Kabanata 8
PINAGTITINGINAN na sila Mohana at Kevin ng mga estudyante at mga tao habang naglalakad sila sa mala New York na daan ng pinakamamahal niyang COLON Street. Aba'y sinong hindi pagtitinginan? Nakasuot sila ng high school uniform na nabili lang nila sa Carbon Market. Madami roon e. Saka mas mura.
Isa sa mga gustong gawin ni Kevin ay umala Dao Ming Zi. 'Yong basagulero 'di umano na estudyante. Buong buhay raw kasi nito, suki ito sa well groomed at most discipline student award. Kaya ngayon, gusto nitong maging bad boy student. 'Di pinagbigyan niya.
Nakasuot siya ng white blouse polo na may dark blue ribbon at dark blue skirt. Naka knee socks pa ang lola n'yo na pinarisan niya lang ng black doll shoes. Syempre, naka braid sa dalawa ang buhok niya. San Cai lang ang peg. Depressed na San Cai na napabayaan sa kusina.
Hindi nakabutones ang puting polo ni Kevin kaya kitang-kita ang itim na t shirt nito na may desinyo pang bungo sa ilalim nun. Naka dark blue pants at black converse shoes. May black boler wristband sa isang kamay, nakabaliktad ang visor ng suot nitong itim rin na cap at ay may band aid sa gilid ng labi. Syempre hindi mawawala ang towel sa likod ng bulsa. Ewan kung bakit may mga ganoon ang mga kaklase niyang lalaki noon dati.
Sabagay uso naman ang sipon noon. Mabuti na rin 'yong prepared. Kulang sa bakuna lang, ganern.
May tig-isa silang puti na bag na pinuno nila ng vandal gamit ng permanent pen. Loko 'tong si Kevin. Isulat ba namang bakla si Mykael. Walangya si Rave. Pinakamatinde, demonyo raw si Peter. Hindi naman halatang may galit 'tong si Kevin sa mga kaibigan nito.
Lakas ng trip nito. Nanahimik ang tao e.
Ubos na ang kinakain nilang kwek-kwek at banana cue at kanina pa sila palakad-lakad sa side walk. Panay pa ang picture nito sa kanya gamit ng cell phone nito. Sinasaway nga niya at baka ma i-snatch pa roon. Naku, dami pa naman dito 'yon.
Pumasok sila sa Mcdonalds at um-order ng pagkain. Sila na ang kasunod sa pila. Tinanong na sila ng crew kung anong orders nila.
"What do you want to eat?" tanong sa kanya ni Kevin in his bonggang accent. So 'yong mukha ng crew, parang nagulat. Aba'y mukha silang siraulo, tatanda na, nasa high school pa, pero in all fairness, may twang accent si kuyang barumbado. "You can order anything," dagdag pa nito na may ngiti.
"May pera ka ba?"
"Oo naman." Kinapa nito ang wallet sa bulsa. Nanlaki ang mga mata nito at napatingin sa kanya nang wala itong makapa. "I think I lost it."
"Sabi ko na e! 'Di ka kasi nag-iingat."
"Joke." Malakas na tumawa ito at inangat ang wallet nito. "You think I didn't know that? Street smart yata 'to." Binuksan nito ang wallet at bumungad sa kanila ang tig-iisang libo sa loob ng wallet nito. Mas lalong nanlaki ang mga mata ng lalaking crew. "Order ka na."
Huwag sana isipin nitong snatcher sila. Kaloka ka Kevin. Ba't ang dami mong perang dala?
"Sige, isang chicken fillet na lang sa'kin at coke float... saka large fries na rin."
"Hindi ka mag-e-extra rice?"
"Diet ako."
"Hindi nga?"
"Ay, ano ba? Sige, isang extra rice na nga lang rin."
Tawang-tawa si Kevin sa inis niyang reaksyon. "Ang hirap mong pilitin."
"Huwag mo akong tini-tempt talaga at mahirap akong pilitin."
"I'll have one chicken sandwich and large pineapple juice."
Bakit ba kapag si Kevin ang nag-order ang healthy pa rin? Bakit pag ako, ang unhealthy? Nakakahiya ah. Nasisira ang image ko.
HALOS paubos na rin ang kinakain nila. Nasa second floor sila malapit sa glass panel wall. Kitang-kita niya ang mga taong naglalakad sa labas, mga food carts ng mga prutas, mga food establishments at mga sasakyan. Masasabi niyang, isa ang COLON street na 'yon sa pinakamatao at pinaka-busy na lugar sa Cebu.
Mag-a-alas kwatro na sa relo niya.
At kanina pa niya napapansin ang emo songs ng Mcdonalds. Broken hearted ba 'tong clown na 'to? Nahuhumaling sa mga kanta nila Aiza Seguerra. Tahimik naman si Kevin sa harap niya. May pasak-pasak na earbuds sa tenga at kung ano-ano ang tinitignan sa cell phone nito.
Napanglumbaba siya habang inuubos ang sariling coke float. Ang dami sigurong nagkaka-crush rito noong estudyante pa ito. Aside sa bagay na bagay rito ang puti at malinis itong manamit, base sa mga pictures na pinakita ni Gail sa kanya noon, ay madalas itong nakangiti. Hindi kasi ito 'yong suplado. Napaka-friendly nitong tao. Kaya nga siya na fall, 'di ba? Kasi marupok din naman siya. Assumera pa.
Hindi direktang sinabi ni Kevin sa kanya, pero may feeling siyang, the feelings are mutual na talaga. Kasi 'di ba? Gusto siya nitong makasama. Saka, 'yong... alam mo 'yon? The way 'yong treatment nito sa kanya. Medyo iba. May sweetness.
Napahawak siya sa mga pisngi. Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya. Kinikilig na naman siya.
"Namumula ka," puna nito bigla.
Naingat niya ang mukha kay Kevin. "Huh?"
"Mainit ka ba?" Mabilis na sinalat nito ang noo niya ng likod ng kamay nito. Bumaba 'yon sa pisngi niya. "Ang init ng pisngi mo." Pinalis niya ang kamay nito. "Are you okay?"
"Umaandar na naman 'yang pagka-doktor mo. Hindi ba pwedeng, natural pinky cheeks talaga ako."
"Kaso hindi e."
Napamaang siya. Marahas na binato niya rito ang tissue paper. "Ikaw, nakaka-bwesit ka na talaga. Gusto mo ba talaga o hindi?"
"Gusto."
Ganda e! Pero hindi 'yon ang oras para kiligin. Pinatigas niya ang mukha. 'Yong kasing tigas ng sementong pang buo ng bahay.
"Para kasing hindi e."
"I love seeing your annoyed face," he chuckled. "It's cute."
"Cute lang? Hindi maganda?"
"So far, cute muna."
Napanguso siya. "Ba't ba ang tipid mong i-compliment ako?"
"Baka maubos e. Ayokong malaman mo lahat. Nagtitira ako at baka kapag nalaman mong 'yon ang mga kahinaan ko. Galingan mo masyado. I might not able to revive myself from your charm."
Naglapat ang mga labi niya sa pagpipigil ng ngiti. Hindi siya ngingiti nang malaki. Dapat kasing tigas pa rin ng semento ang ngiti niya kung sakali man. Dapat mukhang bagong botox lang.
Tawang-tawa naman ito nang mapapatitig sa mukha niya. Amuse na amuse ang mukha nito at panay ang iling ng ulo.
"Ewan ko sa'yo Mohana. Ngumiti ka nga nang maayos."
"Ayoko, dapat ganito lang."
"Puro ka talaga biro, wait." Lumipat ito ng upo sa tabi niya. Ipinasak nito ang isang earbud sa tenga niya. "My favorite song is playing."
"Oy daya! Doon sa slum book na pinasagot ko sa'yo 'di mo sinulat ang favorite song mo."
Natawa lang ito. "Kasi, secret 'yon. Alam kong pinasagot mo lang 'yon sa'kin so you can fish private information about me."
"Ba't ba ang dami mong alam?"
"Because it's you."
Ilang segundo pa ay nagsimula na ang kanta. Pamilyar siya sa kanta kahit na luma na. Napaghahalataan talaga 'tong si Kevin na gurang.
When the night has come and the land is dark. And the moon is the only light we'll see. No I won't be afraid, no I won't be afraid. Just as long as you stand, stand by me.
Kahit ganoon pa man. Gusto niya ang mensahe ng kanta.
Napangiti siya.
So darlin', darlin', stand by me, oh stand by me.
Kumabog naman nang mabilis ang puso niya nang ihilig nito ang ulo sa balikat niya.
Oh stand by me, stand by me.
Parang high school feels lang e. Ganito pala 'yong feeling? Saklap ng walang jowa for million years. Ouch!
PAPALUBOG na ang araw at hype pa rin silang dalawa. Malalaki ang ngiti at tawa habang naghahabulan sila sa plaza. Sa tuwing nahahabol niya ito ay kumakapit siya sa likod nito at iikot ito hanggang sa mahilo siya at bibitaw. Maka-ilang beses na humalik sa lupa ang puwet niya.
Hingal na hingal siya sa pagod at kakatawa. Pinanunood na lang niya ito nang subukan nitong sumakay sa skateboard. Tawang-tawa siya sa tuwing nadadapa ito o 'di kaya nawawalan ng balanse at napapa-upo sa sementadong daan.
Sa huli ay napagod ito at naupo sa tabi niya sa isa mga stone bench doon.
"Pagod na ako." Inabot niya rito ang isang bottled water. "Thanks."
"Pahinga ka muna. Tapos pasok tayo sa loob." Sinundan nito ng tingin ang itinuro niya. "Nakapasok ka na ba sa loob ng Fort San Pedro?"
Umiling ito. "Hindi pa."
"Magandang panoorin doon ang papalubog na araw saka magandang pag-picture-ran."
Ngumiti ito at hinawakan ang mgkabilang mukha niya. "Lumiit ang mukha mo." Pinanggigilan ni Kevin ang mukha niya.
"Ano ba?!" Tinulak niya na ito. Nasapo niya ang mga pisngi. "Sakit, ha? Inaano ka ba ng precious face ko?"
Tinawanan lang siya nito. Bully talaga!
TAWANG-TAWA pa siya nang ayaw maniwala ng guard na mga estudyante pa sila. Ayaw pa silang bigyan ng discount. Ang tatanda na raw kasi nila para maging high school student at wala pang ID. Pero nadala pa rin sa pakiusapan. Nakuha pa rin nila ang discount.
"You don't need to do that," basag ni Kevin habang naglalakad sila. "Na i-stress pa 'yong guard sa'yo."
"Ano ka ba, okay lang 'yon. Part 'yan ng pagiging bata. Hayaan mo na."
Natawa lang ito. "Ikaw, puro ka talaga kalokohan."
"Masyado ka kasing seryoso."
"Sino may sabi?"
"Sabihin na nating friendly ka, pero I doubt kung may nagawa ka nang labag sa rules. Sa tingin ko kasi, masyado kang mabait. Masyado kang obedient. Kapag sa tingin mo tama, gagawin mo talaga kahit 'di naman 'yon ang ikasasaya mo."
"You think so?"
"Oo, I mean, hindi naman masama. Syempre, tama pa rin ang tama. Pero may mga bagay kasi dito sa mundo Kevin na worth the risk."
"Kahit may masaktan ka?"
"Lahat naman tayo nasasaktan e. Depende 'yon sa sitwasyon. Huwag mo lang masyadong pangunahan ang sarili mo. Minsan, ang sa tingin natin ay tama ay hindi pala makakabuti para sa atin. Minsan din, ang mabuti sa atin ay mali para sa iba. Kahit saang anggulo tignan, ma-dya-judge pa rin tayo."
Ikinuwit niya ang isang braso rito. Bumaba ang tingin nito sa mukha niya pag-angat niya ng mukha rito.
"Okay lang ba?"
Sumilay ang isang ngiti sa mukha nito. "Dinadaan mo na naman ako diyan ah."
Humagikhik siya. "Ang bagal mo kasi e."
"Ang bilis mo rin kasi."
Bumungis-ngis lang siya. "Anyway, mabalik tayo. Tulad ko, lagi kong sinasabi na, sobra na, na tama na ang pagtulong ko sa ate ko. Nakakaramdam ako ng pagod. Kasi dapat, katulong ko siya sa pag-aaral nila Mickey at Jafar pero maaga siyang nag-asawa. At hindi ko rin naman sila masisisi kung kulang pa rin ang budget nila kasi dalawa na anak nila at hindi naman sasapat pa rin ang sahod nila kahit dalawa na silang nagtatrabaho."
"Hindi rin naman natin sila matitiis."
"Malaki rin talaga ang sama ng loob ko sa ate ko, kasi, nagpaubaya ako, kasi mas matalino nga siya sa'kin, sinabi ko kina mama at papa na si ate na lang muna ang patapusin kaya hanggang first year college lang tinapos ko. Hindi talaga kaya e. Kaya kahit anong raket, pinapasukan ko noon, makatulong lang. Naiinggit nga ako minsan."
"Kaya nang makatapos si ate, ang saya ko, kasi mapapag-aral na niya ako. Kaso, nabuntis siya nang maaga. Tapos nasa high school na sila Jafar at Mickey. Nagkasakit pa si papa. Kaya kumayod ulit ako. Kumuha pa ako ng welding class sa TESDA noon kasi 'di naman ako pumasa sa baking. Kaloka!"
"Pero 'di ko naman nagamit. Tapos hayon, kung ano-ano na lang ang trabaho ko. Naging housekeeper sa isang hotel, sales lady, cashier, at kapag sa day off, nagtitinda ng mga gulay o 'di kaya nagpapa-utang ng Avon."
"Gusto kong maging-selfish. Gawin ang sa tingin ko ay tama. Unahin ang sarili ko. Pero bakit ganoon, Kevin? Bakit kahit na sinasabi kong tama na, na sobra na 'yong paghihirap ko, hindi ko pa rin sila mabitiwan? Kahit na lagi pa rin akong sinisermonan ni mama sa kabila ng mga pag-a-adjust ko sa kanila? Kahit na mas mahal pa rin ni papa ang manok panabong niya? Kahit na hindi natupad ng ate ko ang pangarap namin para sa pamilya namin? Bakit kaya nandiyan pa rin ako para sa kanila."
"Kasi mahal mo sila."
"Sa tingin mo mahal din nila ako?"
"Bato lang ang hindi magmamahal sa'yo." Inalis nito ang nakakuwit niyang kamay sa braso nito at niyakap siya. "You've been brave all your life. At proud ako sa'yo. Tandaan mo 'yan."
Napangiti siya at gumanti ng yakap rito. "Sana ikaw na lang ang reward ng Dios sa akin. Matagal na rin talaga kitang pinagdadasal sa kanya. Sagutin mo na lang ako at mukhang may gusto ka rin naman sa akin."
"Dadating din tayo diyan," natatawang sagot nito.
"Ang tagal mong mahulog. Kating-kati na akong saluhin ka."
"Nahulog na."
"Ba't 'di kita nasalo?"
"Kung hindi mo ako nasalo, bakit nandito ako sa harap mo?"
Lumapad ang ngiti niya. "Oy, natutoto na siya - aw!" Napahawak siya sa noo nang pitikin nito 'yon. "Hoy Kevin, bigyan mo naman ng label ang relasyon natin."
"Masaya."
"Hindi 'yan."
"Doon tayo." Hinila na siya nito at umakyat sila sa may pinakamataas para makita nila ang buong plaza. Nagkalat na ang kulay kahel na kalangitan sa paligid tanda na papalubog na ang araw.
Pumwesto sila doon sa may canyon.
"Mohana," baling nito sa kanya.
"O, bakit?"
"Pwede bang..." Bigla naman siyang kinabahan sa tono ng boses nito. Ang seryoso kasi masyado. Parang may bad news itong sasabihin.
"Pwedeng ano?"
"Pwede bang itigil mo na ito."
Tumigil yata ang tibok ng puso niya ng ilang segundo. "Dahil ayoko na."
"Kevin?"
"Hayaan mong, ako naman ang manligaw sa'yo."
Tang na juice! Wait!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro