Kabanata 6
YUMUKO si Mohana para silipin ang laman ng ref. Alas dose na yata ng madaling araw. Nagugutom siya. Hindi siya makatulog kaya inabutan na tuloy ulit siya ng kalam ng sikmura.
"Puro gulay naman laman," mahinang reklamo niya. Kumuha siya ng bottled orange juice at binuksan 'yon. "Wala man lang chocolate o 'di kaya junk foods. Mag-sa-sandwich na nga lang ak –" Natigilan naman siya nang maramdaman niyang may mga matang nakatingin sa kanya mula sa likod. Bahagya niyang ibinaling ang mukha sa kaliwa niya.
Nagsimula siyang kilabutan nang marinig ang mahihinang yabag sa may kanan niya. Madilim sa buong paligid at malayo pa naman sa s'yudad ang bahay. Puro puno at bundok lang ang nasa paligid ng bahay. Mahina niyang isinirado ang ref at tumayo nang hindi nililingon ang nasa likod niya.
Napalunok siya nang maramdaman niya ulit ang paglipat-lipat ng kung sino sa likod niya. Malakas na malakas na ang kabog ng dibdib niya. Ka atay ba ani! Mababaliw yata siya kapag may nakita siya. Bukas na bukas ay mag-aalsabalutan siya.
"Mohana..." pabulong na tawag sa pangalan niya.
Tang na juice! Ayaw niya nang ganitong biro. Gusto niya lang naman mag-midnight snacks.
"S-Sino 'yan?" tanong niya nang hindi pa rin lumilingon sa likod.
"Mohana..."
"Huwag mo akong tawagin, 'di tayo close!"
"Mohana..."
"Sabing –" Impit siyang napasigaw nang paglingon niya ay bumungad sa kanya ang nakakatakot na mukha ng isang lalaki. Pero napamura naman siya nang malakas nang mapansing si Kevin lang pala 'yon. May hawak itong flashlight na nakatapat ang ilaw sa mukha nito. Malaki ang ngisi nito. "Langya! Papatayin mo ba ako sa takot?"
Malutong na tumawa ito. "You should have seen your face!"
"Bwesit ka!" Lumapit siya rito at inagaw mula rito ang flashlight. Binatukan niya ito sa ulo. "Walangya ka talaga kahit kailan."
"Aw, aw," daing nito sabay hawak sa nakasaktang ulo. Bigla naman siyang inatake ng pag-aalala nang makita ang nahihirapan nitong mukha. "Mohana..."
"Kevin, okay ka lang?" Hinawakan niya ang mukha nito. "Sorry, may masakit ba sa'yo?"
"Mohana." Hinuli nito ang mga mata niya. "Ba't ba lagi ka na lang nagugutom?"
"Kevin naman e!" Marahas na binitiwan niya ito. "Huwag mo nga akong binibiro. Alam mo namang madali akong ma-fall." Naiinis siya. Akala pa naman niya, kung na paano na ito.
Tinawanan lamang siya nito. "Sorry na." Ginulo nito ang buhok niya. "Ba't kasi 'di ka nagpapa-ilaw? Akala ko kung sino na ang nakapasok sa bahay."
"Ewan ko sa'yo!"
"Gutom ka ba?"
"Hindi na!"
"Sinungaling, ikaw? Sus, mas active pa 'yang gutom mo kasya sa metabolism mo."
Napamaang siya. "Wow naman! Hiyang-hiya naman ako sa ganda ng katawan mo. Makikita mo, papayat rin ako. Kapag pumayat na ako, who you ka na sa akin."
"Kailan kaya 'yon mangyayari?"
"Ay – grabe siya oh!" Sarap sapatusin ng 'sang to!
"Turn on the lights, ipagluluto kita."
ENJOY na enjoy si Mohana sa chicken wings na niluto ni Kevin para sa kanya. Tinimplahan pa siya nito ng isang baso ng fresh orange juice. Hindi na siya nag-request ng rice. Diet siya e. 'Di lang halata. Chos!
"Salamat dito ah. Nag-abala ka pa."
"Nakakahiya naman sa tiyan mo."
"Ano bang plano mo sa buhay?" pag-iiba niya. "Ilang araw tayo rito? Saka kailan ang operasyon mo? Ayokong mamatay ka. Hindi mo ako pwedeng iwan dahil ayokong tumandang dalaga."
"Madami pa namang lalaki sa mundo."
"Madami nga pero wala namang naging akin." Napanguso siya. "Sa sobrang dami nila, wala man lang nagkagusto sa akin. Ikaw, isa ka na sa kanila."
"But why aren't you giving up on me then?"
"Kasi ayoko nang maghanap ng iba."
"'Yon lang? Dahil tinatamad ka nang maghanap ng lalaki?"
"Kapag ba sinabi ko sa'yo ang totoo, may magbabago ba?"
"May pinaghuhugutan tayo ah."
"Gusto nga kita, hayaan mo na ako. Magpagaling ka. Kapag okay ka na, papalayain na kita." Ouch! Medyo masakit din. "Saka ako maghahanap ng ibang lalaki." Inangat niya ang mukha rito. Nakatitig lang ito sa kanya. "Bakit?"
"Familiar with Jowa Challenge?"
Kumunot ang noo niya. Ba't alam ng 'sang 'to ang mga ganoong bagay?
"Oo, bakit?"
"Game ka?"
"Game sa ano?"
"Mag-jowa challenge tayo ng dalawang linggo." Inihit siya ng ubo. Langya! Seryoso ba 'tong si Kevin? "Pero bawal ma fall."
"Anong trip 'yan?"
Fall na nga ako. Bawal pang ma fall? 'Di double kill ako.
"The last woman I loved is now happily married. Gusto ko namang maramdaman 'yong ako naman ang pinipili at minamahal."
Tukoy nito sa kababata nito na si Grethel Gail na naging kaibigan niya rin. Actually, through Gail, nagkakilala sila ni Kevin. Doon nagsimula ang pagsintang may matinding pagnanasa niya rito. Naks!
"Parang linya ko yata 'yan e."
Natawa ito sa kanya. "Suggestion lang naman."
"Ikaw nanti-trip ka e. Alam mo na ngang marupok ako pagdating sa'yo."
"Ayaw mo talaga maging tayo?"
"Huwag mo akong binibiro, madali akong ma-fall talaga."
Lumakas lang tawa ni Kevin sa kanya. "Buti na lang seryoso akong tao."
"Hindi halata." Paasa!
"IKAW ang nagluto nito?" halos hindi makapaniwalang tanong ni Kevin kay Mohana.
"Oo, ako ang nagluto," proud niyang sagot. Suot pa nga niya ang apron.
"Busog pa pala ako." Akmang tatayo si Kevin nang mabilis na mahawakan niya ito sa magkabilang balikat. Pilit niya itong pinaupo ulit. Kaloka, ha? Gumising pa naman siya nang maaga para maipagluto ito. You do note my effort!
"Kevin, pwede ba, tikman mo muna ang luto ko. Nagpatulong ako kay Nay Migring nito ah. Napaka-judgmental mong tao ah."
"Kung hindi lang kita kilala Mohana, mas may chance na kakainin ko ang mga handa mong 'to."
"Masarap kasi 'yan. Tikman mo lang."
"Fine," suko nito. Tinikman nito ang tinolang isda na niluto niya. Hinintay niya ang magiging reaksyon ni Kevin sa niluto niya. Hindi niya masabi kung nasarapan ba ito o hindi. "Alam kong may sakit ako at masama ang msg sa katawan pero bakit ang tabang?" Hindi maipinta ang mukha nito.
"Matabang ba masyado?" Mabilis na inabot niya ng kutsara at tinikman ang luto niya. Napangiwi siya. "Matabang nga."
"Hayaan muna inday," singit ni Nay Migring. "Gagawan ko na lamang ng paraan." Kinuha ulit nito ang mangkok ng tinolang isda. "Mabilis lang 'to." Saka sila nito iniwan at dumiretso sa kusina.
Pabagsak na naupo siya sa katabing silya ni Kevin. "Sabi ko na nga ba, dapat dinagdagan ko ng asin e." Naipitik niya ang dalawang daliri.
"Ba't tinipid mo?"
"E akala ko kasi, okay na?"
"Akala mo lang 'yon."
"At least, 'di ba, nag-effort ako, buhis buhay kaya 'yong ginawa ko."
"There is always first in everything, matutoto ka rin."
"Sa susunod masarap na ang luto ko."
"Masarap ka naman talaga."
Parang may mali sa sagot ni Kevin. Akala niya ay siya lang ang nakapuna pero nang matigilan din ito ay mukhang napansin rin nito ang mali sa sinabi nito.
Pigil niya ang mapangiti. "Ano? Masarap ako?" tudyo niya.
"I mean, masarap naman talaga," mabilis na pagtatama nito. "That's what I'm trying to say. Kahit na medyo blunt ang taste, may lasa pa rin naman."
"Ahh, okay." Pero nanghahaba na ang nguso niya sa pagpipigil ng ngiti. "Akala ko kasi, pinagnanasaan mo na ako." Bahagya niyang ibinaba pa ang off shoulder blouse niyang suot.
"Nag-aalala ako.
"Bakit?"
"Nawawala ang collar bone mo."
"Bwesit!"
Malakas na tiwanan lang siya ng walangya. Dios ko! Ba't ko ba mahal ang 'sang 'to? Ni walang ka amor-amor sa akin.
"Gusto mo hanapin ko para sa'yo?" dagdag na tanong pa nito.
"Isa pang hirit Kevin, pipikutin na kita."
"AW!" Umawang ang bibig ni Mohana sa hapdi nang masugatan ang isang daliri niya ng kutsilyo. Mabilis na binitiwan niya ang hawak at tinapat ang sugat sa dutsa ng gripo para linisin ang sugat. Lalo lamang siyang napangiwi nang maramdaman ang tubig sa balat.
"Let me check." Nagulat siya sa biglang pagdating ni Kevin. Mabilis na hinawakan nito ang nasaktang daliri at sinipit 'yon. "Tsk, mukhang malalim ang sugat, halika." Maingat na iginiya siya nito sa sala at pinaupo sa sofa. "I'll get the first aid kit. Wait for me here."
"Hindi naman siguro kailangang taihin 'to, 'di ba?"
Natawa lang ito. "Depende."
Namutla siya at napalunok sa kaba. Dios ko, tatahiin niya ng walang anesthesia? Kaloka! Baka mamatay ako on the spot. Wala ba siyang healing power? My gosh!
Mabilis na nakabalik si Kevin dala ang first aid kit. Naupo ito sa tabi niya at seryosong-seryoso na ginamot ang nasugatang daliri niya.
"You've been in the kitchen whole day, ano bang ginagawa mo roon?"
"Nag-da-dance lesson," pabalang na sagot niya. "Malamang, nag-pa-practice magluto. Kabahan ka kung nandito nagpapa-audition ang Star Hunt."
Tawang-tawa si Kevin sa sinabi niya. "Alam ko rin na mag-a-audition ka."
"Aba'y malay mo, 'di ba? Ma-discover ako. Makaka love team ko na si Joseph Marco. O 'di kaya si James Reid, Papa P, Coco Martin, saka si Richard Gutz - aww!" She glared at him. "Ano ba? May galit ka ba? May sugat na nga e."
"Dami mo na namang lalaki."
"Selos ka?"
"Done." Binitiwan na nito ang kamay niya at ibinalik na ang mga gamit sa first aid kit. "Sa susunod mag-iingat ka para 'di ka masaktan."
"Kahit naman mag-ingat ako, masasaktan pa rin ako. Hindi ko naman kasi sinasadyang masaktan ako, 'di ba?"
"Para sa akin ba 'yan?"
"Hindi ko naman sinasabing para sa'yo pero kung natatamaan ka, 'di ko na kasalanan 'yon."
"Do you really like me that much?"
"Pangit ba ako?"
"Hindi."
"Then why?" eksaheradong tanong niya.
Tinawanan lang siya nito. "Sa kakapanood mo 'yan ng drama."
"Kevin, ano ba tingin mo sa akin? Clown? Best friend? Kapatid? Kapamilya? Kapuso?"
"More than that."
"Wala naman 'yan sa choice ah."
"Because it's more than that." Tumaas ang isang kamay nito sa ulo niya at masuyong hinaplos ang buhok niya. "It has always been more than what you think of Mohana."
KEVIN took a couple of deep breaths as he tried to calm himself. Naramdaman niya ang unti-unting pagsakit ng ulo niya. Napailing-iling siya nang bahagyang dumilim ang paningin niya. Nag-e-echo sa pandinig niya ang sunod-sunod na pag-ri-ring ng cell phone niya.
Napaupo siya sa kama at pikit ang mga matang kinapa at inabot niya ang cell phone sa bedside table. Muli niyang iminulat ang mga mata nang mahawakan ang cell phone. Peter has been trying to get in touch with his number pero 'di pa niya ito sinasagot.
Binasa niya ang message nito.
Where the hell did you take Mohana? - Peter
Marahas siyang napabuntonghininga nang maramdaman niya ang pagguhit ng sakit sa sentido niya. Dumiin ang palad niya sa noo niya. It's okay, Kevin. You'll be fine. Nanginginig ang mga kamay na binuksan niya ang drawer sa mesita para kunin ang mga gamot niya.
"Kevin?"
Natigilan siya nang marinig ang boses ni Mohana mula sa labas ng silid niya. He noticed his door was half-opened. Hindi niya pala nasarado 'yon nang pumasok siya.
"Kevin nandiyan ka ba sa loob?"
Ibinalik niya ang mga gamot sa drawer at isinarado 'yon.
"I'm inside, why?"
Bumukas nang malaki ang pinto at sumilip ang nakangiting mukha ni Mohana. He was speechless for a moment. She was really beautiful even in the dim light... lalong lalo na kapag nakangiti.
Ramdam niya pa rin ang panaka-nakang pitik ng sakit ng ulo niya pero nang makita niya ang masayang mukha ni Mohana tila ba nabawasan ang sakit na nararamdaman niya nang mga oras na 'yon.
"Ang dilim naman ng kwarto mo. Magpa-ilaw ka naman. Nakaka-depressed."
Tanging lamp shade lang ang ilaw ng silid niya. Napansin niya agad ang kamay nito sa switch ng ilaw.
"On natin –"
"No!" pigil niya sa bahagyang malakas na boses.
"Huh?"
"Don't open the lights Mohana, please."
"Bakit?" May pagtataka sa boses nito.
"Masakit sa mata."
Bumalik ang paghihirap sa boses niya na kanina pa niya sinusubukang pasiglahin.
"Okay ka lang ba?" Napalitan ng pag-alala ang tono ng boses nito. "May masakit ba sa'yo?" Naglakad ito palapit sa kanya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman nang mga oras na 'yon. Ayaw niyang makita siya nito sa ganoong ayos. "Kevin?"
"I-I'm fine..." Pilit siyang ngumiti. "I will be fine."
Mas lalong luminaw ang mukha nito sa paningin niya nang makalapit ito sa kanya. Naupo ito sa gilid ng kama. She look so sad. He doesn't want to see her worried face because of him. Gusto niyang nakangiti lang ito lagi.
"Hindi ka okay," malungkot na sabi nito.
"I'm fine. Masakit lang ang ulo ko."
"Uminom ka na ba ng gamot?"
"Iinom pa lang."
"Uminom ka na, na saan na?"
"It's in my drawer."
"Kukuha ako ng tubig." Iniwan siya nito saglit, pagbalik nito ay may dala na itong isang basong tubig. Kinuha niya ang mga gamot niya sa drawer at isa-isa 'yong ininom. "Kailan pa ba ang operasyon mo?" Inabot nito ang baso ng tubig sa kanya.
"After two weeks," sagot niya pagkatapos mainom ang mga gamot. Inilapag niya ang baso sa mesita.
"Hindi ba maganda kung sa ospital ka na lang para mamonitor ang kalagayan mo? Nag-aalala ako sa'y –"
"Mohana, I'm a doctor. Alam ko kung ano ang tama at mali para sa akin."
"Kahit na –"
"I just want to live normal," he paused. "At least, even for a couple of days. Pwede ba nating gawin 'yon? Pwede ko bang isipin na wala akong sakit? Na walang tumutubong tumor sa utak ko?"
"Kevin..."
"Masaya ako kapag kasama kita. Nawawala ang problema ko kapag naririnig ko ang masaya mong tawa. They say, that the most effective cure in this world is happiness. And I'm with that happiness right now."
He reach for her hand and give it a little squeeze. He then give her a smile. Umangat ang libre niyang kamay para punasan ang ilang butil ng luha na kumawala sa mga mata nito.
"I've never been honest with you. I cannot assure you a perfect life with me, but if you ever get tired. I will let you go. But for now, huwag mo muna akong iwan Mohana."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro