Hindi na siya mapalagay. Dapat na yata niya itong kausapin.

Bumaba siya sa second floor at lumabas ng bahay. Pinuntahan niya si Peter sa dalampasigan. May ilaw naman pababa kaya hindi rin siya nahirapan. Nasa itaas kasi ang bahay nila Gumie at may batong hagdanan na magdadala sa ibaba.

Rinig na rinig niya ang malakas na bayo ng alon sa dalampasigan.

"Hoy Peter!" Naupo siya sa tabi nito. "Bakit 'di ka pa tulog?"

"I should ask you the same." Ngayon niya lang napansin ang dalawang bote ng beer sa tabi nito. Umiinom ito mag-isa. "Can't sleep?"

"Hindi e, ikaw rin?" Tipid na tumango lang ito. Nakapagtataka talaga ang pananahimik nito. "May problema ka ba?" lakas loob na tanong niya.

"Lagi naman yata," he chuckled.

"E, kasi, ang snob mo ngayon. Baka ko, may galit ka sa na sa akin," aniya na sinabayan niya ng tawa. "Sorry, kung ang dami ko nang utang sa'yo."

"Hindi naman kita sinisingil."

"Kahit na."

Ilang segundo silang natahimik na dalawa. Nalulungkot talaga siya, ramdam niya 'yong bigat ng kalooban ni Peter kahit hindi niya alam kung bakit.

"Mohana."

"Hmm?"

Bahagya itong tumagilid ng upo para matignan siya. "Masaya ka ba?"

"Huh?"

"Masaya ka ba?" ulit nito.

"Ba't mo na tanong? Masaya naman talaga ako lagi kahit na hindi."

"Because you look genuinely happy." May ngiti sa labi nito. "And it really suits you."

Natawa siya. "Lasing ka nga, 'di ka ganyan sa'kin kapag normal ka. Para 'tong sira."

Natawa rin ito sa sarili. "Sabi ko nga."

"Peter." Ibinaling niya ang tingin sa harap. "Alam mo, kung gusto mo nang makakausap, pwede naman ako. Lagi lang naman akong nandito para sa'yo." Malaki ang ngiti na baling niya rito. Tumaas ang sulok ng labi nito. Hindi niya alam kung panunuya 'yon o ngiti. Loko talaga 'to. Pinalo niya ito sa balikat. "Oy, seryoso ako."

"Bakit sinabi ko bang nagbibiro ka?"

"Pero bakit ganyan ang reaksyon mo?"

"Kasi, alam kong totoo." Hinuli nito ang mga mata niya. "You will always be there for me... as a friend." Tumaas ang isang kamay nito para guluhin ang buhok niya. "But I'm fine, Mohana. You don't need to worry about me."

"Pero bakit ang lungkot-lungkot mo?"

"For now." Napangiwi siya nang pisilin nito ang isang pisngi niya. "Sasaya rin ako kapag nabayaran mo na lahat ng mga utang mo sa'kin. Dami na e." Pinalis niya ang kamay nito at pinaningkitan ng mga mata si Peter. Tinawanan lang siya nito.

"Magbabayad din ako. Hindi naman kita tatak –" Nagulat siya nang bigla siya nitong yakapin. "P-Peter?"

"I'll miss you."

"B-Bakit? S-Saan ka pupunta?"

"Sa lugar kung saan walang Mohana na magulo." Humigpit ang yakap nito sa kanya. "Magpakabait ka habang wala ako. Kapag umiyak ka, walang Peter na aalo sa'yo at magsasabing, tanga-tanga mo kasi."

Napangiti siya at gumanti ng yakap rito. "Bumalik ka ng buhay, masaya na ako."

"Mohana,"

"Hmm?"

"Kahit papaano napasaya naman kita, 'di ba?"

"Oo naman!"

"Good to hear that."

"Dahil sa'yo madami akong nabayarang utang."

Natawa lang ito sa sinabi niya. Super true kaya!



NAIBALING ni Kevin ang tingin kay Peter. Hindi niya inasahan na matatagpuan siya nito sa simbahan. Naglakad-lakad siya kanina hanggang sa madaanan niya ang lumang simbahan kung saan kinasal sila Mykael at Gummie.

Naupo ito sa tabi niya.

"Hanggang kailan mo itatago sa amin ang lahat?" basag nito.

Hindi na siya nagulat na malaman ni Peter ang totoo. Peter will always be Peter. Magaling talaga itong maghalungkat ng mga sekreto.

Napangiti siya. "Will you arrest me for hiding these from you?"

Ilang segundo silang parehong natahimik. Wala rin siyang ideya kung anong tumatakbo sa isip nito o kung ano ang susunod na sasabihin ni Peter. He have few worst guesses but Peter's mind is very unpredictable.

"Will you be okay?" sa wakas ay salita ulit nito. May pag-aalala sa boses nito. Malayo sa iniisip niyang sasabihin nito sa kanya. "Anong sabi ng doctor?"

"I will be fine."

"Doctor says that all the time."

"No, they don't."

"Kilala kita, I'm not that stupid."

"I'm expecting the worst case scenario, but I'm still raising my hopes up."

"You know what's worst than dying, Kevin?"

"Ano?"

"Letting go of someone you love after realizing you can give her the world she deserved."

"You know what's the saddest part of living?"

"Ano?"

"Seeing someone whom you love so much hurt and miserable because you couldn't give her the world she deserved."

"I'm expecting more from you, Kevin, don't let me down."

"I thought I can give her to you."

"Easy to say," Peter scoffed. "I thought that too."

He nodded. "It was hell seeing her go."

"I know."

"But brave of you." Ibinaling niya ang mukha kay Peter. "If I die, will you promise to take care of her for me?"

"I won't promise."

"Why?"

"Because you love her so much. You'll beg God to give you more years to be with her." Peter smiled, which he did not expect from him. "And unfortunately, I have to beg God to grant your prayers because Mohana loves you so much. I want her happiness to live even it's not with me."



NATIGILAN si Mohana nang marinig ang malakas na tunog ng pagkabasag ng kung ano sa silid ni Kevin. Kinabahan siya at mabilis na pinuntahan ito. Naabutan niya itong nakatulala habang tinitignan ang nanginginig na kamay nito. Nakaupo ito sa gilid ng kama nito. Nakakalat sa sahig ang nabasag na baso.

"Kevin?" Naingat nito ang mukha sa kanya.

Wala siyang mabasang emosyon sa mukha nito. Lumapit siya rito. Doon niya lang napansin na dumudugo ang isang daliri nito.

"Anong nangyari?"

"I can't... I can't hold the glass."

"Diyan ka lang!" Mabilis na bumaba siya para kunin ang panlinis at first aid kit sa kusina.

Pagbalik niya ay agad niyang nilinis ang nabasag na baso sa sahig. Sinigurado niyang walang bubog na natira. Pagkatapos ay naupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang nanginginig pang kamay ni Kevin.

Sinipat niya ang hiwa sa hintuturo nito. Mukhang hindi naman malalim. Inangat niya ang mukha rito. Hindi niya pinakita ang pag-aalala sa mukha sa halip ay binigyan niya ito ng ngiti. Kevin, huwag kang mag-alala. Magiging okay ang lahat. Nandito lang ako. Relaks ka lang.

"Mohana."

"Okay lang 'yan, malayo 'yan sa bituka." May ngiti pa rin na nilinis niya ang sugat nito at ginamot. "Hindi ako doctor kaya pasensiya na kung hindi perfect and paggamot ko sa'yo." Inangat niya ang mukha rito pagkatapos lagyan ng band aid ang daliri nito.

"Thank you." Sa wakas ay ngiti nito.

"Ngayon lang ba 'yan nangyari sa'yo?" Tumango ito. "Tawagin mo ako kapag naramdaman mong walang lakas ang mga kamay mo. Ako ang bahala sa'yo." Itinaas niya ang isang braso. "May lakas ako ng sampung braso."

Naningkit ang mga mata nito sa pagtawa nito. Ang kaninang bigat ng loob ay nabawasan at napalitan ng totoong ngiti. Ginagap niya ang dalawang kamay nito.

"Ikalma mo lang ang mga organs mo."

"Daming pumapasok na kalokohan diyan sa isip mo."

"Effective naman e, kumalma 'di ba?" Minasahe niya ang isang kamay nito kung saan ito may sugat. "Ano? Okay ka na? Ramdam mo na ulit ang kamay mo?"

"Mas ramdam ko ang gaspang ng palad mo."

"Bwesit ka!"

Tinawanan lang siya nito. "But I still love your hands with or without those scars and blisters."

"Dumidiga ka na naman, ito na ba 'yong simula ng panliligaw mo?"

"I'm already starting." Nahigit niya ang hininga nang bigla nitong ilapit ang mukha sa mukha niya. Halos magdikit na ang tungki ng mga ilong nila. Napatitig siya sa kulay abong mga mata nito. Hindi 'yon halata sa malayo. Pero isa 'yon sa pinakagusto niya rito. "Pati pala eyebags mo tumataba."

"Puro na lang panlalait ang naririnig ko sa'yo."

"Ang gwapo ko pala sa mga mata mo."

"Mata 'yan, hindi salamin." Itinulak niya ito palayo sa kanya. Binitiwan niya ang kamay nito at tumayo na. "Tigilan mo ako Kevin talaga at masasapak na kita."

"Mohana."

Itinaas nito ang isang daliri at tila gumuhit ito sa ere. Ginuhit nito ang pahigang straight line na biglang tumaas at bigla ring bumaba at muling naging straight line. Ginawa nito 'yon ng may ngiti sa labi.

"Ano 'yan?"

"Heartbeat."

"Para saan?"

"Para sa'yo."

Natawa siya, pero deep inside talaga, kinikilig na siya. Medyo gets niya. Medyo lang naman. "Echosero nito!" Kinuha niya ang first aid kit at niyakap 'yon sa dibdib. "Sumunod ka na at nakahanda na ang lunch sa ibaba."

"Masarap na ba 'yan?"

"Huwag kang mag-alala, si Nay Migring ang nagluto."

"Mabuti na lang."

"Na saan na ba 'yong scalpel mo?" Iginala niya ng tingin sa paligid. "Mukhang mas kailangan ko 'yon."

Lumakas lang ang tawa nito.

Hmmp, pasalamat ka talaga mahal kita! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro