Kabanata 5
NANG magising si Mohana kanina ay wala na si Kevin sa silid. Hinanap niya agad ito sa buong ospital. Natagpuan niya ito na mag-isang nakaupo sa loob ng chapel. Nasa imahe ng Dios ang buong atensyon nito.
Tahimik na naupo siya sa tabi nito.
Iniisip niya kung anong nararamdaman ni Kevin ngayon. Takot ba? Kalungkutan? O pareho? Hindi siya sanay na tahimik ito at may malalim na iniisip. Nalulungkot siya nang sobra. Bakit si Kevin pa? Bakit ito pa ang dinapuan ng sakit na 'yon?
Naglapat ang mga labi niya sa pagpipigil ng mga mumunting luhang pilit kumakawala sa kanyang mga mata. Huwag Mohana, dapat 'di mo ipakita sa kanya na malungkot ka. Lihim siyang humugot nang malalim na hininga.
"Mohana." Naibaling nito ang tingin sa kanya.
"Hmm?"
"Will you run away with me?"
Nagulat siya sa biglang tanong nito. "P-Paano na ang –"
"Let me take care of that," may ngiting sagot niya. "Samahan mo muna ako, okay lang ba?"
May ngiting tumango siya.
"Sige, kahit saan pa 'yan. Sasamahan kita."
"WOW!" Manghang-mangha na nailibot ni Mohana ang tingin sa buong paligid pagkalabas na pagkalabas niya ng sasakyan. Bumungad sa kanya ang luntiang tanawin ng mga bundok at makukulay na mga bulaklak. Yumakap agad sa kanya ang sariwa at malamig na hangin.
Parang wala sila sa Cebu. Akala niya naman kung saan siya itatanan ni Kevin - este, kung saan sila pupunta. Babalik din pala sila ng Cebu. Mamumundok nga lang. Nasa Balamban sila, basa n'ya roon sa welcome arch signage kanina. Malamig na ang lugar na 'yon, parang Baguio.
"Kaninong lupain 'to?" Nilingon niya ito.
"Mine."
Nanlaki ang mga mata niya. "Bukod sa beach resort n'yo sa Santa Fe, sa inyo rin 'to?"
"Mine," ulit nito. Sorry naman! "C'mon, pumasok na tayo." Kinuha nito ang iba pa nilang gamit at naunang maglakad sa direksyon ng malaking bahay.
Ang ganda ng desinyo ng bahay. Naalala niya ang na-i-save niyang picture ng dream house niya sa cell phone dati. Ganun na ganun ang desinyo. Parang isang modern cabin house at madaming glass panel wall at bintana. Para kita ang magandang view sa umaga.
Sumunod siya kay Kevin.
"Kevin, 'to 'yong dream house ko."
"Ganoon ba? Inggit ka ba?"
Napasimangot siya. "Daya! Mas madami ka kasing pera sa'kin. Nakaka-bwesit."
Pinagbuksan siya nito ng pinto. "Feel at home."
KANINA pa paikut-ikot sa bahay si Mohana. Akala niya noong una wala nang second floor ang bahay. 'Yon pala, nasa second floor na sila at may hagdan pa pababa ng living room. May backyard ang Lolo Kevin natin. May swimming pool pa.
"Walang magbabago sa nakikita mo Mohana kahit na matulog ka pa." Humarang ito sa harap niya. "Kumain na muna tayo."
"Nagluto ka na?"
"Malamang, kasi 'di ka marunong, 'di ba?"
Bumungis-ngis siya. "Mag-aaral ako para sa'yo."
"Huwag na, susunugin mo lang ang kusina." Tinalikuran na siya nito at naunang maglakad sa direksyon ng dining area. "Sumunod ka na sa'kin."
Patakbong sinundan niya ito. "Kevin, tanong lang, kailan pa 'tong bahay mo?"
"Kakatapos lang nito three months ago."
"Bakit? Ang layo nito sa mga ospital ah?" Naupo siya sa isa sa mga silya. Hindi nagluto si Kevin dahil nag-take-out sila ng pagkain kanina sa isang restaurant.
"Can't I choose where to camp?" Akmang kukuha na siya ng pagkain ng tampalin nito ang kamay niya. "Maghugas ka muna ng kamay. Ilang beses mong hinaplos ang sahig at mga bintana kanina."
"Okay!" Mabilis na naghugas siya at bumalik agad. "May maid ka ba rito?"
"Wala, kaya nga dinala kita rito."
Napamaang siya. "Wow, ha?! Benta sa'kin 'yong linya mong, will your runaway with me, tapos gusto mo lang pala akong i-hire bilang maid."
"Kumain ka na." Nilagyan nito ng kanin at pansit ang plato niya. "Saka ka na dumaldal. Bumubola na naman 'yang bibig mo."
"May papansit tayo, birthday ko ba?"
"Pampahaba 'yan ng buhay."
"Sa'yo na lahat ng pansit, kailangan mong mabuhay nang matagal dahil hindi kakayanin ng aking heart na mawala ka." Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Kevin. "Papanagutan mo pa ako. Kaya 'di ka pwedeng mamatay."
Natawa ito sa reaksyon niya. "Preventricular contraction,"
Kumunot ang noo niya. "Huh?"
"Nothing," iling nito.
"Kevin, ha? Ginagamitan mo na naman ako ng mga ganyan mo. Alam mo kasing 'di kita maiintindihan."
"Loser."
"Maiintindihan din kita!"
"Can't wait for that day."
"Tsk!"
PAGBABA ni Kevin ay naabutan niyang nakatulugan ni Mohana ang panonood ng tv. Napagod yata ito sa buong araw nitong pag-ocular at pagkukulit. Naupo siya sa tabi nito at may ngiting tinitigan ang mahimbing na natutulog na anyo nito.
He tucked a couple of loose strands of hair away from her face.
"It's double the size of what we saw in the first MRI, mabilis lumaki ang tumor na nasa gitna ng frontal lobe, motor cortex at temporal lobe. Benign naman ang tumor na nasa parietal lobe at occipital lobe at 'di naman nagbago ang size ng tumor gaya noong unang MRI scan na ginawa natin."
"How long do I have?"
"We have to do the operation as soon as possible Kevin."
"Will I be okay if I delay the operation for 2 weeks?"
"Bakit?"
"I just have to."
He might have a problem remembering things starting today. He might experience more mood swings and may easily get frustrated with just a simple thing. Get severe headaches and blurred vision, but he wanted to treasure the days where he can still see clearly her beautiful smile and spend more time with her without thinking too much about what lies ahead of him.
He wanted to forget everything and just be genuinely happy with her even for just a little while.
He wanted to be normal.
He wanted to be strong even if he's already weak inside.
Masuyong hinaplos niya ang mukha nito.
Let me become your knight in shining armor while I still can.
NAALIMPUNGATAN na nagising si Mohana. Naikusot niya ang mga kamay sa mga mata. Natigilan siya nang makitang mahimbing na natutulog si Kevin sa tabi niya. Nakahalukipkip ang mga braso nito sa itaas ng dibdib nito at mukhang kanina pa mahimbing ang tulog.
Malungkot na ngumiti siya habang pinagmamasdan ang payapang mukha nito. Tila ba wala itong iniinda na sakit. Lagi itong malakas sa harap sa ibang tao. Laging nakangiti at madalas na brutal pero hindi lamang 'yon ang mga rason kung bakit minahal niya ito nang sobra.
Madalas nitong sabihin sa kanya dati na mahina ito at hindi nito kayang ipaglaban ang sarili. Nang makilala nito sila Rave at Mykael, ang dalawang 'yon ang naging tagapagtanggol ni Kevin noong binu-bully siya sa pagiging mahina nito.
Malaki ang pinagbago nito simula nang makilala ang mga kaibigan nito. Malayong-malayo sa Kevin kapag nag-iisa na lamang ito.
Naalala niya noong maabutan niya itong umiiyak sa garden ng isang pampublikong ospital. Kasama niya ito noong araw na 'yon nang magka-emergency sa ospital. Walang available na heart doctor nang gabing 'yon at kinailangan pang tawagan. Nang dumating ang doktor, hindi na kinaya ng bata kahit na ilang beses na ni-revive ito ni Kevin.
Nang gabing 'yon, una niyang nakita ang matinding pag-iyak ng isang Dr. Kevin de Luca. Para itong bata na iyak nang iyak dahil hindi nito magawang iligtas ang batang lalaki. Kaya siguro, 'yon ang dahilan kung bakit gusto nitong maging heart surgeon para makabawi sa batang 'yon.
Hindi man kasing tapang ni Peter si Kevin physically, at madalas man itong panghinaan ng loob, pero ang laki ng puso nito sa pagtulong sa ibang tao ang nagpapalakas dito.
Marahas na pinalis niya ang mga luhang umalpas sa mga mata niya. Ramdam na ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya at pananakit ng lalamunan niya sa pagpipigil ng hikbi. Hindi niya ipapakita rito na malungkot siya. Lalabanan niya ang takot at kalungkutan para rito. Gusto niyang maging masaya ito hanggang sa makalimutan nito ang sakit nito.
"Kaya mo 'to Mohana!"
"TAGAL mo namang gumising," bati sa kanya ni Kevin. Inaantok pa siya habang pababa ng hagdan. May kasama si Kevin sa sala. "Halika, ipapakila kita kina Tay Anselmo at Nay Migring."
"Magandang umaga, ma'am," bati ng dalawang matanda sa kanya nang makalapit siya kay Kevin. Bumaba ang tingin niya sa batang lalaki na kasama ng mga ito na sa tantiya niya ay nasa walong taong gulang na.
"Magandang umaga din ho sa inyo."
"Sila Tay Anselmo at Nay Migring ang caretaker ng bahay," simula ni Kevin. "Nasa malapit lang din ang bahay nila dito, so 'di sila stay in. Si Tay Anselmo ang nag-aalaga sa mga bulaklak sa hardin at si Nay Migring naman ang naglilinis sa bahay. Ito si Miguel." Turo nito sa batang lalaki. "Apo nila, kasama-kasama nila lagi."
"Mohana nga po pala. Huwag po kayong mahiya sa akin. Palamunin rin ho ako dito."
Natawa ang dalawang matanda sa kanya.
"Nakakatuwa naman itong nobya mo, dok," komento pa ni Tay Anselmo. Ay bet ko 'yan!
"Mukha lang 'yang nakakatuwa, tay." Oh my! 'di siya nag-correction.
"Anong gusto n'yong almusal?" tanong ni Nay Migring. "Ipaghahanda ko kayo para makakain na kayo."
"Kahit ano na lang po, kayo na bahala," may ngiting sagot ni Kevin. "Magaling lang naman 'tong kumain e." Napamaang siya nang ituro siya nito. "'Di naman marunong magluto." Double kill!
"Oy, marunong naman akong maglaba at maghugas ng plato."
"'Yon lang,"
Lalo siyang napamaang. "Kaloka ka! Ang dami ko kayang kayang gaw -" Bigla siya nitong pinihit mula sa mga balikat paharap sa hagdanan. "Magbihis ka. Samahan mo akong mag-jogging."
"'Di mo ba pwedeng gawin 'yon mag-isa?"
"Nakakabagot tumakbo mag-isa. Saka mas kailangan mo 'yon."
"Kevin!"
Malakas na tinawanan lang siya nito. "I'll wait for you outside."
"TAMA! Ayoko na, jus ko!" Hingal na hingal na siya. Tumigil siya at napahawak sa dalawang tuhod. Iniangat niya ang mukha kay Kevin na nasa unahan niya. Tumigil ito para lingunin siya. "Gutom na ako!"
"Hindi pa nga tayo nakakalayo."
"Huwag na tayong lumayo, please. Mauubusan na ako ng tubig sa katawan." Pawis na pawis na siya at naubos na rin niya ang dalang bottled water. "Huwag mo na akong parusahan Dok. 'Di na ako papayat."
Nilapitan siya nito at patalikod na iniluhod ang isang tuhod sa lupa. "Get on my back."
"Papasanin mo ako?"
"Hindi, ikaw ang papasan sa'kin."
"Ito naman, 'di na mabiro."
"Dali na!" Inabot nito ang mga braso niya at ikinuwit 'yon sa mga balikat nito. "I'll carry you."
"Mabigat ako ah. Pero sige, sabi mo e." Nagpakarga na siya. Napasigaw pa siya nang muntik mabuwal si Kevin dahil hindi agad nito na-i-balanse ang sarili nito. "Hoy Kevin, kaya mo ba? Ako yata ang magiging dahilan ng maaga mong kamatayan."
"Nadagdagan na naman ba ang timbang mo?" Nagsimula na itong maglakad. Mukha namang hindi ito nahihirapan. Sabagay, malaki at matangkad naman kasi itong tao. Mas mabigat pa nga ito sa kanya kahit na mataba siya.
"Hindi ko alam. Mortal enemy kami ng timbangan."
"Hindi kita pagbabawalang kumain. Basta, damihan mo ang healthy foods kaysa sa mga non-healthy foods. Kailangan mo pa ring alagaan ang sarili mo. Alam kong madaming doctor sa mundo pero mahalaga pa rin ang kalusugan."
"Tanggap mo ba na mataba ako? Na ganito ako?"
"Walang masama sa timbang mo. Ang ugali mo lang ang masama."
"Ay grabe siya, ang bait-bait ko kaya."
"Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo. Kung gusto mo naman, dapat dahil gusto mo at para sa sarili mo. Huwag mong baguhin ang sarili mo para lang i-please ang ibang tao. Maganda man o pangit, may masasabi at masasabi ang mga 'yon sa'yo."
"Salamat sa payo, doc."
Natawa ito. "May bayad 'to ah."
"Ilista mo na lang, alam mo namang, wala akong maimpabayad sa'yo ngayon. Ah! Tumatanggap ka ba ng feelings? Kasi ang dami ko niyan para sa'yo e. Baka ka ko, gusto mong i-redeem ang rewards mo sa puso ko. Nag-uumapaw na e."
"Hanggang kailan ba pwedeng i-redeem 'yan?"
"Anytime."
"Sige, pag-iisipan ko."
"Ang choosy mo talaga!"
"Masama bang pag-isipan ko muna bago ko kunin ang puso mo?"
"Ba't mo pa kasi pag-iisipan?"
"So you will always remember the day I took your heart."
Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng tili. Langya, Kevin! Hindi ko in-expect 'yan mula sa'yo. Pinapaasa mo na naman ako. Tang na juice, my heart!
"Did I made your heart drop?"
"Hindi ah!" chos!
"Tsk, too bad, I just diagnosed myself with pleural effusion because of you."
"Ano na naman ba 'yan? Juice ko! Virus ba tingin mo sa akin? Ang dami mo yatang sakit kapag kasama ako."
Tinawanan lang siya nito. "Good virus."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro