Kabanata 7
TAHIMIK na nagdidilig ng mga bulaklak si Mohana nang may mga brasong pumulupot sa baywang niya. Tumahip nang malakas ang puso niya nang maramdaman ang mainit na hininga nito sa leeg niya. Alam na alam niya ang pamilyar na amoy na 'yon – Kevin.
"Good morning," rinig niya ang pagngiti sa boses nito. Humigpit ang yakap nito sa kanya mula sa likod.
Naglapat ang mga labi niya sa pagpipigil ng emosyon. Hindi niya sigurado kung ano ba dapat ang mararamdaman niya nang mga oras na 'yon. Saya? Pagkalito? Kilig? Ano ba talaga? Bago sa kanya ang ganitong reaksyon mula kay Kevin.
"Kevin?"
"Ang lambot mo talaga," he chuckled. "Parang unan."
"Manyayakap ka na nga lang may kasama pang lait." Akmang aalisin niya ang mga kamay nito nang tampalin nito ang kamay niya. Lalo lamang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Nanggigil pa ang loko! "Aray, ha? May balak ka bang patayin ako ng yakap mo?"
He rests his head on her shoulder. "Let's make good memories together."
"Kevin?"
"Pwede ba 'yon? Gagawa tayo ng memories pero hindi naman tayo. Pwede bang as friends?" Hay naku! 'Yan tayo Kevin e.
"Alam mo, 'di ko alam kung may gusto ka ba sa akin o pinapaasa mo lang ako. Nakaka-bwesit ka na talaga. Umamin ka na nga."
Natawa ito. "I like you."
"As a friend," dugtong niya.
"More than."
Pumihit siya paharap rito nang hindi inaalis ang mga brasong nakayakap sa kanya. "Seryoso na ba 'to?" Hinuli niya ang mga mata nito. "Kasi masasapak na talaga kita at hindi ako magdadalawang-isip na gawin 'yon kahit na may sakit ka pa."
Sumilay ang isang ngiti sa mukha nito. Malakas na malakas na kabog ng dibdib niya. Ayaw niyang pangunahan si Kevin pero sa nakikita niya sa mga mata nito, na totoo, na hindi na ito nagbibiro sa pagkakataon na 'yon.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya.
"It has always been more than what you think of Mohana. You have always been special to me." Nasundan niya ang pag-abot nito sa isa niyang kamay. Masuyo nito 'yong pinisil. Naingat niya muli ang mukha rito. "And honestly, I really, really, really like you."
Natahimik silang pareho ng ilang segundo.
"Totoo ba 'yan?"
"It's the truth I've been hiding from you all of these years. I didn't have the courage to confess because of my feelings for Gail. Alam mo naman na si Gail lang ang minahal ko and now she's happily married to Hanzel. I have to move on first and assure my fond feelings for you are real and not just because I wanted to forget the pain I have gained from my past love."
"Pero bakit nagpanggap kang may girlfriend?"
"Because I want you to stop loving me." Mapait na ngumiti ito. Nakadama siya nang sobrang lungkot sa boses nito. "I want you to look for another man that will give you the life you deserve. I could no longer give it to you Mohana. The future that awaits me is uncertain. Siguro sa ngayon ay okay pa ako. Pero sa mga susunod, baka hindi na."
"Kung 'yon ang gusto mo, bakit sinama mo pa ako rito?"
"Because I'm selfish. Gusto kong makasama ka muna bago alisin sa akin ng mundo ang kakayahang maging masaya."
"Bakit ka ba ganyan?" Gumaralgal ang boses niya. "Bakit ba iniisip mo na mamamatay ka? 'Di ba sabi mo malaki ang chance na mabubuhay ka."
"I know." He sighed. "But everything will not be the same anymore."
"Pero Kevin, hindi naman ako magbabago sa'yo. Ako pa rin ang Mohana na nakilala mo. Na may gusto sa'yo. Bakit pa tayo nandito kung may plano ka rin pa lang ipamigay ako? Bakit mo pa sinasabi 'to kung wala ka rin pa lang balak na manatili sa buhay ko?"
Naiinis na siya. Bakit ba ang liit ng kumpyansa nito sa sarili? Bakit napakanegatibo nitong tao? Hindi ito ang Dr. Kevin na nakilala niya at minahal niya. Ang Dr. Kevin na kilala niya ay malakas ang loob at positibo. Lagi nitong pinapalakas ang loob ng mga pasyente nito. Ginagawa nito ang lahat gumaling lamang ang mga pasyente nito.
Hindi man lahat nagagawa nitong sagipin pero madami pa rin itong natulungan.
"Labanan mo ang sakit mo Kevin. Hindi ako doktor pero may karapatan akong pagalitan ka. Uulit-ulitin ko 'yan sa'yo hanggang sa makita kong lumalaban ka. Mabuhay ka para sa sarili mo at para sa mga taong umaasa sa'yo."
Hindi niya napigilan ang sunod-sunod na pagdaloy ng mga luha niya. Naiinis na talaga siya. Ang pinaka-ayaw talaga niya ay ang makita ang mga taong mahal niya na malungkot at nawawalan na ng pag-asa.
"Mohana?"
"Aanhin ko ang pagmamahal mo kung iiwan mo rin lang naman ako? Mas gugustuhin ko pang hindi masuklian ang pagmamahal na 'yon kaysa ang makita kang ganito."
Iniwan niya ito at pumasok sa loob ng bahay. Diridiretso siyang pumasok ng silid niya at pabagsak na nahiga sa kama. Iyak lang siya nang iyak. Niyakap ng kalungkutan at inis ang puso niya. Sobra siyang nasasaktan para sa taong mahal na mahal niya.
Kung sana, pwede niyang alisin ang lungkot at takot sa puso nito. Pero hindi niya kaya. Wala rin siyang silbi.
HINDI niya namalayan kung ilang oras na siyang nakatulog. Hapon na yata, 'di niya sigurado. Nakatulugan niya ang pag-iyak. Napahawak siya sa kumakalaman na tiyan. Napangiwi siya. Hindi pa siya kumakain. Maliban doon sa apple na kinain niya kaninang umaga.
Talagang hindi maasahan 'tong tiyan niya kahit sa mga ganitong pa moment.
"Mohana!" Narinig niyang tawag sa kanya ni Kevin mula sa labas ng pinto. Tatlong beses itong kumatok ulit. "Ala una na, kumain ka na."
Hindi siya sumagot. Ayaw niya munang makita si Kevin. Naiinis pa rin siya. Hanggat hindi nito ibabalik ang dating Kevin, hindi niya ito kakausapin.
"Iiwan ko na lang dito ang pagkain sa labas. Kunin mo na lang."
Naghintay siya ng ilang segundo hanggang sa marinig niya ang papalayong yabag ng mga paa. Bumangon siya mula sa kama at binuksan ang pinto. Bumaba ang tingin niya sa tray ng mga pagkain sa sahig. Yumuko siya para kunin 'yon.
"Eat well."
"Nak ng –" Napamura siya sa gulat nang makita si Kevin na nakahalukikip na nakasandal sa gilid ng pinto. Buti na lang talaga at mahigpit ang hawak niya sa tray at malaki ang determinasyon niyang makakain. "Ano ba Kevin?!"
"I'm sorry." Mula sa bulsa ng pantalon nito ay inabot nito sa kanya ang tatlong daisies. "Will you forgive me Mohana?" Para itong batang humihingi ng sorry sa nanay nito. Hindi niya mapigilan ang sarili na maaliw sa ekpresyon ng mukha nito. Ang cute lang!
Mohana Rose Gonzaga! Behave. Galit ka pa. Huwag masyadong marupok.
"Huwag mo akong dinadaan diyan Kevin. Akala ko ba umalis ka na?"
"Si Nay Migring 'yong umalis." Umayos ito ng tayo at hinarap siya. "Sorry, alam ko na sa lahat ng ginawa at sinabi ko mas madami ang mali. Still, I won't promise anything."
Bumuntonghininga siya.
"Kevin, ano ba talagang gusto mo sa buhay? Ano ba talaga ang plano mo?"
"I don't know," pag-amin nito. "I just want to be with you and figure things out later. It's selfish, right?" Naglapat ang mga labi nito. Base sa ekspresyon ng mukha nito, he was really lost. At wala talaga itong plano sa ngayon. "I will understand if you'll just leave me here."
"Ang babaw ng tingin mo sa pagmamahal ko sa'yo. Nakaka-bwesit ka na. May trust issues ka ba sa buhay?" Inis na naman siya. Sarap sipain ng 'sang 'to minsan e.
Bahagya itong natawa at napakamot sa noo. "I told you, I'm not good at this. After Gail, it was only you."
Hindi ako kikiligin! Kumalma ka Mohana. "Alam mo ang problema mo? Dami mong issue sa buhay. Gawin mo na lang ang gusto mong gawin. Huwag mong tipirin ang sarili."
"But I might hurt you in the process."
"Sanay akong masaktan, huwag mo akong problemahin."
"You think I can do that?"
"Asang-asa na ako sa'yo dati pa pero napaka-insensitive mo sa feelings ko!"
"Kasi nga 'di pa ako sigurado. Alangan naman kasing magpaka-sweet ako sa'yo kung wala rin naman pala akong planong ligawan ka?"
"At kung 'di ko pa nalaman na may sakit ka, may balak ka pang kalimutan ako."
"I told you, I don't want to hurt you."
"Hindi lahat ng sakit ay masakit. May sakit na kailangan at para matutoto ang isang tao. Huwag mong ipagkait sa sarili mo ang bagay na alam mong magpapasaya sa'yo. Sige sabihin natin na bukas makalawa, masasagasaan tayo at isa sa atin ang mamamatay. Pero gusto mo bang mamatay na hindi nagagawa ang mga gusto mo? Na hindi nasasabi sa mahal mo na mahal mo sila? Na hindi naipapakita sa ibang tao na karapatdapat ka sa pangarap mo? Kung mamamatay ka na nga lang, mamatay ka nang masaya at hindi puro, sana."
Natahimik ito.
"Hindi ko sinasabing, mahalin mo ako. Gusto kong marinig sa'yo na, Mohana, masaya ako, na lalaban ako, na hindi ako susuko. Mohana, gagawin ko 'to para sa sarili ko at para sa mga taong nagmamahal sa akin."
Kitang-kita niya ang paglaglag ng mga butil ng luha sa mga mata nito. Pilit itong ngumiti sa kanya sa kabila ng mga luhang patuloy na dumadaloy mula sa mga mata nito. Hindi niya madalas makitang umiyak si Kevin. Madalas nitong tinatago ang totoong nararamdaman sa ibang tao.
Humugot siya nang malalim na hininga para mabawasan ang bigat na nararamdaman niya sa loob. Naninikip ang dibdib niya. Ramdam niya ang pagbabadya ng mga luha sa mga mata niya pero pinipigilan niya. Magiging malakas siya para kay Kevin.
"I felt that." Nagawa pa nitong matawa.
"Kevin, nandito lang ako para sa'yo. Ibibigay ko sa'yo ang ilang araw na gusto mo. Magiging masaya tayo. Hindi ko ipapaalala sa'yo ang sakit mo. Basta, pagkatapos nito, ipapangako mo sa akin na lalaban ka."
"Mohana?"
"Kevin, ipangako mo sa akin 'yon."
May ngiting tumango ito. Hindi niya napigilan ang sariling ngiti. Panghahawakan niya ang pangakong 'yon ni Kevin. Inilahad niya ang isang kamay rito.
"Okay, Kevin, simula ngayon, ako na ang happiness doctor mo."
Tinanggap nito ang pakikipagkamay niya.
"Nice to meet you, Dr. Mohana."
KINAGABIHAN ay nasa sala sila para ilista ang mga bagay na gusto nilang gawin sa mga natitira pang araw bago sila bumalik ng Maynila. Kanina pa niya kinakain ang mga sliced fruits na inihanda ni Kevin kanina, snacks daw nila.
Na siya lang din ang umuubos, so snacks niya lang.
"Ano na? Madami ka na bang naisip na gagawin?" Sinubukang niyang silipin ang notebook nito. Pero mabilis na tinago nito 'yon sa kanya. "Daya! Malalaman ko rin naman 'yan e."
"Surprise nga muna. Ikaw, masyado kang hype diyan."
"Paghahandaan naman kasi natin 'yan."
Sumubo ulit siya ng sliced apple.
"Hindi naman 'to extreme activities na kailangan ng practice. Syempre, ayoko rin namang mapagod." Ibinaling niya ang mukha kay Kevin. "Ka," dagdag pa nito.
"Ay sus, dumiga ka pa riyan."
"Hindi ka ba kinilig?"
"Mas kinikilig pa ako noong 'di mo ako pinapansin." Mayamaya pa ay bigla na lang itong natahimik. "Hoy! Grabe 'to. Ang dali mong kausap ah."
Tumawa ito. "Mohana, ano ba nagustuhan mo sa akin?"
"Obvious ba? Mayaman ka. Gwapo. Giginhawa ang buhay ko sa'yo." Tinaasan lang siya nito ng isang kilay. Natawa siya. "Joke lang, ano ka ba. 'Di ko alam. Sa kwento kasi ni Gail, parang ang bait-bait mo. Saka nakita ko kung gaano mo kamahal si Gail at sinuportahan mo rin ang desisyon niya na balikan si Hanzel. Doon ko nasabi sa sarili ko, sana may magmahal sa akin nang ganoon. Kasi willing naman akong saluhin ka noon e. Malakas ang mga braso ko para sa'yo."
"Why would you want a broken man to love?"
"Kasi ako ang bubuo ulit sa kanya," may ngising sagot niya. Minsan talaga, ang confidence level niya ay abot hanggang Mars. Pero mas madalas 'yon kaysa minsan.
"Baliw ka talaga," tawa pa nito. "Dami mong kalokohan sa buhay."
"Oy, pero sa totoo lang, sa tuwing in-i-stalk kita noong dito ka pa sa Cebu na assign, 'yong kahit pagod na pagod ka na at hindi man lang nakabawas sa kagwapohan mo ang eye bags mo, mas lalo kitang nagugustuhan. Nakikita ko kasi ang pagmamahal at dedikasyon mo sa trabaho mo. Tapos may mga charity work ka pang ginagawa."
"It's my job."
"Para sa akin, sobra pa siya sa trabaho lang. Naalala mo noong nagkasakit ang isa sa mga apo ni Manang Sol? Hindi ko alam ikaw pala ang doktor ng apo niya. Nang bisitahin ko si Nang Sol ang saya-saya niya kasi raw, libre na raw lahat pati gamot. Kaya nagtanong ako sa isa sa mga nurse kung sino ang doktor ni Luis para sana personal kong pasalamatan, ibinigay nila pangalan mo, pero nakaalis ka na raw para sa isang medical seminar sa Thailand."
Napakamot ito sa noo. "Natatandaan ko si Manang Sol pero mukhang matagal na 'yon."
"See? Hindi mo na matandaan sa sobrang dami nang mga tinulungan mo. Kaya, ikaw, huwag kang mawalan ng pag-asa. Kasi, 'yong dami ng tulong na ginawa mo sa ibang tao, ay katumbas ng doble-dobleng dasal at pasasalamat para sa'yo."
Napangiti ito.
"Why do you always give me a premature ventricular contractions?"
"Dami mo na namang sakit Dr. Kevin de Luca."
Malakas na tinawanan lang siya nito.
"Kevin, curious lang."
"Ano?"
"Kung isa akong organ or vein sa katawan, ano ako? Maliban sa taba of course."
"Lipids."
"Ay talaga? Ano 'yan?"
"Taba," tawang-tawang sagot nito. Napalo niya ito sa balikat. "Aw! Nanakit? Nanakit?"
"Maliban nga sa taba. Bwesit ka naman e. 'Yong may pakinabang naman."
"May pakinabang din naman ang taba ah." Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Okay fine, let me think." Ilang segundo itong nag-isip bago ulit nagsalita. "You're a coronary artery."
"Ano 'yon?"
"It's an artery that supplies blood in the heart."
"Ah." Tumango-tango siya. "At least hindi taba."
"You're my coronary artery, because you are wrapped around here." Inilapat nito ang isang palad sa may puso nito. "In my heart."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro